Hello, NYC

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

“Seryoso, ang sama ng loob ko talaga sa’yo. Bakit kasi hindi mo ako isasama tapos iiwan mo pa sakin si Katkat!” inis na sambit ni Ning na nasa kwarto ko habang tinutulungan ako maglagay ng gamit sa luggage ko. Ilang beses na namin ‘to pinagtatalunan ni Ning noong isang araw pa. 


Bakit daw hindi ko siya isasama.

 

Bakit siya daw yung mag-aalaga sa pamangkin ko.

 

Bakit daw kaming dalawa lang ni Karina sa New York.

 

Magtatanan na raw ba kami.

 


Jusko.


Regarding kay Kat, sinabihan ko na si Ate noong isang araw about sa trip ko sa New York. Shempre hindi ko sinabi na pupunta lang ako roon para mag unwind. Ang sabi ko sakanya, I’ll be attending a Chef to Chef Conference sa New York and told her na si Ning at Giselle na muna ang mag-aalaga sa pamangkin ko. Sinabi ko rin naman sakanya na may babysitter naman si Kat tuwing umaga which is si Ryujin kaya she doesn’t need to worry. Noong una, ayaw niya dahil nga naman hindi naman talaga niya close sila Giselle pero when I suggested na ibigay sa tatay ni Kat, umalma siya. Basta daw kukunin niya yung number ni Ning and Giselle para matawagan niya.


Yung work ko naman sa restaurant, ipinaalam ko na kay Lisa na I’ll be going away for a week or so kaya aasahan ko siya sa pag manage muna ng restaurant. Wala namang kaso sakanya since ever since naman, siya na talaga yung inaasahan ko kapag wala ako sa restaurant. 


“Ning, how many times do I have to tell you na sasamahan ko si Karina sa filming niya? Anong magtatanan? Dati ka bang baliw?” tanong ko sakanya and rolled my eyes. My best friend pouted naman saka huminga ng malalim.


“Neknek mo. Anong sasamahan? Bakit, baby pa ba si Direk? Need mo pa ba talaga mag out of the country para mag unwind?”


Ang daming tanong!

 

“Isang tanong pa Ning Yizhuo itutupi na rin kita,” madiin kong pagbabanta at tumingin sa best friend kong inirapan lang ako. Huminga nalang ako ng malalim saka tumingin sakanya na halatang frustrated na iiwan ko siya.


“Dadalhan nalang kita ng pasalubong,” sambit ko nang nakangiti na hindi sigurado. Sinamaan lang niya ulit ako ng tingin saka ibinato ang t-shirt na hawak-hawak niya.


“Sa’yo na yang pasalubong mo! Hindi mo man lang ako inaya!”


Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko out of frustration. Ang hirap talaga makipagtalo sa best friend ko.


“Ning, may practice pa kayo for graduation. Need mo pa mag review for boards. Marami kang kailangan gawin dito,” I sternly said. Ito na naman ako sa parang nanay ni Ning sa pagpapaalala sakanya ng mga kailangan niyang gawin. Three weeks from now kasi ay graduation na ni gaga. Hindi ko alam kung ano yung ibibigay kong regalo sakanya pero gusto ko yung magagamit niya sa day na magiging licensed engineer na siya.


Mukhang natauhan naman siya sa sinabi ko at padabog na tinupi ulit ang t-shirt na inihagis niya sa akin while pouting. Paano nalang talaga kapag nag-asawa na ako? Feeling ko sasama pa rin sa akin si Ning. Sobrang clingy kasi nito, akala mo naman mawawala ako lagi.


“Anong oras flight niyo bukas?” tanong niya sa akin ng masama ang loob. Natawa naman ako sa itsura niya at napailing nalang.


“7 a.m. pero aalis kami dito around 3 a.m.”


“Okay, sama ako sa paghatid ha? Make sure na makakauwi ka pa ng buo dito! Isang linggo ka lang mawawala baka mamaya pag balik mo jowa mo na si Karina ha!”


Ako na this time yung nagbato ng unan sa mukha niya saka umiling. Hindi ko na talaga alam mga iniisip nito ni Ning. Ang lakas na ng topak sa ulo.

 

 

 

 

 

 

 


Nasa airport pa lang kami pero parang nagsisisi na ako na sumama ako kay Karina. Paano ba naman kasi, kasama ko buong pamilya niya dito sa business class lounge! Literal na buong family niya! Hindi ko naman kasi alam na magkaiba palang yung flight nila ni Krystal sa film crew nila. Turns out, Karina arranged this flight for us lang daw para sama-sama sila ng family niya pabalik ng New York kasama yung fiance ng Ate Irene niya. Nakaupo kami sa isang long table. I’m sitting between Krystal and Karina while their parents and the newly engaged couple are seated across us. Pinagtitinginan nga ang table namin since kasama naman si Krystal and of course, ang gaganda’t gagwapo lang ng mga kasama ko.


Bakit naman kasi ako kasama dito?! Iniintriga tuloy ako ng pamilya niya kanina pa! Hindi ko makain yung arroz caldo ko!


“What do you do for a living?”


“Mom, she’s a chef.”


“Do you have a boyfriend?”


“She’s single, Dad.”


“What about Karina? Does she have any suitors or a boyfriend?”


“Ate Irene!”


At kung ano-ano pang tanong para sa akin na si Karina lang yung sumagot. Feeling ko nagsisisi na siya na sumabay kami sakanila. Char. Krystal, on the other hand was just smiling at us kapag nakakatawa na yung tanong ng parents at ate nilang dalawa.


 Ano ba ‘to Tito Boy! Mas gusto ko pa papiliin sa or chocolate eh!


Naramdaman ko naman ang pagpisil ni Karina sa kamay ko na nakapatong sa lap ko sa ilalim ng lamesa. Napatingin naman ako sakanya and then she mouthed an apology kaya naman napangiti ako at umiling. I squeezed her hand gently to reassure na okay lang…. Kahit conscious na conscious na ako sa mga kasama ko.


Napatingin naman ako sa gawi ni Krystal na nasa kaliwa ko and saw her looking at our hands. Binawi naman niya ang tingin niya rito pero may nakakalokong ngiti sa mga labi niya saka uminom ng kape niya. Okay? Ano meron? Tinanggal ko na ang pagkakahawak sa kamay niya at ipinatong ang dalawa kong kamay sa lamesa. Nakinig nalang ako ng mga pinag-uusapan nilang magpapamilya. Mostly about sa wedding ni Ate Irene. Their parents are even pressuring Krystal to do the same na daw. Si Karina daw, saka na. Baby pa rin daw kasi yung tingin nila sa direktor.


“Mom, I'm still single, and I'm not thinking about marriages right now. I've got a lot on my plate, “ casual na sagot niya saka humigop ng hot choco nya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
lilili_oli 0 points #1
Chapter 74: Is this ghosted or authy is just resting? I hope it’s the latter. 😭😭😣
lststrinunvrse #2
Chapter 15: Missin' so much the update just how we're missing the writer too. 🥺
i_voyx #3
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#4
Chapter 36: loveit
queenforsythe #5
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #6
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#7
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #8
Tooor
usetae09 #9
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#10
Chapter 74: miss ko na ‘to :((