Operation: Winrina Part II

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

Natapos ang party na halos lasing silang lahat. Kaya pa naman ni Winter pero ang ibang bisita, katulad nila Somi ay lasing na lasing na. Paano ba naman kasi, inubos nila ang tatlong Jack Daniels at apat na Cuervo. Pinatulog na ni Winter ang dalawang lalake sa kaniyang kwarto dahil inaya naman siya ng kaniyang kaibigan na si Ning na doon nalang matulog sa kwarto niya kasama si Wonyoung at si Lia. Sa kwarto naman ni Giselle matutulog si Ryujin, Somi, at Yeji.


Solo lang si Karina sa kwarto niya dahil iniisip ng mga kaibigan na nakakahiya naman kung may matutulog kasama siya. Kahit naman magkaibigan na sila, wala pa ring nakakapasok sa kwarto ni Karina. 


Kahit na medyo nahihilo si Winter, tinulungan niya pa rin si Giselle magligpit ng mga kalat sa sala dahil ayaw nilang iwan na magulo at makalat ang sala. Magkatulad sila na clean freak. Gusto nilang maayos at malinis ang lahat ng mga bagay. Sila ang kumuha sa mga empty bottles na ininom nila at inilagay ito sa garbage bin sa harap ng bahay. 


Si Karina naman ay nagpahangin muna sa patio kasama si Ryujin na mukhang hindi rin naman masyadong tinamaan pero unlike Ryujin, nalasing si Karina kaya mas minabuti niya na magpahangin muna kaysa humiga agad sa kama niya. Alam niya kasing kapag ginawa niya iyon ay magsusuka lamang siya.


“Okay ka na dyan, Win? Aakyat na ako,” tanong ni Giselle nang makapasok sila ulit sa bahay. Tumango naman si Winter at binigyan ng mahigpit na yakap ang kaibigan na ikinabigla naman nito.


“Happy Birthday, Gigi. Sana naging happy ka sa party mo.”


Natawa naman si Giselle at ibinalik ng mas mahigpit ang yakap kay Winter. 


“Thank you, Winter,” ipinikit ni Giselle ang kanyang mata para maramdaman ang sandali na kayakap niya ng ganito kahigpit ang kaibigan. Ibinaon niya ang kaniyang mukha sa damit ng kaibigan, nilalanghap ang halimuyak na may halong incense at vanilla.


Humiwalay si Giselle sa pagkakayakap at tinignan ng mabuti si Winter. 


“Ang hirap kalaban ni Karina,” natatawang sabi niya. Tumaas naman ang dalawang kilay ni Winter sa sinabi ng kaibigan.


Bakit nadamay si Karina? Tanong ni Winter sa isip niya.


“I won’t compete na. Alam ko namang siya yung mananalo eh,” dagdag ni Giselle.


Hindi alam ni Winter kung dahil lang ba na may alak ang sistema niya kaya hindi niya naiintindihan ang sinasabi ni Giselle pero hinayaan niya nalang ito nang pasadahan ulit siya nito ng mahigpit na yakap.


“Dito ka lang? Aakyat na ako,” pag-ulit ni Giselle sa sinabi kanina. Umiling naman si Winter dahil gusto niya rin munang pumunta sa likod ng bahay para makipag-usap sa mga kaibigan.


“Punta muna ako kila Ryujin,” sagot ni Winter. Tumango naman si Giselle at pinanood ang kaibigan na pumunta sa likod ng bahay. Alam naman niya kung bakit hindi pa aakyat si Winter.


Nandoon kasi si Karina.


Huminga ng malalim si Giselle bago umakyat. Alam naman niya noong una pa lang na hindi siya mananalo kay Karina. Pero atleast sinubukan niya.


“I don’t like her that much naman talaga,” bulong niya sa sarili na pilit itong pinapaniwala na hindi naman ganun kalalim ang nararamdaman kay Winter. Tumingin ulit siya sa pinto ng likod ng bahay ng isang huling pagkakataon bago pumunta sa kanyang kwarto.

 

 

 

 

 

 

“What are you guys still doing here?” tanong ni Winter nang makita si Ryujin at Karina na magkatabi sa wooden chairs habang parang may malalim na pinag-uusapan. Agad namang napatingin sakanya ang dalawa at ngitian ito.

 

“You’re still awake?” nagtatakang tanong ni Karina. Tumango naman si Winter.


“Oo. Kami na naglinis ni Gigi sa loob. Kakaakyat niya lang,” sagot naman niya at naupo sa harap ng dalawa. “Kayo? Bakit pa kayo nandito?” dagdag niyang tanong habang nakatingin kay Ryujin.


Ramdam ni Winter na mas naging malapit ang loob nila ni Ryujin sa isa’t-isa ngayong gabi dahil sila lang ang nagpalitan sa microphone kasama si Ning. Hindi naman sila pinigilan ng iba at kuntento nang nakikinig sa mga boses nila. May paminsan-minsan na kumakanta katulad nila Somi pero mas nasulit talaga nila Ryujin ang karaoke.


“Hindi daw makatulog si Miss Yu eh,” sagot naman ni Ryujin kaya siya pabirong hinampas ni Karina. 


“I told you to stop calling me Miss Yu. We’re friends na nga diba?” pagtataray ni Karina. Natawa naman ang dalawa sakanya habang minamasahe ni Ryujin ang spot na hinampas ni Karina.


“Hindi ka pa ba antok, Chef?” tanong ni Ryujin. 


Umiling si Winter.


“Nagpapababa lang ako ng tama. Kayo?”


Bigla namang nagtaka si Winter at Karina nang biglang tumayo si Ryujin. Hindi sigurado ni Karina kung inaasar ba siya ni Ryujin dahil sa pagkalaki-laking ngiti niya nang tumingin ito sakanya bago kay Winter.


“Buti naman. Ikaw naman na mag babysit dito sa landlord niyo. Antok na ako.”


“Wait, aakyat ka na?” tanong ni Karina sa kaibigan. Parang kanina lang, madami silang pinagk-kwentuhan pero ngayon, biglang inantok si Ryujin. Alam ni Karina na pinagloloko siya nito pero hinayaan niya na.


Besides, gusto naman niya talaga masolo si Winter ngayong gabi.


Hinarap ulit ni Ryujin si Karina habang nakatalikod kay Winter.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
hakinxg #1
Chapter 74: ghosted na ba?😞
hakinxg #2
Chapter 74: ghosted na ba?😞
lilili_oli #3
Chapter 74: Is this ghosted or authy is just resting? I hope it’s the latter. 😭😭😣
lststrinunvrse #4
Chapter 15: Missin' so much the update just how we're missing the writer too. 🥺
i_voyx #5
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#6
Chapter 36: loveit
queenforsythe #7
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #8
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#9
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #10
Tooor