Chicken Skin

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

“Tapos? Anong sabi mo?”


Mabilis at excited na tanong ni Ning nang matapos ko ang kwento sa nangyari sa amin kagabi ni Karina. Nandito siya ngayon sa kwarto dahil naramdaman niya raw agad na parang wala ako sa sarili noong umuwi ako. Wala pa sana akong balak ikwento sakanya pero ngayon, nandito siya sa tabi ko sa kama habang kinukulit ako, asking me what’s bothering me.


“Sis, ramdam ko na may mali sa’yo. Hindi pantay s ko today.”


Kapamilya niya siguro si Ed Caluag.


Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya. Akala niya raw, si Karina yung hindi seryoso but it turns out, nagkamali siya. I even had to cover to stop her from squealing dahil baka marinig siya ng mga tao sa labas. 


“Nagpasalamat lang ako,” sagot ko. Nawala yung anticipation at ngiti ni Ning sa mukha niya nang marinig ang sagot ko. twitched habang sinamaan ako ng tingin. Gusto kong matawa.


“What?” 


“You heard me the first time.”


Pumikit siya at huminga ng malalim at dahan-dahang umalis sa kama para tumayo. I watched her with furrowed eyebrows, unsure kung anong gagawin niya.


“Ning?”


Mabilis niyang kinuha ang unan at hinampas ako sa mukha kaya naman talagang nagulat ako. Buti nalang malambot yung unan!


“Ang! Pangit! Mo! Sumagot!” sigaw niya habang hinahampas ako ng unan with every word. I raised my arms para pigilan siya sa paghampas sa mukha ko pero mas malakas siya sa akin.


“Ning! Tama na!”


“Bwisit ka Winter!”


“Ano ba yon?! Bakit ka ba galit?”


Tumigil na siya sa paghampas sa akin at ibinaba ang unan sa kama. Masama pa rin ang tingin niya sa akin while I gave her an exasperated look. Inayos ko ang magulo kong buhok habang naupo naman ulit sa tabi ko si Ning.


“Gusto kong mainis ulit pero naalala ko na si Jaemin nga lang pala yung naging jowa mo kaya hindi mo alam paano mag handle ng confession pero Winter naman…” she groaned loudly while massaging her temples. “Bakit naman nag thank you ka lang?”


“E ano ba dapat? Wala akong masabi sa mga inamin niya sa akin kaya nagpasalamat nalang ako,” sagot ko. “Besides, sabi naman niya hindi siya nage-expect na may isasagot ako sa sinabi niya eh.”


“Ayun na nga. Nagpasalamat ka lang,” saad niya. “Hindi mo man lang ba sinabi sentiments mo? Nireject mo ba siya? Sinabi mong gusto mo rin siya? Thank you lang talaga?!”


Pinanlalakihan na ako ng mata ng best friend ko at lumalaki na ang butas ng ilong niya. This is not a good sign.


“Bakit ko naman siya irereject?”


Natigilan si Ning.


“So sinabi mong gusto mo siya?”


Umiling ako habang nakakunot ang noo.


“Hindi rin.”


“E ano lang?”


I heaved a long sigh. “Nagpasalamat nga lang ak—”


Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko na ulit ang unan na lumapat sa mukha ko.


Ano bang dapat na sinabi ko?!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


“Morning,” bungad ni Giselle nang makababa ako sa sala. Nakasuot na siya ng pang pasok niya habang umiinom ng kape. 


“Morning. Ikaw pa lang gising?” tanong ko at dumiretso sa kitchen para magtimpla rin ng kape for myself. Sinundo kahapon nila Kuya Top si Kat dahil paglalaruin daw nila ang pamangkin namin sa BGC saka bibilhan ng damit. Hmp, ang dami na kayang damit ni Kat!


“Yeah. Tulog pa ata yung dalawa,” sagot ni Giselle habang naglalakad siya palapit sa counter. She put her mug on it saka tumingin sa akin.


“Birthday ni Ryujin tomorrow. Free ka ba? We’re thinking na mag dinner nalang tayo,” saad niya. “Pansin kasi namin na hindi kayo close pero she invited you as well.”


Ah, si Ryujin. Sa dami kong iniisip at ginagawa, hindi ko na siya napagtuonan ng pansin. I mean, we talk naman kapag naaabutan ko siya sa bahay dati pero yun na yun. Simpleng batian at ngitian. Lagi rin naman kasi akong pagod kapag umuuwi and more often than not, umuuwi na siya kapag nakauwi ako since mas nauuna si Gigi umuwi sa aming lahat.

