Pasilyo ㅡ Finale.

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

December 23

 

“Sure na?”

 

Winter nodded, napakamot na sa ulo dahil pailang tanong na ni Seulgi ito. She moved her chair closer to their table at iniwasan ang tingin ni Seulgi sa kaniya.

 

“Oo nga.” Sagot niya, gaze extending sa may counter ng café na tinatambayan nila kung saan nandun si Irene at umoorder para sa kanila.

 

“Winter, ikaw inuuto mo na ako ha.” May pailing pang sabi ni Seulgi. "Baka tama nga si Karina, magaling ka ngang mang-uto."

 

Winter’s currently with Seulgi and Irene matapos ang pagbisita niya muli sa office nila. Malapit na ang pasko at ito na ang huling araw na magkikita silang tatlo ngayong taon.

 

Gusto ni Winter na magpakabusy sa girlfriend niya for the rest of the holidays.

 

“Hindi naman.” Iwas ulit siya sa tingin ni Seulgi.

 

“Nung una akala ko favorite mo na ‘ko, ginagawa mo lang pala akong utusan.”

 

Trip na naman siyang hulihin ni Seulgi sa sudden requests niya.

 

Humihingi lang naman siya ng pabor.. ulit, pero hindi niya din maitanggi na puro ganito nga ang usapan nila ni Seulgi. Madalas man silang nagkakausap, puro pang-aasar ni Seulgi—o mga requests niya lang ang pinag-uusapan.

 

That doesn’t mean that she doesn’t treat her as a friend.

 

Para na ngang kapatid ang tingin niya kina Irene at Seulgi, hindi lang niya masabi.. but she feels that way.

 

“’Di nga, ate.. last favor na to, promise.”

 

Ngumiti pa din naman si Seulgi, poking the velvet cake na nasa platito sa table sa gitna nila ni Winter.

 

“Sige na nga.”

 

Winter smiles as well, tumingin na kay Seulgi para makishare sa biniling dessert sa kanila ni Irene kanina.

 

“Kailan ko makukuha, ate?” Tanong niya sa kasama, Seulgi picked up her phone from the table at nagcheck ng tinitingnan niya kanina, yung pabor na hinihiling ni Winter.

 

“After Christmas na.”

 

Tumango si Winter. Tama lang, balak niya din namang gamitin yun after Christmas.. kung sakali man.

 

“Coffee niyo oh.”

 

Dumating na din ulit si Irene, holding a circular tray of their drinks. Coffee for Winter and Seulgi.

 

“Thanks, ate Irene.” Winter said politely, tinulungan na din si Irene sa paglalagay ng mga baso sa lamesa nila.

 

Inayos ni Seulgi ang upuan niya para makatabi si Irene. The latter thanked her girlfriend at pinunasan pa ang gilid ng labi ni Seulgi dahil may crumbs pa ng pastry na kinain.

 

Winter looked away, sanay na sa pagiging thirdwheeler.

 

“Kamusta?” Irene asks her.

 

Hindi pa sila nagkakausap mula kanina dahil si Seulgi agad ang pinuntahan ni Winter nang magkita sila.

 

“Okay naman po.”

 

“Madalas ka sa Manila, no?” Tanong ulit ni Irene since they don’t usually meet everytime Winter goes to Manila. Minsan lang.

 

Winter nods, “Hatid sundo ko po si Rina, mamaya susunduin ko ulit siya.”

 

Napangiti si Irene, nakangiti kasi si Winter habang binabanggit ang pangalan ng girlfriend niya.

 

“Are you enjoying?”

 

“Sobra po.”

 

Nagkatinginan sina Seulgi at Irene; Seulgi sending Irene an ‘I told you’ look.

 

“That's good. Your hard work's paying off. Masaya ka na ngayon.”

 

“Sobrang saya, inutusan pa akong bumili ulit nung singsing.” Nakisali na si Seulgi sa usapan, puro si Irene lang kasi ang nagtatanong kanina.

