Kundiman

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

THIRD PERSON’s

 

Winter Kim: Hi Rina :))

Karina Yu: Bakit ka nagchachat

        Magkapitbahay lang tayo

        Clingy mo naman hmmm

You set the nickname for Winter Kim to X ko.

Winter Kim set your nickname to Rina.

 

Karina giggles like a teenage girl while staring at her phone. Nakaupo siya sa couch ng living room, kinakagat ang dulo ng daliri niya habang ini-stalk ang new account ni Winter. Walang masyadong laman aside sa pagpapalit nito ng profile picture. Nakabukas din ang TV sa harap niya pero hindi naman siya nanonood.

 

X ko: Bakit ba ex :( ayoko nga.

Rina: Diba ako ang masusunod?

X ko: Oo

Rina: Ok edi shut up

X ko: I'm outside, may dala akong food.

 

Kahit nagmamaldita sa inbox ni Winter, excited naman ang pagkilos ni Karina nang malaman na nasa labas lang ng bahay niya ang kausap. Karina almost tripped on her way to the door dahil sa pagmamadali. Mabuti nalang, hindi nakita ni Winter. Sumosobra na ang hiyang naiipon sa katawan niya.

 

"Balak mo bang itry lahat ng fastfood dito?" Yan ang welcome greeting niya kay Winter as she leans on the doorway.

 

May dalang supot ng SNR si Winter na nakapambahay lang. Baka nagdrive na naman papuntang mall.

 

Hindi yata naintindihan ni Winter ang sarcasm sa tono ni Karina dahil seryoso lang ang itsura nito. "Uh.. I just want to give youㅡ"

 

"Joke lang eh. Akin na." Natatawang kinuha ni Katarina ang hawak ni Winter.

 

She opened the door wide. "Tara na sa loob."

 

Kahapon, nung dinner, KFC ang dala ni Winter sa kaniya kaya biniro niya. So when she got a message from Winter earlier, na-excite siya. She likes it whenever the two of them find some new routine na silang dalawa lang ang makakaappreciate. Something that becomes a good memory that will nurture their relationship for the better.

 

But Winter shook her head when Katarina offered her to eat together.

 

"Ah, hindi. Sayo lang yan." Nakangiting sabi ni Winter habang hinihimas ang batok niya.

 

Binuklat ni Katarina ang supot at nakitang bucket pa ng chicken ang bigay sa kaniya. Hindi niya naman mauubos yun. "Huh? Ang dami ha."

 

"Busy ako eh. May gagawin lang." Winter glanced at her car na hindi pa niya napapatay ang makina. Napatingin din tuloy si Karina. May nakasandal na malaking box, about 5ft height sa may pintuan ng sasakyan. Mukhang may binili si Winter na furniture na iaassemble pa.

 

"Okay. Thank you, Win." She said, moving forward to ruffle Winter’s hair.

 

Ngumiti pa lalo si Winter, inayos ulit ang nagulo niyang buhok. "Eat well, Rina." Sabi nito bago sila naghiwalay, Si Karina—papasok sa bahay; at si Winter—papunta sa sasakyan niya.

 

X ko: Eat well po .

        hehe

Rina: ?

        Bakit ang saya mo?

X ko: Kasi I talked to you.

Rina, 12:26 P.M.: Edi wow

        Kumain ka din.

Rina, 12:32 P.M.: Win?

X ko: Daan ako mamaya dyan before I go to Manila.

Rina: At bakit ka pupunta dun?

X ko: Dun daw yung office assignment ko eh.

Rina: Sige.

        Pumasok ka na lang later, tinatamad akong pagbuksan ka pa ng gate.

X ko: Okay po.

 

Now, Karina got used to doing lots of things in the past months. Keeping herself busy helps take overloading thoughts off her mind.

 

Sa Manila, she’d occasionally meet with her friends—or that her friends would take her out at mag-gagala sila on her day offs. Sa condo, if Ning and Gigi are busy in their own unit—which by the way, is on the floor next to hers and Yeji’s, Karina would be playing games on her laptop, or would watch movies, films or documentaries with Yeji kapag hindi sinusumpong ang roommate niya, o kaya.. magbabasa siya ng libro. Once Winter finds out about her reading books on her past time, she’d be thrilled for sure.

 

Plano niyang ikwento one time soon, kapag nagkaroon na ng chance.

 

Kailan kaya? Parang ang busy naman kasi masyado ni Winter..

 

"Rina?" Mga alas tres ng hapon nang kumatok na ulit si Winter sa pinto niya. Katarina rushed downstairs.

 

"Pasok nga sabi!" She yelled while walking towards the front door anyway.

 

"'Di na. Madudumihan pa floor mo." Napatigil si Karina sa pagmamadali nang makita si Winter na nakatayo lang sa doorstep niya.