 

“Ah really? Sige ba,” sagot ko naman at hinalo na ang kape na ginawa ko. Kinuha ko na ito saka tumabi kay Giselle sa island stool. “You can invite her to celebrate her birthday at my restaurant tomorrow. I'll take care of everything, it's also a nice way to say thank you,” dagdag ko naman. 


Nagliwanag ang mukha ni Giselle at napangiti. Bigla naman niya akong niyakap kaya may natapon na kape sa counter from the sudden contact.


“She’ll love it!”


Napangiti na rin ako and pat her hands when we heard someone clearing .


When we both turned around, Karina was staring at us confusedly in her pajama shorts and a muscle tee. Her hair was dishielved, and you can tell she just woke up. I was the first to look away because she was staring at Giselle's hand wrapped around my body.


Tinanggal naman ni Giselle ang pagkakayakap sa akin saka umupo sa tabi ko.


“Morning, Karina.” 


“Morning.”


Sabay na bati namin sakanya. She approached us with a lazy smile. She then placed her hand on my my left shoulder and gently squeezed it. I noticed Giselle looking at her hand, but she shrugged it off and turned to face Karina.


“Hindi ka papasok ngayon?” tanong ni Giselle then she took a sip from her coffee.


Umiling naman si Karina saka tinanggal ang pagkakahawak sa shoulder ko.


“I don’t have pasok right now pero may meeting ako later with the producer ng film pero madali lang naman yun,” sagot niya. Bumaling naman siya sa akin and smiled. “Did you eat na?”

 

“Not yet. Anong gusto mo?” tumingin ako kay Giselle. “Kakain ka ba dito?”


“Ay hindi na. I’m gonna be late,” sagot ni Giselle at tumayo na saka inayos ang kanyang dress na suot. “I’ll get going na rin. Is it okay na pasabay nalang sa paghugas yung mug?” tanong niya as she raised her mug. Tumango naman ako.


“Lagay mo nalang sa sink, ako na bahala dyan.”


Giselle smiled sweetly at me, “Thanks, Winter.” 


Nagpaalam na rin siya kay Karina bago umalis ng bahay, leaving the two of us alone sa kitchen. Shems, hindi ko naman alam na ganito pala ka-awkward yung atmosphere. Wala naman kasing nagsasalita sa aming dalawa. Parehas kami nagpapakiramdaman.


“Gusto mo ng coffee?” 


I was the first to initiate conversation between the two of us. I took Giselle's mug and stood up to put our mugs in the sink. My back was facing Karina kaya mas okay na rin yung ganito. Nagsimula na akong maghugas pero hindi pa rin siya nagsasalita.


“Winter.”


“Hmmm?”


“Do I make you uncomfortable?” 


Natigilan ako sa tanong niya. Huminga ako ng pagkalalim at umiling. Alam ko namang hindi niya nakikita ang reaksyon ko pero mas okay na ‘to. Nahihiya kasi akong harapin siya dahil sa sinabi ni Ning kagabi. Ikaw ba naman, you confessed sa isang tao tapos nagpasalamat lang siya sayo.


“Salamat.”

 

What the hell is that diba? 


“Hindi. Why would you think of that?” pag-deny ko. Narinig ko naman ang yapak niya na papalapit sa akin kaya minadali ko nang banlawan ang mga baso saka inilagay ang mga ito sa dish rack.


“You’re not looking at me kasi,” she answered, voice softened. Ramdam ko na nasa likod ko na siya kaya naman pinatay ko na ang gripo para harapin siya. She was leaning her back sa counter while her arms are crossed against her chest.


“Did my confession make you act like this? I don’t want you to be uncomfy around me, Winter.”


I gulped. She sounds worried and anxious by the way she speaks.


I walked over to her and gently caressed her upper arm with both of my hands.


“Hey, it’s not what you think,” she raised her head as we locked gazes. I gave her a reassuring smile, “You’re not making me uncomfortable in any way. Sa totoo nga, nahihiya pa ako sa’yo. Ang pangit kasi ng sagot ko sa confession mo.


I chuckled nervously which lightened the mood. Napansin ko ring nakahinga siya ng m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
lststrinunvrse 0 points #1
Chapter 15: Missin' so much the update just how we're missing the writer too. 🥺
i_voyx #2
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#3
Chapter 36: loveit
queenforsythe #4
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #5
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#6
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #7
Tooor
usetae09 #8
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#9
Chapter 74: miss ko na ‘to :((
mjeong #10
Chapter 22: hindi ko makita pic:(((