Warm

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

It's our last day on the island.

 

Around 11 AM na din kaming nagising nila Ning after namin mag bonfire. Sobrang nakakatuwa lang dahil feeling ko mas naging close pa kaming anim sa isa't-isa. Marami kaming napagkwentuhan about life. Kung ano yung mga opinions nila about certain topics and believe me, nag debate pa si Giselle at Yeji if cheating daw ba kapag nakipag-momol ka sa iba habang you guys took a "break". Napag-usapan kasi namin si Ross and Rachel na characters ng sikat na American TV Show na Friends. Ako, si Ning, Si Giselle ay Team Rachel pero yung tatlong direktor, Ross Apologists.


Kesho si Rachel naman daw nagsabi na mag break sila and yun din yung pagkakaintindi ni Ross kaya he hooked up with someone sa bar. 


Shempre sumabat naman kami na it didn't justify his actions. Ilang oras pa lang kayong break, nakipag- ka na sa iba? Gago ka ba, Jaemi-- ay hindi pala. Pero Ross!


Tonight din, nakahanap na ako ng flaw ni Karina. Which is yun nga, Team Ross siya.


Karina, okay lang yan, I can fix you.

 

After ng debate namin, nagsikantahan na din sila habang ako yung tumutugtog ng gitara. Wala namang special about it but sobrang saya ko lang na sila yung kasama ko ngayon sa trip na 'to. Sobrang calming kasi ng sound of waves from the ocean tapos yung init na binibigay pa ng bonfire sa amin is what kept us stay there kahit na malamig na.


Marami pa akong nalaman sakanila that night. As in super dami.


Lia told me I'm her girl crush because I'm cute daw. (Di na bago sakin 'to. Emz)

 

Giselle is RICH rich like SUPER RICH (Kaya nga tinanong ko siya bakit sa bahay pa siya ni Karina tumitira eh. Niloko pa siya ni Ning na lumayas na daw.)
 

Yeji is in a relationship with a famous actress (#YejiBading)

 

Karina's starting to have a little crush on someone daw (Hinulaan pa nga namin kung si Jeno ba 'yon or ibang artista eh.)

 

 

 

 

 

 


We had big smiles on our faces as we said goodbye to one another that evening, and our bonds deepened. Sobrang solid lang. Gusto kong maulit 'to pero sila ulit yung kasama ko.

 

"So ano ganap natin today ulit?" tanong ni Ning kay Karina habang nilalagyan ng lotion ang legs niya. Kakatapos lang din kasi namin mag lunch and we decided na bumalik muna sa mga rooms namin para makaligo at makapag-ayos na din.


"We're going to Mangyan Village and buy some of their handicrafts and arts for souvenir," sagot naman ni Karina habang nagbbrowse sa phone niya. As usual, katabi niya si Kat habang nanonood ng kung anong cartoos sa iPad niya. Kilala pa kaya ng pamangkin ko yung nanay niya? Puro na siya Tita Wina eh.


"Ganyan mga gusto ni Winter kapag nagt-travel kami. She's more of a culture and heritage kind of traveler than a beach bum kaya for sure matutuwa yan," aniya kaya naman napatingin sa akin si Karina and raised one of her brow.


"You do?" tanong niya. Nginitian ko naman siya at tumango.


"I do."


"Ay? Bakit may pag I do? Ikakasal na ba k--- aray Winter!" 


Inalis niya ang unan na tumama sa mukha niya na inihagis ko at sinamaan ako ng tingin. 


"Bunganga mo talaga para kang kumain ng puke ng baboy!"


"Puke ng manok yon, shunga!"


"Ay wala akong pake kung kaninong puke yang kinain mo basta ang ingay mo!"


"Yuck! Allergic ako sa lumpiang basa no!"

 

Napatigil naman kami ni Ning sa pagtatalo nang marinig namin si Kat na nagsalita.


"Tita Wina, what's puke?"

 

 

 

 

 

 

 

 


I was ecstatic to see the village when we got there and to meet the locals. We even had some difficulty finding the location because there were no signs or anything to direct us, so we asked people how to get to Iraya Mangyan Village. I also noticed that the houses in the village all look the same—they're made of wood, nipa, and cogon. Inside are a basketball court and a school. We also noticed a short route leading to Talipanan Falls. Before we could get to the area where the majority of the houses in Mangyan Village are built, we had to cross a river that was almost completely empty. Nagkaroon din ng problema si Lia dahil walang comfort rooms yung mga bahay but there is a communal bathroom kaya naman sinamahan namin siya doon and then continued looking around the area. 

 

May nakita kaming huge tradiotional hut at napag-alaman namin na it serves as a gallery of finished woven handicrats na ready na i-export sa ibang bansa. They sell native plates, bottle holders, baskets, place mats, trinkets and more. Napabili nga kami ng madami dahil sobrang nagagandahan kami sa mga ginagawa nila. They even tried to teach us kung pano gumawa ng native plates and I kid you not, sobrang hirap kaya nakakamangha sila panoorin na walang kahirap-hirap gumawa ng mga handicrafts. Sobrang nakakatuwa lang dahil you'll be immersed talaga sa culture nila kapag nandito ka. We even talked some locals at may ibang batang lalaki nga na nagsabi na ang ganda ganda daw ni Karina kaya naman natuwa ito. 

 

Kahit sino talaga nagagandahan sakanya eh.

