Mahika

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

THIRD PERSON's

 

Lakad dito, balik, lakad ulit, ikot, lakad ulit. Pauli-uli lamang si Winter sa harap ng gate nina Karina. Nakapajama pa siya at white sando, hawak ang isang pirasong rose sa likod na pinitas niya sa garden ng mama niya.

 

Mga ilang minuto din ay nagbukas na ang pintuan sa bahay nina Karina nang lumabas ang tatay para pumasok sa trabaho. Nakita naman agad si Winter. 

 

"Katarina! May naghahanap sayo!" Tawag ng daddy ni Karina mula sa labas ng bahay habang nagsusuot ng sapatos niya. 

 

Napatayo nang tuwid si Winter at tahimik na naghintay sa harap ng gate nina Karina. 

 

"Good morning po." Bati ni Winter nang makalabas ang tito niya sa gate, mahinang tinapik ng nakakatanda ang balikat niya. 

 

"Good morning din, hintayin mo lang si Karina. Naghuhugas lang ng pinggan yun." Sabi nito na nakapagpangiti kay Winter. 

 

Nag-ayos muna ng kwelyo ang tatay ni Karina at binuksan ang pinto ng sasakyan niya. Bigla namang pumasok sa isip ni Winter ang bagay na ipapakiusap niya sana sa daddy ni Karina.

 

"Tito, kung okay lang po, pwede ko po bang mausap kayo na ipagdrive si Rina next week?" 

 

Napatingin sa kaniya ang matanda, bumaba ang tingin sa kamay ni Winter na may hawak na rosas at napangiti. "Saan? Bakit si Karina lang?"

 

"Surprise ko po sana sa kaniya." Diretsong sabi ni Winter. 

 

"Ah, siya sige. Basta Sabado ako pwede, balitaan mo nalang ako kung saan." Sabi sa kaniya ng tito niyang natutuwa sa pagiging straightforward niya. Sa tagal na din nilang magkapitbahay, sanay na din si Winter na makipagusap sa kanila. Parang pamilya na din ang turing niya sa pamilya ni Karina. 

 

"Thank you po!" Nakangiti niyang sabi at kumaway nang umalis na ang tatay ni Karina. Sakto naman sa paglingon ni Winter sa bahay, nakita niyang sumilip ang nililigawan niya sa may front door. 

 

Nawitness niya tuloy kung paano ngumiti ang mga mata ni Karina nang makita siya unang beses sa umaga. 

 

"Winter!" Naghohop pa si Karina papunta sa kaniya at akmang yayakapin siya nang patigilin niya ito para ipakita yung hawak niyang bulaklak.

 

"For you, good morning Rina." 

 

Nanlaki ang mata ni Karina nang ibigay sa kaniya yung rose. Hindi tuloy naiwasan ang mapangiti nang malawak at magblush sa harap ni Winter.

 

"Winter.. ang sweet mo naman."

 

Ngiti naman tuloy si Winter at napuri siya. Maya-maya ay biglang nagsquint ng mata sa kaniya si Karina.

 

"Baka binibigay mo 'to kasi tinulugan mo ko kagabi ah."

 

"Medyo." Natatawang sagot ni Winter. Sinabihan kasi siya ni Karina na magtry naman na magonline para makapagchat sila kahit sa gabi man lang. Ang kaso lang, nakakatulog si Winter kapag napapatitig sa screen ng phone niya.

 

"Ano ba yan! Akala ko naman sweet random gesture lang." Sabi ni Karina matapos siyang mapahampas nang mahina sa balikat ni Winter.

 

Napakamot ng ulo si Winter. "Hindi pa ba sapat yung araw-araw na food delivery ko sayo? Nagrereklamo na nga si Mama kasi paiba-iba daw cravings ko kahit hindi naman." Tuloy tuloy niyang reklamo kaya napangisi ang bestfriend niya.

 

"Nagrereklamo ka ba sa cravings ko?" Naglean pa si Karina para ilevel ang mukha niya kay Winter na firm lang ang titig sa kaniya. 

 

"Oo. Daig mo pa ang buntis." Honest na sagot niya ulit, napa-eyeroll tuloy si Karina. 

 

"Winter!"

 

"Hahahahaha kapag ikaw nang-aasar hindi naman ako nasigaw ah." Biro ni Winter kaya gumaan naman agad ang pakiramdam ni Karina, iba din talaga ang epekto ng tawa ni Winter sa kaniya. 

 

"Ang cute mo today." Sabi niya sabay tingin mula sa medyas ni Winter hanggang sa buhok niyang nakadantay lang sa balikat. Parang gusto niya tuloy ipitan si Winter. 

 

"Balik na ako sa bahay." Tipid na sambit ni Winter habang namumula ang mga tenga. Hinawakan naman siya ni Karina sa wrist at pinigilan. 

