Lihim

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

GISELLE's

 

"Naglalakad pa kami ni Gigi eh.."

 

"Oo, baka 10 minutes?"

 

"Sorry Rina, bigla lang kaming nautusan."

 

Medyo hinihingal pa akong tumingin sa kasabay kong maglakad. Si Winter, kausap ang girlfriend niyang kanina pang tawag nang tawag. Nakatatlong tawag na yata yan today.

 

"Makareklamo ka, akala mo 'di ka ganitong kabusy nung first year." Natatawang sabi ni Winter. Kahit sobrang kulit ng jowa, bihirang uminit ang ulo nito.

 

Naglalakad kami ngayon mula Mechatronics room pabalik sa RGR, dala-dala ang dalawang box ng documents na pinapasuyo ng professor namin sa technopreneurship.

 

"Oo nga. Sa bahay na kami kakain."

 

"Mamaya ka na tumawag." Aba, talaga naman.

 

I nudged Winter and gave her a look. Balak ba niyang makipagcall hanggang pauwi namin? Magkikita din naman kami sa bahay mamaya!

 

"'Wag ka na palang tumawag kasi pauwi na din kami after nito." Sabi ni Winter, natawa naman ako kasi narinig ko bigla yung boses ni Karina mula sa speaker ng phone niya.

 

Hindi ko naintindihan yung sinabi, pero nagrereklamo yun for sure.

 

"Tch. Rina! I mean--"

 

Na-end na yata yung call. Kita ko pa ang pagsimangot ni Winter habang binabalik ang phone niya sa bulsa ng pants niya.

 

"Ano? Tampo na naman?" Tanong ko. Alam niyo naman kasi si Karina, sumpungin.

 

Umiling si Winter. "Hayaan mo sya, nababaliw na naman." Napatawa naman ako sa sinabi niya.

 

Nakakatuwa nga sila ngayon eh, super clingy man.

 

"Lakas ng topak ng girlfriend mo, Winter." Sabi ko nalang, inadjust ang pagkakabuhat ko sa box na dala ko.

 

Sa halip na magreklamo pa, ngumiti lang siya.

 

Ganiyan yan whenever I refer to Karina as her girlfriend. Ngumingiti sa kilig, jusko.

 

It's been two months since they started dating. Second semester ang bumungad sa amin sa university, maraming nagbago. Unang una, yun ngang fact na dating na yung magbestfriend. Walang masyadong nagbago sa daily happenings ng kalandian nila maliban sa pagiging mas clingy--- mas malandi na minsan kahit ako, napapasana all nalang talaga. Pangalawa, bago na naman ang sectioning namin hays.. hindi na nagsawa ang department namin sa pagrereshuffle ng sections. Sinwerte nalang kami ni Win at magkaklase pa din kami.

 

Kakatapos lang ng klase namin sa airport design kanina: pangatlong subject namin yan today. Naprank kami eh, pagdating ng enrolment, tatlo pala yung specialized subjects. May traffic engineering at ports and harbor.

 

Okay din, interesting yung courses. Medyo madami nga lang ang pinapagawa sa amin. Dumagdag pa ang new contender na technopreneurship, maliban sa matrabahong final project na prototype, palagi pang may extra task si Winter dahil siya ang favorite utusan ng professor namin.

 

Prof Mijoo. Kabatch nina ate Joy. For some reasons, close sila ni Winter to the point na kahit ako yung class representative ng section namin, siya pa din ang inuutusan.

 

Kagaya ngayon, sa halip na nasa bahay na kami at pinagkakaabalahan ang ibang acad works... ito kami ngayon, pinagtitiisan ang init ng araw habang nilalakbay ang daan mula dun sa may entrance pa ng school hanggang kabilang dulo ng university grounds.

 

Nabanggit ko na inutusan na naman kami ni Winter ng prof namin sa techno. Okay lang naman sa akin kasi diba nga, class representative na ako?

 

Pero.. ang hindi okay is that sa halip na ako ang utusan, si Winter talaga yung may task nito. Tinutulungan ko lang siya.

 

Hindi ko din alam kung bakit palaging si Winter ang trip ng professor namin dun. Then again, less work sa akin hehehe

 

Paulit-ulit ba? Eh kasi halos every other day na kaming ganito, kung ano anong inuutos kay Winter. Halata na siguro ang frustration ko no?

 

Like the usual, sa halip na nasa loob ng faculty ang prof namin, nandun si ma'am Mijoo sa may pintuan, hinihintay kami--- si Winter.

 

Super obvious naman, favorite niya si Winter. Buti nalang at may pagkastoic si Win kaya hindi naman nagiging issue sa classroom namin ang obvious favoritism ni Ma'am Techno.

 

"Good afternoon po." Bati ni Winter sa nakangiting professor namin. Sinundan ko siya nung nilagay niya yung box na hawak niya sa upuan katabi ni ma'am Mijoo.

 

Ewan! Ayokong tawagin siyang ate kasi hindi naman kami close kagaya ni ate Joy.

