Patutunguhan

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

NINGNING's

 

Hindi pa nagkakaroon ng girlfriend or boyfriend si Winter, same goes with Karina. Sino ba namang may gustong maging jowa ang taong puro bestfriend ang bukambibig? Charot. Hindi nga, wala pa talaga. Si Winter kasi, isa sa mga taong current life motto ay 'study first'. Si Karina naman, kabaligtaran with her 'Live your day like there's no tomorrow'. Mabuti na lang, hindi kasama sa motto niya ang magjowa nang magjowa. She'd always choose herself daw, sabi niya.

 

Okay naman silang dalawa dahil sa ganiyang way of living nila. Okay sila until dumating si ate Seulgi.. at si Yeji na din. Mukhang fond si ate Seulgi sa weird super clingy relationship nina Katarina at Winter. Si Yeji naman, palaban din.

 

"Wala ka ba talagang appetite, Ning?" Tanong ulit sa'kin ni Kat. Napafrown na ako sa kakulitan niya.

 

"Wala ngaaa. Mamaya na lang ako kakain 'pag nasa klase na, para may thrill!" I said with a chuckle. She glared at me naman at nagpatuloy kumain ng lugaw niya.

 

Sa school kami nagbreakfast ngayon, maagang nagising lahat sa bahay kanina. May quiz kasi sina Gigi next week kaya maaga silang gumising para mag-aral. 

 

Si Karina ang nagyayang pumasok na kami para tahimik na makapag-aral yung dalawa.

 

Sus. Ayaw lang niyang ma-ignore ni Winter! 

 

Ganun kasi si Winter kapag nag-aaral, in the zone talaga.

 

"Thesis na pala agad tayo next sem." Napabuntong-hininga si Karina sa topic na binuksan ko. Malayo ang tingin niya na parang stressed na agad.

 

"Makapag-isip na nga ng topic." Walang buhay niyang sagot, ako naman ang confident sa ngiti ko dahil sa idea sa maganda kong utak.

 

"Ako, kukunin kong kagroup sina Winter at Gigi." Sabi ko with pa-beautiful eyes pa.

 

"Hala! Sali akooo! Wala pa kayong CEM!" Natawa ako sa kaniya, syempre naman!

 

"Gaga, Malamang! Pero hintayin muna natin announcement ng dept. head kung ganun ulit ang set-up ng groupings." 

 

Ang set-up kasi ng groupings ng seniors namin this year sa thesis nila, pwede kahit hindi magkakaklase dahil ineencourage nila ang collaboration from different specializations.

 

Sobrang swerte ko na lang dahil perfect pack kaming magkakaibigan. 

 

"Ang tanong, papayag ba si Winter?" Biro ko, baka kasi mamaya si Winter pala ang may ayaw na makigrupo sa'min.

 

"Ako bahala." Ayan na naman po si madam na entitled sa anything-Winter-Kim.

 

Kumain na ulit siya. Hm.. Ay, may pinapatanong nga pala si Gigi.

 

"Kat." Tawag ko, tumunghay naman siya para tumingin sa akin.

 

"Crush mo pa si ate Seulgi?" Oo, yan yung pinapatanong ni Gigi. Try ko daw ulitin dahil naaawa na siya kay Winter na gusto daw uminom.

 

For me lang ha, ayokong maglasing si Winter. Baka kung ano pang mangyari sa abunjing abunjing namin! Never pa nakatikim ng alak yun eh. 

 

"Hmm.." Karina tapped her lips with her spoon and squinted at me. "Medyo." 

 

Medyo?

 

"Pakshet na sagot yan." Irritated kong sabi at inirapan siya. Tumawa naman siya nang malakas. 

 

"Kaclose ko na kasi siya!" Pagdefend niya naman sa sarili niya. Sus. Sige, tatanggapin ko na yung medyo.

 

Nagkwentuhan pa kami ni Kat tungkol sa subject niya mamaya nang may nagpatong ng hydroflask na orange sa table namin. Nang tingnan ko kung sinong may-ari, napangiti ako agad kasi nakakahawa talaga ang ngiti niya.

 

"Ate Seulgi, hi!" Pinag-uusapan ka namin kanina lang!

 

"Hi Seul! Aga mo ah?" Nakangiti na din si Karina at inayos ang upuan sa tabi niya para makaupo si ate Seulgi dun. 

 

Sayang! Dapat pala inunahan ko siya para sa tabi ko si ate Seulgi.

 

"Bigla akong pinatawag ni Pres." Malungkot na sabi niya habang kinakamot ang ulo. Tinawanan siya ni Karina.

 

"Bakit daw?" With her chin on the palm of her hand, tumitig si Karina sa katabi niya. 

 

Ito ba yung medyo crush lang? 

 

"Pinagdala ako ng mga documents sa mga offices ng deans." Ate Seulgi shoved her face on the table sa inis.

