Nag-iisang Muli

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

THIRD PERSON's

 

Nagising si Winter sa tunog ng alarm sa tabi ng unan niya. Hindi niya alarm yun, cellphone ni Karina ang nag-aalarm.

 

Nakapikit niyang pinatay ang alarm. Iniwan pala ni Karina ang phone nito sa tabi ni Winter. Nag-alala si Karina kanina na hindi magising si Winter para sa meeting nilang magkakaklase mamaya. Antok pa nang bumangon si Winter at ibinulsa ang phone ni Karina sa hoodie niya. Baka nakaalis na sina Giselle at Karina para sunduin si Ningning.

 

Naiwanan niya pala ang phone niya sa lamesa kanina bago siya umakyat para matulog. Buti na lang, nandiyan ang bestfriend niya.

 

"Tao po!"

 

Pababa palang si Winter sa living room nang may kumatok sa gate nila. Nasilip niya din naman agad kung sino ang bisita.

 

Si ate Seulgi.

 

Nagpanic siya. Wala si Katarina sa bahay. Wala din sina Giselle at Ningning para sagutin ang bisita.

 

Dali-dali niyang inayos ang buhok niyang magulo pa at lumabas sa bahay para kausapin si Seulgi.

 

“Hi, Winter! Nand’yan si Karina?” Tanong sa kaniya ng senior niya. Umiling siya at itinuro ang tahimik na boarding house nila, pinapahiwatig na siya lang ang tao dun.

 

“Wala po, ate. May pinuntahan.” Tipid niyang sagot, may meeting pa siya in a few minutes kaya gusto niya na sanang bumalik sa loob.

 

Hindi niya din naman pinlano na makausap si Seulgi first thing pagkagising niya. Why would she want this?

 

Nag-lean pa si Seulgi sa gate at tumingin-tingin sa paligid na parang may hinahanap. Ang kulit, sabing wala nga eh. Bulong ni Winter sa isip niya.

 

“Ah.. Mabilis lang ba sila?”

 

“'Di ko po sure.”

 

Mukhang mabait si Seulgi kung titingnan. Tila ba approachable siya at masayang maging kaibigan. Hindi maiwasan ni Winter na ikumpara ang sarili niya kay Seulgi.

 

Tumango-tango lang si Seulgi sa kaniya pero hindi pa rin umaalis sa may gate. Tumingin si Winter sa relo niya sa left wrist niya. Lampas 6:30 na, baka hinahanap na siya ng groupmates niya.

 

Sasabihin niya na sana kay Seulgi na may gagawin pa siya at bumalik na lang bukas kung may kailangan pa siya kay Karina pero biglang may tumawag kay Seulgi. Boses ni Yeji na humabol pala sa ate niya. May hawak pang maliit na bouquet ng flowers.

 

Tipid na ngumiti si Winter sa bagong dating. Namroblema lang siya lalo kung paano makakaalis sa awkward na interaction. Bakit kasi ang tagal nina Rina?

 

“Hi Winter!” Masiglang bati ni Yeji sa kaniya. Kumaway si Winter, “Hi Yeji.”

 

“Ano na? Bigay mo na.” Tinulak ni Seulgi si Yeji papasok sa gate. Nagulat naman si Winter at napaatras. Tuwang-tuwa si Seulgi na makita ang kapatid niyang nahihiya sa harap ni Winter.

 

Hiyang-hiya talaga ito nang ibigay kay Winter ang flowers na hawak niya. "For you." Yeji mumbles, hindi makatingin sa mga mata ni Winter.

 

"Ha? Para saan?" Hindi niya agad tinanggap ang mga bulaklak, biglang pumasok sa isip niya ang usap nila ni Karina kanina tungkol sa ‘pagkakagusto’ kuno ni Yeji sa kaniya.

 

Mukhang tama na naman si Karina.

 

"Wala lang, as thank you." Kinuha ni Yeji ang isang kamay ni Winter at ipinahawak sa kaniya ang bouquet.

 

"Hahahaha.. nag-abala ka pa, Yeji.” Nahihiya si Winter, hindi niya alam kung anong sasabihin. Napatingin siya sa ate nito na nakangiti sa kaniya at nakathumbs up pa.

 

“S-Sige. Alis na kami, bye!"

 

Tumalikod na si Yeji at hinila si Seulgi palayo. Wala nang nagawa si Winter na balisa pa din sa mga pangyayari.

 

Kakagising lang kasi niya.

 

GISELLE’s

 

Nagtext sa akin si Ningning kanina, nagpapabili ng coke. Sakto naman na madadaanan namin yung all-in-one store dito. Okay na din, nakakabagot sa bahay mag-isa! First time na ako yung naiwan dun since si Winter talaga ang palaging home-alone ang peg sa amin.

