Day One

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

When we finished our dinner sa resort's restaurant, we decided na bumalik na muna sa respective rooms namin para na din makapagchange into our swimsuits. Napagdesisyunan ko na hindi na muna ako lalangoy sa ocean kasi padilim na din talaga. May swimming pool naman kasi dito sa resort so doon nalang muna ako magbabasa for tonight. Mamaya may kung anong humila sa akin sa ilalim eh. Pinalitan ko din si Kat ng two piece floral bikini na binili ni Karina sakanya before this trip which earned a squealing Ning and Karina nang lumabas kami sa bathroom.

 

Ang cute lang ng pamangkin ko! Manang-mana talaga sa Tita! 

 

"Lalangoy ka? Gabi na hoy," tanong ni Ning sa akin nang makita ang suot ko. Alam niya kasing hindi talaga ako nagsswimming sa dagat kapag pagabi na. I'm wearing a bikini bra and shorts para hindi naman ganon ka-revealing. Sa mga susunod na araw nalang, bibigay ko muna sakanila yung spotlight. Emz.

 

"No. Pool nalang ako later," sagot ko naman at umupo sa mattress para pahiran si Kat ng baby oil. Balak kong palanguyin siya ng 30 minutes para naman maenjoy din naman niya today para na din may picture akong masend kay Ate Taeyeon. Para akong ulirang ina na inaasikaso yung anak sa mga family vacations. Pwede na ako mag-asawa. Charot.

 

"Bilisan niyo na dyan. I want to watch the sunset," sambit naman ni Karina na kakatapos lang itali ang buhok ng naka messy hair bun. She's dressed in a white backless one-piece swimsuit that hugs her curves and emphasizes them. Kitang-kita din yung collarbone niya na pwede kang masaksak anytime soon. Wait, natatawa ako kung pano i-describe si Karina pero yun talaga una kong naisip ngayong nakita ko yung suot niya eh. Sobrang ganda talaga ng katawan niya yung tipong kai-inggitan mo. Parang gusto ko na tuloy bumalik sa gym.

 

Isa pang napansin ko kay Karina kanina noong kumakain kami ng dinner, hindi niya ako tinignan man lang kahit isang beses. I know parang ang weird naman ng observation ko pero kasi kahit inaabutan ko siya kanina ng mga ulam, nagpapasalamat lang siya tapos hindi man lang niya ako tignan. Triny ko din siyang tanungin kanina kung masama ba pakiramdam niya dahil ang tahimik niya pero sinabi niya lang na okay naman siya. Nakakuha lang talaga ako ng reaction sakanya noong makita niya yung suot ni Kat.

 

Ano problema nito?

 

Nang matapos kami sa pagpapalit ng mga susuotin, dumiretso na kami sa kabilang kwarto para tawagin yung tatlo. Amaze na amaze nga ako kasi palong-palo yung mga suot ng kasama ko lalo na si Ning at Giselle. Akala mo sasabak sa Binibining Pilipinas eh. Hindi ko pa kasi sinusuot yung binili niyang swimsuit na parehas kami kasi para kaming tanga kung ganon.


De, loko lang. Pero nahihiya ako! 


Kulang nalang kasi wala na akong suotin doon sa binili ni Ning na swimsuit eh. One-piece siya tapos butas sa magkabilaang gilid tapos backless pa. Edi sana sinabi niya para naghubad nalang ako. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganoong suot. Okay na ako sa two-piece swimsuit. Hindi ko na kailangan ng mga butas butas na kalokohan na yan.


Nang nagsama-sama na kami, dumiretso na kami sa beach front para lumangoy sila. Sobrang tuwa ko din dahil tahimik lang dito sa beach na 'to. It feels like we own the place kaya sobrang calm and relaxing din. Mapapansin din na malapit na mag sunset dahil nagiging orange na yung langit.


Hiniram nila Yeji si Kat sa akin para isama sa paglangoy kasama sila Giselle, Ning, at Karina habang umupo naman ako sa picnic mat na dinala ni Giselle para sa amin. Nandoon din kasi yung mga phone nila kaya ako na din nagbantay kasama si Lia na nakaupo sa tabi ko at nakangiti din habang pinagmamasdan ang tilian ng mga kasamahan namin. Feeling ko nga nagpapataasan si Giselle at Ning ng tili eh.


Ang sakit sakit sa tenga! 


Habang pinapanood namin sila magbasaan, biglang nagsalita si Lia kaya naman napatingin ako sakanya.


"You're not gonna join them?" tanong niya.


"Sa pool nalang ako mamaya. Hinahayaan ko lang mag swim ngayon si Kat para pagbanlaw niya, ako naman," sagot ko, not saying the reason kung bakit ayaw ko lumangoy sa dagat kapag madilim na. Nakakahiya no! "What about you?" dagdag ko.


"Eh wala kang kasama dito eh so might as well join you nalang."


Tumango naman ako and returned my gaze to our friends na enjoy na enjoy sa pag... teka, nilulunod ba ni Ning si Yeji?!


"Look at Ning, papatayin niya ata yung friend ko oh," turo ni Lia sa best friend ko kaya naman natawa kaming parehas habang umiiling. Gaga talaga to si Ning!


From where we were, I noticed Karina look at us and raise her eyebrows before looking away, which caused Lia to chuckle.


