The Farm Part II

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

Maaga kaming gumising kinabukasan dahil literal na kinaladkad kami ni Karina and Giselle mag Yoga and meditate! Jusko naman, kung meditate lang naman gusto nilang gawin, sana pinatulog nalang nila ulit kami. Ang sarap sarap kaya ng tulog namin!


After doing those things, we had our breakfast sa Pesce tapos yung dalawang palong-palo, bumalik sa villa namin para kunin yung extra clothes nila to hit the gym. Shempre, inaya na naman kami pero mas mabilis pa sa alas kwatro yung best friend ko tumanggi. She’d rather walk around the place daw kaysa magpapawis.


Diba parehas lang ‘yon? 


Kaya heto kami ngayon, we’re sitting sa amphitheater with our mug of coffee at parehas na pinagmamasdan ang big lagoon. Sobrang calming lang sa lugar na ‘to. Iba’t-ibang klase ng huni ng ibon yung maririnig mo and maraming crickets din talaga. Para akong nasa probinsya dahil sa lamig ng simoy ng hangin and yung mga greenerys na pinapaligiran namin.


“Anong oras daw matatapos sila Gigi mag gym?” tanong ni Winter sabay nag sip sa kape niya.


“After an hour daw. Gusto raw nila pumunta sa The Secret Garden with a waterfall after mag gym then the rest of the day is baka mag swim nalang sa villa since hindi pa natin siya nagagamit,” sagot ko naman. Jusko, kung alam ko lang naman na puro water activities ‘yung gagawin namin dito, sana dinala ko yung mga pangmalakasan kong swimsuits.


“Ning…”


Napatingin ako kay Winter sa kaliwa ko na nakatingin na sa akin. Uh oh, ayoko ng ganitong tingin ni Winter. It’s either seryoso ang pag-uusapan namin or—


“Do you like Giselle?”


Bigla ko namang nalunok ang kape na nasa bunganga ko pa. Feeling ko pumasok sa maling butas yung kape dahil parang lumabas pa ata sa ilong ko yung iba. Grabe naman kasi si Winter, nangwawarshock!


“Parang tanga naman ‘yang tanong mo!”

 

“I’m serious, Ning. Do you like her?”


Napahinga ako ng malalim saka ibinaling ang tingin ko sa lagoon. Wala namang point na magsinungaling kay Winter but I have to say, napansin niya pa ‘yon? Akala ko dense ‘tong kaibigan ko eh. 


“Girl crush— more or less,” simpleng sagot ko. “It’s not that serious naman so don’t worry.” Dagdag ko saka tumingin kay Winter na worried na nakatingin sa akin.


“Bes, ang pangit mo. Wag ka ngang ano!” pang-aasar ko at marahan na itinulak siya papalayo sa akin.


“Sure ka? Hindi ka naman nasaktan na hindi ka niya gusto?”


I sighed defeatedly and shrugged my shoulders. “Disappointed lang na hindi tumalab kay OM yung ganda ko pero other than that, hindi naman. Bes, alam mo namang hindi ako mahilig sa lumpia.”


Winter finally chuckled at napainom ulit sa kape niya. “Touche.”


Naramdaman kong inakbayan niya ako and gently squeezed my right shoulder. “I’m always here for you, Ning. You know I’d literally help you mag bury ng body. Ikaw pa rin favorite person ko. Nasa number one spot ka pa rin,” she stated, making us both chuckle.


It’s a rare occasion kapag napag-uusapan namin ni Winter yung friendship namin but when we do, there’s this warm feeling that washes over me. Sobrang swerte ko dahil I found Winter. She’s literally my soul mate, my other half, and my person. Kahit naman nag-aaway kami palagi—- ika nga ni Luther Vandross, “I rather have bad times with you than good times with someone else.”


I rested my head sa nakapatong na kamay niya sa balikat ko and smiled. “I know kaya nga pumapayag na ako na hindi ka sumama sa akin lumipat ng bahay.”


