Tingin

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

WINTER's

 

Ang ganda ni Rina kapag nakangiti siya. My favorite version of her? Yung masayang Katarina. Pakiramdam ko, kaming dalawa lang ang tao sa mundo, nakatingin lang din siya sa akin na mukhang tanga sigurong nakangiti habang pinapanood siyang sumayaw. 

 

Normal na sa akin ang presensiya ni Rina. Sanay na akong nakikita siya araw-araw, mula paggising hanggang pagtulog. Normal na sa akin yung pakiramdam na maging masaya at mapangiti tuwing kasama ko siya. Normal na sa akin yung isipin ang gagawin ko sa buong araw kasama siya. 

 

Default ko na ang isama siya sa araw-araw kong plano sa buhay. 

 

Pero bakit ganun? 

 

Dapat.. normal na lang din sa akin kapag tinititigan ko siya pero hindi,  bumabagal ang tibok ng puso ko. Dapat normal lang kapag pinapanood ko siyang sumayaw dahil mula noong highschool pa, nakikita ko nang nagsasayaw siya. Pero hindi, nag-iinit lang ako, parang gusto ko siyang itago sa mundo para ako lang ang makakita ng liwanag niya. 

 

Hindi naman ako selfish, wala din akong karapatang gawin yun. Kaya nung naglakad siya papunta sa mga ka-org niya at hindi sa akin, hinayaan ko na lang. 

 

"Ikaw Winter, nagustuhan mo ba?" 

 

Nagising ako sa kakaisip nang marinig ko si Yeji. Oo nga pala, nandito pa sila nina Ningning. 

 

"Ah.. oo." Sabi ko na lang, na-enjoy ko naman talaga.

 

Si Rina.

 

"May gusto sana akong sabihin, Win..ter." Napatingin ako sa kaniya. 

 

Kinabahan na din, ilang beses na akong sinabihan ni Rina na may gusto sa akin si Yeji. Kahit hindi ako naniniwala, hindi ko naman din talaga alam kung totoo ba.. minsan kasi nararamdaman ko yung titig ni Yeji sa akin.

 

Baka nga totoo.

 

"Ano yun?"

 

"Pwede ba kitang yayain lumabas? Like a date? Obvious naman siguro na crush kita."

 

Tama nga si Rina. 

 

Bumilis yung tibok ng puso ko, hindi dahil sa confession ni Yeji. Naimagine ko kung anong mga possible reactions ni Rina kung magdedate kami ni Yeji.

 

Ayoko.

 

Ayokong mawala yung ngiti sa labi ni Katarina. 

 

"Sorry.. Yeji." Hindi ako makatingin sa kaniya, nakakahiya pala mangreject? Ramdam ko pa rin na nakatingin siya sa akin. 

 

"May iba akong gusto. Pasensiya ka na." Yun lang yung mga salita na pumasok sa isip ko na gusto kong sabihin, walang ibang rason. 

 

Iba ang gusto ko. 

 

"Okay lang.." Tumunghay na ako para tingnan siya. Akala ko, sasampalin niya ako dahil sa rejection pero nakangiti lang siya sa'kin.

 

"Si Karina ba?" Tanong niya, I sighed. 

 

Oo.

 

"Siya lang naman, Yeji." Walang pagdududa kong sabi. 

 

"You guys are perfect for each other." Parang biglang supportive naman si Yeji.. napatawa ako nang kaunti.

 

"Thank you, sana nga." Sabi ko na lang, alam niya din naman siguro na ate niya ang gusto ni Rina.

 

"Try telling her what you feel, Winter." 

 

Umiling ako. Feeling ko, hindi ko naman kailangan ng advice. Awkward din na si Yeji pa ang magbibigay sa akin.

 

"Thanks, Yeji. Pero gusto niya na yung ate mo." Sabi ko, tumawa naman siya. 

 

"Sorry Win."

 

"Don't be."

 

After Yuqi's Birthday Party.

 

Nagising ako sa paghigpit ng yakap sa'kin ni Rina, nakahiga siya sa akin at bukas pa din yung ilaw sa kwarto niya. Nakakasilaw. Tumikhim ako, hindi muna ako kumilos kasi baka magising siya. Ah.. ang sakit ng ulo ko. Ramdam ko din agad ang dry throat ko.

 

"Rina.. tubig.." Pag-ungot ko, parang wala kasi akong lakas na tumayo lalo na at nakapatong siya sa'kin. 

 

Teka.. Naramdaman ko yung hapdi sa lower lip ko.

 

Napapikit ako bigla at pinatong ang kamay ko sa likod ni Rina. Bumalik sa'kin lahat ng nangyari mula nung makarating kami sa gate ng boarding house. 

 

Naalala ko lahat.

 

Ang sama ng ugali ni Rina, bakit kailangang mangagat?

