Grocery

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

 

Sunday ngayon kaya ibig-sabihin ay araw ng pamimili since wala kaming pasok lahat. Nakaupo kaming apat nila Giselle sa dining table habang isinusulat nila ang mga kailangang bilhin sa grocery para may stock kami for this month. Naubos na kasi halos lahat and yung mga natira nalang sa refrigirator is yung mga gulay and mga beer ni Ning. 


“Pwede bang kayo naman mamili? Ang sakit ng puson ko today. First day,” sambit ni Ning. I squinted my eyes at her pero inirapan niya lang ako, halatang wala sa mood makipag-asaran.


“Sige ako nalang,” I suggested at kinuha ang papel na may laman ng mga kailangan bilhin. “Bibilihan ko rin ng gatas and diapers si Kat eh.”


“I’ll go with you.”


Napatingin naman kami kay Karina na kalong si Kat sa hita niya. “Salitan naman tayo this time.”


Tumango naman ako sakanya at ibinalik ang tingin ko kay Ning na may nakakalokong tingin na sa labi. Inirapan ko nalang siya saka tinignan si Giselle.


“Gusto mo sumama?”


“Ako nalang mag aalaga kay Ka—”


“We’ll bring Kat,” pagputol naman ni Karina sakanya kaya napakunot ang noo ko. “Samahan mo nalang si Ning, Gi.”


“Sure ka?”


Tumango siya saka tumayo, “Yeah. Ligo lang ako. Let’s bring my car nalang.”


“Okay…”

 

 

 


Nauna na siyang umakyat sa second floor habang naiwan kami nila Ning sa may dining area na pinapanood siya. Naalala ko bigla yung pinagusapan namin noong isang gabi na binisita kami ng ate niya. Hindi ko alam kung ang lakas niya lang ba talaga mang-asar or totoo yung sinasabi niya eh. Kasi sa totoo lang, iniisip ko rin talaga paano kapag nagustuhan ako ni Karina tapos alam ko naman sa sarili ko na hindi ko kayang ibigay sakanya yung gusto niya. Hindi naman siguro mangyayari yun ‘diba? Magkaibigan naman kami kaya ayoko masira kung anong mayroon kami.


Pinadalhan ko siya ng pagkain noong isang araw para makabawi naman sakanya kahit alam kong wala naman talaga dapat ibawi pero ayoko lang ng may ganon siyang nararamdaman towards me and Won. Klinaro ko lang din sakanya na magkaibigan lang kami ni Winyoung dahil ayoko rin na may isipin siyang iba sa aming dalawa. Wala naman kasi talagang dapat ikaselos eh. 


Magkakaibigan kaming lahat dito. Ayoko nang may magiging awkward sa amin.


Pero naiisip ko na baka binibig deal ko lang din talaga ang mga bagay bagay dahil si Karina na rin ang nagsabi na hindi naman daw big deal yun. Crush lang naman daw. Tama nga naman siya, crush lang naman yun. Pero bakit niya ba ako naging crush? Eh parang tanga nga kami ni Ning tuwing magkakasama kami. Pero ano ba definition ng crush? Yung hinahangaan mo siya sa peronality and mga bagay na ginagawa niya? Kasi kung ganun lang din naman, tama naman siya eh. Ako rin naman maraming crush.


Harry Styles

Jennifer Anniston

Megan Fox

Ryan Reynolds

Karina Yu

 

 

 

 

 

I push the big cart while Karina pushes Kat's stroller and reads the list that we need to buy for the four of us dito sa Landers sa may BGC sa Uptown. Halos puno na rin ang cart na kinuha namin and I’m afraid na baka sobra pa sa mga nakasulat yung mga binili ni Karina. Dapat talaga sila Ning lang ang bumibili dahil sakto lang yung kinukuha nila. Natatakot ako kung magkano ang babayaran namin dahil mapupuno na yung cart pero hindi pa kami tapos sa mga kailangan namin bilhin.

 

Natapat kami sa aisle ng mga canned goods at gulat akong halos ubusin niya ang Delimondo na nakalagay doon. 


“Huy, sobrang dami naman ata niyan?” sambit ko habang pinapanood siyang naglalagay pa din ng mga corned beefs sa cart.


“It’s your favorite, right? We should buy them,” tanong sa akin ni Karina at tumingin saglit.


“Kahit na. That’s too much. May budget lang tayo every month, remember? Ibalik mo na yan. Lima lang bilhin mo,” saway ko sakanya. 


“But—”


“No buts, Karina. Ibalik mo yan.”


Sinunod naman niya ako ng padabog while pouting kaya naman pigil akong natawa at napailing nalang. Nakabili na din kami ng diaper at gatas ni Kat na kayang-kaya na tumagal ng tatlong buwan sa sobrang daming binili ni Karina. Mas okay daw kasi iyon para hindi kami mauubusan.


After an hour of pagiikot, nakabili na rin kami ng mga pwede naming pang midnight snack at shempre, hindi mawawala yung mga stock na mga alak para kay Ning at Karina. Condiments nalang and mga kailangan sa kitchen yung kulang and then pwede na kaming magbayad. Buti nalang din talaga ay medyo kaunti lang ng tao ngayon kaya hindi kami masyadong pipila.


“Ano pa need natin?” tanong ni Karina habang binabasa ang nasa papel kaya naman napasilip na rin ako.

 

“Oil, mayo, soy sauce, ketchup, and oyster sauce nalang,” sagot ko habang binabasa ito. Hindi ko napansin na sobrang lapit na pala ng mukha ko sakanya kaya noong pagka-angat ko ng ulo ko, napansin kong nakatingin siya sa akin with a small smile plastered on her face. Nilayo ko ang ulo ko at bumalik sa kinatatayuan ko kanina.


“Why are you smiling?”


“Cute lang natin today. It’s like we’re on a grocery date.”


“D…date?”


Karina giggled as she playfully pinches me on my side. “Diring-diri?”


Umiling nalang ako saka itinulak ulit ang cart papunta sa mga condiments. Medyo napapagod na ako pero laban. Ginusto ko naman ‘to pero sobrang bigat na din kasi ng cart na tul

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
lststrinunvrse #1
Chapter 15: Missin' so much the update just how we're missing the writer too. 🥺
i_voyx #2
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#3
Chapter 36: loveit
queenforsythe #4
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #5
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#6
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #7
Tooor
usetae09 #8
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#9
Chapter 74: miss ko na ‘to :((
mjeong #10
Chapter 22: hindi ko makita pic:(((