Buhay Ko

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

December 31st

 

One of Winter's most awaited days.

 

Rina: Ang tagal mo po

X ko: Palabas palang ng parking hehe

 

After two to three minutes, dumating na din si Winter. Lumabas ng sasakyan wearing her gray adidas jacket, a gray cap, black pants at black shoes.. and a new haircut.

 

"Wow, new look." Katarina made sure na hindi obvious ang pagiging affected niya sa bagong hairstyle ni Winter.

 

Since Katarina asked, Winter had a haircut.

 

"Syempre, I wanna look good for you." Nakangiting sagot ni Winter.

 

Hinila na ni Karina ang maleta niya at sinundan si Winter sa pagpunta sa likod ng sasakyan.

 

"Failed." Karina dismissed Winter's flirting pero hindi niya naman naiwasan ang pagtitig sa fresh look ng ex(?)-girlfriend niya.

 

Winter opened the trunk, grinning as she can tell na umiiwas lang naman ang kausap niya sa pakilig niya. "Grabe, isumbong kaya kita sa parents mo mamaya."

 

Umiling nalang si Karina at inayos muna ang bag ni Winter na nakalagay dun. Tama naman ang nasa isip ni Winter, nagustuhan ni Katarina ang bagong gupit niyang buhok. Sa isip ni Katarina, hindi lang daw kasi good ang new appearance ni Winter, hindi lang basta maganda—sobrang pogi din kasi.

 

As they try na mag-ayos ng gamitㅡsa tulong na din ng tetris skills nilang nagc-clash dahil ibang way ng pag-aayos ang gusto ni Karina, nakisabay ang bangayan nila sa pagdaan ng ilang mga babaeng estudyante sa may sasakyan ni Winter.

 

Puro nakatingin kay Winter when they walked past the car.

 

Katarina swears she knows what those looks are.

 

"Takpan mo nga yang mukha mo." Marahang itinulak ni Katarina ang kasama niya. Confused, Winter still walked back to where she was standing.

 

"Ha?"

 

Nakatingin pa din si Karina sa kaniya, "Magmask ka."

 

"Ayoko—ang init." Tanggi ni Winter, hindi na naman malaman kung saan nanggagaling ang mga sinasabi ng girlfriend niya.

 

"Pumasok ka na sa car mo, ako na dito." Karina insisted.

 

"Bakit ba?"

 

"Eh pinagtitinginan ka ng mga bata eh." Tumingin pa si Katarina sa likod niyang nandun na sa malayoㅡsakto pang may dumating ulit na dalawang babaeㅡand again, nakatingin o napatingin kay Winter.

 

Winter glanced at the people passing by.. tapos ay tumingin pabalik kay Katarina.

 

"Maka-'bata' ka naman.. college students na yata sila." Natatawang sabi ni Winter, lumapit pa ulit para tulungan sa pagt-tetris ng bagahe. May dala pa kasi si Winter na pasalubong para sa parents ng girlfriend niya.

 

"Edi wag kang sumunod." Inis na sabi ni Katarina.

 

Winter chuckles and gave in. "Ito na nga, papasok na."

 

Once Winter hopped in the driver's car, tinapos na din ni Katarina ang pag-aayos ng mga bagahe nila, leaving some space for their friends' luggages.

 

Saan ba sila papunta?

 

Sa La Union, as they planned. Kotse na ni Winter ang gagamitin nila, susunduin na din sina Giselle at Ningning on their way there.

 

It's a day away from Winter's birthday. They'll celebrate the new year with Karina's family.

 

Then tomorrow, sabay-sabay silang uuwi sa Batangas para magsleepover sa bahay ni Winter for her birthday.

 

Busy ang schedule but Winter likes the plan; aside from wanting to spend quality time with Katarina, gusto niya na din talagang makasama ang second family niya at ang bestfriends nila.

 

“Ano to..” Napatanong agad si Katarina when she saw the changes in the interior of Winter’s car.

 

May dinosaur plushies, stickers sa isang corner ng front glass, may blanket na camp cretaceous pa ang design—at kahit ang neck pillow na nasa passenger’s seat, pastel green na Jurassic themed din.

 

“Cute ba?” Casual na tanong ni Winter na sa loob-loob ay nahihiya sa pasabog niya sa araw na yun pero dapat, cool lang siya.