 

Nang matapos ang trip namin, bumalik na ulit kami sa resort para magpahinga at mag pack ng mga luggage namin. Kaunti lang naman yung ipapack ko since yung gamit lang ni Kat yung aayusin ko dahil siya yung may mas maraming dalang mga damit kaysa sa akin. Paano ba naman kasi, sa lahat ng pinuntahan namin, binilhan siya ng mga kasama ko ng mga t-shirt para daw souvenir. 

 

"Do you want to go to White Beach mamaya?" tanong ni Karina habang nagtutupi ng damit sa kama. 


"Go ako dyan. Doon nalang tayo mag dinner. Iinom ba tayo? Nasa itinerary yun," tanong naman ni Ning na kakatapos lang magsara ng luggage niya. 


"Hindi mo talaga papalagpasin ang inom no? Puro ka na nga alak sa katawan simula nang makadating tayo dito," sagot ko naman pero inirapan niya lang ako. Natawa naman ng bahagya si Karina at napatingin sa amin.


"You guys always fight. Hindi ba kayo napapagod?" tanong niya with an amused smile.


"She can't live without me," sagot ko naman ng pabiro kaya nakatanggap ako ng batok kay Ning.


"Neknek mo! Ikaw yung hindi kayang mawala ako dahil wala ka nang ibang kaibigan," sagot naman niya kaya napataas ang kilay ni Karina.


"Why? Am I not your friend, Winter?" tanong ni Karina sa akin. Ibubuka ko na sana ang bunganga ko para sumagot pero naunahan ako ni Ning.


"Nasa landlord level ka palang, Direk. Wag kang ano dyan."


Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya kaya naman hinampas ko ang hita niya which caused her na tumili. Sinamaan niya ako ng tingin at bigla namang tumayo at naglakad papunta sa pinto.


"Ayoko na nga dito sa kwarto na 'to, mapanakit yung mga tao! Tatambay nalang ako kela Yeji!" sigaw niya at binuksan na ang pinto para lumabas sabay sara ng pinto ng malakas. Gaga talaga.


Umiling-iling nalang ako saka pinagpatuloy ang pagtutupi ng mga damit namin ng pamangkin ko nang biglang nagsalita si Karina kaya napatingin ako sakanya.


"Ang dami mo namang biniling bags from the village. Pasalubong perhaps?"


Tumango naman ako at ngumiti sakanya, "Yung isa kay Ate Taeyeon tapos yung isa Kay Kuya tapos kay Wonyoung," sagot ko naman. 


"Wonyoung? Who is she? Friend mo din?" pagtatanong niya ulit. Tumango ako at naalala yung mga texts ni Won na nagtatampo dahil hindi ko daw siya sinama sa trip na 'to. Nalaman niya kasi na kasama ko si Karina kaya ayun, gusto niyang makilala. 


Pagkatapos niya magsabi sakin ng fake news about Jeno and Karina? Hmp.


"Yeah, she's a friend of mine. Nagtatampo kasi eh kaya binilhan ko na rin," sagot ko naman. Karina slowly nodded at ibinalik ang atensyon sa pagtutupi ng mga gamit niya.


"Kailan continuation ng shooting niyo?" pagtatanong ko para maalis yung katahimikan. 


"Next week pa naman and then next month, we're going to New York to film," sagot ni Karina kaya naman napatingin ako sakanya.


"Wow, New York? Kainggit naman," sagot ko while pouting. Napatingin siya sa akin at natawa ng bahagya. Inilapag niya sa kama ang damit na kakatupi niya lang saka tinaasan ako ng kilay.


"Do you want to go with me?"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nang natapos kaming lahat mag pack, Karina suggested na maghiwa-hiwalay naman kami for tonight since last night naman na namin kaya puntahan na nila yung gusto nilang puntahan. Giselle, Karina, and Yeji decided to go to White Beach para pumarty. While Lia and Ning decided na mag swim nalang sa resort at dito nalang uminom para less hassle daw pauwi. Ako naman, I decided to spend the remaining day na nakahiga sa room kasama si Kat para naman makapag pahinga kami. Madali kasi akong mapagod and as much as possible, gusto kong lagi lang akong tulog. 


Pumunta kami ni Kat sa restaurant ng beach para mag grab ng dinner sandali then nakipag-chikahan sa mga staff for awhile and thanked them for their service. Feeling ko nga masesepanx si Kuya Martin kay Kat eh.


"Ma'am baka gusto niyo din po umalis, okay lang. Ako nalang po muna mag-aalaga kay Katkat," sambit ni Kuya Martin. Naisip ko naman kung saan ako pwedeng pumunta tonight dahil mas gusto ko sana talaga magpahinga.


"Kahit sa pool, ma'am. Mag unwind ka lang. Mamimiss ko kasi talaga 'tong anak niyo eh," dagdag niya kaya naman nanlaki ang mata ko.


"Ay, hindi ko po siya anak, Kuya Martin. Pamangkin lang," pagtatama ko naman kaya napakamot siya ng ulo at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
lststrinunvrse 0 points #1
Chapter 15: Missin' so much the update just how we're missing the writer too. 🥺
i_voyx #2
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#3
Chapter 36: loveit
queenforsythe #4
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #5
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#6
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #7
Tooor
usetae09 #8
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#9
Chapter 74: miss ko na ‘to :((
mjeong #10
Chapter 22: hindi ko makita pic:(((