 

Singsing.. Yun ang huling pabor daw niya. Winter has thought about buying a pair for her ring.

 

Although she’s not confident na sasagutin siya ni Katarina when she asks for her hand, gusto niya pa ding bilhin.. Kahit sana maging regalo nalang as couple rings, kung sakali.

 

“Bakitㅡnaiwala mo ba yung binili mo?” Nag-aalalang tanong ni Irene, recalling the price of the ring Winter bought last year.

 

“Hindi po.. bumili ako for myself, para pareho kaming meron.”

 

“Oo nga pala.”

 

Seulgi, who had been sipping on her coffee, asked again. “Kailan mo tatanungin si Karina?”

 

Kailan nga kaya? Until now.. kahit alam niyang mahal siya ni Karina, she’s still not sure kung kailan niya pwedeng itanong, siguro.. siguro ano..

 

“As soon as she lets me in her heart again.” Sagot ni Winter na ikinagulat ni Irene.

 

“Hindi pa ba?” Nakataas pa ang kilay, finding the situation alarming.

 

Winter sighs after drinking her coffee. “Ewan ko.. I can feel her drawing a line between us everyday.”

 

“But..” Bothered pa din si Irene. “You said you're happy.” Parang tonong nagtatanong, more like checking on Winter.

 

Seulgi wrapped her arm around Irene’s waist, sabay na tinitigan si Winter at naghintay ng sagot. They’ve been curious about how Winter’s doing.. and since they’re aware of what happened in Japan, hindi nila mapigilan ang mag-alala sa kalagayan niya.

 

“We make small progress din naman everyday, so I'm glad.” Sagot ni Winter that sounded like an assurance. Pakiramdam niya tuloy, magulang niya ang kausap niya.

 

“Okay.”

 

“Goodluck, Winter.” Pinat pa ni Seulgi ang braso ni Winter that made her chuckle.

 

“Yung singsing, ate Seulgi.” Paalala niya, yun din naman talaga ang main agenda niya ngayong araw.

 

Napatawa na din si Seulgi. “Oo nga, babalitaan kita.”

 

January 2

 

Winter woke up with the weight of Karina’s arm around her belly. Hindi siya gumalaw agad, scanning the room she’s in bago tingnan ang katabi niyang tulog pa din.

 

Yung dapat na sleepover, naging overnight sa kanila ni Katarina. It hasn’t been two hours since they slept kaya for Winter, parang pumikit lang siya at nagmulat to see the sunlight through the window.

 

How is she feeling?

 

Mula nang mag-pasko.. she’s been sensing this continuous progress sa kanila ni Karina, and then New Year came.. then last night.

 

Ahh.. Sobra na naman ang ligaya sa puso ni Winter.

 

Sabi nga ni Maki, kung paru-paro sa tyan ang basehan ng pagmamahal, baka nakalutang na si Winter.

 

Nakalutang sa kasiyahan.

 

Yung saya na nakakabaliw, yung napapangiti nalang siya kahit wala namang ginagawa. She literally just woke up.. smiling.

 

Winter heard the small noise Katarina made against her shoulder.

 

Kahit hindi niya kita nang ayos ang mukha ng girlfriend niya, she still thinks Karina’s cute.

 

Slowly, she slightly turned to kiss her head. Umungot na naman si Karina na mas yumakap pa sa kaniya.

 

Winter was about to hug her back under the sheets nang magvibrate ang phone niya.

 

Kuya: Bunso, call ka daw kapag nakamove in ka na sa maynila.

 

Seulgi: Pinadala ko kay Yeji. Kunin mo nalangg.

 

Winter grabbed her shirt mula sa pinagpatungan niya ng phone niya at isinuot yun before she leaned on the headboard.

 

Binasa niya ulit ang text ni Seulgi kahapon. Naging busy siya sa mga kaibigan kaya hindi niya napansin.

