Yuji

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

It’s been nine days after that talk with Jaemin at siyam na araw na rin akong naguguluhan sa sarili ko. I'm unsure if listening to him was the right decision dahil mas ginulo niya lang ang isip ko or be thankful kasi atleast now, kahit papaano, luminaw at nagkasagot ang mga tanong ko. Ewan, naguguluhan talaga ako. Hindi ko alam kung nagsayang lang ba ako ng mahigit pitong buwan para maging malungkot over our break up or need ko talaga ‘yon. 


Basta I need to clear my mind nalang talaga ngayon.


Alam ko rin naman na sobrang worried na ng mga tao sa bahay lalo na si Ning na parang oras-oras nalang akong kinakatok sa kwarto kapag nakauwi ako just to make sure na buhay pa ako. Hindi naman ako ganung klaseng tao– yung suicidal dahil lang sa lalake. Lagi naman niya ako tinatawagan kahit nasa kabilang kwarto lang siya. Paminsan-minsan din ay nakakareceive ako ng messages from Gigi and Karina.


Hindi naman talaga ako lumalayo sakanila. Well, ganun yung iniisip ko. Gusto ko lang talaga mapag-isa para makapag-isip sa mga bagay-bagay. Hindi naman kasi biro yung nangyari sa amin ni Jaemin. Lagi ko nalang sinasabi na malaki yung part niya sa buhay ko kaya ngayon, nasasaktan ako dahil nasasaktan ko yung taong minahal ko. 


Mahal ko pa ata… hindi ko sigurado. 


Sa loob kasi ng seven months na hiwalay kami, punong-puno lang ng galit yung nararamdaman ko for him. Nag-iba yung tingin ko sakanya. Siniraan ko siya sa utak ko just to help me move-on. I did everything para tulungan yung sarili ko na kahit onti, mabawasan yung pagmamahal ko sakanya. And I guess it worked naman. Isa lang naman yung sigurado ko, I don’t love him the same way. Kumbaga, yung platong nabasag, kahit ayusin, hindi na ganun katulad ng dati.


“What are you thinking?” 


I was quickly pulled back from my trance at napatingin sa babaeng nasa office ko. Si Wonyoung. Sa ilang araw na hindi ko nakakausap sila Karina, si Wonyoung yung laging nandito sa restaurant para gambalain ako. Shempre, kinwento ko na sakanya yung about kay Jaemin and asked for her opinion. Sabi niya, wag daw ako agad maniwala. Yun naman talaga yung ginagawa ko. I still have my doubts.


“Nothing,” sagot ko naman at saka binigyan siya ng utensils para sa pagkain na dumating na naman sa restaurant. Hindi ko alam kung sino yung nagpapadala ng mga ‘to and pangalawang araw na niya ito ginagawa. Nakakatawa lang dahil sobrang ironic na nagpapadala siya ng pagkain sa isang restaurant. Puro naman favorite food ko yung naibibigay kaya feeling ko kilala ko lang kung sino ‘to. Baka si Ning? Pero hindi naman ‘yon magluto ng pagkain.


Si Giselle?

Karina?

Jaem— no.


Mayroon pang post-it notes na laging may message na nakalagay. Dalawa na yung natatanggap ko since yesterday. Not gonna lie, napapangiti ako ng mga sinusulat ng nagbigay ng mga ‘to.

 


This happens to everyone. Not everyone handles it as well as you do. I’m proud of how strong you’ve been. - Yuji.

 

And if you didn’t hear this today, it won’t always be difficult. - Yuji.

 

 

Hindi ko kilala si Yuji. Wala naman kasi akong kilalang ganon. Si Ryujin lang. Pero bakit naman niya ako bibigyan ng ganito? Wala naman siyang idea sa nangyayari sa buhay ko at hindi rin naman kasi kami close. Mas madikit pa nga siya kay Karina minsan kapag naabutan niya ito sa bahay.


“Did you make this? It looks yummy,” tanong niya as she dig in sa nilutong bistek na maraming sibuyas just how I like. Pinanood ko muna siyang tikman ito. Nanlaki naman ang mata niya at napatingin sa akin with a smile on her face.


“Dis ish sho yummy!”

 

Natawa nalang ako sakanya at napailing. Asan na ang prim and proper Wonyoung na kilala ko?

 

Kinuha ko na ang tinidor ko saka kumuha ng bistek na nasa lunch box. Familiar yung lalagyan pero hindi ko alam kung saan ko na siya nakita. Isinubo ko na ang isang strip ng beef at tinikman ang luto. Napataas naman ang dalawang kilay ko at tumango-tango nang malasahan ang medyo maasim at saktong alat ng pagkain. Mas preferred ko kasi yung medyo maasim na bistek tapos sobrang maraming sibuyas. Hay, kahit yun nalang kainin ko sa tala ng buhay ko, okay lang.


“It’s yummy nga,” sambit ko naman saka kumuha na ng kanin para pagsabayin sila. 


