The Tour: Part I

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

Totoo nga ang sinabi ni Karina, hindi ko talaga siya mararamdaman ng ilang araw dahil busy siya sa filming habang ako naman ay nag ikot-ikot sa New York. Magigising kasi ako ng wala na siya sa tabi ko tapos matutulog ako nang wala pa siya sa bahay. I went to Central Park, Rockefeller Center, The Museum of Modern Art, Grand Central Terminal, and One World Trade Center. She told me not to go to certain places since she wants to be with me when I go there, such as 90 Bedford Street in Grove Street because that's where Friends' apartment is.


I guess, tama rin talaga yung desisyon ko na sumama kay Karina since I needed this. I need this alone time para makapag-isip sa mga nangyayari ngayon sa life ko. It’s a breather din talaga to go to an unfamiliar city na walang nakakakilala sa’yo. Hindi ka matatakot na baka masalubong mo yung mga taong iniiwasan mo and it’s unlikely rin na magkakitaan kayo. For me, honestly, ayaw ko kasi talagang makita si Jaemin. Everytime na nakikita ko siya, parang hindi ako makahinga. I feel like I’m suffocating.


Manila suffocates me.


Kapag tapos naman na ako mag ikot, umuuwi na ako sa bahay nila Karina para tumulong at makipagkwentuhan sa mga magulang nila. I even taught Tita how to make Sinigang na wala nang sabaw. At first, she was looking at me na parang nagsabi ako ng hindi kapani-paniwalang bagay but I told her to trust me and that’s what she did naman. When we finished, tuwang-tuwa siya nang matikman niya yung ginawa niya. Nasa rice na kasi yung lasa ng broth and may minced veggies na rin ng Sinigang then I fried the pork belly naman and top it on the rice.


Sobrang sarap daw. Ano ka ba, Tita? Ako lang ‘to.


At night naman, nauuna na talaga akong makatulog kay Karina kaya hindi ko din talaga siya nararamdaman kapag tumatabi siya sa akin. May pillow pa rin sa gitna namin so I guess hindi rin siya sanay na may katabi siya pero hinayaan niya nalang siguro dahil nandito ako sakanila. 


When we came back from Brooklyn Bridge, agad na rin naman kaming nagpahinga. Nauna na munang maligo si Karina habang ako naman ay nakipagchat pa kay Ate Taeyeon. Kinamusta niya lang naman ako and nagtatanong kung kailan ako uuwi. Turns out, lagi raw umiiyak si Kat dahil hinahanap-hanap kami ni Karina. 


I asked kung bakit tapos sinagot niya ako ng, “Eh kasi noong nag video call kami noong friend mo na si Giselle, katabi niya si Ning tapos nang makalapit si Summer, hinampas niya sa mukha si Ning habang masama yung tingin sakanya. Yun pala, kakatapos lang nila maglaro tapos hindi raw hinayaan ni Ning manalo yung anak ko.” 

 

Tawang-tawa ako nang sabihin sakin ni Ate ‘yon tapos saktong kakalabas lang ni Karina sa bathroom. Nakita ko pa siyang may towel na nakapulupot sa ulo while dressed in a red velvet bathrobe. She took the towel off her head and gave me a quick glance before rubbing it through her hair to dry it.


“Winter? Huy Winter!”


Naalis ang tingin ko kay Karina dahil narinig ko ang boses ng ate ko sa kabilang linya. 


“Sorry, ano ‘yon?”


“May kasama ka ba dyan? Natulala ka nalang bigla eh,” tanong ni Ate habang nilapit ang mukha sa camera na para bang may sinisilip siya.


“Ah, meron. Kasama ko sa kwarto si Karina,” sagot ko naman.


“Asan siya? Patingin!”


Napatingin naman ako kay Karina na nakangiti na habang nakikinig sa pag-uusap namin ng kapatid ko. Tinignan ko ulit ang suot niya bago tumingin sa phone ko.


“Ha? Eh, naka bathrobe lang si Karina, Ate. Next time nalang.”


“Hi, Ate Taeyeon!” bati ni Karina ng malakas, enough para marinig ni Ate sa kabilang linya. ”Magbibihis lang po ako and then we can talk na po,” dagdag pa niya.


“Ay naku… sa susunod nalang Karina. May gagawin na rin kasi ako pero I’ll make sure to call you guys tomorrow. Alagaan mo yang kapatid ko dyan ha?”


“Ate naman…” pagalit ko sakanya at sinamaan siya ng tingin. Narinig ko namang tumawa si Karina kaya napatingin ulit ako sakanya.


Okay, enough with the staring. Ang ikli talaga ng suot niyang bathrobe.


“Oo naman po. I’ll make sure to make her stay here worthwhile.”


Nang maibaba ko na ang tawag, kinuha ko na ang pajama ko na nakapatong sa kama saka pumasok sa banyo since magbibihis din talaga si Karina ng pantulog niya. Ayoko namang maabutan siya na magbihis sa harapan ko ‘no!


Siguro kalahating oras din akong nagbabad sa banyo kaya naman pagbalik ko sa kwarto, mahimbing na yung tulog niya. I was worried nga na baka basa pa yung hair niya pero narinig ko naman yung blower kanina kaya baka tuyo na yung buhok niya. Halata rin kasi na pagod talaga siya sa filming nila ngayon tapos sinamahan niya pa ako maglakad sa Brooklyn Bridge. Talagang makakatulog siya agad kaya naman hindi na ako gumamit ng blower para hindi na siya magising pa. Umupo nalang ako sa sahig at binuksan ang laptop ko to check on my emails.


Nakatulog ako around 1 a.m. that night. I was careful na hindi siya magising habang humihiga ako sa kama. She stirred a bit saka ibinaling ang katawan niya paharap sa akin nang makahiga ako. She drowsily opened her eyes and looked at me.


“You’re gonna sleep pa lang?”


“Hmm, sige na. Sleep ka na.”


She didn't respond and closed her eyes once more. She hugged the pillow between us and drifted to sleep.

 

 

 

 

 

 

Finally, Friday came. Medyo pagod pa ako dahil nag jogging ako sa Central Park kagabi with Ate Irene. Wala kasi siyang pasok last night so she decided to go to their Family’s house tapos doon na niya ako naabutan. Ang plano ko that night sana is to binge watch Tom Hanks’ movies pero bigla niya nalang akong inaya mag jogging. Siguro halos dalawang oras din kaming nagtatatakbo kaya sobrang pagod na pagod yung katawan ko. Marami rin kaming napag-usapan ni Ate Irene pero pansin ko sakanya na siya yung pinaka-tahimik sakanilang magkakapatid. Hindi kasi siya yung masyadong masalita tapos yung topic pa namin is about our businesses.


“You should come to my wedding.”


Gulat pa ako when she invited me habang nasa loob kami ng kotse niya kasi hindi ko naman in-expect na magiging invited ako kaya pumayag na rin ako kahit na ba next year pa yung kasal. Marami namang mangyayari sa isang taon, baka mas maging close pa ako sa family niya. We’ll never know.


After namin mag jogging, she drove me home sa bahay nila Tita saka umalis. Akala ko nga dito siya magpapalipas ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
i_voyx 0 points #1
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#2
Chapter 36: loveit
queenforsythe #3
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #4
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#5
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #6
Tooor
usetae09 #7
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#8
Chapter 74: miss ko na ‘to :((
mjeong #9
Chapter 22: hindi ko makita pic:(((
kaychaelangxd #10
Chapter 74: :(((