214

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

NINGNING's

 

Senior Highschool

 

Aga kong nakarating sa school. Haay, exciting kasi ng first day sa senior high! Bagong bag pa ang gamit ko hehehe

 

Isang bagay lang naman ang nagpapaworry sa akin. Wala akong masyadong kilala sa new classmates ko, puro galing ibang highschool. May isa, kaklase ko na since junior high. Kaso hindi naman kami super super super close yata? Ang dami niya kasing ibang friends eh, para bang kasali siya sa lahat ng circle sa classroom namin.

 

Giselle ang name niya.

 

Giselle: Ningning!! Nagbreakfast ka na?

 

Kanina pa akong nakatitig sa chat niya sa akin sa messenger. Huhu bakit ba breakfast ko ang tinatanong niya?

 

Ningning: Hi! Good morning :> Actually, nasa room na ako.

 

Binuo ko pa ang pagtetext, hindi ko pa kasi talaga sure kung super close na ba kami.

 

Giselle: Oh ok, aga mo naman 😂

       Nagbreakfast ka na?

 

Maaga? Late siya kamo. Napakamot ako sa temple ko sa huling chat niya. My eyes delved around the room, halos puno na ang classroom tapos breakfast ko pa din ang tanong niya?

 

Ningning: Nagcoffee lang ako kanina hahaha nasaan ka na?

 

Dumating na yung prof namin at namigay na ng handouts. Huhuhu Giselle nasaan ka naaaa?

 

Giselle: OMW!

 

Hindi na ako nagreply. May dumating din kasi bigla na classmate namin. Matangkad, mahaba ang buhok, maganda.

 

Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti din ako pabalik. Napapikit nalang ako at nagkunwaring nagoobserve sa classroom namin nung umupo siya sa saved seat ko para kay Giselle.

 

Tahimik lang naman siya. From the looks of it, mukhang mayaman. Paano ko ba sasabihin sa kaniya na may nakaupo na dun? Wala naman kasing bag si Giselle sa seat na yun kaya hirap akong magsabi ngayon. Nakakahiya din, baka sabihin ang choosy ko.

 

"Sorry po, na-traffic po ako." Napatingin kaming lahat sa bagong dating--- si Giselle!

 

Nagkaroon na ako ng lakas ng loob na kausapin si ate tall girl sa tabi ko nung lumapit na si Giselle sa amin, confused din kasi may nakaupo na sa supposed upuan niya.

 

"Hi.. Dyan kasi sana uupo yung friend ko." I told her, nakita ko naman ang pagfrown niya.

 

Huhuhuhu

 

"Sorry talaga, dito ka nalang din sa tabi ni ate girl sa gilid para tabi-tabi pa din tayo!" Pag-back up pa ni Giselle sa akin. Sabay kaming napatingin ni ate matangkad sa tinuro ni Giselle sa kabilang row.

 

Yung tahimik na maputi na nakaearphones mula kanina pa. Wala pang nakaupo sa tabi niya.

 

"Okay lang! No worries." Nakita kong lumipat nga si ate matangkad kahit parang naghehesitate pa siya nung una.

 

Giselle smiled at me nang makaupo siya sa tabi ko.

 

"Oh." Nagulat ako sa supot ng Jollibee na nilagay niya sa table ko, burger ang laman.

 

"Kain ka ng breakfast." Nakangiti niyang sabi. Ganda talaga ngumiti nito ni Giselle.

 

Ang sweet. Gusto kong sabihin-- kaso thank you nalang muna pala.

 

Since junior high, sweet na talaga si Giselle. Ewan ko kung ganun ba siya sa lahat pero alam kong ganun siya sa akin. Yun ang first impression ko sa kaniya, hanggang ngayon.

 

Fourth Year, College, Sunday.

 

After ko mapalayas yung magjowang kakagaling lang sa simbahan, nagtuloy ako sa paglalakad papunta sa may park sa likod ng simbahan.

 

Kanina pa akong lakad nang lakad dito, usapan namin ni Gigi, 9 A.M.

 

Anong oras na?

 

Laging late amp. Hay nako talaga Gigi ang init init pa!

 

"Ning!"

 

Iniangat ko yung payong ko para makita siya, andyan na nga si gaga.

 

"9:30 na, Gigi ha. Tapos na nga yung homily eh." Yan ang reply ko sa kaniya. Tumawa naman siya sabay hampas sa braso ko.

 

"Sorry? Binilhan naman kita ng pagkain oh."

 

Nakakainis. She raised her right hand at pinakita sa akin yung supot ng Jollibee.

 

Akala niya madadala niya ko sa mga libre niya?

 

Syempre.

 

"Thank you, gutom na din ako hehe." Nakangiti kong sabi after kunin sa kaniya yung Jollibee.

 

May fries at burger sa loob.