“Did you bought this?” tanong naman ni Wonyoung saka uminom ng iced tea. Umiling naman ako habang nasa pagkain pa rin ang atensyon ko. 


“May nagpadala lang.”


Inangat ko naman ang ulo ko kaya nakita ko siyang nakataas ang kilay sa akin. 


“What?”


“Sino nagpadala? Kilala mo?”


Umiling naman ako kaya narinig ko siya na nagdramatically gasped.


“Winter!”


Natawa ako ng bahagya and shrugged. “What? Atleast masarap yung food,” panloloko ko. Uminom ulit siya sa iced tea niya na parang uubusin niya na para lang mawala yung lasa sa bunganga niya.


“Baka may lason ‘to!”


“Chill ka lang. Mukhang kilala ko naman yung nagbigay since alam niya yung mga food na gusto ko. Pag namatay ka naman, kasama ako eh. Ayaw mo nun? Happily ever after na tayo,” sagot  ko nang natatawa. Ang cute cute lang asarin ni Won. Ngayon nga lang ata ako nakangiti after ng ilang days. Sinamaan niya lang ako ng tingin saka tinigilan ang pagkuha sa pagkain na ipinadala sa akin. Buti naman.


This bistek is only mine!

 

 

 

 

 

 

 

 


Nang makarating ako sa bahay, I was surprised na nakauwi na agad si Karina kaya sama-sama silang apat sa sala. Kasama na si Ryujin na nilalaro pa rin ang pamangkin ko sa lapag. Napatingin silang apat sa gawi ko kaya naman binati nila ako.


“Ano meron? Nandito kayo lahat ah?” sambit ko at lumuhod na para halikan ang pamangkin ko sa pisngi. After that, tumayo na ako saka tinignan sila na nakatingin lang sa akin.


“Eh maaga umuwi ‘tong si Direk dahil daw may pupuntahan kayo,” sagot naman ni Ning na tinuturo si Karina na napapagitnaan nila ni Giselle. Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Karina. Wala naman kasi akong maalala na aalis kami ni Karina. Hindi ko nga siya nakakausap ng maayos these past few days sa pagiging sad girl ko.


“Aalis tayo? Saan?” tanong ko sakanya. She pursed her lips into a thin line as she shrugged. 


“Basta. Changed into something comfortable. I’ll be waiting sa car because we’re taking mine,” sagot niya naman saka kinuha ang susi ng kotse niya sa coffee table saka tumayo. I was confused the whole time kasi hindi ko alam yung nangyayari. Kailangan ko pang asikasuhin yung pamangkin ko. 8 p.m. na pero hindi pa siya nakakapaghilamo—


“Don’t worry about Kat. Nandito naman si Ryujin. She offered na siya yung mag-aalaga until makauwi kayo,” sambit naman ni Gigi while looking at me with a sweet smile on her face. Napatingin namana ko sa babysitter namin at nakita itong tumango. I sighed. Wala na akong nagawa kundi tumango saka umakyat sa kwarto para magpalit ng oversized hoodie and sweatpants. Saan naman kami pupunta ng ganitong oras? Magsasara na rin ang mga mall.

 

Tahimik kami ni Karina sa loob ng kotse niya. Sobrang amazed pa rin talaga ako kapag nakakasakay ako rito. Dalawang beses na pero sobrang gandang-ganda pa rin ako sa BMW 430i convertible niyang kotse. Ang angas lang. Kapag nakapag-ipon at wala na akong masyadong iintindihin, I’d definitely buy my dream car. The ‘69 Ford Mustang Mach 1. 


Hay, kinikilig na ako agad kapag naiisip kong mapapasakin ang dream car ko. Kayod lang ng kayod, Winter! 


“Where are we going pala?” tanong ko kay Karina na busy magmaneho. Tanging yung music lang na galing sa playlist niya sa Spotify yung tumutugtog. Napansin ko kasing nalagpasan na namin yung pinaka-malapit na mall sa bahay kaya naging mas curious na ako kung saan ako dadalhin ni Karina.


She glanced at me for a moment and smiled, “We’re unwinding.”


As soon as she said that, the convertible's stack retracted, and we felt the wind outside. Nagulo talaga ng bongga ang buhok ko dahil na rin sa bilis ng pagpapatakbo ni Karina. Buti nalang walang masyadong kotse sa Roxas Boulevard kaya malaya siyang magmaneho ng mabilis. 


“Feel the air and enjoy the ride,” sambit niya ng malakas ang boses. “You can even raise your arms,” dagdag niya. Nap

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
lststrinunvrse #1
Chapter 15: Missin' so much the update just how we're missing the writer too. 🥺
i_voyx #2
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#3
Chapter 36: loveit
queenforsythe #4
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #5
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#6
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #7
Tooor
usetae09 #8
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#9
Chapter 74: miss ko na ‘to :((
mjeong #10
Chapter 22: hindi ko makita pic:(((