 

Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama niya at bumangon na ako. Hilong-hilo pa din pero nagawa ko namang bumaba sa kitchen. Nakita kong tulog na tulog si Gigi sa couch, balot na balot pa nung kumot ni Ningning yata. 

 

Nag-ingat na ako sa kilos ko kahit hirap akong maglakad nang ayos. Baka tubig yung sagot sa hilo ko? Kaya kumuha ako ng tubig sa ref kaso, pagkatapos kong uminom, sumama lang yata lalo ang tyan ko. 

 

"Aray." Nabangga pa ako sa may lamesa. Napatingin agad ako kay Gigi, ayokong maistorbo ang tulog niya.

 

THIRD PERSON's

 

Nagising din si Karina nang nawala sa tabi niya si Winter. Nag-alala siya kaagad at tiningnan ang oras sa phone niya. 2:46 A.M. Nang marinig niya ang tunog ng pag-sara ng ref sa kusina, bumangon na siya at bumaba.

 

Tama nga ang hinala niya. Si Winter, nagpapahulas. Pinanood niya muna ang bestfriend niya bago nagmadaling lumapit nung tumakbo si Winter papunta sa lababo at inilabas ang nainom niya kagabi. 

 

Agad na naramdaman ni Winter ang marahang haplos sa likod niya habang nagsusuka siya.

 

Si Karina pala.

 

Hindi niya hinarap si Karina dahil nahihiya siya. 

 

"Careful." Malambot na sabi ni Kat habang inaalalayan siya, hawak ang buhok niya palikod para hindi ito mabasa sa lababo.

 

Sana lang, hindi magising si Giselle dahil baka isa pa itong alagain ulit ni Karina. Tulog pa naman si Ningning.

 

"Okay na?" Tanong ni Karina nang makatapos si Winter maghugas ng mukha. 

 

Tumango lamang si Winter at sabay silang umakyat ulit, nakaalalay si Karina sa gawing bewang niya. 

 

Nang makabalik sila sa kama, humiga na ulit si Winter at tinabihan siya ulit ni Karina. Tahimik lang sila. Sobrang natural lang ng nangyari.

 

Dahil sa sobrang antok, wala na ding sinabi si Karina at niyakap na lang muli si Winter, face buried on her neck. Ramdam ni Winter ang mukha ni Karina sa bandang leeg niya at ang mainit nitong paghinga. 

 

Hindi agad nakatulog si Winter. Ito na naman yung pakiramdam.. mainit sa dibdib, parang tumatalon ang puso.

 

Pumikit siya at binalikan ang mga nangyari kanina sa isip niya. 

 

Masakit ang labi ni Winter pero masaya ang puso niya.

 

Sa isip niya, daig niya si Seulgi dahil hinalikan na siya ni Karina. 

 

 

NINGNING's

 

"Hi Kat!" Nakangiti kong inapproach si Karina sa study table at tumabi sa kaniya. Nasa tapat namin sina Winter at Gigi, nagrereview para sa isa nilang subject. 

 

"Ano na naman, Ningning?" Ito naman, 'pakasuplada. Busy kasi siya sa paglalaro ng tetris, eh wala kasi akong magawa kaya siya na lang kulitin ko hihi..

 

"Kakamustahin ko lang naman kayo ng medyo crush mong si ate Seulgi." Tuloy-tuloy kong sabi, nagkatinginan kami ni Gigi na nagwink pa sa'kin.

 

"H-Ha?" Mabilis na na-pause yung laro ni Karina. I rested my cheek on my palm sa table at tumingin sa kaniya ng nakakaloko.

 

"'Di ba crush mo yun?" 

 

Karina took a quick glance kay Winter na nakatingin na din sa kaniya. 

 

Grabe yung mga tinginan oh.

 

"Wala. Hindi pa ulit kami nagkikita." Sagot ni Kat sabay click sa touchpad ng laptop niya at inisara yung window ng tetris online.

 

"Hindi pa? So may date ulit kayo?" Narinig ko yung mahinang tawa ni Gigi sa tapat namin, pero pinigilan ko na lang sarili ko. Focus sa goal, Ning.

 

"Wala." Sagot niya ulit habang nagpapakabusy sa pagscroll sa Facebook niya sa laptop. Halatang bothered na siya, nakikinig pa din kasi siguro sina Win.

 

"Sayang, ship ko pa naman kayo." Kunwaring disappointed ako.

 

Syempre joke lang yan! Hehe, team Winter ako. Plano lang namin ni Gigi 'to. Wala kasing ganap, gusto namin malaman kung anong status nila ni Win. Mababaliw na kami sa pagiging bestfriends nila.

 

Ang saya lang talagang asarin ni Katarina. 

 

Tumingin ulit siya kay Winter, akala ko may sasabihin pa siya kaso bigla ba naman akong hinila palabas ng bahay!

