Karina's Itinerary

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

GISELLE

 

"OM, kailan ka babalik?" Somi asks me as she sits on the chair across my table here in my office. I filed my leave na kasi for this week's mini unwinding with my "housemates". Though hindi ko pa sure kung sasama si Winter pero yung dalawa naman kasi is sure and that's what matters the most naman. Don't get me wrong, gusto ko namang kumpleto kami pero okay na din ako if hindi basta kasama siya.


Okay, I know this is kinda funny pero I have a crush on her. Happy crush lang naman, nothing serious. It's just that everytime na nasa house kami, sobrang gaan lang ng pakiramdam ko sakanya. I don't see her that way YET and I hope hindi naman mag progress into something na mahihirapan ako. Besides, I think she's not into girls.


Well as you can see, I swing both ways. I had ex boyfriends and ex girlfriends in the past and to be honest, I prefer girls more than boys kasi sa girls, mas naiintindihan namin ang isa't-isa pero sobrang sakit din kasi nila mahalin. 


Nasa girls ang trauma. 


"Monday next week," sagot ko as I prepare myself for the next meeting at 10 AM. Tumingin naman ako sakanya at tinaasan siya ng kilay. Somi is like my assistant na kasi and siya rin yung pinaka close ko dito sa office kaya hinahayaan ko siyang tumambay sa office ko paminsan-minsan. "Why are you still here? Natapos mo na ba yung pinapagawa ko sayo?" dagdag kong tanong.


"Of course, ako pa ba? Anyway, tell me about the trip. Diba kasama mo doon si crushie mo?"


Natawa naman ako sa way ng pagtatanong niya. Ano? Highschool lang?


Nakwento ko rin kasi sakanya yung about sa crush ko sa bahay and she was delighted nang malaman na nagkakagusto pa din pala ako sa tao. I mean, I have a lot of flings kasi, I won't deny that. And besides, kasama ko din kasi si Somi everytime na pumaparty kami around Poblacion or Taguig so kilala niya ako outside work.


Sobrang layo ko as an operations manager kapag pumaparty at nasa bahay.


"Yeah. Kasama siya," sagot ko at napangiti. Naiisip ko na kasi yung mga pwedeng mangyari, natutuwa na agad ako. Maganda rin yon na time for us to get to know each other better. Kakausapin ko sila mamaya sa bahay para i-plan na yung mga dadalhin ang kung saan kami pupunta.


"Oh, you have to tell me the deets when you get there ha? Are you planning to confess?" Somi wiggles her eyebrows as she puts her elbow on the table and rests her head on her palm.


"You're so chismosa."


"I know. So? Answer my question."


I shrug, "Pwede naman pero masyado pang maaga. Bahala na." 


Napatingin naman ulit ako kay Somi at tinitignan niya ako with a smirk on her face. "Alam mo, bumalik ka na sa desk mo instead na chumichismis ka. Babalitaan nalang kita."


Inirapan niya ako pero tumayo din naman agad. "Sabihin mo dyan sa bebe mo masama loob ko sakanya dahil ilang weeks ka na nasa bahay lang at nag-aalaga ng bata instead of partying with me. You better get that girl, Uchinaga."


I simply shook my head as she finally left. I mean, it's not like I should get the girl; it's not like it's that serious. I continued setting up my laptop when I heard my phone ring, so I quickly checked at it and smiled when I saw who was calling.


"Hmm, Rina?"

 

 

 

 

 

WINTER

 

Pagkadating na pagkadating ko dito sa bahay galing restaurant, nagulat pa ako ng bahagya nang makita yung tatlo sa lapag ng sala with a lot of papers scattered on the floor. Hindi pa nga nila ako napansin na pumasok dahil sobrang invested nila sa kung ano man ang sinasabi ni Karina. Yung pamangkin ko naman ay nakahiga sa couch habang gamit-gamit ang iPad niya habang nanonood ng cartoons. 

 

"Hey guys, what are you guys talking about?" pagtatanong ko as I crouch down to give a Katrina a kiss on her forehead. Napatingin naman silang apat sa akin at binati ako. Nagpakarga si Katrina sa akin kaya naman binuhat ko siya saka umupo sa sala habang nasa paanan ko ang tatlo.

 

"Okay, so I talked to Ate Krystal na and she recommended a private beach resort sa Puerto Galera. Turns out, it's her friend's property kaya she'll let us have the whole resort for three days. If nalalayuan naman daw kayo, meron daw siyang kakilala around Batangas. Private beach resort din. So? What do you guys want?" tanong ni Karina habang finaflash sa phone niya ang picture nang nasabing mga resorts. 

 

"Ako go ako kahit saan though mas okay sana yung mas malapit," sambit ni Giselle. Tumango naman si Karina at tumingin kay Ning.

 

"Bet ko sana sa Puerto Galera para mas maraming afam. Opinion ko lang naman. Respect my opinion nalang," sagot naman ni Ning kaya napatawa kami sakanya. Binatukan ko siya ng mahina at bumawi naman siya ng hampas sa legs ko. Hindi talaga nagpapatalo ang gaga.

 

"What about you, Chef? What's your take on this?" tanong ni Karina ng may nakakalokong ngiti sa labi. Alam ko na meaning nyan eh! Yung dahil yan sa text namin last time, something about sleeping together and the kiss. I mean, sa totoo lang, never ko naman talaga naisip na pumatol sa kapwa ko babae or even kiss them pero sinasabayan ko lang si Karina sa mga trip niya. Ever since kasi na nag open siya sa akin about being her true self, mas napansin ko na nagkalakas siya ng loob para asarin ako ng ganon eh. 

 

Wala namang kaso sakin yung mga biruan na 'yon dahil alam ko namang hanggang biruan lang 'yon. I don't really peg Karina as someone na papatol nalang basta-basta sa kahit na sino and honestly, I don't really see myself falling inlove with a girl. Well, not at this moment but I'm open to possibilities naman in the future. Hindi lang talaga ngayon.

 

"Hindi ko pa nga alam kung makakasama ako eh," sagot ko and that caused Ning to hit me on the legs once more.

 

"Boo! Boring!" sigaw ni Ning. Inirapan ko lang siya at tumingin ulit kay Karina.

 

"Ayoko nga kasi mag promise tapos hindi ko naman tutuparin pero if I were to choose, mas gusto ko din sa Galera," sagot ko. Tumango naman si Karina at may isinulat ulit sa mga papel na nakalagay sa lapag.

 

"I need your decision na para ma-finalize na 'tong out-of-town trip natin," Karina said as she looked up to look me in the eyes. "Text mo ako later tonight?"

 

"Tonight talaga?"

 

Naramdaman ko na naman ang hampas ni Ning sa hita ko kaya sa sobrang gigil ko, sinipa ko siya kaya siya napasigaw dahil muntik na siyang sumubsob sa sahig.

 

"Winter, ang sakit!"

 

"Kanina ka pa hampas ng hampas!"

 

"Parang pantanga kasi mga sagot mo! Malamang kailangan na ng decision mo tonight dahil ikaw naang yung hinihintay! Gold ka ba? Akala mo n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
aerichandesuu
#1
Chapter 36: loveit
queenforsythe #2
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #3
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#4
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #5
Tooor
usetae09 #6
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#7
Chapter 74: miss ko na ‘to :((
mjeong #8
Chapter 22: hindi ko makita pic:(((
kaychaelangxd #9
Chapter 74: :(((
elizeblss #10
Chapter 74: omggggg i miss this au ><