Senaryo

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

THIRD PERSON's

 

Winter waited until her girlfriend finally realized that she's actually there, and that she came home.

 

"Win?" Bigkas pa ni Karina sa pangalan ng girlfriend niya.

 

Winter nodded while smiling wide. Mabilis na lumapit si Karina, cupping her girlfriend's face na para bang ine-examine ang katotohanan na nasa harapan niya na talaga si Winter. Hinila at inalis pa ni Karina ang scarf ni Winter para icheck talaga kung totoo nga ang nahahawakan niya, baka kasi namamalikmata lang siya at pinaglalaruan ng isip niya, knowing how similar Winter looks like now and back then.

 

"Rina, kalma." Winter chuckles, hinawakan ang forearms ni Karina para patigilin sa pagpisil ng pisngi niya.

 

Hindi naman umalis ng titig ni Karina sa kaniya, in the state of shock pa rin yata kaya si Winter na ang nagfirst move.

 

She leaned forward and kisses Katarina's lips.

 

The next second, bigla na lang tumulo ang mga luha ni Katarina kaya nagpanic agad si Winter, pulling away at mabilis na binitawan ang mga braso ni Karina para yakapin ito.

 

"Shh. Sorry, hindi ako nagsabiㅡ"

 

Humagulhol na si Karina sa balikat ni Winter. Kahit si Ryujin, nagulat din sa biglang pag-iyak ng roommate niya. Winter saw her nga kanina, pero sa halip ay si Karina nalang ang inintindi niya.

 

"Baby.. Nasa labas tayo, mamaya ka na umiyak.." Winter whispers, she felt her girlfriend nodding against her neck pero hindi naman tumitigil sa pag-iyak.

 

Nakatayo pa din si Ryujin sa may gilid, naghihintay lang yata. They nodded at each other. Winter gently patted Karina's back, turning her head to the side para halikan ang pisngi ni Katarina.

 

Mga ilang segundo din, tumigil na si Karina pero nakayakap pa din nang mahigpit kay Winter.

 

Winter wants to move kahit sa gilid na lang din sila ng entrance ng dorm nina Karina pero hindi naman niya mahila ang girlfriend niya. Ayaw niya ding sirain ang moment.. kahit na pinagtitinginan na sila ng mga dumadaan.

 

"WINTER!!"

 

"Oh my god!"

 

Kakababa lang sa tricycle, dumating na nga sina Giselle at Ningning  na excited siyang nilapitan. Hindi naman mahirap na makilala siya, lalo na't may nakasabit na Katarina sa harap niya. Kuhang kuha nila ang atensyon ng lahat.

 

"Hi.." Winter only mouthed, hindi pa din kasi niya mayayakap ng mga kaibigan with Karina holding her tight.

 

Nagtawanan lang ang dalawang bagong dating at hinayaan nga sila. Tinabihan pa si Ryujin sa gilid at naghintay ng pagkakataon na maiwelcome si Winter.

 

"Rina.." Pagtawag niya sa girlfriend niya. She heard her soft humming. Winter lightly patted Karina's waist na kanina pa niyang yakap, parang sinasabihan si Karina na time-out na pero ayaw talaga siyang pakawalan.

 

Katarina only pulled away a few inches para halikan siya sa labi. Winter saw Karina's wet cheeks pa bago siya mapapikit, she always hated seeing Karina cry.. pero ang cute ng girlfriend niya ngayon.

 

She felt Karina's hands on her jawline and the side of her neck, holding her dearly..

 

..and it's like they're in their own world again when Winter finally kisses her back.

 

Sabay na umiwas ng tingin sina Giselle at Ryujin pero si Ningning, enjoy na enjoy sa nakikita niya.

 

Halos isang minuto din nang bahagyang tinulak ni Winter si Karina dahil nakarinig ng busina ng dumaan na tricycle.

 

Okay naman na siguro ang naging moment nila.

 

Hindi pa pala, nakapout na lumayo si Karinaㅡpero lumipat naman ang hawak sa kamay ni Winter.

 

Giselle and Ningning walked towards them.

 

"Oh. ano? Pwede na ba naming i-welcome ang kaibigan namin?" Pang-aasar agad ni Giselle, Karina glared at her. Winter chuckles, tiningnan ang girlfriend niya na mapula ang cheeks dahil sa biglang pag-iyak kanina.

 

"Tapos na ba ang live momol nyo?" Tanong naman ni Ning, pinanood ang pagpupunas ni Winter sa luha ni Karina gamit ang panyo niya.

 

Inirapan lang sila ni Katarina na speechless pa din.

 

She didn't let go of Winter's hand as Winter received hugs from both Giselle and Ningning.

