PBB

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

"So, anong tingin mo sa bago nating place?" pagtatanong ko kay Winter na busy magdrive ngayon para ihatid ako sa campus. Malapit lang kasi yung restaurant niya sa campus namin kaya everyday na niya ako hinahatid ever since the world began. Char. Graduating naman na ako pero mas nauna kasi si Winter grumaduate dahil mas matanda siya sa akin ng isang taon.

 

Since highschool din, magkasama na kami sa iisang place since yung parents ko ay both OFW. Yung parents naman ni Winter ay tinakwil siya. Emz. Laki kasi si Winter sa pamilyang mga sundalo pero noong nalaman nila na ayaw niya sumunod sa yapak nila, nagalit sila sakanya so hinayaan nalang siya sa buhay niya. Kumbaga, they have this cold war going on for years na so as her best friend, inaya ko siya mag dorm dati and she agreed dahil ayaw niya din daw talaga sa house nila dahil sobrang toxic. Until now, hindi na kami mapaghiwalay.

 

You might think kung bakit kami nawalan ng tinitirahan, ganito kasi yan, etong best friend ko, nakipag break doon sa boyfriend niya (which is yung may-ari ng unit na tinitirahan namin) dahil nakita niyang may kalampungan na iba. Well, mabait naman talaga yung guy kasi hinayaan niya kaming mag stay sa extra unit niya pero ayun na nga, di siya satisfied sa isang lumpia kaya naghanap pa ng iba. Kaya these past few days, hindi ko pa talaga matimpla yung itsura ni Winter dahil kung tahimik na siya noon, mas tahimik pa siya ngayon.

 

"Okay lang. Ikaw? Are you comfy enough sa room mo?" tanong niya sa akin, eyes fixed on the road. Tatlong araw na din kami sa bahay ni Miss Yu and so far, wala namang problema.

 

"Oo. Pwede ko kayang dikitan yun ng mga posters?" 

 

"Tanungin mo muna yung may-ari. Don't do anything stupid na magiging reason for you to get kicked out," seryosong tono niya. Ano ba to si Winter! Masyadong seryoso these past few days! Namimiss ko na bardagulan namin. Kasalanan to ng ex niya eh. Hmp!

 

"Eh ikaw, makipag halubilo ka naman kay Giselle and Miss Yu hindi yung lagi ka lang nasa kwarto mo," irap ko sakanya. She just shrugged her shoulders at tumingin sa akin saglit bago ibaling ang tingin sa traffic light na naka color red.

 

"Ilang araw pa lang naman tayo. I'm sure I'll have the time to know get to know them pero wag muna ngayon. I just don't want to talk to people pa. Alam mo naman yan, Ning," she answered kaya naman napabuntong hininga ako. Ano pa bang magagawa ko? Broken hearted si gaga kaya wala talaga yan gana sa lahat.

 

"Still, wag ka mag mukmok okay? Alam ko naman na mayroon tayong iba-ibang coping mechanism pero wag naman sana yung magiging maputla ka, bes! Sobrang puti mo na! Magpa-araw ka naman!"

 

Nakita ko naman na natawa si Winter sa sinabi ko kaya napangiti na din ako. Kapag malungkot kasi siya, nalulungkot din ako. Kahit naman baliwan lang kami ng baliwan ni Winter, mahal ko 'to as a kapatid. Siya lang kasi yung mayroon ako dito sa Pinas and I know she feels the same way naman. We only have each other kaya inaalagaan namin yung isa't-isa.

 

"Anong oras pala labas mo? May org meeting ka ba today? Sunduin ba kita?" 

 

Umiling naman ako, "Maaga ako uuwi today. Nagpapasama kasi si Giselle sakin mag grocery. Ikaw? May gusto ka ba ipabili?" pagtatanong ko. Napansin ko namang nasa tapat na kami ng university kaya in-unbuckle ko na yung seatbelt ko.

 

"Wow, close na sila," pang-aasar niya kaya inirapan ko lang ulit siya. "Isang pack ng banana milk lang since ubos na yung stock ko. Wag ka gagastos ng madami ha? Sasampalin talaga kita," pagbabanta niya habang ibinibigay sa akin yung credit card niya. Para namang nagliwanag yung paligid ko sa nakita ko.

 

Ang sarap talaga maging palamunin!

 

"Ning Yizhuo.." lumalim ang boses niya habang hawak pa ang kabilang dulo ng credit card habang ako naman ay nakahawak na din sa dulo ng credit card niya. Bakit ayaw niya pa ibigay!!

 

"Hindi nga ako gagastos ng madami! Bitaw na malalate na ako!" hinampas ko ang kamay niya kaya naman napabitaw siya habang sinasamaan pa din ako ng tingin.

 

"Siguraduhin mo dahil isusumbong talaga kita kay Tita." Pagkatapos pa ng ilang pagkukumbinsi sakanya na hindi ako gagastos ng madami, hinayaan niya na akong bumaba sa kotse niya para pumasok sa campus.

 

Ning - 1

Winter - 0

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
aerichandesuu
#1
Chapter 36: loveit
queenforsythe #2
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #3
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#4
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #5
Tooor
usetae09 #6
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#7
Chapter 74: miss ko na ‘to :((
mjeong #8
Chapter 22: hindi ko makita pic:(((
kaychaelangxd #9
Chapter 74: :(((
elizeblss #10
Chapter 74: omggggg i miss this au ><