 

Winter’s wearing a plaid shirt at black pants na naman. Aside from hoodies, jackets, sweaters, sweatshirts, Winter likes plaid shirts too. Bagong damit since it’s not one of those she used to wear during college.

 

"Magpapaalam lang naman ako." Sabi pa ni Winter nang makalapit na si Katarina sa kaniya.

 

Napatango nalang si Karina, paalis naman na pala agad si Winter. Naalala niya nga, ‘dadaan’ lang naman daw kasi.

 

"Sige. Ingat ka." Karina tried her best to keep her tone firm, ayaw niyang makita ni Winter na malungkot siya na aalis ulit ito.

 

Pabalik na ulit sana si Karina sa taas kaso hindi pa umaalis si Winter sa may pinto. A small smile peeped from her lips. She can guess why Winter’s not leaving yet.

 

"Um.." Nakatayo pa rin si Winter sa may pinto at parang may hinihintay nga. Lumapit ulit si Katarina sa kaniya.

 

"Ano? Magb-bless ka?"

 

Napatingin naman si Winter sa gulat, glaring for a moment nang maintindihan ang pagbibiro na naman ni Karina pero binawi din agad ang tingin.

 

"Hindi. W-wala. Sige, goodbye Rina."

 

Katarina grinned at the sight.

 

"Bye." Simpleng sagot ni Karina, naglakad na din papunta sa couch niya. She saw the upset Winter walking towards the gate.

 

The next second, napatingin si Karina sa loob ng tahimik niyang bahay, then on her door where she can see Winter’s back na naglalakad palayo sa kaniya.

 

Winter’s leaving and she won’t see her for another day.

 

Kaya ba niya?

 

Ngayon palang nga, miss niya na agad. It drives her crazy tuwing nakakausap niya si Winter and they don’t do affectionate stuff like they do before.. Kagaya kanina, she knows she should have at least gave Winter a pat on the shoulder.

 

Nang marinig niyang tumunog na ang gate, Katarina stopped resisting, and ran her way out of the house.

 

"Winter!"

 

Winter immediately looked back to see why her neighbor suddenly shouted her name, eh silang dalawa lang naman ang nandun at hindi naman sila sobrang magkalayo.

 

And then she felt a pair of arms hugging her tight mula sa likod niya. Hindi na tuloy niya nakita ang mukha ni Karina—but Winter knows she’s the one hugging her. Who else would feel this perfect around her?

 

"Babalik ka naman, diba?" Karina whispers, namula agad si Winter nang maramdaman ang labi ni Karina na tumama sa gilid ng tenga niya.

 

"O-Oo." Napahawak nalang si Winter sa mga braso na nakayakap sa kaniya.

 

Katarina smiled when she heard her stuttering, enjoying her undying effect on Winter.

 

"Sige. Alis na." Nakangising sabi ni Karina when she pulled away at bahagyang tinulak si Winter palabas ng gate.

 

Winter chuckles, kahit na namumula. She turned to face Karina na nakatayo sa harap niya. She wanted to hug her back earlier.

 

Karina wasn’t leaving, alam din ni Winter kung bakit. Kahit siguro ilang taon pa ang makalipas, palagi niyang maiintindihan ang sinasabi ng mga mata ni Katarina. Si Winter na ang nagfirst move, stepping back inside the gate that was standing between them at hinalikan ang pisngi ni Katarina.

 

"Babalik ako." Bulong niya, tumango si Karina.

 

Sighing happily, naglakad na palabas muli si Winter.

 

Karina’s smile was as sweet as the sunset mood when Winter glanced at her once again before getting into her car.

 

---

 

Winter’s been busy. She’s going to stay here for good so.. she has yet to figure out about how she’d go to work on time, how she’ll catch up with her friends, how she’ll make use of the other rooms of her house na solo niyang ginagamit ngayon.

 

Kahit sa Alabang ang main office ng pagt-trabahuhan niya, sa Manila daw ang branch na papasukan niya. Dun din naman sina Seulgi so she’s fine with it.

 

Excited si Winter. Ito na yata ang unang beses na naging busy siya pero natutuwa siya sa mga bagay na kailangan niyang gawin.

 

Unlike sa work niya noon, Winter’s schedule is all over the place. She decided to enjoy her free time, nagshoshopping kapag nat-tripan niya, nag-aayos ng gamit sa bahay at naglilinis, at minsan ay lumuluwas sa Maynila para bumisita sa office.

 

That’s what she’s been doing since she got home.

 

Ang tanging fixed sa schedule niya ay ang pagdadala ng pagkain kay Katarina. Except when she left to stay for a day sa condo ni Irene kasama si Seulgi. Mas magiging okay kasi for her working schedule soon—sa January ang start ng trabaho niya, kung maghahanap siya ng mapapagstay-an dun.