Bigla siyang nanigas sa sinabi ko and looked at me incredelously. She knitted her eyebrows pero inirapan ko lang siya.


“What do you mean?”


Iniangat ko ang ulo ko and she removed her hand. I angled my body para harapin siya as I put down my mug on the ground.


“Win, I think it’s time for you to take care of someone else now. You have Karina na and I’ll be just fine. Shempre, pinag-isipan ko ‘to ng matagal but I realized na hindi dapat ikaw yung naga-adjust. Galing ka sa long-term relationship and now you’re building a whole new life with Karina kaya sa tingin ko, you should stay with her.”


“I-I know but…” she stammered at huminga ng malalim. “Are you gonna be okay? Paano ka kakain every day? Alam mong ayokong mag processed food ka masyado. Baka naman unhealty yung lagi mong kainin. For God’s sake, you don’t even know how to cook–”


“Winter…” This time, I scooted closer to her at ako na ang umakbay sakanya para mapatigil siya sa pagsasalita. “Trust me, we’ve been living together for a decade so kaya ko na sarili ko. Ako kaya mas nag-alaga sa’yo!”


“Eh, pero Ning!” Winter whined kaya natawa na ako. “Sure ka ba talaga? Pwede ka namang wag muna lumipat kasi. Tell Tita and Tito na masaya ka pa nam—”


“Tapos aabutan ko kayo sa bahay ni Karina na gumagawa ng himala? Hindi na!”


And just like that, nawala na naman yung moment namin ni Winter. Alam ko namang affected si Winter sa topic na lilipat ako but narealize ko last night na may ibang buhay din naman ang best friend ko and alam kong this time, Karina’s the one for her. Hindi naman ako mawawala sa buhay ni Winter. Jusko, lilipat lang naman ako ng tirahan. Oras na rin para wag kami maging dependent sa isa’t-isa. Besides, I’m gonna take the boards a few months from now. Gusto ko kapag naging Licenced Engineer na ako, may sariling bahay na ako na uuwian. And I’m at peace naman knowing na tinutupad ni Karina ang birthday wish ko: To make Winter happy.


But I’m not gonna lie, I’m gonna miss Winter. I’m gonna miss Gigi. Two weeks nalang… Hay, unti-unti nang nagbabago ang mga nasa paligid ko.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Naloloka kami ni Giselle sa mag jowa. Ramdam na ramdam ko yung pagiging single ko! Paano ba naman kasi, we decided na pumunta na sa The Secret Garden para mag swimming tapos shempre, automatic na kailangan namin mag picture habang si Lola a.k.a si Winter ay nanonood lang sa aming tatlo and then suddenly, tinawag siya ni Karina para daw mag picture sila sa harap ng waterfalls. Edi yung best friend ko, walang nagawa dahil girlfriend niya yung nag-utos. Tapos, etong si Karina, may binulong kay Winter, causing her cheeks to redden!


“Ning, we’re ready,” sambit ni Karina. I positioned the film camera na at nagsimulang magbilang. 


“Game, one!” Medyo nilakasan ko ang boses ko dahil ang ingay ng bagsak ng tubig from the waterfalls. 


“Two!” When I looked at the view finder, napansin kong humarap at lumapit na sila sa isa’t-isa. Karina gave Winter a reassuring smile. Tumango naman si Winter at ngumiti pabalik. 


“Three!” 


And just like that, Karina wrapped her arms around Winter’s neck and captured her lips as Winter wrapped her arms around Karina’s waist. Napangiti na ako sa nakita ko and dali-daling pinicturan silang dalawa. Tumili pa nga ng pagkalakas-lakas si Giselle dahil ata sa gulat at kilig!


“Grabe naman kayo! Inggit na inggit na ‘yung tao dito! Tama na paghahalikan!” suway ko nang matapos kong kuhanan sila ng photo pero hindi pa rin sila naghihiwalay. Noong narinig nila itong dalawa, natatawa silang naghiwalay at tumingin sa amin. Karina looked so proud habang nahihiya naman si Winter.