 

Lumapit na din si Ryujin sa kanila.

 

"Dito ka makikitulog, boss Winter? Bawal yata ang hindi tenants dito eh.. wala kang keycard."

 

Si Giselle, biglang nakaramdam ng pagkurot sa kamay niya dahil nainis si Ningning sa pakikisali ni Ryujin.

 

Hindi tumingin si Winter sa former batchmate niya at nagfocus nalang sa pag-aayos ng buhok at pagpunas sa cheeks ng girlfriend niya.

 

"Hindi. Uuwi ako sa bahay." Sagot pa rin niya.

 

Tumango si Ryujin, masayang ngumiti kahit wala naman ni-isa sa apat na kausap niya ang tumingin sa kaniya. "Ohh. Ingat."

 

Winter pulled Karina closer at hinalikan ulit si Karina, on the cheek. Parang wala pa sa wisyo kasi si Karina. Hindi pa rin nagsasalita.

 

"Tara na, Rina."

 

Nagulat si Karina nang tawagin siya. Kanina pa siyang tahimik kasi hindi pa din nakakagetover sa surpresa sa kaniya.

 

"Ha? Wait! Hindi ako nakapagready ng damit." Pagpapanic niya, nakabihis naman siya at pwede na ngang samahan si Winter sa pag-uwi sa Batangas pero hindi siya ready.

 

Pwede nga naman, kung libre ni Winter ang lahat ng gastos sa byahe nila.

 

"You have clothes at home." Tumingin si Winter kay Ryujin.

 

"O yung damit ko nalang ang gamitin mo.." Dagdag niya, observing how Ryujin avoided her gaze.

 

"Okay.." Mahinang sagot ni Karina na nakangiti at nakatitig sa kamay na hawak niya, masayang masaya na nandito na ang girlfriend niya.

 

"Oy, teka lang Win! Aalis na kayo agad? Bonding naman muna tayo!" Hinila pa ni Giselle ang maleta ni Winter.

 

Winter laughed, kahit si Ningning, tumawa din.

 

"Magaayos pa ako sa bahay eh.." Sabi niya, pagod din siya at gusto sana munang ipahinga ang katawan for the rest of the day.

 

"Sige na, 'wag mong pansinin si Gigi." Ibinalik na ni Ningning yung maleta ni Winter na hinawakan naman ni Karina. "Basta ha, nagpromise kang gagala tayo, Win."

 

"Oo na." Natatawang sagot ni Winter at sinakbit na ang strap ng sports bag niya sa balikat.

 

"Kat, una na muna kami sa taas ha?" Pagpapaalam ni Giselle sa kaibigan. Karina nodded at isa-isa na silang pumasok sa loob.

 

"See you!" Ningning sent a flying kiss pa kay Winter.

 

Winter waved at her friends, smiling. "Chat ko kayo."

 

"Sabi mo yan, Win!"

 

"Oo nga."

 

Kasunod na din nila si Ryujin.

 

"Welcome back, Winter." Nakangiting bati nito sa kaniya.

 

"Thanks." Tipid na sagot ni Winter.

 

Ryujin faced Karina, "Ingat kayo, ate Kat."

 

Masayang tumango si Karina kay Ryujin bago tingnan ulit si Winter.

 

"Win.. bakit hindi ka nagsabi? Sinundo sana kita." Karina said, pouting at her. Napakamot tuloy ng ulo si Winter.

 

"Sorry, gusto lang naman kitang isurprise.." Kanina pa niyang gustong sabihin kaso nagmoment pa si Karina.

 

Pinanood lang ni Karina as Winter picked up the scarf that she was wearing at ipinasok sa bag na hawak niya.

 

Mainit nga talaga sa Pilipinas.

 

"Come here." Hindi pa tapos ang pagsasara ni Winter sa zipper ng bag niya, hinila na siya ni Karina at niyakap muli.

 

"Rina.." Winter giggles as her girlfriend showers her neck and cheek with soft smooches.

 

Pulling away now, for real, ngumiti si Karina sa kaniya. "Namiss kita."

 

"I know." Winter smiles back, glancing at the building behind them.

 

"Kuha ka na ng gamit mo.. Stay tayo sa bahay ko. Mag-isa lang ako eh." Sabi niya habang palakad na papunta sa loob ng building.

 

"Home alone ka?" Tanong ni Karina, kahit kakasabi lang nga ni Winter.

 

"Oo nga."

 

Napangisi tuloy siya sa tono ni Winter that she missed kahit isang araw lang naman silang hindi nakapagusap.

 

"Sige. Wait, mabilis lang ako."

 

Winter nods, kinuha ang maleta niya from Karina's other hand.. but then, magkahawak-kamay pa din pala sila.

