Graduation

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

Graduation na ni Ning.


At dahil graduation niya, feel na feel niya yung bagong dress and heels na binili sa kanya ni Giselle. Tuwang-tuwa rin siya when we checked in kahapon sa Sofitel na binook ni Karina for us. Halos isang buong araw ata sila nag photoshoot sa bathroom ni Karina eh. Ewan ko ba dyan kay Karina, sinasakyan lahat ng trip ni Ning habang kami naman ni Giselle ay nag-ayos nalang ng gamit namin sa loob ng hotel room.


Karina booked us the Junior Family Suite that overlooks the Manila Bay and the Manila cityscape. Hindi naman ako sa nagrereklamo pero isang king-size bed lang kasi yung nandito sa kwarto. Sinabihan ko na si Karina na magdadagdag na lang ulit kami ng extra bed pero mabilis na nagreklamo si Ning.


For sure raw ay sa lapag na naman kami if magdadagdag pa. Lagi nalang daw siyang nasa lapag. Gusto niya raw maranasan ang nasa kama. Kainis lang. Kaya in the end, pumayag na ako na magsama-sama kami sa iisang kama. Kasya naman ata kami. Tatagilid na lang ako.


Hindi ko naman makakatabi si Ning. For sure yan dahil today niya malalaman yung regalo ko.


We got up early kanina because aayusan pa kami ng mga make-up artists that Karina hired since 9 AM yung call time nila Ning sa PICC. Akala ko nga si Ning lang yung aayusan pero sabi ni Karina na kasama raw kami sa binook niya kaya hindi na rin kami umalma since less trabaho siya para sa amin. 


After ko maayusan, I excused myself to meet some important people sa may lounge area. I told them what to do and gave the information na kailangan nila bago umakyat ulit sa kwarto namin. Nang makabalik ako, tapos na si Gigi ayusan kaya naman pumasok na kami sa kwarto para magpalit ng mga dress na susuotin namin. I wore a plain white square neck dress just above the knee habang si Giselle naman ay naka all black french style dress. 


After awhile, pumasok na rin si Karina sa kwarto at nagpalit ng susuotin niya sa ensuite bathroom. She was dressed in an all-black suit with 6-inch heels kaya mas tumangkad pa siya ng ilang pulgada sa akin. Ramdam na ramdam ko tuloy yung pagiging maliit ko. Pero I must say, my friends are looking so dazzling today. Para kaming Charlie’s Angels tapos ako yung pinaka-demure. Charot!

 

 

 

 

 


“Winter, asan na yung regalo mo sa akin?” inip na tanong ni Ning habang papunta kami sa venue kung saan gaganapin ang graduation nila. Kakalabas lang namin sa kotse ni Karina pero kinukulit na niya agad ako sa regalo ko sakanya.


“Makikita mo naman mamaya. Wag kang atat,” sagot ko sakanya. Inirapan niya lang ako kaya naman bahagyang natawa yung dalawa naming kaibigan.


“Ano kaya regalo ni Winter? Pretty sure it’s gonna be bongga,” dagdag ni Giselle kaya naman pinandilatan ko siya. Ayoko naman kasi mag expect yung best friend ko sa regalo ko pero alam kong iiyak siya kapag nalaman niya ‘to. Makakabawi na rin ako sakanya!


“Sa sobrang kuripot ni Winter, feeling ko ruler lang ibibigay niyan sakin.”


Hinampas ko siya sa braso and dramatically gasped, “Anong kuripot?! Sa’yo nga lang nauubos pera ko!”


Nakapasok na kami sa loob ng venue nang nag-aasaran pa rin. Kapansin-pansin din yung mga tinginan nila sa grupo namin dahil sa mga kasama ko lalong-lalo na kay Karina. Siguro dahil nakikita siya sa mga IG stories ng mga artista saka sobrang stand out din talaga yung suot at itsura niya. Para siyang mafia boss. 


Ano ba yan, sa lahat ng pwedeng ihalintulad ko sakanya, mafia boss pa talaga. Pero no joke, ganun kasi yung vibe niya ngayon. She’s really intimidating. Kung hindi ko lang siya kilala, matatakot ako na lumapit sakanya eh. 

 

 


Ning chatted with us for awhile before a professor called to remind her that she needed to take her designated seat.  Kami namang tatlo ay pumunta sa dalawang tao na kausap ko kanina sa lounge area— parents ni Ning.


