Jungwoo

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

“Have you found a condo yet?” Kuya Top asked of Ate Taeyeon. We've arrived at Nono's for lunch. Kararating lang ni Ate Taeyon at sinundo namin siya ni Kuya along with Kat. Sobrang weird lang sa pakiramdam na magkakasama kami ngayong tatlo. After ko kasi umalis sa bahay namin, hindi naman na talaga kami nagsama-sama katulad ng ganito. Kung bibigyan man nila ako ng pera, thru bank transfer lang.


Hindi ko nga sure kung tama ba itong ginagawa namin. Baka kasi may makakita at magsumbong kay Dad. Mapagalitan pa sila Kuya.


Nung sinundo namin siya sa airport, mangiyak-ngiyak pa si Ate na yumakap sa amin ni Kuya. We’ve exchanged I miss yous at nagyakapan habang si Kat naman ay tinignan lang ang Mommy niya. Siguro naninibago at nahihiya kasi medyo bata naman talaga si Kat noong iniwan siya sa akin ni Ate almost a year ago. Ang bilis lang talaga ng panahon…


“Yeah. I have a friend sa Mandaluyong. Available daw yung unit sa tabi niya so I’ll check it siguro this week,” sagot naman niya at masayang sinubuan si Kat ng fries. 


“That’s good. Malapit ka lang kay Winter,” sagot ni Kuya at napatingin sa akin. “Napag-isipan mo na ba yung tungkol sa pag-uwi sa bahay?”


I sighed at tumango. Alam naman niya siguro yung sagot ko dyan. Hindi naman na kasi talaga magbabago yung desisyon ko. Ngayon pa na… exclusive dating kami ni Karina.


“Kuya, my decision won’t change. Hindi na ako babalik sa bahay.”


Napatingin si Ate Taeyeon sa akin with a worried face saka tumingin sa Kuya namin, “Kuya naman, pababalikin mo pa rin si Winter sa bahay? Pinalayas nga siya dati diba?”


Hindi ko malaman kung anong iniisip ni Kuya since nakatingin lang siya sa akin at walang expression. Kahit pilitin pa nila ako, hindi na ako babalik doon. 


“Just…” Kuya sighed defeatedly. “Just visit our parents. Especially si Mom. Matanda na sila, Winter. Patawarin mo na si Dad.”


Napakunot ang noo ko. Ganun nalang ba yun kadali? Patawarin siya dahil matanda na siya? Hindi ba nila naisip yung paghihirap ko noong pinaalis nila ako sa bahay noong bata pa ako? Hindi madali na magpatawad lalo kapag malalim yung sugat. 


“I know hindi ganun kadali, Winter,” dagdag ni Kuya and his expression soften. “I know na sobrang unfair ng nangyari sa’yo. Dapat ikaw yung inaalagaan namin dahil ikaw yung bunso pero ikaw pa yung nadehado. Sinunod mo lang naman yung gusto mo. Hindi mo kasalanan ‘yon but please… please try. Kahit bisitahin mo lang sila, Win.”


I don't want to cry here in the restaurant, so I cleared my throat, hoping that by doing so, the tears that were about to fall would at least go. 


Dapat ikaw yung inaalagaan namin dahil ikaw yung bunso pero ikaw pa yung nadehado.


“I’ll think about it, Kuya,” I replied at uminom ng tubig. Para kasi akong malulunod sa pinag-uusapan namin. Masyadong sensitive for me. Naramdaman kong hinawakan ni Ate ang kamay ko sa ilalim ng mesa and squeezed it as she gave me a smile.


Wala na akong nagawa kundi huminga ng malalim. Nag-usap pa kami ng mga plano ni Ate Taeyeon dito. Na-settle na niya ang resignation niya at magpapahinga raw muna siya para maging hands on sa pag-aalaga sa pamangkin ko. Marami naman daw siyang naipon. Kuya’s suggesting na sa Brent na raw i-enroll si Kat pero agad na tumanggi si Ate Taeyeon. Hindi naman raw kailangan mamahalin agad yung school na pupuntahan ni Kat since bata pa siya.


We were still talking when my phone began to vibrate. I pulled it from my jeans pocket and saw that Karina had texted. I instantly unlocked the phone and read her text message.


[2:18 PM] Pretty Landlord: Hey, just wanna let you know na we’re on our way sa party ni Ate Seul. 

 

[2:18 PM] Pretty Landlord: Nasundo niyo na si Ate Taeyeon?

 


It's been a week since we confessed to each other, and I can't deny the happiness I feel. Nothing has changed between us except that we always text each other at work and then have this unspoken agreement that we will wait for each other to come home so we can see each other. She also makes sure to give an update on her work activities. She doesn't have to do it, but I appreciate it and think it's amusing. Hindi ko pa siya naaaya sa date since alam kong sobrang busy niya but when I find a perfect time na parehas kami free, aayain ko siya.


[2:20 PM] Me: Ingat kayo. For sure masarap yung food dyan later hehe.

 

[2:20 PM] Me: Yes, we’re having lunch dito sa Pasay. Have you eaten?

 


“Winter, I’m talking to you.”