 

"Rina, alis na!" Inis na tinulak ni Winter ang girlfriend niyang tumatawa.

 

---

 

Winter’s plan is to ride a taxi or grab para hindi hassle sa commute. Kaso, ayaw ni Karina.

 

She insisted na mag-bus nalang, mahal daw kasi masyado ang rates.

 

“May barya ka, Win?” Karina asks her as they sat next to each other sa bus na papasok na sa SLEX.

 

Winter took her wallet from her pants’ pocket to check.

 

“Uh.. wala.”

 

Nginitian siya ni Karina. “Ako na ang magbabayad.”

 

Napangiti din tuloy si Winter, nudging her girlfriend’s arm at sinimulang asarin si Karina. 

 

“Wow, manlilibre ang girlfriend ko?” She poked Katarina’s arm, nagbibilang pa naman si Karina ng coins na pangbayad sa kundoktor.

 

“S-shut up!” Karina lightly hits her thigh, glaring. “Ayan! Nalimutan ko tuloy kung magkano na!” Reklamo pa sa kaniya.

 

Winter laughs, hinimas ang pinalo ni Karina.

 

“Rina, pwede mo naman akong bitawan para makakuha ka nang ayos dyan sa wallet mo.” Sabi niya at akmang tatanggalin na ang pagkakahawak ni Karina sa isang kamay niya pero hinigpitan lang lalo ni Katarina.

 

“Ayoko nga.”

 

After a minute or two, Karina made Winter cling on her arm instead para magamit ang parehong kamay sa pagkuha ng pangbayad nila sa bus.

 

“Anong oras ka umalis dun?” Tanong ni Karina after nilang magbayad, naghintay pa kasi sila na lapitan ng kundoktor.

 

“Kagabi pa.. hinatid ako ni kuya.” Inayos ni Winter ang pagkakaupo niya—moved closer to Karina as her hand rests on her girlfriend’s thigh.

 

“Buti pinayagan ka nina mama.” Karina glances, hugging Winter’s arm.

 

Tumango si Winter, smiling. “It's our agreement. Sabi ko, gusto ko ano..”

 

“Ano?” Tanong ni Katarina, staring at Winter.

 

Winter stares back, drawing circles on her girlfriend’s thigh.

 

“Kasama ka sa pasko.” She whispers, mas humigpit tuloy ang hawak ni Karina sa braso niya.

 

Karina looked away as she felt the heat on her cheek, napakagat na naman sa labi niya at tumitig na sa labas ng bintana.

 

Patuloy pa din ang pagd-drawing ni Winter sa hita niya.

 

“Rina.” Malambot na tawag ni Winter.

 

Umuwi siya sa Pilipinas while thinking of one thing she wants to do as soon as she sees her girlfriend again. Now that they’re together..

 

“Hm?” Kahit kinikilig pa dahil sa sinabi ni Winter kani-kanina lang, hinarap pa rin ni Karina ang nakakainis niyang girlfriend.

 

“Mahal na mahal pa rin kita.” Winter didn’t hesitate telling her that.

 

Karina stared in awe, napakapit na naman sa braso ni Winter na para bang malulunod siya sa mata ng katabi niya, napahinga nalang nang malalim at nilunok nalang ang dobleng kilig na nararamdaman sa pagkumpas ng mga paru-paro sa puso niya.

 

Binawi ang tingin when she realized she's blushing again.

 

“A-alam ko naman.” Inis na sabi ni Karina, fingers trailing along Winter’s arm.

 

Napangisi na si Winter while watching looking at the hands on her arm.

 

“Just wanted to tell you that in person..” Pahabol niya with a yawn escaping her lips na hindi niya napigilan.

 

Pagod nga pala si Winter.

 

Kaya naman kahit hindi pa tapos makipaglaban sa kilig, tumingin na ulit si Karina sa girlfriend niyang nagkukunwari pang hindi inaantok.

 

“Sleep ka muna. I'll wake you up when we get there.” She says, pinching Winter’s cheek.

 

Hindi na nagreklamo si Winter at nag-lean na lang sa balikat ni Katarina.

 

---

 

Wala pa ang mga magulang ni Karina nang makarating sila sa bahay. Nasa trabaho pa ang daddy ni Katarina, may pinuntahan din ang mommy niya kaya sa bahay ni Winter muna sila dumiretso.

 

Dun din naman talaga ang plano nilang dalawa.

 

Hindi naman madumi ang bahay nina Winter dahil may caretaker na pumupunta every Wednesday and Sundays para maglinis.

 

“Dinner nalang tayo sa bahay mamaya.” Sabi ni Katarina na naglakad agad papunta sa living room nina Winter.