 

Habang kumakain kami, nakikinig pa din naman kami sa misa. Nakaspeaker din naman kaya abot pa dito ang boses ni Father.

 

Naisip kong yayain si Gigi na sumimba dito.. Wala lang, para malayo sa vicinity namin. Kung dun kasi sa malapit sa bahay, magmumukhang another day out with a friend lang.

 

I'm planning on fixing things-- kung may minor damage man nga na nangyari in the past weeks. Aware naman ako sa pag-iwas ko sa kaniya.

 

"Nagchat sakin si Kat, nandito pala sila kanina?"

 

I chuckled, napaka talaga ni Katarina!

 

"Oo, pinaalis ko na kasi LQ naman sila. Pangit kabonding." Sagot ko, tumawa din naman siya.

 

Kanina pa akong nag-iisip kung paano ko ioopen yung pag-iwas ko--

 

"Nung isang araw, nagrereklamo si Karina kasi kinuha daw ni Winter yung favorite unan niya."

 

"Yung blue na unan ni Win?"

 

"Oo, baka binawi since LQ sila."

 

We laughed again, ang saya nga pagkwentuhan ng mga kalokohan nung magjowa.

 

"Kailan kaya magbabati yung dalawa?" She wondered.

 

I sighed. Puro sina Kat at Win ang bukambibig ni Gigi. I mean, okay lang naman sa akin kasi madalas nga namin pagkwentuhan yung dalawa noon pa lang.

 

But we talk about other things too.

 

Can't we just talk about us, Gigi?

 

"Gi.." I called her, tumingin siya sa akin na nakangiti. Sumubo pa ng fries.

 

"Kahit ano pang pagusapan natin, okay lang sa akin.. as long as ikaw ang kausap ko." Sinabi ko na. Baka kasi iniisip niya na ang only way para makausap ako ay chumismis.

 

Hindi ko tuloy alam kung mahuhurt ba ako or ano.

 

Joke hehe

 

"It doesn't always have to be.. chismis or whatever." Pagtutuloy ko pa. She's just staring at me.

 

Ano ba, say something..

 

"Akala ko kasi.. ayaw mo na akong makausap, Ning." I bit my lip when I heard what she said.

 

Gigi sat closer to me and held my hand, hindi inaalis ang titig niya sa akin.

 

"Sorry if I did anything wrong, anything that might have made you upset." I shook my head immediately, hindi naman kasi, ako naman ang may problema.

 

"Hindi, Gigi.. It's a 'me' problem. Don't worry." Ngumiti na ako sa kaniya, pero parang naconfuse lang siya.

 

Huhu sorry talaga Gigi.

 

"Umiwas ako.. Kasi nagseselos ako sa inyo ni Yunjin." Pag-amin ko, I stared back at her.

 

Maya-maya pa, napalitan ng ngiti yung pagfrown ng labi niya. Aba.

 

"Talaga? Bakit hindi mo sinabi agad?" Natatawa niyang tanong, marahan pang sinuklay ang buhok ko.

 

"M-mahirap kaya!" I said, napairap nalang ako sa patuloy niyang pagtawa.

 

Nakakainis naman Gigi eh!

 

"Ano ka baa, ikaw ang pinakabestfriend ko, Ning!"

 

Shet.

 

Gagi..

 

Hahahaha I guess I forgot to clear that part.

 

I should've told her na hindi naman as bestfriend yung selos ko. Ano ba naman yan Ning! Hindi ka na ba natuto sa panonood kina Katarina at Winter?

 

Huhu sige pagalitan ko nalang sarili ko.

 

I smiled at Gigi, sinubuan niya pa ako ng fries.

 

I have more things to tell her. Pero wag nalang siguro muna.

 

Huwag nalang..

 

muna.

 

---

 

Kakabalik lang ni ate Joy mula sa kabilang office, yung head office ng department. Hehehe congrats sa amin! May schedule na kami for final defense! Ang ganda nga eh, three days from now. Tapos magkakaroon kami ng two days to review bago ang next major exam sa compre.

 

“May napili na ba kayong secretary? Runner?” Tanong ni ate Joy sa amin, sa akin tumingin kaya ako na ang sumagot.

 

“Wala pa nga po eh, wala po kasi kaming masyadong kilala sa third years.”

 

“Karina, ikaw baka meron kang member sa org niyo.” Sabi ni Giselle, poking Karina’s back. Busy yan sa pagce-cellphone, katext si Winter.

 

Kanina pang wala si Winter. Actually, hindi nga namin siya kasamang pumunta dito sa office ni ate Joy. May inutos daw si ma’am Mijoo eh, nagpaalam naman daw kay ate Joy so okay lang.

 

The rumors of Winter and ma'am Mijoo dating died down after what Karina did. Yun nga lang, naging parang campus couple naman sina Kat at Win agad. Grabe, trending at puro sila ang pinaguusapan sa BatStateU Tambayan sa FB. Umabot pa nga sa ibang department jusko.