 

Winter couldn’t help but feel delighted, tuloy-tuloy kasi ang kasiyahan niya.

 

The idea of having Karina beside her in the morning, yung mga singsing, it feels like everything that’s been happening is pointing towards one.. pleasing direction.

 

“Good morning baby..”

 

Mabilis na itinago ni Winter ang phone niya at inilagay ulit sa side table. She looked at Katarina na bagong gising, hindi man umaalis sa pwesto ay nagm-murmur naman ng good mornings sa kaniya.

 

Winter leaned closer, hugging Karina back as she gives her soft kisses on her face na nakatago pa sa buhok niya. Katarina whined, inayos na din ang buhok niya para matanggap ang mga halik ni Winter.

 

“Good morning Rina, thank you for loving me.” Malambot na halik pa ulit ang inilapat ni Winter sa pisngi ni Karina who pulled away from her nang marinig ang sinabi niiya.

 

“Ang aga.. Win, nanglalandi ka na agad.”

 

Winter chuckles, sinundan ng titig ang nakapikit na mukha ni Karina.

 

“Sabihin mo nalang, you're welcome.” She tells her, hinabol din ang katawan ni Karina when she rolled to turn around.

 

Mabagal ang kilos ni Katarina, nag-iingat dahil sa sakit ng katawan.

 

“You're welcome.” Bulong niya, she heard Winter laughing behind her and soon, hugged her tight.

 

She winced at the slight pain nang maramdaman ang pagpatong ng left leg ni Winter sa kaniya.

 

“Are you okay?” Winter whispers against her ear, an instant blush formed on Katarina’s cheeks, realizing what just happened.

 

Nahihiya man, she still responded. Ano pa bang itatago nila sa isa’t isa..?

 

“Pagod ako.. kaya ‘wag kang mangungulit muna.” She tells her honestly and earned another chuckle from Winter.

 

“’Di kita kukulitin.”

 

Karina reached out her hand and lightly patted Winter’s clothed lower back. “’Wag kang malikot.”

 

Tumawa ulit si Winter and seconds later, naramdaman ni Katarina ang unti-unting pagkawala ng init mula sa katawan ni Winter.

 

Winter pulled her arms away from Katarina’s body at nagsimula nang magsuot ng damit niya. Karina turned to face her girlfriend, curious sa biglang pagbangon nito, also worried that she may have made her want to go.

 

“Saan ka punta..?” Sumimangot na si Karina dahil tuloy-tuloy si Winter sa pagbibihis.

 

She patted the bed again nang tingnan siya ni Winter. “Stay in bed.. hindi pa naman siguro gising sina Gigi.”

 

Winter smiles at her, napansin din ang reaction ni Karina sa ginagawa niya kaya naman lumapit siya ulit sa girlfriend niya at hinalikan siya sa noo.

 

“Magwawater ako ng plants.” She mumbles, ngumiti naman si Karina after hearing about her hobby again.

 

“Oh okay..” With a hand on Winter’s wrist, Karina pulled her again kaya napahiga na naman si Winter; para lang hayaan si Katarina na i-cuddle siya ulit.

 

Winter placed her hand on the back of Karina’s head dahil naramdaman niya ang pag-nuzzle ni Karina sa leeg niya.

 

Nakakakiliti.

 

“Rina.. punta ka sa bahay ko for breakfast. I'll wait for you.” She whispers again, napalunok—and she knows Katarina felt her gulping. Nakadikit ba naman ang mga labi sa bandang gitna ng leeg niya.

 

Hindi kumilos si Katarina, holding Winter’s body tight, ayaw bitawan. Kahit pakiramdam niya, bugbog ang katawan niya sa pagod.. she still has strength to cling on her girlfriend para lang huwag muna siyang iwan.

 

“Tutulog pa ako, balikan mo ko dito.” Bulong niya, feeling Winter’s slow nod.

 

“Okay po.”

 

Babalik naman. Karina thought to herself.. kaya humiwalay na siya.