 

“Oo.” Nakangiting sagot ni Karina, enjoying everything she sees.

 

“Binili ko for you.”

 

Katarina smirked sa narinig, eyeing her ex(?)-girlfriend, “Papansin ka na talaga ha.”

 

Ngumiti na din si Winter. “Sayo lang naman.”

 

Edi mas lumawak ang ngiti ni Katarina.

 

“Win, behave ka mamaya ah.” Paalala niya, tungkol ulit sa pakikipagusap sa parents mamaya.

 

“Behave naman ako.” Sagot ni Winter while driving.

 

Karina’s hand landed on Winter’s thigh, lightly patting it. “Good pup.”

 

“Ginagawa mo na naman akong aso..”

 

“Cute kaya.”

 

Winter glances at her for a moment, sneaking a look at her girlfriend’s smile.

 

“Gawin kaya kitang pusa?”

 

Nakaramdam agad ng paghampas sa hita niya si Winter. Hinampas ni Katarina.

 

“Ayoko nga!”

 

Winter chuckles loudly, tuwang tuwa kapag nasa kaniya ang upperhand ng asaran nila. “Bakit? Cute din kaya.. Tsaka noon nga eh sa kwarto—“

 

“Winter, isa!” Kinurot na ni Karina ang hita ni Winter kaya napangiwi siya at hinigpitan ang hawak sa manibela.

 

“Rina, ‘pag tayo, nabangga!”

 

GISELLE’s

 

“Advance happy birthday, Win!”

 

Pagpasok ko palang sa sasakyan, binati ko na agad si Winter, giving her a pat on the shoulder. Sa kabilang pinto sumakay si Ningning matapos naming ayusin ang mga gamit sa likod.

 

“Thank you.” Winter smiled, peeking from the rear mirror. Ngumiti din ako pabalik.

 

“Short haired na ah.” Napansin ko din yan, naunahan lang ako ni Ning.

 

“Gusto ni Rina maikli.”

 

“Ay ganun.”

 

“Wow, naiwanan lang namin kayo for holidays..” Comment ko, pero hindi ako sa buhok niya nakatingin.

 

I leaned forward at tinapik ang kamay ni Kat na nakacling sa kamay ni Winter na nakahawak sa gear.

 

“Kapit na kapit na ulit si Kat sayo ah.” Sabi ko para asarin sila, parang war of flashbacks eh ano ba ‘to, college days?

 

“Mga baliw.” Itinaboy pabalik ni Kat yung kamay ko.

 

HAHAHAHAHA eh, totoo naman talaga.

 

Mukhang may progress sila during December.

 

“’Di ka na bibitawan nyan, Winter.” Entry ni Ning while clinging on me.

 

Parehong pareho sila ni Kat, napakaclingy.

 

Okay lang, nae-enjoy ko naman.

 

“’Di ko din siya bibitawan.” Sagot ni Winter.

 

Nae-enjoy din niya.

 

Wala namang pahabol na hirit si Kat, pero kita kong nakangiti lang din siya habang nakahawak kay Winter.

 

---

 

“What time daw pupunta si Yeji sa house mo, Win?” I asked during the drive.

 

Medyo malayo—malayo pala talaga. Ubos na ang kanta sa playlist nina Kat at Ning, ubos na din yung snacks na dala ni Winter for us kaya nagtanong nalang ako para may mapagkwentuhan pa kami.

 

“Bukas? Kahit anong oras nya gusto..”

 

“Around lunch siguro nakabalik na tayo sa Batangas bukas.” Sabi niya pa.  

 

“Okay. Sabihan ko sya.” Kinuha ko na ang phone ko para magchat kay Yeji, sa groupchat lang din naman namin.

 

Seconds later, biglang humarap samin si Kat na—oo, nakahawak pa din sa arm ni Winter. Jusko, ‘di ba ‘to nangangalay?

 

Hawak kung hawak eh.

 

“Gigi, Ning.. ‘wag kayong maingay mamaya sa bahay.”

 

Ito naman! Parang super ingay naman namin ni Ning kung magsabi.

 

“Luh, paano kami mageenjoy?” Tanong ko, narinig kong tumawa si Winter.

