crazy for you

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

NINGNING’s

 

“Ning, okay ka lang?” Si Kat, nagtatanong. Galing pa siya sa kwarto niya sa taas at bagong ligo.

 

Binuksan ko ang notebook ko, nagdrawing ako ng question mark sa papel at ipinakita yun sa kaniya. Wala ako sa mood magsalita, namimilipit na nga ako, tatanungin pa ko? Edi syempre, hindi okay!

 

“Aww. Ibili ka namin ng mefenamic, Ning?” Tanong pa niya ulit, napapikit na ako at niyakap nalang ang stuffed toy na nasa lap ko. Ang sakit talaga..

 

“Tara, bili na tayo.” Si Gigi, tumayo na sa pwesto niya sa tabi ko. Hindi na ako tumanggi, they usually do this kapag ganito ang nangyayari sa’kin.

 

May major quiz kami sa compre tomorrow.. Grabe, para na kaming robots. Gigising sa umaga, kakain saglit tapos aral na agad. Pagdating ng tanghali, magt-thesis. Sa gabi, aral na ulit. Puro aral dahil walang choice eh. Hindi na ako magugulat kung biglang may magb-breakdown dito sa boarding house. Baka ako na yun, charot.

 

“Bili na din tayong dinner pala.”

 

I felt Winter patting my head bago siya dumaan sa likod ko at sumunod na kay Karina na kanina pang naghihintay sa terrace.

 

“Babalik kami, Ning. May iba ka pa bang gustong ipabili?” I saw her extending her arm para akbayan sana ako pero umiwas ako agad.

 

Napalunok ako at nagkunwari nalang na sumasakit ulit yung puson ko.

 

Umalis na siya after just patting my shoulder instead.

 

Tumunghay na ako, sighing alone in our living room.

 

Ang hirap iwasan ni Gigi. I didn’t want to, but I feel sad tuwing nakakaramdam ako ng selos sa kaniya at kay.. Yunjin. Ewan! Ang tagal na din naming na magkaibigan ni Gigi, simula highschool pa.

 

Where can I find the courage to tell her directly how I feel?

 

Hays, problemahin ko nalang muna yung studies ko. I should be studying for tomorrow’s quiz pero hindi ko na talaga kaya huhu

 

THIRD PERSON’s

 

“Gigi, paano mo ba napapakalma si Ningning noon? Bakit ayaw niyang kumalma ngayon?”

 

Sabay na nagtawanan ang mga kaibigan ni Winter sa tanong niya. Mula kaninang umaga pa lang, iniisip niya na si Ningning. Dahil hindi masyadong nagkakausap sina Giselle at Ningning, sina Winter at Karina ang kanina pang tinatarayan ng kaibigan nila.

 

“Ewan ko, hindi ko din alam bakit mas mainitin ulo niya ngayon.” Sagot nalang ni Giselle, ni hindi niya nga alam kung bakit nagkaganun sila ni Ningning eh.

 

Winter pouted. Sa halip na yung quiz bukas ang problema niya, yun talagang tungkol kay Ningning ang nasa isip niya. “Kamusta aral mo, Gigi? Gusto mo, ako muna magasikaso kay Ning? Tapos na naman akong magsaulo.”

 

Karina chuckled sa mga naririnig niya, it’s always nice to see Winter like this na hindi lang para sa kaniya, pati na din sa friends nila. Given naman nga kasi na whipped si Winter sa kaniya kaya palaging caring kay Katarina.

 

“Uhm.. sure ka ba?” Giselle made sure, tumingin pa kay Karina to check. Seryoso lang kasi ang mukha ni Winter sa gitna nila pero halata naman na malalim ang iniisip.

 

Karina nodded at her, hindi nangungulit o nakikisali sa usapan.

 

“Oo. I’ll try to help her.” Pursigido talaga si Winter. Karina wrapped her arm around her grilfriend’s shoulder. Siya na ang nagthank you.

 

“Thank you, Win.” Bulong ni Karina. Giselle smiled, ang thoughtful kasi ni Winter.

 

---

 

Winter can’t relate sa mga painful experiences in talks about PMS and during. Sa ilang taon na pagkakaibigan nilang apat, si Karina lang ang naalagaan niya sa ganito. Saulo na nga niya ang dapat gawin kapag tinotopak na si Katarina. 

 

Madalas, hihingi si Karina ng maasim na pagkain, daig pa ang naglilihi sa manggang hilaw kapag nagyayaya siyang maggala sa subdivision para humanap ng naglalako nun. 

 

Ang ending din naman, mag-isa si Winter na mag-iikot sa subdivision dahil ayaw ni Karina na maglakad nang malayo. 

 

"Gusto mo bang mahimatay ako sa daan, Winter?" Ganiyan pa ang linyahan ng bestfriend niya noon-- na girlfriend niya na ngayon. 