It was not easy for them to return to Manila. They had to notify their employer three months in advance that they were returning to Manila for their daughter’s graduation. I actually planned this during Ning's first semester just in case they couldn't come so I could think of something else to give to Ning, but thankfully, they were able to convince their bosses to let them go home to the Philippines. Ning's parents are both engineers in Dubai. Nasa dugo na ata nila ‘yon. Families like that exist, including mine. Pamilya ng mga sundalo.


“Hi, Tita. This is Karina and Giselle po. They are Ning’s friends. Guys, parents pala ni Ning,” maligayang pagpapakilala ko sa kanilang apat. Gulat naman yung dalawang kaibigan ko sa dalawang tao na kaharap nila. Hindi rin siguro nila ine-expect na makakauwi ang parents ni Ning. 


“Oh my God, Hi Tita, Hi Tito. I’m very happy to meet you po,” bati ni Karina at bineso ang dalawang matanda. 


“Pleased to finally meet you po. Kamukha niyo po si Ning,” sambit naman ni Giselle at niyakap ng saglit ang dalawang matanda. Nakangiti lang akong pinagmamasdan sila nang biglang nagsalita ang speaker na magsisimula na raw ang event kaya we all settled sa aming mga upuan at hinintay magsimula ang event.

 

 

 


Nakipag-chikahan muna kami sa magulang ni Ning habang nagsasalita yung guest speaker. Nagtanong kami kung kamusta yung flight nila and my friends asked kung hanggang kailan sila sa Manila. Nakapwesto kami hindi kalayuan sa stage. For sure makikita kami ni Ning sa pwesto namin kapag nakaakyat na siya. Gusto kong makita yung reaction niya kaya naman dinala ko yung bagong bili kong camera to capture this moment. Knowing Ning, I know she’s gonna pull a stunt kapag umakyat na siya sa stage. She’s that extra.


“Ladies and Gentlemen, we will now proceed to the most awaited part of the ceremony– the handing over of the diplomas to our graduates. May we request all the Academic Directors of each program to call the names of graduates from their departments. We will start with Dr. Randy Lagman, Program Director of Civil Engineering, to call the graduates from his program.”


“Oh my god, si Ning na!” Giselle exclaimed excitedly saka inilabas ang phone niya. Napatayo na rin kaming lima nang tawagin isa-isa ang mga pangalan ng mga graduates sa course nila Ning. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Daig ko pa ata sila Tita na parang relax na relax lang matawag ang pangalan ng anak nila.


“Yizhuo, Ning.”


Tumili at pumalakpak kaming tatlo ng pagkalakas-lakas nang makita namin si Ning na literal na nag strut palapit sa Program Director nila. Tumingin muna siya sa audience at ganun nalang ang gulat niya nang makita kami, lalo na yung dalawang matanda na katabi ko. Hindi niya pa nakukuha ang diploma niya pero bigla nang bumuhos yung luha niya. Natatawa pa ako noong una na kinuha niya yung diploma niya sabay biglang nag ‘Hit The Woah’ habang umiiyak pero noong nakatingin na siya sa amin bago mag bow, hindi ko na mapigilan na maging emotional.


Sobrang proud ko lang sa best friend ko.

 

 

 

 

 

 

 

 


“Winter, nakakainis ka!” ilang hampas na ang nakukuha ko galing kay Ning nang matapos ang program at nagyakapan ang Yizhuo Family sa loob ng hall. Kinwento kasi ni Tito na ako raw yung nag pumilit sila na umuwi at ako rin ang sumagot ng papunta nila dito. 


“Bakit parang ayaw mo pa? Pauwiin ko na kaya sila Tita?” lokong tanong ko. “Hindi pa yan yung regalo ko sa’yo.”


Tinaasan ako ng kilay ng mga kaibigan namin habang nakangiti akong kinuha ang regalo ko sa shoulder bag ko na para sa kaibigan ko. Kailangan

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
lststrinunvrse 0 points #1
Chapter 15: Missin' so much the update just how we're missing the writer too. 🥺
i_voyx #2
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#3
Chapter 36: loveit
queenforsythe #4
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #5
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#6
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #7
Tooor
usetae09 #8
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#9
Chapter 74: miss ko na ‘to :((
mjeong #10
Chapter 22: hindi ko makita pic:(((