"Alam mo ba, something funny happened kanina noong pabalik na tayo sa rooms natin to change."


Napatingin ako sakanya with a furrowed brows, "Ano yun?"


"Pinagalitan ako ni Direk Yu kanina kasi why are we flirting daw kanina sa loob ng room niyo. Remember when she called us for dinner? Turns out, she thought we were about to kiss so ayun," Lia stated, chuckling. Napatingin naman ako kay Karina na busy buhatin si Kat sa tubig habang nakadapa ang pamangkin ko sa dalawang arms niya. Yung parang Superman pose. They are both giggling kaya naman hindi ko na naiwasan na ngumiti.


"Why would she think of that?" tanong ko naman, still watching them. 


"I don't know. She even told me na wag daw kita landiin because you're strictly off-limits. So the question is, may lovelife ka?" tanong niya kaya napatingin ulit ako sakanya with a furrowed brows.


"I'm single kaya hindi ko gets kung bakit niya nasabi na off-limits ako."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Karina literally dragged us out of bed the next morning at 5:30 a.m nang nakaayos na and told us na gigisingin niya na yung iba sa kabilang room. Sobrang reklamo pa nga ni Ning dahil sobrang aga pa daw. Paano ba naman kasi, nagpuyat pa siya kagabi dahil pinapanood niya yung latest episode ng Stranger Things kaya ngayon, hirap siyang gumising. Naghilamos muna ako and decided na wag muna gisingin si Kat para mas mahaba-haba yung tulog niya. Nilagay ko na din sa duffle bag ang gamit at clothes namin ni Kat. Especially her diapers and milk bottles. 


Ang hirap maging nanay!


When I finished, si Ning naman ang sumunod para maghilamos sa banyo. She offered na siya nalang daw yung magbubuhat kay Kat kaya naman sinabihan ko siya na susunod na ako sa iba naming kasama doon sa restaurant para mag breakfast. 4 AM kasi nagbubukas yung restaurant dito since some visitors daw ay gumigising ng maaga para mag breakfast bago mag-ikot sa lugar.


Pagkadating ko sa restaurant, nakita ko na yung tatlong direktor na umiinom ng kape habang nakaupo sa mahabang dining table. Nakaupo si Karina sa dulo habang nasa kanan niya si Lia at nasa kaliwa naman si Yeji.


"Morning. Asan si Gi?" tanong ko as I settled down next to Yeji.


"Good morning. Naliligo na siya eh para daw hindi na siya pipila after breakfast," sagot naman ni Yeji. Tumango naman ako and looked at the menu na nasa lamesa.


"Nakapag-order na ba kayo?" tanong ko sakanila habang binabasa ang menu.


"No pa. Let's order nalang when the other two arrived," sagot naman ni Karina kaya napatingin ako sakanya. Ngayon lang kasi siya nagsalita ng more than a word sa akin since yesterday.


"Okay."


After few minutes, nakadating na si Giselle, Ning, and Kat (who, by the way is seated on her pink stroller) at umupo na sa vacant seat. Shempre, tumabi sa akin si Ning habang inilagay niya si Kat sa kaliwa niya at hinayaan dumede at manood ng Youtube videos.

 

Nag-order kami ng mga silog na ino-offer nila sa restaurant and coffees na din para mabuhayan kami ng dugo for the whole day. Though feeling ko bago pa mag lunch ay mapapagod na agad ako. Pinag-usapan namin yung first destination namin which is the Aninuan Falls. Pwede na daw kami wag maligo dito and instead, doon nalang kaya yung iba sa amin ay nagplan na doon nalang since maghihike din kasi kami papunta don. Sinabi ni Karina na around 30-45 minute walk daw from the parking lot to the falls.

 

Sana tama tong desisyon ko na sumama sa trip na 'to.

 

When we finished our breakfast, we went back to our rooms para na din kunin yung mga gamit na kailangan namin. I looked at my wristwatch and saw na it's quarter to seven palang. Nasusunod naman namin yung timeline ne ibinigay ni Karina. Infairness.

 

"Hindi ba parang hassle naman na suot mo 'to?" tanong ni Ning sa akin habang tinutulungan ako isuot ang baby hiking carrier sa likod ko.


"Alangan bitbitin ko si Kat habang naghihike? Mamaya madulas pa kami," sagot ko naman.


"Para kang yung tatay na naging zombie tapos may bata sa likod niya tapos finofollow lang yung meat na nasa wooden stick na movie," asar ni Ning nang matapos namin ikabit ang carrier. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan.


"Ah talaga? Ikaw mukha kang zombie," pang-aasar ko pabalik. "Ilagay mo na si Kat sa likod ko tapos. Tayo nalang hinihintay."

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Ayoko na.


Gusto ko na umuwi.

 

Bakit naman sobrang dulas dito?! (Malamang stream yung nadadaanan namin with big rocks papunta sa falls. )


Madali lang naman talaga siya per

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
lststrinunvrse 0 points #1
Chapter 15: Missin' so much the update just how we're missing the writer too. 🥺
i_voyx #2
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#3
Chapter 36: loveit
queenforsythe #4
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #5
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#6
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #7
Tooor
usetae09 #8
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#9
Chapter 74: miss ko na ‘to :((
mjeong #10
Chapter 22: hindi ko makita pic:(((