“God, when?!” Gigi whined causing the four of us to laugh. Napatingin ulit ako sa magjowa at masayang pinagmasdan silang dalawa. It’s like they are in their own world dahil sa mga ngiti nilang dalawa tuwing nagkakatinginan sila. Ramdam na ramdam ko yung love nila para sa isa’t-isa and I’m happy that I get to witness all of these. They deserve each other.


Hay, sana talaga sila na hanggang dulo. Bagay na bagay talaga silang dalawa. Parehas silang baliw para sa isa’t-isa.

 

 

 

 

 

 

WINTER

 

 

 

 

“Anong oras check-out natin tomorrow?” Tanong ko kay Giselle na nakaupo sa kama nila habang nakapatong ang laptop sa unan. Sumunod lang ako sakanya matapos kong magbanlaw dahil naumay na ako sa tubig kaya sinamahan ko na siya dito sa room. May need lang daw siyang need i-check na email regarding sa bahay na lilipatan niya. ‘Yung dalawa naman ay busy pa magtampisaw sa pool kasama si Tabi dito sa villa namin. 


“12 PM pa naman, Win. Do you want to drink tonight?” 


I shrugged, “Okay lang kahit ano pero sabi ni Karina may pupuntahan daw kami tonight eh. I don't know kung saan but I think mabilis lang naman ‘yon.”


Gigi turned her head to face me and let out a giggle. “Oh, I think I have an idea kung saan kayo pupunta.


It made me furrow my eyebrows. “Saan?”


Gigi chuckled and instead of answering, she just shrugged as she returned her attention back to her laptop. Napatingin tuloy ako kay Karina na parang— wait, nilulunod ba niya si Ning?!


Nagulat pa si Giselle dahil sa sobrang lakas na sigaw ni Ning habang naghaharutan silang dalawa ni Karina sa pool. Napatawa na kaming dalawa ni Giselle nang sunod-sunod na mura na ang sinisigaw ni Ning. 


“Karina, tama na! Hindi kita kaya bakit ang lakas mo!”


“Direk, please! May sama ng loob ka ba sa aki–ugh– Karina, malulunod na ako!”


“Punyeta ka!”

 

 

“Karina’s very fond of Ning talaga no?” 


Napalingon ako kay Giselle na nakangiti pa rin na tinitignan ang dalawa naming kaibigan. It makes me wonder, kung nagustuhan ako dati ni Giselle, bakit hindi niya magawa kay Ning? Maganda naman best friend ko ah! y pa! Kung pwede nga lang ibenta si Ning, ibebenta ko talaga ‘yan dahil maaasahan naman talaga siya kahit parang nagmamalfunction kadalasan.


Pero siguro nga, hindi naman kasi talaga natin mapipilit yung sarili natin na magkagusto sa isang tao lalo na’t… parang kapatid na ang tingin mo dito.


Okay lang ‘yan, Ning. Maghanap ka na lang ulit ng afam.


“She is…” sagot ko. “Anyway, next week na yung last week mo, right? Then by Wednesday, lilipat ka na?”


Gigi nodded then let out a sigh. “Yeah. I’m gonna start packing tomorrow when we get home. There's so much to pack, naloloka ako.” 


Natawa naman ako. “Iiwan mo ba sakin yung legos natin?”


“Aww, Win!” she whined. “I'm gonna miss our lego days!”


“Ikaw kasi eh…” I jok

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
lststrinunvrse 0 points #1
Chapter 15: Missin' so much the update just how we're missing the writer too. 🥺
i_voyx #2
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#3
Chapter 36: loveit
queenforsythe #4
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #5
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#6
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #7
Tooor
usetae09 #8
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#9
Chapter 74: miss ko na ‘to :((
mjeong #10
Chapter 22: hindi ko makita pic:(((