 

Okay na din, nag-iwan ng bakas yung magjowa bago sila gumraduate.

 

Si Winter? Okay naman yata siya. Hindi naman tumitingin sa tao yun kapag naglalakad kaya parang wala lang din yung sudden popularity niya.

 

“Sige, ako na ang bahala sa secretary at runner.” Nakangiting sabi ni Kat, itinago na ang phone niya sa bulsa at nagpatuloy sa pagsusulat ng minutes ng meeting namin.

 

“Anong pagkain niyo pala? Dapat ready na din yun.” Tumingin si ate Joy sa laptop niya, nagb-browse ng pagkain sa chrome.

 

“Anong schedule niyo noon, ate Joy?” Tanong ko, baka pwedeng gayahin nalang namin yung kanila hehehe

 

“First group kami noon eh, breakfast lang yung samin. Sina Karina ang bumili nun.”

 

Ay oo nga pala, sina Kat at Win ang runner at secretary nila.

 

Bumaling na naman ang tingin namin kay Karina.

 

“Hala, si Seulgi talaga umorder nun. Nakabalot kaya yun nung binigay samin, ate.” Natatawang sagot ni Karina na for sure, nakalimutan na talaga kung ano bang inasikaso nila noon.

 

Tumawa nalang kami. Si Gigi, pinakita sa akin yung nasa phone niya.

 

Lunch time yung schedule namin, kaya heavy meal siguro? Pasta yung nasa picture na pinakita ni Giselle.

 

“Pasta kaya, ate Joy?” Tanong ni Gigi, lumapat ang kamay sa forearm ko. Napatitig nalang ako sa kaniya.

 

Ang cute, invested na invested siya sa pagp-plano ng final defense namin. Ngumiti siya sa akin nung mapansin niyang nakatitig ako.

 

Shet—iwas!

 

Oo nga pala huhu, aamin nga pala ako sa kaniya. Aamin talaga ha, kaklaruhin please lang Ningning.

 

Kausap ko na naman ang sarili ko.

 

“Uy okay yung pasta! Para hindi na kanin, mahal na bigas ngayon eh..”

 

“Tsaka baka mapanis.” Dagdag ni Karina.

 

Tama nga naman, sayang kasi ang pera naming paubos na kung mapapanis lang yung food.

 

“Send ko sa inyo yung pinag-order-an namin ng food last year. Tanong ko muna kay Seulgi.” Tumango kami kay ate Joy.

 

Grabe talaga, super thankful ko pa din until now na siya yung adviser namin. Ang galing niya din kasi, hands on pa. Feeling ko nanay ko na siya.

 

“Wait lang pala, baka mamaya, mamahalin pala ang bet ng panels natin.” Natatawang sabi ni Gigi. Oh no, oo nga pala. Wala pa kaming idea kung sino ang mag-papanel sa amin eh.

 

Bigla namang bumukas yung pinto, si Winter pala. Mukhang pagod na. Parang baliw kasi, sinabihan na namin yan na huwag na magjacket kapag sobrang init.

 

“Sorry po, late.” Nahihiyang pumasok si Winter sa loob, pero hindi sinarado ang pinto. Tumabi agad siya sa girlfriend niyang may hawak na bimpo. Si Nurse Katarina. HAHAHAHAHA

 

Yung kamay ni Winter, dumiretso sa lap ni Karina habang pinupunasan yung pawis niya sa leeg.

 

Maya-maya, may pumasok pa ulit.

 

Ay hala, si Ma’am Techno.

 

“Uy, Mijoo!” Tawag ni ate Joy nang makita yung bisita. Isa-isa naman kaming bumati agad.

 

“Dumaan lang ako, sabi kasi ni Winter may meeting daw kayo.”

 

Tumayo pa si ate Joy at lumabas para kausapin at makipagkwentuhan sa friend niyang prof din namin.

 

Gigi and I looked at Winter, mukhang unbothered naman na siya. Tama yan, wala naman kasi talagang malisya sa kanila ni ma’am Mijoo. Mukha pa nga silang mag-ate eh.

 

“Anong napagmeeting-an niyo na?” Tanong ni Win sa amin habang abala ang isang kamay sa pagpigil kay Kat na kanina pa siyang pinupunasan kahit wala na naman siyang pawis. Nang-aasar nalang ‘tong si Karina eh.

 

Baliw talaga.

 

“Baka daw choosy ang panels natin sa food.” Sabi ni Gigi, pinakita yung list na ginawa ni Kat sa mga napagusapan namin.

 

“Order nalang tayo ng talangka.” Winter said, chuckling along with her girlfriend.

 

Nagkatinginan naman kami ni Gigi.

 

Anong talangka?

 

“Ano yun?” Tanong ni Giselle sa dalawang natigilan sa pagtawa at napatingin sa amin.

 

Lalong lumakas yung tawa n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