 

“I’ll be back po. Magluluto din ako.” Pagpapaalam pa ulit ni Winter habang nakatayo na.

 

Karina hid under the sheets at tumalikod sa pintuan para hindi niya makita ang pag-alis ni Winter.

 

As much as she wants to stay on the bed with her girlfriend, kailangan ni Winter na magdilig at magluto para sa mga bisita niya. Hindi din kasi niya sinamahan sa dapat na sleepover sa sarili niyang bahay kaya ito na ang paraan niya para bumawi.

 

Walking downstairs, nagtuloy ang mga nasa isip ni Winter. Yung naudlot na mga iniisip niya kanina.

 

It continued, with her morning greetings and shared affections with Katarina.. lalo nang gumanda ang umaga ni Winter.

 

For some reasons, when she looked at the living room of Karina’s house, nakita niya ang sarili niya—her four-year old self na nakaupo sa lumang couch ng salas ng mga Yu.

 

“Winter, teka lang ha? Tinatawag pa ng tita mo si Katarina.”

 

Nakaupo sa harap niya ang tito niya, entertaining the young girl na may hawak na dinosaur toy. It’s the toy that the two kids fought about last night.

 

Nagulat nalang din ang tatay ni Katarina na biglang kumatok sa bahay nila si Winter, gustong ibalik ang laruan.

 

“Okay po.” Tipid na sagot ni Winter, bringing the toy closer to her chest.

 

Her parents don’t know she’s here. Ang paalam niya, maglalaro lang siya sa labas.

 

“Ibabalik mo na ba ng toy niya?”

 

“Op.. Opo..” Nauutal pang sagot ni Winter. Sa bata niyang isip, nagtatanong sa sarili kung bakit tinatanong pa siya ng tito niya.. obvious naman at sinabi na din niya kanina.

 

Sabi nga pala ng mama niya, huwag siyang masungit.

 

So Winter patiently waited hanggang matapos ang ipinunta niya dito.

 

“Hindi ka na iiyak? Binigay niya na din naman sayo yan.”

 

“Hindi po.. I’m big.. big girl na.” Nakakunot pa ang noo ni Winter, dinedefend ang sarili niya. “Fa-Favol..hit niya yung toy.” She tries to explain kung bakit niya ibinabalik, dahil baka itanong din sa kaniya.. inunahan niya na.

 

“Sige, hintayin lang natin muna.”

 

Tumango si Winter and remained quiet. Minutes later, she heard Katarina’s voice mula sa taas, and she didn’t like her tone.

 

Bumaba na din ang mommy ni Katarina, shaking her head.

 

“Naku, Winter… mukhang sinusumpong ang bunso namin eh.”

 

“Gusto mo, iwan mo nalang yung toy dito? Ibibigay namin mamaya kapag bumaba na siya.”

 

“Ayaw.” Sagot niya agad, holding the toy tightly. “S-Sorry po.. akin na lang.”

 

She said. Sayang ang effort niyang pagbigyan ang totoong may-ari ng laruan.

 

Katarina’s mom nodded. “Keep mo nalang, Winter.. gift nalang ni Katarina sayo yan, hm?”

 

“Okay.. po.”

 

Young Winter just wanted to give the toy back to Katarina pero ayaw daw siyang makita. She heard her neighbor earlier. She heard her saying ‘Ayoko kay Winter! Iyakin.”

 

Winter tried to keep a straight face sa naalala niya. She was childish.. but maybe a part of her just really wanted to play with her neighbor back then.

 

She walked out of the gate, and for the second time that day.. another memory appeared in front of her. Winter sees her elementary self, dropping Katarina off sa tapat ng gate when she offered to ride the bike together.

 

“Bye.” Katarina removed her hug around Winter’s waist and hopped off from the bicycle.

 

Winter glared, disappointed sa isang salitang sinambit ni Katarina bago siya layuan. “Walang thank you?”