I immediately raised my head para tumingin kay Kuya, “I’m sorry, what?”


“Your Ate is asking kung sasama ka raw ba sa bahay tonight. Magpapakita lang naman kami,” sagot ni Kuya. Mabilis akong umiling.


“Marami pa akong kailangan gawin.” Lies. Free ako tonight. Si Lisa naman yung in charge sa party ni Miss Seulgi kaya alam kong wala namang magiging problema.


“But pwede kayong dumaan sa restaurant. Take-out nalang kayo ng food for uh, Mom,” I added. Ngumiti naman silang dalawa at tumango. That’s what I can offer for now. 


“We’ll do that. Thanks, Win.”


Nag-usap na ulit silang dalawa tungkol kay Kat. Ewan ko ba rito kay Kuya, gustong-gusto na agad pag-aralin si Kat sa Brent. Natutuwa naman ako sakanila, lalo na kay Kuya dahil ayaw niyang maramdaman ni Kat na wala siyang tatay kaya he’s gonna spoil our niece hanggang kaya niya. 


[2:25 PM] Pretty Landlord: I know, ikaw nagluto eh. Hay, I think I’m gonna miss you habang kumakain later lol


[2:25 PM] Pretty Landlord: I ate na po. Enjoy muna kayo dyan. Text me later? Send my regards to your sister :)


Hindi ko na napigilan na hindi ngumiti. Ang weird ba dahil kinikilig ako sa pag gamit ni Karina ng ‘po’ sa akin? God…

 

[2:26 PM] Me: Okay. Ingat kayo. Enjoy the party, see you later! 

 

 

 

 

 

 

 

 


Nakarating na ako sa bahay ng almost 8 PM dahil nag ikot-ikot pa kami nila Kuya sa MOA at pinaglaro pa namin si Kat sa Dream World. Medyo napagod din ako dahil nakipag-habulan pa ang pamangkin ko sa akin. Dumaan na rin kami sa restaurant para bigyan sila ng pagkain na iuuwi sa parents namin. We bid our goodbyes saka nagkanya-kanyang uwi na. 


“Kamusta lakad?” tanong ni Giselle nang maabutan niya ako sa sofa. Kararating lang ni Gigi two days ago at medyo umitim siya. Yun din naman daw ang goal niya. Gusto niya raw mag pa-tan.


“It was good. Ikaw? Nakahanap na kayo ng place?” tanong ko naman at umusod para bigyan ng space si Giselle. Tumabi siya sa akin at tumango.


“Baka sa high street kami mag open ng physical store. Nag hire na rin si Somi ng gagawa ng website namin,” she answered while smiling. Halatang excited na siya. Nae-excite na rin ako for her.


“That’s nice! Ano name ng brand niyo?” tanong ko naman. 


“Grandeur,” she answered. “It’s pretty nice, right?”


Tumango naman ako, “It is. Libre dapat ako ng isang shirt dyan ha!” pagloloko ko. Natawa naman kami pareho when she glared at me.


“Ang kuripot mo naman!”

 

“Parang hindi mo naman ako crush,” pagbibiro ko. Her smile faltered sa sinabi ko kaya naman nag worry ako bigla. “Huy, joke lang…”


She chuckled pero walang laman. 


“Ano ka ba, okay lang. Karina told me na you guys are uhm…” she looked away at napatingin sa TV. “You guys are dating na. That’s good to hear.”


Sinabi na pala ni Karina sakanya? Akala ko kasi hindi niya muna sasabihin sa mga kaibigan namin na we’re dating na.


“Ah, oo. Exclusively.”


Tumango siya at napatingin sa akin, “You two would make a wonderful couple.”


Napahawak ako sa batok ko at parang nahiya sa sinabi niya. Couple agad? Wala pa naman siguro sa isip namin yan ni Karina, right? Besides, kakaumpisa lang namin mag date. We’re testing the waters pa.


“Yeah? Thanks, Gi.”


She smiled at me at bigla akong inakbayan kaya medyo nagulat ako. 


“Basta kapag sinaktan ka, ako fallback mo ha?” Ngumisi siya and played with her eyebrows. Natawa na ulit kami saka ko siya itinulak papalayo sa akin gently.


“Sira. Hindi naman siguro ako sasaktan ni Karina…”


Right?


She looked at me amusingly at tumayo na. “Good luck, Win. I hope you’re always happy.”

 

“Thanks, Gi. Sana ikaw din.”


We both exchanged smiles saka siya umakyat para pumunta sa kwarto niya. I checked my phone at nakitang wala pa ring text si Karina. Baka busy pa sa party. Ang last message niya kasi ay magsisimula na raw yung event. Tumayo na muna ako at pumunta na rin sa kwarto ko para makapag-half bat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
lststrinunvrse 0 points #1
Chapter 15: Missin' so much the update just how we're missing the writer too. 🥺
i_voyx #2
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#3
Chapter 36: loveit
queenforsythe #4
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #5
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#6
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #7
Tooor
usetae09 #8
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#9
Chapter 74: miss ko na ‘to :((
mjeong #10
Chapter 22: hindi ko makita pic:(((