 

"Sa kwarto ko muna tayo.." Nakapout pa. Ang hilig magpacute ni Karina basta kay Winter. Alam naman ng bestfriend niya na madalang niyang gawin yun kung para sa ibang tao kaya wala siyang magawa kundi..

 

Winter sighed, "Papapanoodin mo na naman ako ng movies eh." Sabi nito sabay kulbit sa lips ni Karina na nakapurse sa direksyon niya. 

 

"Ayaw mo ba kong kasama?" Tumitig pa nga si Karina sa kaniya habang pino-poke ang pisngi ni Winter gamit ang rosas na bigay sa kaniya. Umiwas tuloy siya ng tingin.

 

"Kuha lang akong shirt." Nahihiyang sabi ni Winter, malamig kasi sa kwarto ni Karina dahil laging bukas ang aircon. Mabilis pa naman siyang lamigin.

 

"Wag na, ako nalang yayakap sayo." Nakangiting sabi ni Karina sabay higit kay Winter papasok sa gate, may papisil pa sa exposed na braso ni Winter.

 

---

 

"Rina, inaantok na ako." Ungot ni Winter makaraan ang halos isang oras na panonood nila. Hindi pa nga niya nauubos yung tinapay na hinanda ni Karina para sa kaniya.

 

Tumayo ang bestfriend niya mula sa pagkakaupo sa sahig at tinabihan siya sa kama. Malaking epekto na din siguro na nakahiga lang si Winter sa malambot na kama ni Karina kaya inaantok na siya kaagad kahit umaga palang.

 

"Napakaantukin mo talaga. Wala ka pang natatapos na marvel movie ever." Ipinag-ayos naman siya ni Karina ng kama kahit may pa-eyeroll at tongue clicking siyang natanggap. Napangiti lang si Winter at niyakap ang unan na binigay sa kaniya. 

 

Pinatay na din naman ni Karina yung TV at tumabi nalang kay Winter. Nakapikit lang si Winter, kaya napatitig si Karina.

 

Parehong malalim ang nasa isip. 

 

"Kinakabahan ako.. Rina."

 

"Bakit..?" Tanong niya, ganun pa din. Pikit pa din ang mga mata ng kausap niya. 

 

"Masyado akong masaya." Mahinang bulong ni Winter, lumapit pa si Karina at niyakap siya bago sumagot.

 

"You deserve to be happy, Win." 

 

"Thank you."

 

"We all deserve happiness." May mga bagay na unti-unting nagmamarka ng bigat sa isipan ni Karina.. lalo na ang balitang natanggap niya nung birthday niya. Wala man siyang kasiguraduhan sa plano ni Winter, nagtitiwala naman siya na hindi siya sasaktan ng bestfriend niya.

 

Kaya pinili niyang huwag nalang ibring-up. 

 

"Oo, sayo ako masaya." Nakangising sagot ni Winter kaya napascoff siya, hindi napigilan na ngumiti na din. 

 

"Winter."

 

"Hm?"

 

"Matulog ka na.. Please lang, maawa ka sakin."

 

Winter chuckled. Karina kissed her forehead and cheek bago siya yakapin ulit. 

 

Hindi naman sila nakatulog kakangiti sa pakiramdam na hawak ang isa't isa. 

 

KARINA's

 

Good morning!

 

"Good morning po papa, mama!" Bati ko while walking straight into the house from the main door ng bahay nina Win. Nakita kong busy ang parents niya sa kusina. 

 

Nasa taas na naman siguro si Winter. 

 

"Oh, Rina iha ang aga mo naman." Lumapit pa sakin si papa and gave me a pat on my head, nagbless din naman ako. 

 

"Maggrocery po kasi ako." Pagpapaalam ko habang may malawak na ngiti, kita ko naman agad yung panic nila. 

 

"Ay naku teka, gisingin ko lang si Winter!" Aakyat na sana si papa pero pinigilan ko na. 

 

Ako na. 

 

"Ako na po! Luto na lang po kayo dyan." I smiled at them before walking upstairs. Bakit ba laging tulog si Winter? 

 

"Oh sige iha."

 

Sadya na yun. Also, 9 A.M. palang naman at bakasyon kaya okay lang. 

 

Okay lang as long as hindi ko grocery day. 

 

Swerte ni Win today, nandito ako para gisingin siya.

 

"Rina ang aga..." Winter went back to her bed after kong higitin yung paa niya. I crossed my arms at tinitigan siya.

 

"Winter." Mariin kong tawag, nagtalukbong pa kasi? 

 

Grocery day is something Winter promised me she'll do with me always. Back when we were in senior high school, she hated it when I went home alone with lots of groceries para sa bahay na hindi ko naman mabuhat lahat. 