 

“Ning, tara review tayo.” Yan ang napili niyang starter. Nakahiwalay si Ningning sa kanila, piniling umupo sa dining table at dun mag-aral dahil nasisikipan daw siya sa study table nila.

 

Ningning gazed up at her, nakakunot pa ang noo habang may pencil na nakapatong sa likod ng tenga. “Nagrereview na ako, Win.” 

 

Umupo pa rin si Winter sa tapat niya, pinilit ngumiti. Si Ningning, nakahawak pa sa buhok niya while leaning on her elbow sa table. Exhausted na. 

 

“Ayaw mo ng kasabay?” Umiling agad si Ningning.

 

“Ayoko.. mabilis ka.” Sagot niya bago bumalik sa binabasa. Naramdaman ni Ningning na pinapanood pa din siya ni Winter. 

 

Napabuntong-hininga nalang siya nang marinig ulit na magsalita ang nasa harap niya.

 

“Sasabayan kita.” 

 

Ningning sighed again, composed herself while looking at Winter. Ayaw niyang magsungit, kaya naman binaling niya ang tingin sa study table. 

 

“Kat, kunin mo nga ‘tong jowa mo please!”

 

Nakasimangot na bumalik si Winter sa tabi ni Karina na tinatawanan ang narinig niya. 

 

“Ako na.” Sabi ni Giselle, kinuha na ang mga review materials niya at lumipat sa dining table para samahan si Ningning dun.

 

Winter and Karina watched kung paano pinaamo ni Giselle si Ningning. Kahit isang reklamo, wala silang narinig sa pakikipagusap ni Ningning kay Giselle. 

 

“Buti nalang hindi ako sumpungin, diba Win?”’ Nakangising sabi ni Karina nang ibalik niya ang tingin sa notebook niya. 

 

Winter scoffed. “Talaga lang ha.” 

 

Tumawa lang si Karina. Napatingin si Winter sa laptop na pinagkakaabalahan ng katabi niya. Nakabukas ang excel.

 

“Ayaw mo nang magreview, Rina?” Winter asked, leaning on the table as she stares at her girlfriend, inilapat pa ang kamay niya sa thigh ni Karina. 

 

Karina hummed, sumilip sa kamay na nasa lap niya, then kay Winter. She chuckled. “Gumagawa na ako ng program sa excel for tomorrow.. ayokong i-cram ang chapter 4 eh.”

 

---

 

Kinaumagahan, sabay-sabay sina Giselle, Karina at Winter na pumunta sa AVR, next schedule pa kasi ang section nina Ningning. Tatlong sections lang ang kasya sa room, nagkataon na magkakasabay ang klase ng tatlong magkakaibigan. 

 

“Goodluck baby.” Karina kisses Winter's temple, magkahiwalay kasi ang pila nila. 

 

“Galingan.” Winter smiles at her, ruffling Karina's hair na napasimangot sa ginawa niya. 

 

Habang inaayos ang buhok, tumingin si Karina kay Giselle. “I’ll see you later. All the best, Gigi!” 

 

Dalawang oras lang ang duration ng weekly quizzes nila. One seat apart ang set up at alphabetical, per section pa. Nung mga unang quizzes nila, palagi silang kabado. Sa lawak kasi scope ng subjects, mapapaisip nalang talaga kung swerte ba sila sa inaral nila.. kung lalabas ba ang mismong inaral nila sa quiz, kung tama bang yun ang inaral nila. 

 

Pero ngayon, siguro dahil patong-patong na din ang mga gawain at projects nila ulit, halos walang kaba sa loob nila, gusto nalang makasurvive sa araw.

 

Maagang nakatapos si Winter, may isang oras pa kaya naisip niyang pumunta muna sa canteen. Isinuot niya na ang black hat niya, ganun siya lagi tuwing mag-isa sa school. Sa pagiging mahiyain, nagooverthink siya na baka mamaya, may magawa siyang nakakatawa-- for example, madapa at makilala siya ng lahat. 

 

"Isang belgian waffle po." Order niya, tumingin-tingin pa sa paligid. May mga estudyanteng nakasuot din ng white polo shirt kagaya niya. Mga kaschedule siguro ni Ningning na naghihintay na matapos ang mga nasa AVR. 

 

Nakablack na sweater si Winter, laking pasalamat niya na dinala niya yun dahil malamig sa room kanina. Buti nalang din, kasi sa daming mga nakawhite shirt dito, ayaw niyang mapagkamalan na kasama nila. 

 

Nang makuha niya na ang waffle niya, niyakap na ni Winter ang tumbler niya bago maghanap ng upuan. 

 

Ang daming tao masyado, kaya puro occupied ang tables, puno ng mga barkadahan. 

 

Sa may dulo ng canteen, nakakita si Winter ng bakante. Tamang tama. For one person nalang yung bakante kaya siguro walang umuupo dun. 

