Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning

Please Subscribe to read further chapters

Description

Tunghayan ang mga pagsubok sa "pagkakaibigan" nina Winter at Katarina mula sa mga mata nina Giselle at Ningning.

Foreword

Hay nako, ayan na naman yung dalawang magbestfriend, nagsisigawan sa kusina. Tuwing umaga nalang, mas nakakarindi pa sila kesa sa tili ni Ningning sa totoo lang.

 

Anyway, pag-usapan na kasi natin sina Kat at Win! Wala pang 8 A.M., nagbabangayan na agad sila sa salas? Magkakasama kaming apat sa boarding house. Sa pagkakaalam ko, sabay din naman silang natulog mga around 2 A.M. yata? 'Di pa ba sila nagsawa sa away nila kagabi?

 

"Ayoko nga sabi, Katarina!" Ay, ayan na. Katarina na yung tawag ni Winter. Ganyan yan 'pag galit na.

 

"Bakit ba ayaw mo? Isang gabi lang naman s'ya magstay dito eh." 

 

Bumaba na kami ni Ningning at agad ko namang nakita na nagluluto si Winter ng agahan namin. Si Karina naman, nakatayo lang sa likod ni Winter, hawak hawak yung dulo ng tali ng apron ni Win. 

 

"At saan mo papatulugin si ate Seulgi? Sa kama mo?" 

 

Nagtuloy nalang kami ni Ningning sa dining area at umupo dun. Nagkatinginan kami, kita ko na naman yung mapanglokong ngiti ni Ning. Kahit ako napangiti na rin habang pinapanood na mag-away yung dalawa na hindi man lang ata napansin na bumaba na kami. 

 

"Oo.. Kung matutulog man kami."

 

"Ayoko, Rina. Ikaw nalang makitulog sa kanila." Tanggi na naman ni Winter. Maya maya pa ay mas lumapit si Kat kay Win. 

 

Sa totoo lang, medyo sawa na akong manood sa kanila huhu.. Lalo na kapag ganito yung ending ng away nila.

 

"Okay, sorry. Hindi nalang kami magoovernight." Malambot na sabi ni Karina sabay yakap kay Winter mula sa likod. Jusko po.. Sabay na kaming umiwas ni Ningning ng tingin at nagcellphone nalang.

 

Ito kasi yung kwento ko for today. Teaser lang ganon.

 

Kagabi, pag-uwi nila galing Waltermart, nagkwentuhan kami tungkol sa mga plano namin for this week. Magkakaiba kasi kami ng section, pero pare-pareho kaming Civil Engineering ang kurso. Iba-iba lang ang specialization.

 

Last week, nagpasleep over ako sa tatlo kong kagrupo sa Theory. Kaya nagtatanong na din sila kung may mga balak bang sleepover kasi para maplano at hindi maging crowded ang room namin.

 

Itong si Katarina naman, 

 

"Yayayain ko sana si Seulgi dito, may practice kasi kami for this year's acquaintance party." 

 

Si Ate Seulgi, senior namin. Vice President ng ACES (Association of Civil Engineering Students). For some reasons, super close nila ni Karina these days. Nagsimula yan nung narecruit si Karina sa Hataw sub-org ng ACES. 

 

Syempre, napansin ko naman agad yung pagsimangot ni Winter. Selos siguro. Joke! Selos yan nako.

 

"Ayoko siya dito." Sambit agad ni Winter, napakamot naman ng ulo si Karina. 

 

"Sayaw lang naman yun eh!" 

 

"Ayoko nga eh."

 

"Hindi naman kami mag-iingay?"

 

"Sinabi ko bang yung ingay ang problema?"

 

Nagbounce na ako at bumalik sa pwesto ko sa study desk namin nung napunta na sila sa sarili nilang mundo habang nagtatry magexplain si Kat at mapapayag si Winter. Ewan ko na din. Halatang halata naman na nagseselos si Win kay Ate Seulgi, bakit hindi maramdaman ni Kat yun? 

 

Bahala sila d'yan.

hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
M_1412 0 points #1
Chapter 52: HUHUHUHUHUHUHUHUHU
M_1412 0 points #2
Chapter 51: Awang awa ako kay Kat grabe di nya deserve talaga lahat ng yon
Grabe naman kasi assurance ni win, di nakaka assure, samantalang si Kat grabeng assurance pinag gagawa. Napipikon ako kay Win ngayon sarap nila pag untugin ni Ryu
M_1412 0 points #3
Chapter 50: Shet
M_1412 0 points #4
Chapter 48: Depota talaga to si ryu
babbyoink #5
Hi po. Pano po ma ka access sa isa nu pong story yung friends only? Sorry dito na ako ng message. Wla kseng direct message option sa profile nu. Pwede po pa accept? Ganda po kse ng stories nyo naubos ko na po lahat.haha. waiting sa bagong update.
M_1412 #6
Chapter 41: Kainis si ryu
iamriou_
1088 streak #7
Uy featured!!!!
M_1412 #8
Chapter 38: Ang kulit nila WHSHAHAHAHAH
winfrost
#9
woah! 😳
yoon__ #10
sinend ko sa friend kong nagrereview ng boards ung mga mnemonics ni K tinatanong kung ano daw binabasa ko kase aliw na aliw sya sa mga mnemonics huhu how do i say na winrina ff binabasa ko 😭😭 authornim meron ka pa ba iba mnemonics jan? Pashare naman if pwede hehe