Mananatili

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

Twelve Days Before Karina's Birthday

 

GISELLE's

 

"Gigi, ang tagal." Reklamo sakin ni Win mula sa labas ng classroom, I looked at her and mouthed 'sorry.' Kasi namaaan, yung kagroup ko hindi pa tapos magsulat! Kitang nagmamadali na nga yung bossing ko sa labas eh.

 

Joke lang. Ewan ko din ba dito kay Winter, bakit hinihintay pa ako eh sinabi ko na ngang pwede naman na iwan niya na ko dito.

 

Pinanood ko lang si Somi na nagsusulat pa rin nung part niya sa activity namin sa highway and traffic. Hindi naman siya matagal, mabilis lang talagang natapos si Winter kaya inip na siya dun sa labas.

 

Bakit ba? Eh kasi, usapan na namin na pupunta kami sa gym after dismissal. Nagchat daw kasi si Kat sa kaniya na gutom na kanina pa. Walang tigil kasi yung practice nila sa Hataw para sa event na gaganapin for accreditation chuchu ng school. Hindi dapat kasali si Karina dun pero nakiusap daw kasi si ate Seulgi dahil busy siya sa thesis. 

 

Ito tuloy ako ngayon, nakaladkad ni Winter na may dalang waffles at juice para kay Kat. 

 

Hay nako! Grabe ang effort ko para suportahan sila ha. 

 

"Winteeeer!! Gigi!" Nakita ko agad si Karina na papalapit sa amin pagpasok palang namin sa gym. Mukhang kakalagay lang ulit niya ng polbo at may resting time naman pala sila. 

 

Jusko, gusto lang yata nitong si Winter ang magdala ng pagkain niya. 

 

"Anong oras ka uuwi?" Tanong ni Winter.

 

Nakaupo kami ngayon sa may bench dito sa gym. Kinakain na ni Karina yung waffles. Tumingin ako sa mga nandito, halos every section ng batch namin, may representative maliban sa section namin ni Winter. 

 

"Mga 6 siguro? Chat nalang kita."

 

"Pwede naman kitang hintayin."

 

"Huwag na. Magrereview pa kayo ni Gigi." Napabalik ang tingin ko sa dalawa kong kaibigan nung nabanggit yung name ko. 

 

"Ay, okay lang naman sakin." Sagot ko, in case lang gusto nila ng opinion ko. Tumawa si Winter.

 

"Sige, wag na nga. Malaki ka na naman Rina, kaya mo nang umuwi mag-isa." Tuloy tuloy na sabi ni Winter. 

 

"Sayo naman ako nag-aalala kasi maliit ka." Ang galing naman sumagot ni Kat. 

 

Hanep talaga, minsan natatawa nalang ako kasi either super sweet or super bardagulan silang dalawa.

 

"Last waffle mo na yan sakin." Pagbabanta ni Win sabay pisil sa tagiliran ni Karina. Natawa nalang ako.

 

Maya-maya, biglang nagsilapitan sa amin yung ibang ka-org ni Karina. 

 

"Huy Karina! Ito ba si Win mo?" Bungad nung isang lalaki, Jisung yata ang name nun. Napataas ang kilay ko. Aba nga naman, nagkukwento ba si Kat sa mga 'to?

 

Bakit sa akin hindi!!

 

"Oo." Tipid na sagot ni Karina bago uminom ng juice. Tumingin kami pareho ni Winter sa kaniya. Nagpanic naman siya. 

 

"N-nakita kasi ni Jisung yung nickname mo sa messenger ko." Pagexplain ni Kat. Ayy, oo nga pala. 'Win ko' ata yun, if I'm not mistaken. 

 

Tahimik lang akong nanonood sa mga taong nasa gym nang may lumapit na naman sa amin. May napansin akong familiar na lalaki na kakarating lang. Maputi at may malalim na dimple.. Jeno? Part pala siya ng Hataw? 

 

"Wow, may food delivery. Pakilala mo naman samin, Karina!" Grabe naman, feeling ko sikat na sikat kami-- este si Winter lang pala dito. 

 

"Mga baliw! Si Giselle, friend at dormmate ko." Nag-hi naman ako sa dalawang babae sa harap namin. Mukhang mabait naman sila, senior yata namin?

 

"And.. si Winter." Biglang nag-pause si Karina, tumingin kaming lahat sa kaniya.

 

Oh ano, Karina? Kaano ano mo si Winter?

 

"Winter..?" Follow-up ni ateng maikli ang buhok. I looked at Karina with a grin, si Winter naman, naghihintay din. 

 

"B-bestfriend ko." 

 

Awit. Bestfriend pa rin. 

 

Tiningnan ko si Win, mukhang wala lang naman sa kaniya. 