 

Hindi niya option ang makisama sa unit ni Irene because Seulgi’s already living there too. Mas gusto din ni Winter sana.. mag-isa siya, balak niya kasing imbitahan si Karina dun sa unit na mabibili niya kung sakali.

 

Preferrably, malapit kay Karina.

 

When she got home the next day, kasama niya sina Irene at Seulgi na gusto daw bisitahin ang bahay ni Winter. Pare-pareho din naman silang mga taga-Batangas at bilang considered as friends naman na siguro sila, they want to come over at Winter’s house.

 

“So.. break na kayo?” Pag-uulit ni Seulgi sa takeaway information niya mula sa kwento ni Winter.

 

Nakatambay sila sa dining area ni Winter. Sa labas na sila naglunch kanina at nag-take out nalang ng pizza para kainin pagmiryenda sa bahay ni Winter.

 

“Yata?” Hindi sure na sagot ni Winter. Irene chuckles, nakikinig lang habang si Seulgi ang parang sobrang affected sa mga pangyayari.

 

“Umuwi ka para sa kaniya diba? Sure ka ba ayaw mo nang bumalik sa Japan?” Tanong ni Seulgi, “Baka may jowa na pala si Karina kaya nakipagbreak sayo.”

 

Mabilis na umiling si Winter. “Wala siyang.. jowa—ibang jowa, ako lang.”

 

Seulgi clicks her tongue repeatedly, shaking her head na parang problema niya talaga. “Gusto mo inom tayo, Win?”

 

“’Di naman ako malungkot.” Natatawang sagot ni Winter, pushing Seulgi’s cheek dahil kanina pang palapit nang palapit si Seulgi sa pagiging chismosa.

 

“’Wag ka nga, Seulgi.” Hinila na din ni Irene ang braso ni Seulgi at pinabalik sa upuan. Kaunti nalang kasi, hihiga na sa marble na lamesa.

 

“Nakapagusap na ba kayo ni Karina? Yung sinabi kong usap talaga ha.“ Irene took a sip on her cold coffee.

 

Winter leaned back on her chair, nodding. “Medyo po.”

 

“And she said..?”

 

“Na hayaan ko muna siya. She'll handle.. this.. on her own pace.” Winter stared down at her lap, finding the rip on the knee of her jeans interesting.

 

Not that she’s not comfortable talking about this topic with her friends, nahihiya lang siya dahil kung mapang-asar si Irene sa kaniya, baka nasabihan na siya ng ‘I told you so’.

 

“Okay lang sayo?” Tanong ulit ni Irene.

 

Tumango si Winter, smiling. “Of course.. Susuyuin ko sya.”

 

She’s ready for that.

 

Meanwhile, si Katarina na bored the whole day without Winter coming by at her house, ay nakatitig lang sa kisame ng living room niya.

 

She heard Winter arriving home this morning. Pero.. tanghali na. Nagtaka na si Karina kung bakit hindi man lang niya nararamdaman ulit yung kapitbahay niya. Ang ganda pa naman ng moment nila nung pag-alis nito the other day.

 

Not that she misses her agad (she does). Ayaw niya naman na maging first one to send a message pa dahil.. wala lang, siya dapat ang sinusuyo.

 

Inexpect nya kasi na liligawan o susuyuin sya ni Winter after their talk. Nagbigay na nga siya ng hint eh.

 

Yung hint: Their moment sa gate nung isang araw. She thought that hugging her like that would get Winter excited and.. maybe want more of it.

 

Ang tanong, papasa ba as hint yun na gusto niyang magpaligaw ulit kay Winter?

 

After she finished lunch at nakapagtoothbrush—nakapagcleanse ng mukha, nakapagpolbo, nakapaglipstick, nakapagcurl ng buhok niyang mahaba na ulit; sumilip na siya sa labas at saktong nakita na may sasakyan pang isa sa harap ng bahay ni Winter.

 

May bisita pala ang kapitbahay niya.

 

Kahit na, naiinis pa din si Karina na hindi siya pinuntahan ni Winter kanina pagdating.

 

Mukha bang desperate ang dating kung susugod siya dun ngayon? Eh ano naman, bibisita lang naman siya.

 

Hopefully, whoever is at Winter’s house right now isn’t anyone na kakainisan niya.

 

“Uy Karina, long time no see!” Pagbati ni Seulgi nang biglang pumasok nalang basta si Karina sa loob ng bahay.

 

Nanlaki din ang mga mata ni Winter nang makita ang pinagkukwentuhan nila na dumating during. She was planning to check on her later pag-alis ng mga bisita niya kaya nagulat siyang si Karina na mismo a

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