Kabag

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

Naging busy ako buong linggo matapos ang birthday ni Gigi dahil inasikaso ko na ang upcoming birthday ni Miss Seulgi. Nag meeting na rin kami ng manager niya at nakapili na rin sila ng mga pagkain sa packages na ibinagay ko sakanila para sa mga ihahandang pagkain. Gusto ko sanang sumama sa party next week to oversee our work pero I have more things to attend to.


Gaya ng pagbabalik ni Ate Taeyeon.


Hindi ko alam kung anong klaseng pagbabago ang mangyayari kapag dumating na sa Manila si Ate Taeyeon pero I know for sure na malimit ko nang makikita ang pamangkin ko. Binabalak kasi ni Ate Taeyeon na when Kat turns three years old ay pag-aaralin niya na ito. Hindi ko alam kung magbibigay ng sustento yung tatay ni Kat pero hindi naman talaga kailangan ni Ate yung lalakeng ‘yon. 


Nandito naman kaming mga kapatid niya.


Speaking of mga kapatid, kinukulit ako ng kinukulit ni Kuya Top kung may balak daw ba akong bumalik sa bahay ng parents namin and I kept on telling him the same answer.


“Hindi ko kahit kailan inisip na bumalik sa pamamahay na ‘yon.”


He kept telling me na tumatanda na sila Mommy. Kailangan na nila akong makita ulit. Magpatawaran na raw kami and other absurd things.


Hindi ako galit sa nanay ko. Hindi ko rin alam kung galit din ba ako sa tatay ko pero all these years na patago lang akong tinutulungan ng nanay at mga kapatid ko dahil ayaw nilang malaman ni Dad na tinutulungan nila ako really hurt me so badly. Tinrato niya akong hindi tunay na anak dahil bakit? Dahil lang ayaw kong maging sundalo? 


Pinalayas naman na niya ako sa bahay niya. 


Bakit ba ako babalik diba?


As much as possible, ayoko nalang talaga isipin yung mga pwedeng mangyari sa future. Masaya naman na ako kung nasaan ako ngayon. Masaya ako sa mga taong kasama ko sa bahay. Masaya akong nakakuha ako ng parang pangalawang pamilya sakanila.


Sina Karina, Ningning, and Giselle.


Mag-iisang taon na rin kaming nakatira sa bahay ni Karina and kahit isang beses, hindi ko naisip na lumipat ng bahay. Kilala ko na sila. Ibinahagi ko na sakanila yung part ng sarili ko na hindi ko naman talaga sinasabi sa iba. They become the friends I can most readily rely on kahit pa minsan ay hindi ko alam yung mga tumatakbo sa utak nila, especially si Ning. 


I don’t think ipagpapalit ko ‘to sa kahit ano. 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Nakatulala ka na naman.”


I was quickly pulled back from my trance nang marinig ko ang boses ni Ning. Prenteng nakaupo siya sa sofa sa office ko habang nakapatong sa binti niya ang kaniyang laptop. Ewan ko ba dito sa best friend ko, nabuburyo na raw siya sa bahay kaya naman sinasamahan niya na ako sa restaurant buong linggo. Wala naman siyang ginawa kundi tanungin ako tungkol sa kay Karina.


“Bes, ano tingin mo kay Karina?”


“Bagay ba si Mingyu and Karina or mas bagay si Jeno and Karina?”


“Paano kaya kapag nagkajowa na si Karina ‘no?”


“Wala ka ba talagang nararamadaman kay Karina?”


Ramdam ko na may agenda si Ning kaya naman hinayaan ko lang siya. Sinasagot ko naman yung mga tanong niya para hindi niya na ako tanungin. Yun nga lang, padami naman ng padami yung tanong niya.

 


“Karina’s a wonderful lady.”

 

“Ewan ko. Parang ayaw niya naman doon sa dalawa.”

 

“Edi good for her.”

 

“Ako may nararamamdaman sayo— sama ng loob.”

 


“Anong chapter mo na?” tanong ko kay Ning. Inangat niya ang ulo niya para tumingin sa akin at ngumiti ng nakakakilig. Lately kasi, napagtripan ng best friend ko ang magbasa ng mga Fanfiction strories na ginagawa sa Twitter. Social Media AUs daw ang tawag dito or something like that.


“Magiging sila na!” tili niya. Sinaway ko pa siya na tumahimik dahil baka marinig siya ng mga empleyado ko sa labas.


“Sorry naman pero ayun nga, magiging sila na. Buti pa sila no, bes?” dagdag niya. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya but she just chuckled at napatingin na ulit sa laptop. “Nga pala, dito raw mag didinner si Karina. Tinext ka na ba niya?” 


“Dito? Bakit dito? Hindi ko pa nac-check phone ko,” sagot ko naman saka binuksan ang drawer kung saan ko inilagay ang phone ko. Binuksan ko agad ang Messages at nakita na nag text nga pala talaga siya. 


[10:47 AM] Pretty Landlord: Good morning, Chef. 

 

[10:47 AM] Pretty Landlord: I’ll eat dinner dyan sa restaurant mo after ng meeting ko. Is that okay?