 

“’Di ka naman magaling magbike, ang sakit sa likod.“ Inayos pa ni Katarina ang bag na nakasabit sa balikat niya. Hindi tumitingin kay Winter dahil sa totoo lang, gusto niyang magthank you.. nahihiya nga lang. Aware siya sa kung gaanong kahigpit ang pagyakap niya sa kapitbahay kanina.

 

“Kasalanan ko pa?” Winter bantered, umalis din sa pagkakaupo niya mula sa bisikleta. She held her bike para manatili itong nakatayo.

 

Pumasok na si Katarina sa loob ng gate niya, not batting an eye at Winter even once. “Sabihin ko kay mama ang pangit ng ugali mo.“ Habol ni Winter, nakatalikod pa din ang kapitbahay niya.

 

“Edi thank you!” Sigaw ni Katarina habang patuloy sa paglalakad papasok sa sariling bahay.

 

Winter smiles while watching a memory of Katarina walking into her house.

 

Pumasok na din si Winter sa kabilang gate, tinitigan ang bahay niya, and then the front yard.. ang less green-y garden na balak niyang ayusin soon.

 

This time, siya na mismo ang nag-isip ng memorya sa harapan ng bahay, particularly sa grassy part ng yard, where she saw herself and Katarina, having an unplanned picnic there. That was back when they were in highschool.  

 

“Ang init-init.” Reklamo ni Winter, pulling on the knee part of her trousers at sa dulo ng sweater na suot niya.

 

“Para nga maarawan ka! Lagi kang nakakulong sa kwarto kaya ka nabibinat.”

 

Hinila lang talaga siya ni Katarina. It was the second time she got sick since they became good friends. She didn’t think Katarina would be this caring.

 

“Hindi naman ako mabibinat kung ‘di mo kinalimutan yung payong mo.”

 

“Kapal mo ha, edi dapat nagdala ka ng sariling payong!”

 

Nag-aaway sila tungkol sa nangyari nung isang araw. Winter got sick after being drenched from the storm rain. Tama naman si Katarina, she should have brought her own umbrella.

 

Pero kasi, gusto niya yung pakiramdam na nasasanay siyang si Katarina ang kasama. One of those times ay tuwing uuwi sila at payong ni Katarina ang isheshare nila.

 

Tumigil sila sa pagbabangayan nang lumabas ng bahay ang tatay ni Winter.

 

“Oh, kain muna kayo ng prutas, nag-aaway na naman kayo.” He said as he placed a plate of sliced apples and peeled oranges sa kumot na nakalatag at inuupuan nina Winter.

 

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Karina nang makitang patayo na si Winter, susundan ang tatay niya.

 

“Kukuha ng cap.” Sagot ni Winter.

 

Katarina quickly pulled her by the wrist. “’Wag nga! Di ka naman mangingitim.”

 

Hindi nga umalis si Winter sa kinauupuan niya. Katarina takes the fork at kumain—sinubuan din si Winter ng isang pirasong apple.

 

“Mag-shades ka nalang para pogi ka.” Nakangisi pang sabi ni Katarina with her obvious stares sa kaibigan niya.

 

Namula din si Winter nang magsink-in ang sinabi sa kaniya. ”A-Ayoko nga.”

 

“Luh, kinilig ka dun?” Karina chuckles, tilting her head to the side while keeping her eye fixated on Winter’s cheeks.

 

“Hindi ah.” Tanggi agad.

 

“Eh bakit ka namumula?” Katarina poked her cheek. TInapik ni Winter at sinamaan siya ng tingin.

 

“Palayasin kaya kita?”

 

“’Di mo ko mapapalayas.”

 

Sinarado na ni Katarina ang usapan nila by sitting closer para yakapin ang kaibigan niyang nagsusungit na naman.

 

“Rina, ang init-init!”

 

“Rinaaa!” Winter squealed nang simulan siyang kilitin ni Katarina.