 

Paupo na sana si Winter nang makilala niya kung sino ang nakaupo sa tapat. 

 

Si Yeji. Kaklase nga pala siya ni Ningning at naghihintay din ng turn nila to take the quiz sa AVR.

 

Yeji smiled at her nung makilala siya, medyo tago kasi ang mukha ni Winter. 

 

Hindi nagsalita si Winter, patuloy lang sa pagkagat sa waffle niyang paubos na habang nakatayo sa harap ni Yeji. Pinagiisipan niya pa kasi kung uupo ba siya, hindi naman pag-aari ni Yeji yung table. 

 

"You can join me, Winter." Natatawang sabi ni Yeji dahil ang awkward ng tayo ni Winter dun. 

 

"Thank you, Yeji.." Hindi na naghesistate si Winter. Ang tagal na din nilang hindi nakakapag-usap ng dati niyang workmate kaya parang ayaw niyang umupo kanina, baka kasi awkward. 

 

Yeji didn't talk to her, hindi siya kinulit o ano man. Hinayaan lang siya na kumain nang tahimik. 

 

Winter appreciates that. 

 

"May jowang student nga yata si Ma'am Techno, yung ano.."

 

"Sino?"

 

"Yung palaging nasa dean's list."

 

Yeji raised an eyebrow sa narinig niya, mga estudyanteng nag-uusap sa likod ni Winter. If she can hear them, Winter surely does too. 

 

"Winter Kim?" 

 

"Oo yata, hindi man lang magpakalowkey si ma'am."

 

Sa perspective ni Yeji, likod lang ng mga magkakausap na kabatch nila ang nakikita niya, pati na din ang blank expression sa mukha ni Winter na busy sa pagkain. 

 

"Tanga, meron yung nililigawan, si Karina ng CEM, diba? Yung president ng Hataw."

 

"May CEM pa? Baka timer."

 

Alam niyang naririnig din ni Winter, alam niyang nagbibingi-bingihan nalang si Winter. 

 

"Uy, tingnan niyo recent IG story ni Ryujin! May bagong bar na naman pala."

 

Nagulat nalang si Yeji nang tumayo si Winter, walang sinabi at umalis na. 

 

Worried, tumayo din si Yeji. Hindi niya naman planong kulitin si Winter, pero sinundan niya pa rin just to check on her. 

 

---

 

Yeji thought Winter would go home after what happened.. pero hindi. 

 

Nakatayo lang si Yeji sa may pintuan ng storage room sa ilalim ng hagdan dun sa may back door malapit sa AVR. She can see some students na naghihintay sa may room, meron ding iba na kakalabas lang. 

 

It's been more than thirty minutes, hindi pa din lumalabas si Winter sa storage room. Wala naman siyang naririnig na iyak o kung ano man. Kanina niya pang pinag-iisipan kung kakatok na ba siya. Malapit na din kasing papasukin ang mga students for next quiz schedule. 

 

After a few more minutes, nakita niya ang tatlong kaibigan ni Winter na nag-uusap sa may pinto ng AVR. 

 

Yeji looked at the storage room's door one last time before walking towards the group of friends na mukhang pinaguusapan din si Winter. 

 

"Mga 10 minutes na yata ako dito, wala naman siya nung dumating ako eh." Ningning said, nakatingin sa phone niya. 

 

"Hindi din sumasagot sa call." Halatang naiinis na naman si Karina. 

 

Yeji sighed, kinuha na ang atensyon ng tatlong busy at hindi napansin ang presensya niya. 

 

"Karina." Tawag niya, nakakunot pa din ang noo ni Karina nang tumingin kay Yeji. 

 

"You might want to check the storage room sa ilalim ng hagdan." Itinuro pa ni Yeji ang direksyon, mukhang naguluhan lang ang girlfriend ni Winter. Sina Giselle at Ningning naman, tahimik lang.

 

"Ano?" 

 

"Winter's there." Sagot niya. 

 

Paalis na sana si Yeji para pumila at isama si Ningning sa kaniya nang tawagin siya ni Karina. 

 

"Yeji."

 

Yeji faced her again. "Ano?

 

"Bakit--"

 

"She heard people gossiping about her and the new prof. You better hurry, baka kailangan niya ng comfort mo."

 

Giselle bit her lip sa narinig. Yun na nga kasi ang kinakatakot niya. 

 

---

 

"Winter? Open up, ako 'to." Karina knocked once, walang sumasagot. 

 

"Alam kong nandyan ka." She says, softly. Hindi ito ang first time na nagkulong si Winter somewhere sa school.

 

Karina remembers how Winter used to lock herself inside the girls' comfort room kapag may PTA meeting nung senior high sila. Their teachers would talk to Winter's parents about her candidacy for valedictorian. Nap-pressure si Winter noon. 