 

Kat rolled her eyes, “About kasi samin ni Winter.”

 

Ahh.. gagi, hindi pa din pala alam ng family niya?

 

“Ha? ‘Di mo pa rin pala nasabi?” React din naman agad si Ning, pareho kami ng iniisip.

 

Ngumiti siya at tumango sa amin before going back to lean on her seat.

 

“Hindi ko na sinabi.”

 

Hehe, juicy. Mukhang maeenjoy ko ‘tong pagsalubong sa new year ah.

 

“Sige, try ko.” Nang-aasar pa si Ningning, binato tuloy siya ni Kat ng neck pillow.

 

“Ning!”

 

“Oo na!”

 

HAHAHAHAHA

 

Tawang tawa kami dito sa likod.

 

Shet, excited na ko.

 

“Paano yun, eh tinatarayan ka ni Kat, Winter.” Pagsali ko sa asaran. Winter giggled at sumilip kay Karina.

 

“I guess we'll have to act like a couple, diba Rina?”

 

We’ll have to act daw. Sus, daig pa nila ang mag-asawa ngayon! Nakikita ko kaya yung kamay ni Katarina, umaabot na sa hita ni Winter ha.

 

“Heh.” Kunwaring suplada pa ‘tong si Kat.

 

“Wala namang problem sakin.” Natatawang sabi ni Winter, “Girlfriend pa din kasi kita.”

 

Parang bibitaw na dapat si Kat pero hinawakan siya ni Winter gamit yung free hand niya. Ay, talaga naman.

 

“Kelangan mong magpakabait pala Kat eh.” Asar ko ulit. Tumawa naman si Ning at nakipag-apir pa sakin. 

 

"Mga bwisit kayo." Inis niyang sabi at bumitaw na kay Winter na nakikitawa din. 

 

"Aba, ginusto mo yan!" 

 

NINGNING's

 

Elyuuuu!

 

Kahit na sa loob lang naman kami ng bahay ng family ni Kat, excited pa din ako, hehe.

 

First year-end getaway namin ni Giselle tapos kasama pa sina Winter at Karina kaya sobrang sobrang nagl-look forward ako sa araw na 'to. Hirap kaming humanap ng free time to hang out nang maayos eh lalo na't year end nga. 

 

Actually, tomorrow sa sleepover namin sa Batangasㅡkina Winter, kikitain pa namin si Yeji tapos the next day, uuwi din siya agad kasi family day daw. 

 

Okay lang! Babawi daw sa outing kasama sina ate Seulgi. Ewan ko lang kung kelan matutuloy. 

 

Sa ngayon, Gigi and I made sure na free na kami. Baka magtampo na talaga si Win tapos bumalik sa Japan huhu. 

 

"Parang noon lang, uuwi kayo sa bahay na pawis na pawis kakalaro sa P.E. niyo." 

 

I laughed at tito's greeting. Hindi man lang 'Hi' or 'Hello', yan talaga. 

 

"Naku, tito. Ngayon po, amoy pawis sa site na." Pabirong sagot ni Gigi. 

 

Busy pa kanina ang parents ni Kat nung dumating kami pero lumabas agad para igreet kami isa-isa. 

 

"Aba." Mahinang pat ang natanggap ko mula kay tito. "Tumangkad ka na Ning."

 

I pouted, binawian naman siya ni tita by playfully hitting his shoulder. 

 

"Pinagt-tripan mo na naman si Ningning." Sabi ni tita, smiling at me. "Pasok na kayo, Ningning, Giselle."

 

Sumunod kami agad. I saw her glancing outside the gate. Nandun pa kasi sina Karina at Winter na nagpapasahan ng bubuhatin. 

 

"Rina! Sayo 'tong bag eh!"

 

Tumingin na din ako sa kanila at nakitang tumatakbo si Kat papasok ng gate dala ang maliit na bag ni Winter. 

 

Kaya naman pala ang tagal nila, pinadala niya kay Win lahat ng kanya. 

 

Anyway, natatawa nalang din talaga ako sa araw na 'to. Hindi ako sure kung naga-act ba talaga sila like they planned kasi parang natural lang naman sila. 

 

Exhibit A: Nag-iihaw kami ng meat for later. Tinulungan ko sina Win at tito since ang dami nang tao sa kusina, andun pa ate ni Kat eh. 