 

Nasa cashier na si Kat at binabayaran yung coke sakto ni Ningning nang may makita akong familiar na babae sa front door ng shop. Si Yeji, bumibili ng flowers?

 

"Oh, Yeji!" Bati ko sa kaniya at nilapitan siya. Parang palagi nang nagc-cross ang landas namin these days kaya feeling ko mas close na kami ngayon.

 

"Hi Giselle!” Bati niya pabalik, “..and Karina.." Dagdag niya habang nakatingin sa likod ko. Nandiyan na pala si Kat.

 

Here we go agaaain.

 

"Mahilig ka sa flowers?" Tanong ko, to lessen the ugly energy na nanggagaling sa inis nila sa isa’t isa.

 

"Ah, hindi. Bibilhan ko lang si Winter." Napataas ang kilay ko. Winter?

 

Narinig ko agad si Karina na bumubulong ng epal, epal, epal sa likod ko. Pasimple ko siyang tinapik sa bewang para tumigil.

 

"Winter namin?" Magaan kong tanong, nakitingin na din sa mga bulaklak dun. Maliliit lang naman, mga roses na iba’t iba ang kulay.

 

"Oo. Ang bait niya kasi." Nakangiti at masaya si Yeji sa ginagawa niya, crush niya nga talaga si Winter.

 

"Ay, okay na dun kahit ice cream na langㅡaray, Kat! Nagsusuggest lang naman." Inirapan ko siya at itinulak palayo. Kinurot kasi ako sa tagiliran! Nagpapakafriendly lang naman ako, hmp.

 

"Wala kaming paglalagyan ng flowers sa bahay. Matutuyo lang yan.” Sabi ni Karina na nakacross-arms pa sa tabi ko.

 

"Okay lang. Vase na lang ibibigay kong gift next time.” Witty. Hindi man lang niya tiningnan ang friend kong bwisit din sa presence niya.

 

Masama tuloy ang loob ni Karina nang nagpatuloy kami paglalakad papuntang school.

 

“Uwi na ako, Gi.” Sabi niya bigla, pansin ko nga din na hindi siya mapakali. Wala kasi siyang dalang cellphone.

 

“Luh! 'Wag mo kong iwan!” Kinuha ko ang kamay niya at ni-lock ito sa braso ko. Hindi pwedeng ako lang ang susundo kay Ning! Baka magtampo na yun dito.

 

“Ih.” She wouldn’t stop fiddling her own fingers. Hindi talaga siya mapakali, siguro with the thought of Yeji coming over to our boarding house at masosolo si Winter na nag-iisa dun.

 

Alam na alam ko na din naman, psh.

 

“Ayaw mo lang masolo ni Yeji si Winter eh!”

 

“Ayoko talaga!” Buti naman honest siya! Baka mabatukan ko pa ‘to kapag tinanggi niya.

 

“Gaga ka. Tulog din naman ata si Winter kaya walang sasagot sa bahay dun.”

 

Mukhang naconvince ko naman siya dahil kumalma na siya. Nasa tapat na din kami ng school. Dito na lang namin iintayin si Ningning.

 

“Okay, fine.”

 

Sana lang talaga, tulog pa si Winter ‘pag dumating si Yeji sa bahay. Or sana, ‘wag na lang siyang pumunta sa bahay. Baka sisihin pa ako ni Karina kapag nalaman niyang nalamangan siya ni Yeji.

 

---

 

Matino si Karina nung pabalik na kami sa b-house. Nasira lang talaga mood niya kanina nung nakita niya si Yeji. Sa totoo lang, kinakabahan na nga ako sa pag-uwi namin.. Sana talagaaa, please, sana hindi dumaan si Yeji kanina.

 

“What time tayo pupunta sa venue bukas?” Si Ningning yan, nagtatanong na about sa event bukas.

 

Bukas na yung acquaintance party na pinakahihintay namin. Exciting kasi super cool nung event last year! Sana mas madaming ganap tomorrow. Sayang naman ambag kong 150 dun.

 

“Before 7, byahe na tayo para hindi kasabay ng marami.” Sagot ni Karina. Totoo, mas maganda din na maaga kaming makapunta dun para makakuha ng pwesto sa may stage.

 

“Okay.. Grabe sana lang maraming food. Bitin yung last year.”

 

“Sana kamo walang panis na chicken!” Dagdag ko pa, tinawanan lang kami ni Kat.

 

Bukas na ang ilaw sa living room at kusina nang makarating kami sa bahay. Biglang bumalik sa isip ko yung kay Yeji. Huhu, lord.. kinakabahan ako.

 

Ang malas ko nga.

 

Pagtungtong ko palang ng paa ko sa loob ng bahay, nakita ko agad yung bulaklak na binili ni Yeji kanina na nakapatong lang sa couch habang naglalaptop si Winter. Balak ko pa sanang itago pero narealize ko na nakita na din ito ni Karina nang tingnan ko ang friend kong sobrang ganda kahit naka-glare na sa akin.