 

I gave Gigi a look and she's laughing pa rin. Si Winter naman, habol lang ang tingin sa amin bago bumalik sa notes niya. 

 

"Ning! Wag mo na nga akong asarin kay Seulgi." Inis na sabi ni Kat habang naglalakad kami, ewan ko ba dito kung saan ako dadalhin. Wala pa naman akong dalang pera! 

 

"Luh bakit? Crush mo yun, 'di b—" Pilit ko pa rin, ang funny kasi niya kapag nagpapanic! Kanina pang nakakunot yung noo niya eh.

 

"Hindi na! 'Di ko na nga crush yun." Huminahon naman ang boses niya. Maya-maya, hinila niya ako ulit papunta sa sari-sari store sa may dulo ng street namin. 

 

May bibilhin siguro para kunwari may bibilhin talaga kami.

 

"Sorry ha, hindi kasi ako nainform eh." Pangloloko ko ulit habang nakagrin sa kaniya. Umirap ulit siya na nagpatawa na naman sa'kin huhu..

 

"Basta 'wag mo na 'kong asarin." Sabi niya bago tumalikod sa'kin at bumili ng softdrinks sa tindahan. 

 

After niya bumili ng kasalo, naglakad na ulit kami pabalik. Hm.. 

 

"Akala ko papanindigan mo si Ate Seulgi." I again, nag-glare na siya sa akin tuloy!

 

"Isa pa, Ning. 'Di kita ipagluluto bukas sa breakfast." Pananakot niya pa. Hmp.

 

"Joke lang! Ito naman."

 

"'Wag mo nang babanggitin si Seulgi sa bahay ha?" Simula niya ulit. Mukhang seryoso na si Karina.

 

"Why naman?" Curious kong tanong, nag-away ba sila ni ate Seulgi? Or about kay Winter 'to?

 

"Sabihan mo din si Gigi na 'wag akong aasarin." Dagdag niya, abaaa.

 

"Sabihin mo muna kung bakit!" May tono ko pang pilit, napatadyak naman siya sa inis. Pikon na naman siya, huhu..

 

"Kasi nga!"

 

"Ano?"

 

"B-Baka magselos si Winter." Ah.. about kay Win nga. Nakaisip naman agad ako ng pangbawi.

 

"Ah hindi, 'di ba pumayag na siya na gusto mo si ate Seulgi—" 

 

"Ning kasi!"

 

HAHAHAHAHAHAHAHA!

 

"Joke lang nga, Kat! Oo sige na, 'di na ko mangaasar." Sabi ko na nakataas pa ang kamay na parang girlscout.

 

---

 

Gabi na, kakatapos lang namin magdinner. Nagkasundo kaming apat na mag-rest muna for tonight kasi Sunday naman bukas. Magsisimba din kami sa umaga. 

 

As usual, magkatabi na naman yung magjowaㅡeste magbestfriend pala. Nanonood sila ng random clips sa Youtube. Si Gigi naman, naglalaro ng COD sa phone niya. 

 

Ako? Ito, nanonood sa kanilang tatlo habang nagp-phone.

 

"Try natin yan minsan." Tinuro ni Win yung massage chair na ginamit nung vlogger na pinanood nila. Yung mga massage chair sa malls.

 

"Ayoko nga." Tanggi agad ni Kat, ibinaba ko yung phone ko at pinakinggan kung saan papunta yung usapan nila.

 

"Bakit naman? Masarap daw kaya." Pagdefend ni Winter dun sa massage chair. 

 

Na-try na namin ni Gigi yun, sulit naman ang 20 pesos ko. 

 

"Ayokong may nanonood sa'kin habang nagpapamassage." Nagcross arms pa si Kat, mukhang may banter naman agad si Win sa kaniya. 

 

"Weh? Hindi ka nga nahiya sa'kin nung hinila mo 'ko dun sa massage appointment mo sa SM." 

 

"Eh ikaw naman yun!"

 

"Try lang naman, gusto ko yung simple massage na gan'to na lang."

 

"Ako na lang magmassage sa'yo!" Pagpilit ni Kat. Natawa kami ni Gigi.

 

Si Karina? Magmamasahe? 

 

"Ayoko nga! Nagkapasa kaya si Gi nung minasahe mo siya last time." 

 

Mabilis na nilipat ni Karina yung tingin niya kay Giselle na tumatawa habang namamaril sa phone niya. "Gigi, bakit ka nagsumbong?"

 

Nakwento nga ni Giselle sa'min yun! 

 

"Masakit kaya katawan ko for a week nun, Kat." 

 

Nag-eyeroll na lang si Karina. Lumapit naman ako sa kanila. Itong si Gigi naman, hindi pa pala tapos mang-asar.

 

"Ikaw Karina ha, gusto mo lang hawakan katawan ni Winter eh." Sabi niya, tawang tawa naman kami lalo.

 

"Lah, ang bastos Gigi!" Si Karina ya

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