Exclusive

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

“Ano? Okay ba yung signal?” tanong ko kay OM G. Nakavideo call kami gamit yung laptop ko dahil gusto namin sabay-sabay panoorin yung teaser ng movie ni Karina. Nakaupo na ako sa lapag at nakapatong ang laptop sa coffee table habang si Winter at Karina naman ay nakaupo sa sa sofa. Pinapagitnaan nila si Katkat. Hindi na ako tumabi dahil nahiya naman kasi ako sakanila.


Paano ba naman kasi, buong araw na sila nagpapabebe sa isa’t-isa. Hindi ko sure napapraning lang ako pero ramdam ko na may kalandiang nagaganap sakanilang dalawa. Siguro tatanungin ko nalang si Winter pagtapos namin mapanood yung teaser.


“Yes, Ning. Naka-open na yung TV dito,” sagot ni Gigi. “Karina, what time nga ipapalabas yung official trailer?” tanong niya naman sa direktor na nasa likod ko. Napalingon ako kay Karina at nakita na parang kinakabahan siya because she’s fidgeting her fingers.


Tumingin si Karina sa phone niya at huminga ng malalim, “Three more minutes.”


Napansin kong Winter placed her hand on top of Karina’s and gently brushed it with her thumb. Napataas ang kilay ko pero hinayaan ko nalang sila. I chuckled mentally at humarap na sa TV. Ipapalabas daw kasi muna yung official trailer ng 7 PM pag nag commercial yung teleserye na pinapalabas pagkatapos ng TV Patrol. Saka lang ito iuupload sa Youtube kapag tapos nang ipalabas sa TV. 


Sobrang proud ko lang kay Karina! Baka landlord ko yan!


“Oh my gosh, ayan na!” Karina squealed kaya naman bigla kaming napatutok sa television at pinanood ang buong trailer. 


Hindi ako nagbibiro. My jaw literally dropped to the floor while watching the trailer. Ang daming ganap! May barilan, may sumasabog na kotse, may iyakan, and most importantly, may kissing scene. Grabe goosebumps, trailer pa lang ‘to pero alam kong tatatak sa takilya yung palabas. Acting pa lang nina Krystal, panalong-panalo na.


Almost two minutes lang yung trailer pero feeling ko napanood ko na yung buong movie. Nang matapos ito, natahimik kaming lahat. Walang nagsalita, even si OM G na nanlalaki yung mata habang nakatingin pa rin sa TV niya. Nilingon ko si Karina at nakita kong parang naiiyak siya. Napatingin ako sa best friend ko na kalong-kalong si Kat na walang alam sa nangyayari. May kung anong ngiti na naglalaro sa mukha ni Winter habang nakatingin kay Karina. 


Yung ngiti na alam mong proud na proud sa’yo. Girlie’s looking at our landlord like she’s the most precious thing in the world! Kainis!


Nagsimula na akong pumalakpak ng malakas. Sumunod si Winter habang hawak-hawak ang dalawang kamay ni Katkat at pinapalakpak ito. Si Giselle naman ay tumitili sa kabilang linya. Napatayo na ako at dali-daling niyakap si Karina.


“Grabe ka, Direk! Trailer pa lang, ulam na!” I exclaimed. Natawa si Karina and wiped the tears sa mukha niya. I pulled away at ngitian ng pagkatamis-tamis ang landlord namin. 


“Thanks, Ning…” nahihiyang sagot ni Karina.


“Grabe ka na, Karina! It was so good!” Gigi complimented. “Need ko ulit mapanood! Teka, hanapin ko na sa Youtube.”


Natawa naman si Karina.


“Thanks, Gigi. How I wish you were here with us.”


“Onting tulog nalang naman, uuwi na ako. Okay, enough! Papanoorin ko na ulit!”


Napangiti nalang si Karina at napatingin kay Winter na parang hinihintay siyang may sabihin ang best friend ko. Bading!


“Ang galing galing mo. Proud na proud ako sa’yo.”


Napatingin ako kay Winter na nagsalita. Namumula yung tenga niya kaya alam kong nahihiya siya. Ramdam ko yung kilig ni Karina dahil para na siyang ewan na hindi makatingin kay Winter. Tinignan naman ni Winter si Kat at itinuro si Karina.