 

Nine Days Before Karina's Birthday

 

THIRD PERSON's

 

Maagang papasok sina Karina at Winter ngayon. Sila kasi ang kinuhang secretary at runner ng grupo ni Seulgi sa thesis defense nila. Payag naman si Winter dahil opportunity ito para ma-immerse niya ang sarili sa darating na thesis course nila next semester. Ganun din naman talaga ng goal ng department nang ilabas ang magiging set up ng final thesis defense ng seniors. Sa juniors sila kukuha ng magiging secretary at runner, sinwerte ang grupo ni Seulgi dahil kaclose na niya si Karina, at minsan si Winter kapag hindi ito naiinis sa kaniya. 

 

"Win, wag kang iiyak mamaya ha." Sabi ni Karina habang naglalakad sila papunta sa room kung saan magdedefend sina Seulgi. 

 

"Baliw, bakit naman ako iiyak?" Natatawang tanong ni Winter. Si Karina talaga, napakarandom minsan. 

 

"Nakakaiyak daw kaya yung defense!" Sinubukan pang magpaliwanag ni Karina, nacute-an lang si Winter lalo sa kaniya. 

 

"Nakakaiyak kung rejected." Sabi ni Winter at pinagbuksan ng pinto si Karina. 

 

Pagpasok nila, nagaasikaso na din sina Seulgi at ang apat nitog kagrupo ng mga tables. Dala-dala nina Winter at Karina ang mga pagkain at softdrinks para sa panel members. 

 

Mababait ang mga kagrupo ni Seulgi kahit na sa unang tingin ay parang intimidating. Sina Irene, Wendy, Joy, at Yeri. 

 

Abala sina Joy at Yeri sa pagrurun through ng hardcopy na ipepresent nila. Si Wendy ang lumapit kina Winter at Karina. 

 

"Thank you! Nagbreakfast na ba kayo?" Tanong ni Wendy sa kanila nung inilagay nila ang mga pagkain sa lamesa. Tumango lang ang dalawa at inobserbahan kung ano ang pwede nilang gawin para makatulong.

 

"Winter, favor nga pakitulungan si Irene sa projector. Ayaw daw umayos eh." Tawag ni Seulgi. Binitawan ni Karina ang kamay ni Winter na hawak-hawak niya at itinuro si Irene na nakaupo sa may gilid ng white board. 

 

"Seul, ano pang matutulong ko?" Aligaga si Seulgi, nanibago si Karina dahil palagi lang itong maloko pero seryoso ito ngayon. Sabagay, dito nakasalalay ang paggraduate nila. 

 

"Ikaw na ba runner?" Tumango si Karina, mas mabilis kasi si Winter sa pagtetake notes at pagtatype kaya mas bagay siya na magsecretary. 

 

"Bale, okay na naman yata lahat. Panels nalang hinihintay. Upo ka lang sa may pinto, okay?" Itinuro ni Seulgi yung upuan sa kabilang pintuan ng room. "Tatawagin ka namin when we need your help with anything. Baka kasi may biglang hingiin na documents na ipapaprint pa sa ground floor. Uhm.. yun, tatakbo ka talaga." Tumango tango lang si Karina. Nabrief na din naman sila ng professors nila.

 

"Okay na! Thank you, Winter!" Napatingin silang lahat kay Irene na malawak ang ngiti at nakahingang maluwag nang makita ang first slide ng powerpoint nila na maayos nang nakaproject. 

 

Proud naman si Karina sa bestfriend niya. Maaasahan talaga kahit saang aspeto. 

 

"Rina.." Mahinang tawag ni Winter habang nagpupulong ang magkakagrupo sa gitna. Isa isa nang dumadating ang mga panel members. Panel chairman nalang ang hinihintay.

 

Magkatabi sila ngayon, pinagtabi na ni Seulgi ang upuan nila para madali silang matawag kung sakali.

 

"Ano yun?"

 

"Kakain pala tayo after nito?" Tanong ni Winter, narinig niya kasi si Yeri at Irene kanina na pinaguusapan kung saan sila pwedeng isama na hindi aabot sa inuman. 

 

"Oo.. sorry baby, hindi ko nasabi." Napakamot ng ulo si Karina, alam niya kasing mahiyain si Winter at baka wala ito sa mood makipagsocialize.

 

"Okay lang. Tinanong ko lang."

 

"Don't worry! Libre naman nila yan." Pag-aassure niya kay Winter, iniisip na baka yung gastos ang pinoproblema nito.

 

Yun naman talaga, dahil ready na si Winter na bumili ng regalo para sa birthday niya. 

 

---

 

"THESIS DEFENDED!!!" Sabay sabay nilang sigaw matapos magcheers ng mga baso nila. 

 

Napakasmooth ng naging oral defense ng grupo nina Seulgi. Kahit lima sila, hindi na nagawang ikumpara ng mga panels ang workload na dapat ay apat na tao lang ang gagawa. Yung project kasi ng thesis nina Seulgi ay condominium kaya naman natuwa ang panel chairman. 

