Bacardi 151 Part I

Wanted: Bedspacer
Please Subscribe to read the full chapter

"Somi, I need the update tomorrow about the presentation that I asked you about last week ha? Sa Friday na yung meeting with Mr. Lee. Make sure na okay lahat ang slides." I said to the person on the other end of the phone as I walked home.

 

"Yes, OM. I'll send the PowerPoint to your email po when I get home. You can check it nalang po." 

 

"Okay, thanks Somi-- oh, hold on, I have another call... Hello?"

 

"Sis! Nasaan ka na? Ready na yung mga ingredients!" ring kong sigaw ni Ning sa kabilang linya kaya naman nilayo ko ang phone ko sa tenga ko. 

 

"Ning, hindi ba uso sayo hinaan yang boses mo? Naglalakad na ako pauwi. I'm almost home. Hintayin mo nalang ako."

 

I heard her chuckle naman kaya napailing nalang ako. 

 

"Ay, sorry naman. Ang boring kasi. Ako lang lagi naiiwan dito sa bahay, lahat kayo may trabaho kaya bilisan mo na. Hinanda ko na lahat ng need natin kailanganin for the cookies."

 

Since the three of us moved to Karina's house, lagi ko nang sinasamahan si Ning sa lahat ng trip niya every time na uuwi ako. Mostly naman kasi is for their school projects "daw". Engineering naman kinukuha niya kaya hindi ko gets mga ginagawa namin. Kasi kahapon lang, bumili siya ng plain white shirt dahil gusto niya daw mag dye kaya naman sinamahan ko siya gumawa non. Anong connect ng tie-dye tshirt sa engineering? Tapos ngayon, gusto niya gumawa ng cookies para daw kay Winter.

 

Bakit ba kasi ako yung nauunang umuwi kaysa doon sa dalawa? Ako tuloy yung laging nahihila ni Ning sa mga gusto niya. I think one of these days, mag-oovertime ako. 

 

I'm an Operations Manager sa isang sikat na Telecom Company dito sa Philippines. At a very young age, napunta ako sa posisyon na to because of my constant hardwork. Medyo mahirap and stressful noong una but nakakaya ko naman as day goes by. Kaya if tatanungin ako para kanino ako bumabangon, ang tamang sagot lang dyan ay para kina José Abad Santos, Josefa Llanes Escoda, and Vicente Lim.

 

"Nasa gate na ako, Ning. Sige na."

 

"Okay! Wait kita dito sa kitchen!"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nang matapos kami mag bake (after ilang oras dahil nakailang beses kami since laging sunog yung cookies), pinatikim na sa akin ni Ning yung binake niya. At first, ayokong tikman dahil baka kung anong lasa noon pero when I took a bite, I widened my eyes while munching the cookies.

 

Ning looked at me with anticipation, "It's good, right? Masarap?"

 

Tumango ako, still shocked that it turned out delicious. Kinain ko ang isang buong cookies that made Ning giggle. Ang sarap! 

 

"Is this all for Winter lang?" pagtatanong ko. Gusto ko pa sana kumuha kasi masarap talaga yung ginawa niya. It's not too sweet and it's slightly cripsy but the inside is soft and chewy. 

 

"Shempre pwede ka kumuha diyan. Maglalagay lang ako sa tupperware para baon ni Winter tomorrow but we can eat them na. Need kasi nun ng sugar sa katawan every morning," sagot niya at naghanap na sa kitchen cabinet ng tupperware. Nang makakita siya, kinuha niya ito at hinugasan before siya kumuha sa sheet pan ng cookies.

 

"You really love Winter, ano?" I asked at umupo sa upuan habang pinapanood siya kumuha ng cookies. Natawa naman ng bahagya si Ning sa tanong ko pero she nodded afterward.

 

"Alam mo kasi Gi, hindi lang halata kay Winter pero pa-baby yan. I mean, lagi kasi yan mabilis magtampo kaya dapat lagi mo sinusuyo. Sa aming dalawa, mas inaalagaan ko yan since highschool pa lang. Siya yung may need ng constant lambing. Mahirap i-explain but mapapansin mo yan kay Winter once you get to know her. Mas sulky pa sa sulky yang best friend ko. It may not seem like it but gusto niyan ng alaga," sagot ni Ning habang nakangiti. Judging from the way her eyes sparkle when she talks about Winter makes me realize na mayroon pala talagang friendship na katulad nila. The unbreakable one.

 

"Are you guys talking about me?" narinig namin ang boses ni Winter na nanggagaling sa living room kaya naman parehas kaming napatingin kami sakanya na papalapit sa amin.

 

"Ang aga mo naman?" pagtatanong ni Ning sabay sinara ang tupperware na punong-puno ng cookies. Hindi ba magkakaroon ng diabetes si Winter dito?

 

"Andun naman si Lisa, kaya na niya. What are you guys doing?" tanong niya nang makalapit sa counter at nakita ang mga natirang cookies for us. "You baked?" dagdag na tanong niya kay Ning.

 

Tumango naman si Ning at biglang hinampas ang kamay ni Winter na dapat ay kukuha ng piraso ng cookies. "Wag ka kumuha dyan! Itong nasa tupperware yung iyo. Samin yan nila Giselle," pagpapagalit niya. Inirapan lang siya ni Winter pero ngumiti din agad noong nakita ang tupperware na punong-puno ng

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
jenniehormones
hello! i did not ghost this story and rest assured that i'll be updating this once im done with the socmed au on twt. it's a jmj au hehe
you can check it here: https://twitter.com/sikeyverse/status/1655419861319966722?s=20

Comments

You must be logged in to comment
lststrinunvrse #1
Chapter 15: Missin' so much the update just how we're missing the writer too. 🥺
i_voyx #2
direkkkk i miss you
aerichandesuu
#3
Chapter 36: loveit
queenforsythe #4
Chapter 74: OTOR-NIM 😭😭😭😭😭
queenforsythe #5
Chapter 74: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA HJSFHUEHTUWERUTGUERGYURFEDGYUSGYDYGDFYGDGYHHUDGHUDGFHUFGHUD
aerichandesuu
#6
Chapter 13: luvit
Sakunako08 #7
Tooor
usetae09 #8
Chapter 74: otorrr 😭😭
_nicshin
#9
Chapter 74: miss ko na ‘to :((
mjeong #10
Chapter 22: hindi ko makita pic:(((