 

Malalim na paghinga para sa namatay kong kaluluwa mula sa mga tingin niya.

 

Nagkatinginan lang kami, hehe.. Sana ‘wag siyang topakin..? Huli na din ang lahat dahil alam ko yung look na yan, hindi na naman nasunod ang gusto ni Karina.

 

"Hi Rina!" Masayang bati ni Winter. Huhu, ‘wag muna.

 

Like I expected, hindi sumagot si Karina at nagdabog paakyat sa kwarto namin.

 

"Anyare dun?" Tanong ni Ningning, nagshrug lang ako kunwari ‘di ko alam.

 

Yeji! Bakit kasi ang harot mo? Pagod na ako agad.

 

"Mood swings?" Pakunwari kong hula. Napunta ang atensyon namin kay Ningning na ngayon lang nakita ang flowers sa couch.

 

"Ay wow, flowers! Para sa’n ‘to?"

 

"Galing kay Yeji." Si Winter, tinanggal na ang earphones niya at humarap sa amin ni Ningning na parehong nakaupo sa couch.

 

"May paganon?" Sarcastic na sabi ni Ning. Nakitingin na lang din ako sa flower, hehe..

 

"Anong nangyari kanina? Bakit galit si Katarina?" Yan na nga po ang worried na bestfriend.

 

"Baka nakita yung flowers galing kay Yej." Inosenteng sabi ni Ning, tama naman ang conclusion niya.

 

Maya-maya pa ay tumayo na si Winter mula sa upuan niya. "Oh, saan ka pupunta, Winter?" Tanong ko, kahit alam ko na din naman kung saan.

 

"Tatanungin ko kung bakit siya galit."

 

THIRD PERSON’s

 

“Uy, Rina.” Natagpuan ni Winter si Katarina na balot na balot sa ilalim ng kumot niya sa kama. Tumingin ito saglit kay Winter bago bumalik sa pagharap sa dingding.

 

“Ano?” Galit ang tono ni Katarina, hindi maiwasan ni Winter na mapangiti dahil kahit ganito ang bestfriend niya, cute pa din ang tingin niya dito.

 

“Hindi pa kita inaaway galit ka na agad..” Winter slowly approached her, parang pinapaamo ang nagmumukmok na pusa.

 

“Gusto kong mapagisa, Win.” Matigas na sabi ni Katarina habang tinatakpan pa lalo ang sarili niya hanggang mata na lang ang nakikita ni Winter.

 

“Meron ka na ba? Bakit ang moody mo bigla?”

 

“Wala!”

 

Nakatayo lamang si Winter sa harap ng kama, naramdaman niya na hindi nga okay ang bestfriend niya.

 

“Bakit ka sumisigaw?” Mahinahon pa din, tested na ang pasensya ni Winter pagdating sa Rina niya.

 

“Hindi!”

 

“Uy..” Tatabihan niya sana si Katarina kaso, nung naramdaman ni Karina na palapit ang kaibigan niya, tinakluban niya agad ang buong katawan niya.

 

“'Wag kang lalapit sa’kin, mamaya na lang tayo magusap.”

 

Nainis si Wintet. Wala naman siyang nagawang masama. Gusto nga sigurong mapag-isa ni Karina. Kaya lalong nainis si Winter.. dahil gusto niyang nandun siya para sa bestfriend niya.

 

Kung ano man ang pinagdadaanan ni Katarina.

 

"Huy Win, sa'n ka pupunta ulit?" Tanong ulit ni Giselle nang dumaan sa harap nila si Winter at dumiretso palabas ng bahay.

 

"Bibiling flowers." Patadyak na sagot ni Winter.

 

GISELLE's

 

Ang cute naman talaga ng mga kaibigan ko oh!

 

Nung umalis si Winter, nagdinner na kami saglit ni Ningning bago nagpunta sa kaniya-kaniyang kwarto. Excited yun si Ning, mag-aayos na daw siya ng gamit para bukas. Ako naman, manonood muna ng kdrama sa phone ko habang nakatambay sa desk ko sa kwarto namin ni Kat. Nakahiga siya nung makarating ako dito, hindi din ako kinakausap.

 

Hinayaan ko na lang.

 

Feeling ko, nag-ooverthink siya simula nung usap nila ni Winter paguwi nila. Dumagdag pa yung flowers ni Yeji.

 

Moments after, biglang nagbukas yung pinto. Si Winter, sumilip muna kay Karina na nakatalikod pa din sa amin bago siya pumasok hawak-hawak ang binili niyang flowers. Nakakatawa lang kasi 'di ko talaga inexpect na bibili nga siya. 