 

"Alalay ka pala, ate Seulgi." Pangaasar ko, nasa point na naman siguro kami na pwede ko na siyang asarin hehe

 

"Grabe nga! Ginawa ba naman akong utusan! Eh siya nga, nakaupo lang sa exec lounge at nagcecellphone." Maktol nito. Tinawanan na lang namin siya.

 

"Hoy." Biglang may pumalo sa ulo ni ate Seulgi gamit ang nakaroll na university gazette. 

 

Si ate Irene pala.

 

Napatakip agad ako ng bibig sa gulat. Si Karina naman, mukhang amused at sanay na sa dalawang officers.

 

"Naririnig kita, Kang Seulgi." Banta ni ate Irene bago paluin ulit si ate Seulgi sa balikat. Nakasimangot si ate Seulgi habang hinihimas ang ulo niya.

 

"Stalker." Sambit nito, nagscoff lang si ate Irene.

 

"Bumalik ka sa lounge, magpapacheck pa tayo ng thesis." 

 

Umalis din kaagad si ate Irene, hindi na hinintay na sumagot si ate Seulgi na halatang badtrip na.

 

"'Ge na, sundan ko lang si bossing." Sabi niya at ngumiti kay Karina bago siya nagbabye sa amin. Si Karina naman, habol ang tingin sa seniors namin na naghabulan papunta sa executive lounge.

 

"Cute naman ng medyo crush mo at ex niya." Nagchuckle lang si Karina at bumalik sa pag-ubos ng kinakain niya. 

 

"So.." Simula ko ulit, hindi pa ako tapos sa pang-aasar sa kaniya ha.

 

"What?" Mataray niyang tanong habang hawak ang spoon niya, naiinis na yata sa paudlot-udlot sa pagkain niya.

 

"Sinong sobrang crush mo? Si Winter?" 

 

Ay gaga, inubo si Kat!

 

"Wait, kuha kita tubig!" Pagpapanic ko at tumakbo na sa may water dispenser. 

 

GISELLE's

 

Ang boring sa bahay! 

 

Daig pa ang bakanteng lote sa sobrang tahimik!

 

Humiga ako sa couch at nagpatugtog, agad naman akong tinawag ni Winter.

 

"Gi, nag-aaral yung tao oh." Mariin niyang sabi, hininaan ko na lang ang volume ng audio sa phone ko at nagsorry kahit hindi niya naman kita.

 

Kaninang umaga pang wala sa mood si Winterㅡnung isang gabi pa pala. Alam ko naman kung bakit. 

 

Surprising nga na hindi sila magkaaway kaninang umaga nung nagising ako. Baka hindi din kinukulit ni Karina si Winter kaya hindi niya napansin na hindi okay ang bestfriend niya?

 

Busy siguro kakatext kay ate Seulgi.

 

"Sige, aral ka lang diyan kasi lalabas tayo later, 'di ba?" Pagconfirm ko ulit na may malawak na ngiti. Hindi pa din niya inaalis ang tingin niya sa notebook.

 

"Oo na, pangthirteen mo nang sabi yan."

 

Ay wow binilang.

 

Napahiya naman ako dun. Iba din talaga ang cold-treatment ni Winter kapag may tampo siya na hindi napapansin ni Karina. Excited na tuloy akong uminom mamaya. Lalasingin ko talaga si Winter!

 

"'Di daw ba uuwi si Kat or Ning mamaya for lunch?" Tanong ko nang makaupo ako sa tapat niya. Makapaglaptop na nga lang.

 

"Hindi daw si Ning kasi may meeting sa org niya." Ah, nabanggit nga ni Ningning yun. 

 

Hindi ko na naabutan yung dalawa kanina paggising ko kasi naman late na akong nagkaenergy para bumangon. 

 

Tumango ako at tumingin sa kaniya. Suot ni Winter ang reading glasses na bigay ni Karina sa kaniya. Bagay talagaㅡsi Winter at yung reading glasses.

 

"Eh, si Kat?" Tanong ko ulit. This time, she glanced at me tapos binawi niya agad yung tingin niya nang makita niyang pinapanood ko siya. 

 

"'Di ko alam." 

 

Hindi alam? Or ayaw aminin na baka sa school kakain si Karina?

 

"Baka kasabay si ate Seulgi." Pasimple kong comment, wala namang nagbago sa expression niya.

 

"Pwede din naman na classmates niya ang kasabay niya." Oh sige lang, Winter. Gaslight natin sarili natin. 

 

"Most likely si ate Seulgi talaga." Pagpilit ko, napatingin tuloy siya ulit sa'kin.

 

Winter glared at me, ngumisi na lang ako pabalik. 

 

Bentang-benta talaga sa'kin yung selosan moments nila HAHAHAHA.

 

---

 

"Nagchat si Rina." Ibinaba ni Winter ang phone niya sa tabi ng plato niya kinuha na ulit yung chopsticks niya. "Ngayon na din daw sila pupunta ni ate Seulgi sa mall." 

 

Hm.. mukhang inuupdate pa din naman pala siya ni Kat. Buti naman.