 

Hindi kagaya noon na palaging may makulay na mga kurtina, puro kulay puti lang ang makikita. Puti ang kurtina, puti ang mga nakatakip sa mga furnitures.

 

Tinanggal ni Karina ang nakapatong na white cloth sa couch nina Winter. Hindi naman maalikabok, mukhang kakapalit nga lang dahil Wednesday ngayon at nakapaglinis sa bahay kaninang umaga.

 

“Okay.. may padala din sina mama kina tito.” Sagot ni Winter. Dahan-dahan niyang inilapat sa gitna ng couch set ang malaki niyang maleta bago ito buksan.

 

Karina sat on the couch’s arm habang pinapanood si Winter na maghalikwat ng laman ng luggage niya.

 

“Eh, sakin? Walang padala?” Tanong ni Karina. Napatingin tuloy si Winter sa girlfriend niyang nakacrossed arms pa.

 

Winter chuckled bago tumayo at nilapitan na ang girlfriend niya.

 

“Ito.” She muttered, circling her arms around Karina’s form, resting both of her hands on the backrest of the couch before she gives Karina a few kisses on the lips.

 

Winter kisses her. Niyakap din naman siyia ulit ni Katarina hanggang sa mapahiga sila sa couch.

 

Mahinang tumawa si Winter when they pulled away from the kiss, foreheads resting against each other. Nakapatong pa siya kay Karina, leaning on her forearms na nakalapat sa magkabilang tabi ng ulo ni Karina for support. .

 

“’Wag kang aalis.” Bulong ni Karina habang nakapikit.

 

“I won't..” Winter whispered back, giving her a peck again, she felt Karina’s fingers tracing her nape, nakayakap kasi si Karina sa leeg niya.

 

“Dito ka lang.” With eyes closed as well, Winter hummed softly.

 

“Sa January pa nga ako aalis..”

 

“Tatanggalin natin yung January sa calendar.” Bulong ulit ni Karina, napangiti nalang si Winter.

 

“I love you, Katarina.”

 

---

 

Alas syete na nang magising sina Karina at Winter sa supposedly one hour nap nila sa living room. Nakabukas na ang ilaw sa kabilang bahay.

 

“Palimos po.” Malakas na sabi ni Katarina habang hila-hila ang girlfriend niya papasok sa bahay.

 

“Aba, kelan ka pa umuwi, Katarina?” Nakaupo ang daddy niya sa dining table habang nasa kusina ang mommy niya.

 

"Kanina lang po." Nagmano si Karina sa tatay niyang nagbabasa ng libro. 

 

Pagkatapos ni Karina, si Winter naman. Kaya nagulat ang tatay niya dahil dalawa ang nagmano sa kaniya. 

 

"Winter?" Mommy pa ni Karina ang unang tumawag sa bisita. Napatayo ang tatay para yakapin si Winter. 

 

"Welcome home, iha!" 

 

Napangiti si Winter ay yumakap din naman pabalik. Karina exchanged glances with her bago pumunta sa kitchen para magmano sa nanay naman.

 

"Hello po.." Sumunod din si Winter sa kusinaㅡmismong yapak na ni Karina talaga ang sinundan niya.

 

Lagi namang welcome si Winter sa bahay nina Katarina. Sakto din ang dating nila sa bahay dahil kakatapos lang maluto lang ng dinner.

 

"Parang kailan lang, umiiyak pa kayo dyan sa labasan kasi paalis ka." Pagkukwento pa ng nanay ni Karina habang kumakain sila. 

 

Si Karina na naman ang napagdiskitahan.

 

"Hahaha.. si Katarina po kasi, best actress." Winter replies, naramdaman ang pagsqueeze ng girlfriend niya sa kamay niya. 

 

She raised an eyebrow at Karina na wala namang nagawa kundi tanggapin nalang na siya na naman ang sentro ng asaran.

 

"Hala, hindi kaya ako umiyak nun, daddy!" 

 

"Sus. Nako, Winter. Nagkulong yan sa kwarto nung umalis ka."

 

Winter glances at Karina. "Talaga?"

 

Sinamaan lang siya ng tingin ni Karina, bumitaw pa sa kamay niya. 

 

"Hindi ah. Bukas kaya yung pinto ko, 'di lang maalam si daddy gumamit ng doorknob." Pagdedefend ni Karina, useless naman kasi tinawanan lang siya ng tatlong kasama sa hapagkainan. 

 

"Puro kabaliwan ang shota mo Winter." Napagasp naman si Karina sa sudden term na ginamit ng mommy niya. 

 

"Mommy, don't use shota nga! Ang jeje pakinggan." 

 

"Pero ang jowa okay lang?"

 

Tumawa nalang si Winter, namiss niya din naman an

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