“Did you see the trailer, my love? Tita Wina directed it! Isn’t she awesome?”


Natawa nalang kaming tatlo nila Karina dahil dali-daling niyakap ng bata si Karina at hinalikan ito sa pisngi.


“My Tita Wina is the best!”


Karina gave a hearty laugh as her eyes formed into crescents. Parang matutunaw yung puso ko dahil kitang-kita ko na sobrang saya ni Karina habang pinapagpag siya ng halik ng bata. Hindi ko na napigilan na maging emotional. Napatingin sa akin si Karina at worried na ibinaba si Katkat.


“Hey, why are you crying?” tanong ni Karina. Napalingon sa akin si Giselle at Winter kaya inirapan ko sila.


“Wala…” my voice croaked. “Sobrang proud lang ako sa’yo sis.”


“Aw, come here! Let’s do a group hug!” Binuka ni Karina ang dalawang braso niya pero bago ko siya yakapin ay kinuha ko muna ang laptop para kasama si Giselle sa yakapan naming lima. Napahigpit ang yakapan naming lima ng matagal kaya naramandaman kong parang nanigas si Winter. When we pulled away, bigla ko silang inasar.


“Kunwari pa kayo. Group hug daw pero gusto niyo lang naman magyakapan.”


Narinig kong tumawa si Giselle, “Tama!”


Taray, parang hindi sumerrender ah? Baka happy crush niya lang talaga si Winter but as for Karina, ika nga, she got it bad.


“Ewan ko sa’yo!” namumulang sambit ni Winter kaya natawa na kaming tatlo. 


Pinagmasdan ko ulit sila when Winter decided na ulitin namin sa Youtube. Grabe, sobrang saya ko lang na para na kaming one big happy family. Sana walang magbabago sa aming magkakaibigan. Sana kahit sumikat man ng bongga si Karina, ituturing niya pa rin kaming parang pamilya. Kasi alam ko na yan eh. For sure after ng movie, magiging in demand si Karina tapos magiging busy siya tapos—


Hay, ayoko na muna isipin. Siguro hindi naman. 


“Ano Ning? Titignan mo lang ba kami? Sumama ka na dito!” iritang sigaw ng best friend ko. I rolled my eyes at her at tumabi na sakanya para panoorin sa Youtube ang trailer ng Hours.

 

 

 

 

 

 

 

 


“Winter! Ano ulam?!” sigaw ko habang pababa ng hagdan. Umalis kasi si Karina pagkatapos namin panoorin ang trailer. Turns out, sila naman daw talaga dapat ng mga katrabaho niya ang manonood nun pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, mas pinili niyang kami yung kasama niyang manood. Kilig ako hihi.


“Wala!” sigaw niya pabalik. I groaned at lumapit sakanya sa pantry. Nag-aayos siya ng pinamili namin noong isang araw sa grocery.


“Porke wala lang si Karina, hindi ka magluluto?” pang-aasar ko sakanya. Tinigil niya ang paglalagay ng canned tunas saka tumingin sa akin ng masama. Kakatulog lang ni Katkat sa kwarto ko. Napagod akong gumawa ng TikTok kasama siya!


“Oo. Malaki ka na kaya mo na sarili mo,” sagot naman niya at bumalik na sa pag-aayos ng mga delata.


“Luto nalang ako. Ano gusto mo?” tanong ko sakanya saka ako sumandal sa dingding and crossed my arms. Feeling ko ito na yung right timing para chumismis sakanila ni Karina. 


May nasesense na naman kasi akong fishy kahit sarado naman ang mga canned tunas.

 

“Busog pa ko Ning,” she deadpanned. Nailagay na niya ang huling delata kaya naman tumingin na siya sa akin. I furrowed my brows nang makita na parang namomroblema siya. Ilang taon ko na kilala si Winter kaya alam ko kung nabobother siya at ganito ang itsura niya kapag ganun nga ang nararamdaman ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
aerichandesuu
#1
Chapter 36: loveit
queenforsythe #2
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #3
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#4
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #5
Tooor
usetae09 #6
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#7
Chapter 74: miss ko na ‘to :((
mjeong #8
Chapter 22: hindi ko makita pic:(((
kaychaelangxd #9
Chapter 74: :(((
elizeblss #10
Chapter 74: omggggg i miss this au ><