 

Pumasok na si Winter sa bahay, naalala na dapat na siyang magluto. She walked straight into her kitchen at nagsimula na sa gawain. Hinihintay pa siya ng girlfriend niya..

 

Winter picked up the apron na hindi niya balak gamitin, para sana itago muna sa tabi.

 

Her mom owns that apron.. and the only person other than her father na pinahiram ng mama niya nun ay walang iba kundi si Katarina.

 

“Mabait ba sayo si Winter?” She heard her mother asking Katarina while they prepare ingredients sa planong iluto sa tanghalian.

 

“Opo, mama.” Nakangiting sagot ni Katarina, exchanging glances with her.

 

Winter’s checking the grades on her portal sa phone niya habang naghihintay na matapos ang kitchen bonding ng mama niya at ng bestfriend niya—na officially niya nang nililigawan that time.

 

“Naku, sabihin mo sakin kapag pinapaiyak ka nyan ha.”

 

Napatingin tuloy si Winter sa dalawa.

 

Karina laughs. “Sige po, tawagan ko kayo agad.”

 

“Iyakin naman yan, mama. Baka magsabi yan kahit ‘di ko naman siya inaano.” She blurted, joining the conversation. A piece of sliced carrot flew towards her face. Binato ni Katarina.

 

Pero sa halip, si Winter pa din ang pinagsabihan.

 

“Winter anak! Ikaw talaga, nililigawan mo si Katarina kaya dapat mabait ka!”

 

Nakangiti tuloy si Winter habang nagluluto. She’s.. proud. Masaya siya na yung taong mahal niya, mahal din ng pamilya niya.

 

She lived in this house with countless memories that shaped her into who she is now. While Winter encountered problems as she grows up.. those doesn’t change the fact that she grew up.

 

Winter heard some noise from upstairs, baka nagising na sina Giselle. Tumingin siya sa living room na tinambayan nila kahapon, medyo magulo pa dahil dumiretso silang lahat sa kwarto matapos ang iyakan.

 

But the happenings from last night weren’t what she saw when she looked at the couch.

 

Siya at si Katarina, making out.

 

“W-Wait.” Winter stopped from kissing her girlfriend nang maramdaman ang tuloy-tuloy na vibration ng phone niyang nasa bulsa ng hoodie niya.

 

They couldn’t just dismiss it, nasa pagitan pa kasi nilang dalawa.

 

“Mm.. Bakit?” Nakapout na lumayo si Katarina bago bumalik palapit para ituloy ang paghalik sa pisngi, jawline, and neck ni Winter who’s trying to check her phone.

 

“Tumatawag si ate Byul..” Bulong ni Winter as she glances on the screen.

 

Karina pushed Winter’s phone back into the wide pocket. “Shh, mamaya na kamo.” She muttered with a hand resting on the side of Winter’s neck, pulling her in a deep kiss again.

 

“Rina.” Kahit ayaw ni Winter, she has to take the call.

 

“Fine.” Inis na kinagat ni Katarina ang labi ni Winter kaya napa-aray nalang siya.

 

Still, she got the chance to pull away and take the call upstairs.

 

Katarina waited for her, halos twenty minutes din ang itinagal ng tawag.

 

Feeling bad, when Winter came back to the living room, halik agad sa leeg ang ginawa niyang pagsuyo sa girlfriend niyang nakacrossed-arms na naman.

 

“Dito na po ulit ako.”

 

Tinulak lang ni Katarina ang mukha niya palayo. “Eh ano naman?”

 

“Tampo ka na naman. Work yun, Rina..” Nakasimangot na umupo si Winter sa tabi ng girlfriend niya, placing her hand on Karina’s inner thigh as she gives it a light squeeze.

 

Naramdaman niya ang pagpatong ng palad ni Katarina sa kamay niya. “Lagi mo nalang akong binibitin, ikaw naman yung nagsimula.” Sabi nito, napangiti tuloy siya.

