Until She Falls Asleep

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

Bwisit! Hindi na talaga ako sasama next time sa pagbantay kay Kat kapag naglaro siya. Paano ba naman kasi, pinagalitan ako ni Winter pagkadating na pagkadating niya. Tinuturuan ko daw yung bata makipag-away.

 

"Ang tanda tanda mo na, mapagpatol ka pa!"

 

"Buti hindi tayo dinemanda ng magulang!"

 

"When will you grow up?!"

 

"Tinuruan mo pa paano manuntok!"

 

Aba dapat lang! Para matuto sya agad ng self-defense no! #StarEmYoung

 

Kasi ganito yun, nasa Kidzoona kami tapos shempre diba may luto-lutuan don? Edi ang ginawa ko, kunwari kami ni Giselle yung bumibili sakanya ng tapsilog habang naka-upo sa monoblock chair.

 

Oo, tapsilog dahil gutom na ako.

 

"Pabili po, one tapsilog po for me!" sambit ko na nakangiti. Hindi ko nga alam kung alam ba ni Kat yung tapsilog pero tumango nalang siya at tinignan si Giselle.

 

"One sushi for me please," sabi ni Giselle na medyo pabebe ang voice. Taray ng restaurant, world cuisine!

 

Kunwaring nagluluto na si Kat nang biglang kunin ng isang batang lalake yung meat kuno sa frying pan niya. Napatingin naman kaming tatlo sa bata pero umalis lang ito noong nakuha na niya yung nilalaro ni Kat. Yung tapsilog ko!!

 

"Hoy! Amin yan!" sigaw ko sa bata pero tinignan lang ako nito at binelatan. Aba! Asan ba nanay neto? Ibabalik ko lang sa tiyan nya 'tong anak niya!

 

Nakita kong nalungkot si Kat kaya naman tumayo nalang ako at pumunta kami doon sa inflatable slide tapos yung babagsakan mo is yung mga small plastic balls. Mag slide nalang kami!

 

Amp, sobrang haba naman ng pila! Ano ba to? Pilahan ng ayuda?

 

Hindi na sumama si Giselle sa amin sa pagpila dahil she's gonna take pictures nalang daw of us kaya naman hinayaan ko nalang siya. After ilang minutes ng pagpila, kami na sana yung magslide pero sumingit ulit yung batang lalake kaya nabangga niya si Kat ng malakas at parehas silang nahulog sa mga plastic balls. Nagpanic naman ako kaya dali-dali akong nag slide pababa at hinanap si Kat na natabunan na ng mga plastic balls.

 

Asan na si Katrina!!! May napanood pa naman ako na may mga kinakain na bata sa mga ganitong lugar! Lagot ako kay Winter kapag nawala yung pamangkin nya! Gagawa nalang ako ng bag--

 

Natigil ang pagpapanic ko nang makarinig ako ng iyak na lagi kong naririnig sa bahay at doon ko nakita si Kat na nakadapa sa mga plastic balls at umiiyak. Agad naman akong lumapit sakanya at binuhat siya para patahanin.

 

"Baby, saan masakit? May masakit ba sayo?" worried kong tanong kay Kat pero iyak lang siya ng iyak kaya naman kinarga ko na siya papunta kay Giselle na kanina pa nakatingin sa amin na worried yung expression.

 

"Ayaw tumahan ni Kat. Asan na ba yung batang lalake na yon? Aawayin ko lang," tanong ko kay Giselle at ibinigay sakanya si Kat. Hinampas naman ako sa balikat ni Giselle at umiling.

 

"Wag mo na patulan. Ang tanda tanda mo na para dyan," saway niya. Inirapan ko lang siya at worried na tinignan ang mukha ni Kat. Baka kasi nagkasugat siya sa pagkakasubsob, natatakot akong masubsob din ni Winter or kaya ni Miss Yu dahil sobra din mag care yon kay Kat.

 

Nakahinga naman ako ng maayos nang makita na okay naman yung mukha ni Kat. Pumunta ako sa likod ni Giselle dahil nakapatong ang mukha ni Kat sa balikat niya at tumatahan na rin naman na.

 

"Baby, if you see that boy again, punch him in the face like this," pinakita ko pa sakanya kung paano niya dapat suntukin sa mukha yung lalake and that made her giggle. Umiling nalang si Giselle sa akin saka ibinaba si Kat para hayaan na paglaruin na ulit.

 

"Okay, don't cry na ha? Play na ikaw. Just call us if you need anything okay?" pagtatanong ni Giselle while she bent down para pantay lang sila. Tumango na si Kat at tumakbo na sa may mga small plastic balls at naglaro na. Umupo naman kami saglit sa lapag para magpahinga at i-text sila sa group chat namin. 

 

Maya-maya pa, narinig ko ang boses ni Kat na sumisigaw kaya napatayo ako pero nakita ko lang siya na tumatakbo kaya naman pinicturan ko siya at sinend sa group chat namin. However, hindi ko napansin na she was running towards that boy pala habang nakayukom ang fist niya.

 

Laking gulat namin ni Giselle nang makita na sinuntok niya sa ilong ang lalake nang dalawang beses at napahiga ito. Napatili naman kami at agad na kinuha si Kat. 

 

 

Uh oh...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

After niya akong pagalitan sa mall, hindi ko na siya pinansin hanggang sa mag dinner kami. Halata naman din kasing badtrip talaga si Winter sa akin dahil hindi niya rin ako kinakausap. Ni hindi nga rin ako umupo sa passenger seat dahil badtrip din ako sakanya. Nakakainis kasi, yung lalake naman kasi yung epal eh! Gusto ko lang naman gumanti. 

 

Wala sa vocabulary ko ang magpatawad. Magdusa sila dyan!

 

Padabog kong sinara yung pinto ng kwarto ko pagdating na pagdating namin sa bahay. Okay, ito kasi yung main reason niyan...

 

Ayokong nagagalit sa akin si Winter kasi hindi niya ako pinapansin ng ilang araw tapos dadaan-daanan niya lang ako na parang hindi niya ako nakikita. Shempre, masakit sa akin yun since siya nga lang ang pamilya ko dito sa Pinas. Yung isang matinding away namin is noong highschool kami. Nasaksak ko kasi siya ng lapis sa kamay tapos sobra yung iyak niya kaya ayun, isang buwan niya akong hindi pinansin.

 

In my defense, naglalaro kami noon ng pen pen de sarapen. Aksidente lang ang pagkasaksak ko sakanya ng lapis!

 

Hindi ko na napigil na maiyak noong paghiga ko sa kama. For sure na naman kasi, hindi niya ako papansinin. Alam nyo ba yung feeling kapag pinapagalitan ng tatay kapag bata ka? Ganon lagi kong nararamdaman. Gusto ko lang umiyak. Hello, mas mahal ko kaya si Winter kaysa sa buhay ko.

 

Nakarinig ako ng katok sa pinto at narinig ang boses ni Winter.

 

"Ning, usap tayo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
aerichandesuu
#1
Chapter 36: loveit
queenforsythe #2
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #3
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#4
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #5
Tooor
usetae09 #6
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#7
Chapter 74: miss ko na ‘to :((
mjeong #8
Chapter 22: hindi ko makita pic:(((
kaychaelangxd #9
Chapter 74: :(((
elizeblss #10
Chapter 74: omggggg i miss this au ><