 

Naalala kong madalas kong makita na may hawak na flowers si Karina at random times, puro galing kay Winter. Pero.. yung flowers na yun naman kasi, kinukuha lang ni Win galing sa garden ng mama niya.

 

Unlike now, gumastos talaga si Winter. 

 

Ang mahal naman suyuin ni Karina. Buti na lang, hindi ako si Winter.

 

Umupo muna si Winter sa sahig kaharap ang kama ni Kat. Tinapik niya si Karina sa balikat pero walang response. 

 

"Rina." Tawag niya, wala pa ding sagot.

 

"Katarina." Sabi nito na mas malakas, humarap na din naman si Kat.

 

Mapula yung mukha niya, umiyak na naman ba ‘to? Possible, iyakin yan pagdating kay Winter.

 

"Uy.." Pinunasan niya yung basang cheek ni Karina dahil sa luha at nginitian ang bestfriend niya. "Ito oh, for you. 'Wag ka nang malungkot, please?" Maamong sabi ni Winter at pinakita yung hawak niyang flowers. Hay.. nakangiti na naman ako habang pinapanood sila.

 

Auto-pause na muna ang kdrama ko.

 

"H-hindi naman ako malungkot." Tanggi pa ‘tong si Karina, halata kaya sa boses niya na kakaiyak lang niya.

 

"Sige, hindi ka malungkot." Pagsang-ayon ni Winter, binebaby niya na naman si Kat.

 

"Hindi talaga." Kinuha na ni Kat yung bulaklak at itinabi sa chest niya. Marahang sinuklay ni Winter ang buhok ng bestfriend niya habang tinititigan si Kat na kinuha naman ang kamay niya at inihiga ang cheek sa palad ni Win bago pumikit.

 

Ganun lang ang pwesto nila hanggang matapos yung pinapanood kong episode. Hindi sila nagsasalita, pinanood lang ni Winter na makatulog si Karina habang yakap ang flowers na binigay sa kaniya. Sana okay lang yung kamay niya, seems like she doesn’t mind kasi kung mangalay man siya.

 

---

 

Acquaintance party. Retreat type, foundation day kind, or sports intramurals vibes ang party ng ACES. Sa resort or field ito palagi nagaganap.

 

Last year, apat lang kaming magkakagroup. Pero this year, anim daw dapat.

 

Kung maaari, two from each specialization kapag juniors and seniors. Sakto! Dalawa na kami ni Win na transpo.

 

“Si Ryujin na lang yung isang CEM, okay lang ba?” Suggestion ni Karina habang nagfifill-up ng form para sa team namin. Nag-agree naman kaming lahat.

 

Kaclose namin si Ryujin, super outgoing din nun! Kilala din siya sa batch namin dahil palaging invited sa party ng lahat. Kahit siguro ibang course, invited pa rin siya. Tinaguriang social butterfly nga naman.

 

“Ikaw, Ning? Wala ka bang isusuggest?” Hinarap ko si Ningning. Actually may suggestion na siya, kaso..

 

“Meron, pero ayaw mo naman.” Nag-giggle pa si Ningning, niloloko na naman si Karina. Pinisil tuloy siya sa pisngi.

 

“Ouch! Sorry ha, si Yeji na yung kaclose ko sa room eh.” Kinamot pa nito ang pisngi niya. Umiling lang ulit si Karina at ginaya ang giggle ni Ningning kanina, pati tono.

 

“No.”

 

“Ito na boss! May recruit na me!” Biglang dating ni Ryujin, inutusan kasi siya ni Karina kanina na maghanap ng makakagroup na Structural student dahil ayaw niya nga sa suggestion ni Ningning.

 

Pero..

 

“Hi.” Matamis na ngumiti sa amin si Yeji.

 

Good job, Ryujin!

 

Nagtawanan kami ni Ningning sa gilid dahil sa reaksyon ni Karina nang makilala kung kaninong boses yung recruit ni Ryujin.

 

Kampi samin ni Ningning si Tadhana, binibigyan kami ng mapapagchismisan.

 

“Where’s Winter?” Tanong ni Yeji nang makatapos sa pagpirma sa form na binigay ni Karina sa kaniya.

 

“Tinago ko, baka kasi kunin mo.” Diretsong sagot ni Karina, nanlaki yung mata ni Ningning kaya napatawa ako.

 

“Tawa.” Gigil na pinisil din ni Karina ang cheek ko. Sakit ha! Akmang pipisilin niya ulit yung kay Ningning pero nakalayo naman agad si Ning.

 

Itong si Karina! Palibhasa hawak ni Winter yung cheek niya buong gabi, yung samin naman ang pinagdidiskitahan! Miss niya na siguro yung haplos ni Winter.

 

Speaking of Winter, kakarating lang din. Inutusan din ni Karin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