 

Magkatabing kumakain sina Winter at Karina sa tapat nina Seulgi at Wendy. Kagaya ng palagi, may sarili silang mundo. 

 

"Kainin mo yan." Sita ni Karina kay Winter na itinitira ang mga sliced tomatoes sa gilid ng plato niya. 

 

"Hindi, ayoko." Pagmamatigas ni Winter, umiling si Karina at kinuha ang isang piraso gamit ang chopsticks niya at isinubo ito kay Winter.

 

"Ayaw ko nga sabi eh!" Pagmamaktol ni Winter na wala namang nagawa dahil nasa bibig niya na ang kamatis. Ngiting tagumpay naman si Karina dahil nakuha ang gusto niya.

 

"Cute niyo naman. Gaanong katagal na kayo?" Biglang tanong ni Joy na katabi ni Karina. 

 

Muntik nang mabulunan si Winter, si Seulgi naman, tawang tawa sa nangyari. Dejavu lang.

 

Pinitik ni Karina yung braso ni Seulgi sa tapat niya nang pinagtawanan nito si Winter. "Tigil ka nga dyan, Seul." Sabi nito at inasikaso ang katabi niyang pulang pula na naman.

 

"Hahahaha, magbestfriend lang daw yang dalawang yan." Si Seulgi na ang sumagot sa mga kagrupo niyang nag-aalala na kay Winter. 

 

"Ay ganuuuun. Parang kayo lang ni Irene noon." Pang-aasar ni Joy. Tumawa lang si Irene samantalang naging seryoso naman si Seulgi. 

 

Nakangisi tuloy si Karina. Nagbackfire kay Seulgi.

 

"May plano na ba kayo for thesis niyo next sem?" Tanong ni Irene kay Karina, dahil kumakalma palang si Winter.

 

"Uhm.. Meron na ate. Nasa utak nito." Tinuro ni Karina yung katabi niya. Nagtawanan naman ang mga seniors. 

 

"Nakuu. Ingat sa thesis. Baka masira ang friendship niyo." May pinapahiwatig ata si Yeri.

 

"Tangek, hindi naman nasira friendship natin ah!" Si Wendy yan, habang nagrerefill ng iced tea niya.

 

"Baka relationship." Mabilis na singit ni Joy habang sumaside-eye kina Irene at Seulgi. 

 

"Lah, dami nyong alam. Bati na nga kami eh." Sabi ni Seulgi sabay akbay kay Irene. Nagkantyawan naman yung tatlo. 

 

Habang nakangiti sa nakikita niya, napabaling ang tingin ni Karina kay Winter na nakikinig lang din pala sa limang magkakaibigan sa harap nila.

 

"Ingat daw tayo, Win." Pabulong niyang sabi. Ngumisi si Winter.

 

"Iingatan naman kita, Rina." 

 

"Hala! Karina, okay ka lang?" Pag-aalala ni Wendy sa junior nilang namumula.

 

Five Days Before Karina's Birthday

 

NINGNING's 

 

HUHUHUHUHUHUHU

 

Naiyak na ang utak ko. Hindi ko na kayaaaa! Hindi na keri ng brain ko na magisip! Puno na siya! Out of storage!

 

Halos isubsob ko na yung mukha ko sa libro ni Winter sa transpo. Meron pa din kasi kami nung mga foundation courses. Kahit structural ako, may transportation engineering course pa rin akong itetake, same with Karina's. 

 

Ayaw ko na! 

 

Mabuti pa 'tong si Karina, ngiting ngiti lang sa balikat ni Winter habang nagbabasa. Paano pa ba nakakaaral 'to na puro landi ang ginagawa huhuhu

 

Sana all nalang may aral at harot. 

 

Aral na nga lang yung sakin, nakakatamad pa. 

 

Nasa kwarto si Gigi ngayon, gusto daw niyang humiga muna. 1:30 A.M. na din, pero gising pa kami kasi bukas na start ng exams. 

 

"Antok na ako." Naunahan ako ni Karina na magsabi. Antok na din ako. Pero plano ko kasing sabayan siyang matulog tutal kami naman ang sabay ang schedule bukas. 

 

"Idlip ka muna." Sabi ni Winter. Napapout ako. 

 

"Idlip ka na din muna Ning. Gisingin ko kayo in 30 minutes kung gusto niyo." Bait talaga ni Winter. 

 

Kung tutuusin, hindi niya na need magpuyat kasi chill nalang ang aral niya ngayon. 

 

Napangiti naman ako kahit pagod na yung mga mata ko. Si Karina, parang tulog na agad ata sa lamesa. Nakapatong yung ulo sa forearms niya habang nakatingin sa direksyon ni Win. 

 

Hindi ko na din talaga kaya, lumipat na ako sa couch at

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