 

"Buti po hindi umulan ngayon." 

 

Ang cool ni Winter, nakikipagkwentuhan kay tito habang nagg-grill kami. 

 

"Oo nga, biniyayaan tayo." Nakangiti habang tumitingin sa langit si tito. 

 

I looked at Winter, natutuwa kasi ako sa kaniya. Ramdam kong hanggang ngayon, comfortable pa din siya sa family ni Kat. 

 

"Medyo mainit nga lang po."

 

Tahimik lang akong nakikinig. Maganda nga ang panahon ngayon. Medyo pahapon na din pero may araw pa. 

 

Nung dumating kami kanina, as expected, welcomed kami lalong lalo na si Winter. Hindi naman naging awkward sinceㅡyun na nga, hindi nila alam yung nangyari.

 

Mukhang wala nga yata talagang balak si Kat na iopen pa yun. I think she likes it better now that her family's cool with Winter. 

 

Feel na feel niya pa nga ang pagiging girlfriend ni Win eh. 

 

Ayun nga oh, nakita kong lumabas si Kat at may dalang isang baso ng tubig at may small towel na nakasampay sa balikat niya. 

 

"Inom ka muna." She said after tapping Win's shoulder. Nakatalikod kasi si Winter sa kaniya kanina. 

 

Hindi naman nagulat si Win, ngumiti pa nga at uminom. "Thanks."

 

Pinatanggal muna ni Kat yung jacket ni Winter. 

 

"Maligo ka mamaya ha?" Sabi pa ni Karina while putting the towel under Winter's shirt sa likod nito. 

 

"Opo."

 

Pareho kaming napailing ni tito sa napanood namin. Sobrang sweet naman kasi!

 

"Anak.. grabe ka naman, bakit si Winter lang ang may tubig?"

 

I chuckled sa sinabi ni tito. Kat grinned at marahang tinapik na ang likod ni Winter once she's finished. Bumalik na si Win sa pagpaypay dun sa ihawan. 

 

"Tanong mo si mommy, daddy.. siya po ang asawa mo." 

 

"Ang galing talagang sumagot, Kat!" Saway ko, tawa naman kaming lahat.

 

Umalis na din naman siya at nagjog pabalik sa loob ng bahay. 

 

"Ganyan yang batang yan." Pahabol pa ni tito bago makipagpalitan sakin sa paggugupit ng nalutong liempo.

 

Exhibit B: Pagkatapos namin sa ihawan, umupo muna kami sa living room para magpahinga.

 

"Diba sabi ko, maligo ka?" Biglang sumulpot si Karina sa likod ni Winter na nakaupo sa sahig. 

 

Inirapan siya ni Winter. "Papahinga lang eh."

 

"Kanina ka pa umupo-upo dun sa puro usok dun." Kat grabbed Winter's arm pero hindi pa din tumayo si Win. 

 

Tumingin pa sakin si Karina pero umiling din ako. Ayoko nga tumayo! Yung jowa ko nga, walang pake at nanonood lang ng volleyball kasama si ate Tiff sa kusina eh. 

 

"Dali na, Win." Pamimilit niya pa, umupo na din sa harap ni Winter para kitang kita yung pagpapacute niya. 

 

Susmaryosep.

 

"I-Ito na.." 

 

Hindi din naman matiis ni Winter talaga. 

 

Parang nanalo na naman sa lotto si Kat sa ganda ng ngiti niya. Oo nga pala, kasiyahan niya tuwing may happenings na hindi siya matanggihan ni Winter. Feeling ko tuloy, nasa boarding house kami back in college sa mga nakikita ko today. 

 

"Ikaw din Ning, shower ka din." Tumayo na sila, pero humarap pa sakin si Karina. "Tara sa kwarto bigyan ko kayo ng gamit."

 

Hays. Wala tuloy akong choice.

 

Okay na din, 'di ako amoy usok later. 

 

Magkakasunod kaming umakyat sa kwartong tutulugan namin mamayang gabi. Nakasetup na nga ang kwarto at may kutson na din sa lapag katabi nung kama. 

 

Sakto for the four of us later. 

 

"Tabi tayo dito mamaya, Rina?" Itinuro pa ni Win yung kama nang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