 

"Ah, maiiwanan pala si Ningning mag-isa dito mamaya?"

 

Kumakain kami ng lunch. Mga around 5 PM pa naman kami pupunta kina Yuqi. Na-move ang party ni Yuqi dahil nagkaroon ng announcement na may quiz kami next week. Hehe, kinabahan nga ako kanina na baka magbackout si Win dahil sa pang-aasar ko sa kaniya. Pero mukhang hindi mangyayari yun kasi feel ko, malungkot talaga siya sa kakabond nina ate Seulgi at Karina. Paano pa kapag naging magjowa na yun?

 

"Oo, pero baka 6 PM na ulit yun umuwi."

 

"Si Karina? Anong oras uuwi?" Hindi ko na siya tiningnan dahil baka pandilatan niya na naman ako ng mata. Hehe, nakakatakot na din kasi siya baka magalit na.

 

"'Di ko alam sa kaniya."

 

Winter really went from alam niya lahat about kay Karina to 'di ko alam' this/'di ko alam' that.

 

Parang responsibility ko tuloy to make sure na mageenjoy siya sa party mamaya.

 

---

 

Sa labas ng subdivision yung apartment ni Yuqi. Malapit lang naman. Typical party lang din kapag nagyayaya ito at kung sinong kaklase niya, yun lang din ang iniimbitahan niya. 

 

"Gigi, maingay ba dun?" Si Winter, mukhang kabado na naman. Napangiti ako at inakbayan siya. 

 

"Yes pero ang kagandahan nun, wala silang pakielam sa gusto mong gawin. Party lang, chill lang. Walang acads, walang magiisip ng problema just for the night." Paliwanag ko, medyo kumalma naman siya. 

 

Napansin ko na paulit ulit niyang tinitingnan ang phone niya, baka hinihintay ang reply ni Kat? Hays, need na natin iwalwal yan Win!

 

Nang makarating kami dun, halos lahat ng transpo students sa batch namin ang umattend. Dalawang section lang kasi ang transpo, same as structural pero kami ang pinakakaunting population sa buong batch namin.

 

"Winter! Giselle!" Malakas na tawag ni Yuqi mula sa kitchen niya kung saan andun yung mga plastic na baso na may nakafill na juice sa lamesa. 

 

"Wow, totoo ba 'to? Makikiparty si Winter Kim?" Bati pa nina Seoyeon nang dumaan kami sa tapat nila. Naglakad pa kami, kaniya-kaniyang bati sila sa amin. Oo, friendly talaga silang lahat. Sa unti ba naman naming transpo ang major, parang isang buong circle of friends na lang din kami, extended family kind ang bilang.

 

"Dito kaaa, Winter." Excited na hinila ni Yuqi ang lost na si Winter papasok sa kitchen at binigyan siya ng isang baso. 

 

Tumingin muna siya sa akin bago inamoy yung laman ng baso.

 

Natawa ako. "Win, parang juice lang yan. Promise." Sabi ko sabay kuha din ng isang baso. Si Yuqi naman ay nakatitig lang din kay Win, hinihintay na siyang uminom. 

 

"Your first and last shot. 'Di na kita kukulitin na uminom basta ubusin mo yan." Sabi ni Yuqi sa bago niyang bisita. Baliw talaga 'to. 

 

Winter heaved a deep, deep sigh and slowly relaxed her shoulders. Biglang tumahimik ang paligid, hininaan pala ni Yuqi ang patugtog sa stereo at lahat ay nakatingin na kay Winter. 

 

Siya naman, parang nanghihingi ng tulong sa akin.

 

Go Win. I mouthed sabay nod sa kaniya. 

 

Pumikit muna siya at yun na nga, she drank the whole glass straight! Chug kung chug!

 

"LET'S GOOOOOO!" Sigaw ni Yuqi kasabay ng palakpakan ng lahat at bumalik na ang ingay ng favorite song yata ni Yuqi, DJ Got Us Fallin In Love.

 

Winter shook her head after she finished the glass. Tinawanan ko siya at pabirong hinampas sa braso. 

 

"Gaga, inuunti-unti dapat yan." Sabi ko at pinat ang ulo niya. Sa itsura niya, mukhang hindi niya nagustuhan ang lasa ng juice. 

 

Hindi na siya umimik at kumuha pa ulit kami ng tig-isang baso before makisali sa mga laro sa living room.

 

KARINA's

 

"First time mo dito?" Sweet na tanong sa akin ni Seulgi. Not sure kung sweet nga ba talaga or sweet lang siyang magsalita in general.

 

I shook my head and smiled at her, "Kumain na kami ni Winter dito twice. Pero si Gigi, favorite 'to." Sagot ko bago ulit tumingin sa menu. 

 

Nasa MESA kami ngayon. Ito na yung friendly dinner date namin ni Seulgi. Pagdating namin sa SM, naggala muna kami sa department store kasi may gusto akong bilhin na stuff toy na puppy dun, yung kamukha ni Winter. Aasarin ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