 

Going back to that one corner sa CEAFA building, kumatok ulit si Karina, glancing once at Giselle na naghihintay sa malayo. 

 

Lumabas na si Winter, mukhang okay naman ang itsura. Hindi pugto ang mata, hindi namumula ang mukha. 

 

"Bakit ka nandun? Okay ka lang?" Worried na tanong ni Karina-- kahit na-orient na siya ni Yeji (out of all people) about sa nangyari. 

 

Winter smiled at her. "Wala lang." 

 

"Talaga?"

 

"Oo nga. Tara na."

 

Karina tried to comfort Winter, walang effect. Winter insists that she's fine. So instead of stressing about it, minabuti na ni Karina na huwag kulitin muna si Winter tungkol dun. They proceeded sa paggawa ng assignments sa canteen habang hinihintay si Ningning. Mamayang gabi kasi, thesis na naman ang aatupagin nila dahil may deadline pa ulit sila kinabukasan.

 

Karina 'tried' not to say anything about what happened earlier. Kaso lang, halos isang oras na sila sa canteen pero walang ginagawa si Winter. Samantalang si Giselle na classmate niya, nakatapos na sa isang supposedly homework nila sa traffic demand analysis. 

 

"Win.." Karina held Winter's hand. Nakatitig lang kasi si Winter sa tumbler niya. 

 

Winter looked at her, smiling nang makita ang mata ni Karina. "What?" 

 

"Are you sure you're okay?" 

 

Napachuckle si Winter. Okay lang talaga siya, hindi siya umiyak sa storage room o nagdrama dun, nagbasa lang siya at gumawa ng assignments na dapat ngayon niya gagawin. Kasabay na nun, inisip na din niya kung paano aalisin sa isip niya yung mga narinig niya.

 

"Oo nga." Winter leaned down para halikan ang kamay ni Karina na nakapatong sa kamay niya.

 

Karina frowned, kilala niya kasi si Winter. Add to it na nabobother siya sa sinabi ni Yeji sa kanila kanina. How can Winter be fine? 

 

"I'm here if you need--"

 

"Okay lang ako, Rina. I promise."

 

---

 

Since napagkasunduan na si Karina ang maglilead sa chapter 4 ng thesis nila, siya nga ang nag-aasikaso nun, katulong si Giselle. Sina Winter at Ningning ang nag-aayos ng analysis ng structures at ng other revisions pa sa chapters 1 to 3. 

 

“Win, matagal pa?” Tanong ni Karina, for the 23rd time since last week. Winter kept count. 

 

“Sorry, Rina.. 98 percent na.” Sagot ni Winter na naiinis na din sa bagal ng pagloload ng STAAD.

 

Karina glanced at her girlfriend, pareho silang on-edge. “Pasend nalang sakin nung mga initial specs, yun nalang muna iinput ko dito.”

 

“Uh, wait.. Gigi, pasend nga sa’kin nung sa road, may ichecheck lang ako.” Napatingin ulit si Karina kay Winter, na-ignore na naman siya. Hindi maiwasang mapairap. 

 

Sa sobrang daming inaasikaso, hindi na sila magkaigi. Kahit gaano pang kaganda ang sistemang nabuo at napractice nila over the years of being classmates, wala ring kwenta lalo na kung madalas silang nac-cram dahil sa iba pang gawain sa school. 

 

May mga bagay talagang hindi nila kayang kontrolin. 

 

Parang pasensiya ni Katarina ngayon. 

 

“Winter, yung specs.” Panglimang sabi niya na yun sa araw na yun. 

 

Winter sighed, tumango sa girlfriend niya habang inaayos ang mga papel sa na nakakalat sa may laptop niya. “Ito na, kinukuha pa ni Ning yung reports.” 

 

“Ning?” Karina looked at Ningning this time. 

 

“Sending po!” Bubbly na ulit si Ningning, sa first day lang naman kasi talaga sumasakit ang puson niya. 

 

“Yes, finally!” Si Winter yan, kasi tapos na sila ni Ningning sa part niya. Pero sina Giselle at Katarina, busy pa. Sila naman ngayon ang tututok sa thesis. Two months, puro revisions lang ang naging progress nila.

 

Hindi maiwasan ni Karina na mainis.. kay Winter. Ilang beses na din naman siyang humingi ng dagdag na time for her part. Mahirap ang project management, matrabaho. To think na gagawin niya lahat yun in just one night?

 

“Rina, anong matutulong namin?” Napatingin si Giselle kay Karina na hindi inaalis ang mga mata sa laptop niya. Nagtatanong si Winter. 

 

“Madami.” Mariin na sagot ni Karina. Napalunok na si Giselle, ramdam ang tension between her friends. 

 

“Ano nga?” Tanong ulit ni Winter, nakakaramdam na sa pa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