 

We actually became closer because she offered to come with me and since then, she always comes whenever I want to buy groceries. 

 

So, kasalanan niya kung bakit kailangan nyang bumangon ngayon. 

 

"Hindi ka babangon?" I lightly slapped her foot, tumadyak naman siya.

 

Aba! 

 

"Hmmmhdmm, Rina." Her words are muffled from burying her face on her pillow. 

 

"Winter! Bangon na kasi!" Tawag ko ulit sabay hila sa mga paa niya. Napasigaw naman siya.

 

"Rinaaaa!" Maktol niya at kumawala sa hawak ko hanggang magpatak siya sa sahig. 

 

 

"Ano? Hindi naman talaga kita titigilan. Sinasabi ko sayo." I said habang hinihila yung kumot niya. Nagmulat na din siya ng mata at umupo sa sahig katapat ko.

 

She scratched her eyes na naman kaya pinalo ko yung wrists niya.

 

"Tch." She clicked her tongue at glared at me. I sent her a sweet smile naman kaagad pero hindi nabura yung sama ng tingin niya sakin. 

 

"Ang aga aga, pwede namang mamayang hapon nalang." Reklamo niya at pabalik na naman yata sa kama kaya tumayo na ako.

 

"Sige, ako nalang mag-isa." Napangiti naman ako nung bumangon na nga siya finally at ibinato sakin yung unan niya.

 

"Magtoothbrush at ligo lang ako." Winter said in defeat. 

 

Ang cute niya talaga. 

 

Nagstay ako sa kwarto ni Winter while she gets ready. Behaving! Habang nakaupo sa kama ni Win, I don't mind waiting naman. Tama lang na nagshower si Winter dahil mainit sa labas. 

 

After a few good minutes of scrolling through my feed, narinig ko nang lumabas si Winter sa c.r. ng kwarto niya. 

 

Basang-basa pa yung buhok niya kaya she's drying with her towel. Napatingin ako sa suot niya. 

 

I rolled my eyes nung nakita kong nakajogging pants pa si Winter at hoodie. 

 

Again, ang init init nga sa labas. 

 

"Wala ka bang hindi mainit na damit?" Tanong ko sa kaniya, napascoff naman siya. Attitude pa din kahit fresh na. 

 

"Nanay ba kita?" 

 

"Girlfriend mo ako."

 

"H-ha?" I couldn't help grinning, Winter blushed hard kasi at napatigil sa ginagawa niya.

 

"Soon." Pahabol ko habang nakangisi. 

 

"Ewan ko sayo. Tsaka anong mali sa damit ko eh mag-go-grocery lang naman tayo?" Nakakainis talaga mga sagutan nito ni Winter minsan! I hopped off the bed at lumapit sa kaniya. 

 

"Date na din yun." Sabi ko at bubuksan na sana yung cabinet niya pero she took my hand at hinila ako pabalik sa kama. Hmp.

 

"Grocery lang pupuntahan natin, wala ako sa mood makipagdate ngayon." She opened her closet at kumuha ng cap. It's the brown cap I recently bought for her. 

 

"Ang attitude mo naman manligaw." I sighed at nagpaawa ng konti. Napatingin naman siya sakin. Ofcourse, I pouted na parang pusang nagtatampo sa kama niya. 

 

She walked towards me and cupped my cheeks. "Wala akong naiplanong date today eh, sorry Rina."

 

K-kainis..

 

Bakit ba ganiyan siyang makatingin? 

 

Nakakagigil ka Winter.

 

"Joke lang naman! Okay lang, tara na." Sabi ko at nauna nang lumabas. I heard her chuckling while running behind me. 

 

---

 

"Rina, ketchup ba?"

 

"Meron pa kami. Nagcheck ako kanina."

 

"Okay. Bili ako para sa b-house."

 

Dinadamay na din namin yung grocery for boarding house. Since wala naman sa plano ni Winter na mamili today, yung para saaming apat nina Gigi at Ning yung task niya. 

 

"May stick-o pa tayo sa bahay, diba?" Tanong niya pagdaan namin sa mga snacks. Tumango lang ako.

 

"Ayaw naman kainin nina Gigi, tapos maghahanap kapag wala." Sabi niya habang kunot na ng noo at nagtitingin ng ibang snacks na pwedeng bilhin.

 

Cutie. Naiimagine ko tuloy if magkakaanak kami ni Win tapos magrereklamo din siya habang namimili kami. 

 

I bit my lip at the thought.. Kami ni Winter, family. 

 

But I heard Winter's voice and snapped back to reality. 

 

"Rina, asan yung cart?" Tanong niya, oo nga pala! Yung cart-- nasa kabilang section.. pero nagmaang-maangan muna ako to .

 

I shrugged. "Ewan ko.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