 

“Sorry na, ito na nga po oh.” Winter leaned closer again, pampering her with soft kisses on her neck, up to her cheek, then on her lips.

 

“Win..”

 

Mabilis na nakatapos si Winter sa pagluluto, light breakfast lang naman dahil ang dami nilang kinain kagabi. She didn’t see any of her friends coming down kaya naisip niyang baka wala pang may gustong umalis sa kama.

 

Ayos lang naman sa kaniya. Balak niya pa kasing asikasuhin ang mga halaman niya sa labas. She has to water them para hindi na masyadong matubig mamayang tanghali kapag dinala niya sa Maynila.

 

As she walks back into the garden, even without digging into her head, the last memory that she could remember—which was one year ago, has flashed infront of her eyes as if aiding her already sentimental state.

 

“Basang basa tuloy ako, Win!”

 

“Ikaw kaya nagstart! Hose pa nga gamit mo.”

 

It was when she taught her girlfriend how to properly water the plants.

 

“Nakaspray naman yung sakin ha. Binuhusan mo ko gamit yung tabo.” Nagrereklamo lang naman si Katarina dahil mas mukha siyang basang sisiw kumpara kay Winter.

 

“Aray! Hilig mangurot.” Hinimas pa ni Winter ang braso niya where her girlfriend pinched her.

 

“Ako muna maliligo.” Nauna si Karina sa paglalakad nang makasilong sila sa may front door.

 

“Sabay na tayo, Rina.”

 

“Yan, dyan ka magaling.” Pinisil pa ni Katarina ang namumula sa lamig na pisngi ni Winter. “Kaya mo siguro ako binasa ng sobra para mayaya akong maligo.”

 

Winter rolled her eyes, lightly massaging her cheek na palaging center of attention ng kamay ni Karina noon. “Assuming ka talaga, bumawi lang naman ako.”

 

“Crush na crush mo lang talaga ako, Win. Umamin ka na.”

 

Pagkatapos niya sa pagaasikaso sa garden, naligo na muna si Winter. She saw her friends na tulog pa nga kaya minabuti niyang bilisan at hindi gumawa ng ingay. 

 

While taking a bath, Winter sighed at the memories na bumalik sa isip niya. Ano bang meron at ganito ang umaga niya? She's ecstatic and sentimental at the same time. Siguro.. dagdag na din na mula bukas, dun na siya titira sa Manila. 

 

She'd be living closer to her girlfriend and although she might get busy with work, she'll pretty much spend the rest of the day with Katarina. 

 

Kaya masaya siya. 

 

How long has she been waiting for that?

 

Sabi nga ni Irene, Winter's hardwork is finally paying off. She wasn't this happy when she finished the project, o kahit nung nakababa siya ng eroplano. 

 

Pakiramdam ni Winter ngayon, umaayon na ang mundo sa kaniya. 

 

She feels like she belongs. 

 

---

 

"Good morning, Win! Aga mong naligo ah." 

 

Wala na sa kwarto ang mga kaibigan niya nang makatapos siya sa paliligo. Nagkita nalang silang muli sa salas nang makababa siya dun. 

 

"Uh.. may ginawa akoㅡ" Hindi pa tapos si Winter, nagsalita na si Yeji na kasalukuyang kumakain na sa hapagkainan habang sina Giselle at Ningning, hindi pa ginagalaw ang mga plato nila. 

 

"Wala sa kwarto si Karina." Yeji pointed out. Unlike Giselle and Ningning, hindi na nakapangtulog si Yeji. Sa bathroom sa baba na siguro naligo si Yeji dahil gamit ni Winter yung nasa taas kanina.

 

Tumango si Winter, walking towards them while drying her hair with her towel. "Sa bahay niya sya natulog kagabi."

 

"Oh, really? Kaya pala wala ka din kagabi." Tumingin pa si Yeji sa kaniya na parang kinikilatis siya. Winter looked away.  

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