 

[10:47 AM] Pretty Landlord: Let’s eat dinner together :)


“She’s asking me to eat dinner with her,” sambit ko nang mabasa ang text niya. Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaibigan ko na nakangiti lang sa akin. “Gusto mong sumama?”


Bigla namang nagbago ang itsura niya at bigla akong sinimangutan. Bakit? Ano na naman meron?


“Bakit mo ako inaaya eh ikaw nga yung inaaya! Kayong dalawa lang dapat!” saad niya at inirapan ako.


“Tinatanong ka lang eh. Edi wag kang sumama. Ang arte mo,” sagot ko naman at inirapan siya pabalik. Napatingin ulit ako sa phone ko at nag type ng reply sa messages niya.


[2:18 PM] You: sorry ngayon ko lang nacheck phone ko hehe good afternoon! :)


[2:18 PM] You: sure, anong gusto mong food para maprepare ko na


Sinilip ko si Ning at nakitang busy na siya magbasa ng story sa laptop niya. Ewan ko ba dito, pwede naman niyang gawin sa bahay yang pagbabasa. Wala rin kasi ngayon si Giselle dahil nag vacation sila ng family niya sa Cebu. Last week na rin niya sa trabaho next week kaya naman busy na rin talaga sila maghanap ng location ng magiging physical store nila ni Somi.


Maya-maya pa ay nagreply na si Karina


[2:25 PM] Pretty Landlord: I want you


I choked on my own saliva sa nabasa. Napatingin rin sa akin si Ning pero ibinalik ko ang atensyon sa message ni Karina.


Ano daw?


[2:25 PM] Pretty Landlord: r favorite


[2:25 PM] Pretty Landlord: I want your favorite yun lol nasend agad yung first message. 


Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi. Magrereply pa sana ako nang biglang…


Pretty Landlord is calling…


“Ning, lumabas ka muna.”


Nagtataka namang tumingin sa akin si Ning, “Bakit?”


“I have an important call. Bilis na, chupi!”


Ning groaned at isinara ang laptop at iniwan ito sa sofa saka lumabas ng office. When I made sure na wala na si Ning, sinagot ko naman agad ang tawag.


“Hello?”


“Hey, Chef. Took you some time to pick up the phone.”


Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.


“Pinalayas ko kasi muna si Ning. Chismosa ‘yun eh.”


Natawa kaming parehas.


“Bakit ka nga pala napatawag?”


“Nothing, it’s just that I want to hear your voice…”


Sobrang gentle ng boses niya nang sabihin niya ang mga salitang ‘yon. Napalunok ako at bigla kong naramdaman ang pagiging uneasy sa kinauupuan ko.


“Magkikita naman tayo mamaya.”


“I know but I just want to hear it. It’ll be a long day for me kasi.”


“Hmmm… nasaan ka ba?”


“In my office. Ilalabas na yung trailer ng movie bukas.”


Narinig ko ang excitement sa boses niya kaya naman hindi ko napigilang mapangiti.


“Let’s watch it together sa bahay.”


Silence.


“Hello? You still there?” pagtatanong ko. Hindi kasi siya nagsalita.


“Yeah, sorry. Uhm, sure let’s watch the trailer together. Tayo nila Ning?”


Tumango naman ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita.


“Sure.”


“Okay so… busy ka right now?”


Napatingin ako sa papers na nasa desk ko. Oo, busy ako.


“Not at all. Ikaw ba?”


“I have ten more minutes before the meeting.”


“Okay then. Ten more minutes to talk to you.”


She giggled sa kabilang linya kaya napangiti na ulit ako.


“Ano palang pag-uusapan niyo sa meeting?” tanong ko.


“Actually, I don’t have any idea pa but I guess we’ll talk about the press conferences and the interviews. Also yung block screening ng movie.”


“Wow, makikita na kita sa TV. Artista ka na!” 


Parehas kaming natawa.


“Gusto mo bang magpa-autograph later?” panloloko niya.


“Oo naman. Pwede po ba sa tissue? Marami kaming tissue dito.”


Napalakas ang tawa niya. Cute.


“You’re so silly, I hate you but sure, tissue it is. Actually, I’m kinda nervous kasi makikita yung face ko sa national television.”


Napakunot ang noo ko.


“Ano naman? You’re pretty I’m sure people will love you. Kapag nalaman nila na sobrang ganda at sobrang talented ng director ng movie ni Krystal, baka maraming magkagusto na sa’yo niyan. Mas maraming projects din! I just know na magiging successful ang movie mo and I will support you all the way.”


Damn, I didn’t realized na I was rambling pero gu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
lilili_oli 0 points #1
Chapter 74: Is this ghosted or authy is just resting? I hope it’s the latter. 😭😭😣
lststrinunvrse #2
Chapter 15: Missin' so much the update just how we're missing the writer too. 🥺
i_voyx #3
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#4
Chapter 36: loveit
queenforsythe #5
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #6
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#7
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #8
Tooor
usetae09 #9
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#10
Chapter 74: miss ko na ‘to :((