 

"Kumain na kayo?" Tanong pa sa amin, ako na ang sumagot dahil busy pa si Winter sa pagchecheck nung dala niya.

 

"Sa bahay na po kami kakain." I noticed her frowning at my answer.

 

"Oh okay. Share ko sana yung Chowking ko sa inyo." Nakatingin pa siya kay Winter kahit ako naman ang kausap.

 

Sa lahat ng fastfood, chowking ang least preferred ni Winter. Kaya nung nakita kong nagcocontemplate pa si Winter sa isasagot niya, nagsalita na ulit ako.

 

"Ah, okay lang po! Uuwi na din po kami eh." Ngumiti na siya this time. Mukha lang siyang intimidating, pero jolly siya during class kaya medyo comfortable naman akong makipag-usap sa kaniya.

 

"Aww. Sige salamat ulit!"

 

Winter nodded, nagbow pa ng kaunti sa prof namin. Ang seryoso naman nito ni Winter talaga.

 

"Kumpleto na po yung report namin dyan." Sabi niya at ready na ngang umalis. Kinuha ko na din ang payong ko mula sa bag ko.

 

"Yes, I know. Thank you always, Winter."

 

Pfft. Hinila ko na si Winter kasi mukhang hindi pa niya alam kung dapat bang umalis na siya. Napakacute ng friend ko.

 

"Thank you ulit sa tulong, Gigi." Napatingin ako kay Winter na nagpasalamat agad nung nakalayo na kami mula sa school gate.

 

"Aampunin ka na ba nun?" Sarcastic yan ha, ngayon lang ako nagkagana na magtanong about dyan. Aba magpapachowking pa si ate girl eh.

 

"Ha?" Hindi ako na-gets ni Win, busy kasi siya sa pagp-phone. Baka katext si Kat.

 

"Si Ma'am Mijoo." I grinned nung tumingin na siya finally sa akin.

 

"Baliw. Hindi ah." HAHAHAHAHA si tanggi agad.

 

"Favorite ka kaya." Totoo naman eh!

 

"Baka mahilig lang siyang mag-utos." Talino din talagang maghanap ng reasons ni Win.

 

"Sus, Win. Halata naman." Natatawa kong pilit sa kaniya, umiling-iling siya.

 

"Ewan ko, sumusunod nalang ako kasi baka pagalitan ako." Yung tono ni Winter, parang batang walang choice talaga. Ang cute cute.

 

"What if crush ka pala nun?" Pang-aasar ko ulit.

 

"May girlfriend ako, Gigi." Mabilis niyang sagot, tinulak ako palayo.

 

HAHAHAHAHAHAHAHA charot lang. Never a supporter ng teacher x student agenda tayo no! Very inappropriate however big or small the is.

 

Tumawa nalang ako, when I looked at the street across us, nakita ko ang familiar na figure ng friend kong matangkad, maganda at mahaba ang buhok, nasa may gate ng boarding house namin.

 

"No need to remind me, andyan na yung jowa mong clingy oh." Tinuro ko pa si Kat na naghihintay sa amin.

 

She waved at us, halatang excited. Tumakbo naman si Winter at niyakap agad ang girlfriend niya.

 

Pabiro akong umirap nung nginitian ako ni Kat habang yakap si Winter. Umirap din siya pabalik sa akin before pulling away from the hug. Hinawakan ang magkabilang cheeks ni Winter at tinitigan ang namumula (sa init) na mukha ni Winter--- na cute na nakangiti sa kaniya. Sweet naman talaga, kaya ang daming langgam sa labas ng boarding house namin eh. 

 

"Sabi mo, ten minutes." Nagpout pa si Katarina, lalong ngumiti si Winter, holding her girlfriend's waist.

 

"Sorry, nakipag-usap pa yung prof namin.."

 

Karina glared, "Mijoo?" Si gaga, 'di man lang ate or ma'am ang itawag.

 

"Ma'am Mijoo yun, Rina." Winter told her while chuckling.

 

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nilampasan yung magjowa na nagyayakapan pa sa may gate.

 

"Alalay ka ba nun? Dinadaig niya na ko sa pagiging palautos ha." Rinig ko pang sabi ni Kat, tumawa lang si Winter.

 

"Kain na tayo, gutom na ko."

 

Sumunod na din sila sa akin sa loob ng bahay. Sina Win at Kat, hindi nagcecelebrate ng monthsary pero masaya naman sila araw-araw. Kami ni Ning ang witnesses. Iba talaga yung saya nila guys huhuhu parang mag-asawa na sila dito.

 

May mga away pa din naman sila, pero hindi na selosan. Hindi kagaya noon. Mga good things na nagbago since they started dating.

 

"Ay nako Kat, kung alam mo lang, bibigyan pa yata kami ng chowking ni Ma'am Mijoo." Pagsusumbong ko-- ouch ha! Hinampas pa ko ni Win sa braso!

 

Kinuha ni Karina yung wrist ni Winter na pinangtulak niya sakin, pinalo ang kamay ni Win. HAHAHAHAHA ano ka ngayon Winter!

 

"Bakit? Birthday niya?" Pastrict pang tanong ni Kat kay Winter na lumayo sa kaniya matapos mapalo ang kamay.

 

"Hindi, nag-alok lang." Tipid na sagot ni Win habang ibinababa sa couch yung gamit niya.

 

Nakahawak pa sa bewang si Karina nung lumapit siya ulit kay Winter, may pagtataray pa.

 

"Ikaw Winter, umayos ka. Professor natin yun." Halata namang nang-aasar lang si Kat, nakagrin din kasi siya at pinapanood yung mga reactions ni Winter.

 

"Ano ba, Rina! Para kang baliw." Medyo inis na si Win, hahampasin na din yata sana si Kat sa braso pero hinawakan ni Karina yung kamay niya.

 

"Joke lang.. 'wag na po magalit." Tumatawa pa si Karina habang idinadaan sa simpleng paglalambing at halik sa knuckles ni Winter ang panunuyo niya.

 

Yan pa ang isa, ang bilis na nilang magsuyuan. Siguro assured na kasi sila dahil maggirlfriend na?

 

Hindi ko na narinig na sumagot si Winter, but I heard them chuckling together. Haynako, ang lalandi.

 

Dumiretso ako sa dining table, may pagkain na kasi dun. Yung dalawang magjowa (real), paakyat na sa taas.

 

"Bihis lang ako." Paalam ni Winter.

 

"Oh, bakit kasama ka Kat?" Tanong ko agad, may sumusunod kasing mataray na pusa sa likod ni Winter?

 

Ngumisi at may pa-wink pa si Kat sa akin. “Babantayan ko yung pinto.”

 

“Gaga! Sino namang sisilip dyan kay Win?”

 

Napachuckle nalang din ako pero mas malakas yung tawanan nila habang patuloy sa pag-akyat sa second floor. Kasabay nun, may pababa naman..

 

si Ning.

 

Ngumiti siya sa akin when she saw me. Napatigil ako sa pagtawa, ngumiti din pabalik sa kaniya. Halos katapat lang kasi ng dining table yung hagdan kaya face-to-face kami agad.

 

"Kakarating mo lang?" Tanong niya sa'kin and like the usual, she's avoiding my eyes.

 

"Oo. Kain tayo."

 

Naglakad siya papunta sa study table, nagcharge ng phone niya.

 

Napasigh nalang ako at nagsimulang kumain.

 

Okay naman kami ni Ning nung new year.. we met para icelebrate ang first day as magjowa nung dalawa nina Winter at Katarina. Then, six days na walang usap, ni call.. wala din. It's like Ning went to a real vacation nga talaga and cut me off.

 

Okay lang naman, baka gusto niyang ienjoy yung bakasyon, diba?

 

The thing is.. when the classes started again, pansin ko na talaga, umiiwas siya sa akin.

 

Naging busy na din naman kami, but my relationship with Ning surely is different now. 180 degrees different. Bad different pa. Buti pa sina Kat, good 180 ang tinumbling.

 

Umupo na si Ningning sa tapat ko na upuan talaga ni Winter usually. My grip on the spoon tightened. Naiinis lang ako sa kaniya. I don't think I ever did anything wrong para iwasan niya ako.

 

"May sprite sa ref.. gusto mo?" Napatingin ako sa kaniya. Totoo ba? Kinakausap niya ko?

 

I chuckled. Yung plato niya yata ang kausap niya kasi dun naman siya nakatingin.

 

"Hindi naman marunong uminom yung plato, Ning." Pabiro kong sabi.

 

She smiled and finally faced me. I missed that.

 

"Ikaw kasi tinatanong ko Gigi!" Natatawa niyang sagot kaya nagpatuloy yung tawa kong pinipigilan ko kanina.

 

"Kain muna tayo." Sabi ko nalang, nilagyan ko na ng kanin yung plato niya.

 

"Lagi nalang talagang lowbatt yung phone ko."

 

We both looked at the stairs, bumababa na yung magjowa, nauuna si Kat na hawak ang phone niya. Si Winter, nakapatong pa ang mga kamay sa balikat ni Karina.  

 

"Lagi kasing nakaopen yung laro mo." Pagsita ni Winter, sumisilip sa phone ni Kat.

 

"Wordscapes lang naman yun!" Kunot-noong sabi ni Karina, umupo na din sila sa tabi namin ni Ning na tahimik lang na nakikinig sa kanila.

 

"Kahit na, application pa din."

 

"Ayoko naman bumili ng bago kasi ang dami nating gastos."

 

Naglagay na sila ng pagkain sa mga plato nila. Ako, tuloy-tuloy lang na kumakain pero si Ning, obvious pa sa pakikinig dun sa dalawa.

 

Hindi pa din nawawala ang pagkachismosa niya.

 

"You can use my phone." Sabi ni Winter, kinuha nga ang phone niya mula sa bulsa niya at ipinatong sa phone ni Karina na nasa gilid ng table.

 

"Talaga?" Tuwa naman agad si Katarina. Sa halip na kumain, binuksan pa ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
14 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
14 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
14 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
14 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
14 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