Uhaw

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

NINGNING's

 

Long day today! Paalis kami, magpapasa ng resume sa company na target namin for OJT. Actually, si Gigi yung nagrecommend nung company. Sa Rosario kasi, malapit sa kanila. 

 

From what I've heard, ayos din since madaming projects na hinahandle yung company. Mukhang maeenjoy namin ang OJT. 

 

"Winter." Agaw pansin na naman si Kat na inapproach si Winter na nagreready ng ipapaprint namin na mga resume sa laptop niya. 

 

"Yes po?" 

 

Hala ka ang lambing naman ng sagot ni Win! Nagkatinginan kami ni Gigi na parehong kinilig sa tono ni Winter.

 

Yung dapat na kinikilig, nakacross pa ang arms habang nakatayo sa tabi ni Win.

 

"Bilang nililigawan mo, inuutusan kitang tumigil dyan at icuddle ako."

 

Katarinaaaa bakit ka ba ganiyan? Hindi ko na din madefend ang kaclingy-han ng kaibigan ko.

 

Tumingin si Winter sa amin ni Giselle, "Pwede bang paexplain kay Rina na magkaiba ang nanliligaw sa nagapply bilang utusan?"

 

Natawa nalang kami. Ewan ko din ba dito kay Kat! 

 

Nagpunta na si Gigi sa c.r. at naligo na. Ready na kaming tatlo nina Kat at Win kanina pa. Nakaupo lang ako sa harap ng study table, si Karina naman, nasa couch. Successful niyang nahila si Winter para nga i-cuddle siya. 

 

Goodluck nalang sa mga mata ko. 

 

Tahimik naman sila dahil busy si Kat sa phone niya habang nakahiga sa chest ni Winter na nakikitingin lang sa ginagawa niya. Cute nila though. Sana all nalang talaga.

 

Ako na ang nagbantay sa printer namin dahil hindi nga mapigilan si Karina na gusto ng cuddle. Keaga aga, landi ang inaatupag. 

 

"Wiin!" Napatingin ako sa kanila ulit sa couch, ay gagi! 

 

Nahulog si Kat sa couch!

 

Napalakas yung tawa ko HAHAHAHAHA

 

"Ang likot mo kasi eh." Sabi ni Winter at tinulungan si Karina na tumayo. Hindi pa din ako makatigil sa pagtawa huhuhuhu kahit si Winter natatawa na din.

 

"Happy kayo?" Inis na tanong ni Kat at bumalik sa pwesto niya kanina, may pa-sob effect pa while hugging Winter. Sus! Arte talaga nito.

 

"Rina--- ang bigat mo." Winter tried to push Karina a bit. Eh kasi naman, nakapatong na siya kay Winter. Para siguro hindi na mahulog HAHAHAHAHA

 

"'Di ka naman nagrereklamo kapag nasa kama ko tayo." Pagmumukmok ni Kat at sinisiksik yung mukha niya sa leeg ni Winter.

 

"Umayos ka man lang ng higa para mayakap kita?"

 

Ngiting wagi na naman si Karina!

 

"Guys, may tao pa dito baka nakakalimutan niyo." Pagrereklamo ko, saktong lumabas naman si Gigi galng sa c.r., may towel pa sa ulo niya nang lumapit sa akin at tiningnan yung dalawa sa couch. 

 

"Tara sa alfamart, bili tayong protection nila." Sabi niya sakin habang nakangisi. 

 

"Gigi!" Sabay-sabay naming sigaw. Tawa naman si Giselle.

 

---

 

Sa company. Wala pang isang oras ang commute namin, may sakayan din naman papunta sa main office nila. 

 

Sa mismong batching plant kung saan dun hinahalo yung mga nakamixer na concrete at dinedeliver sa mga project sites, andun din yung main office kaya ito kami ngayon, nagsisightseeing sa mga graba at buhangin. 

 

"Naku, edi lalo nang nagbalot ng katawan si Win dito." Pang-aasar ni Karina nang makapasok kami sa gate ng plant, kitang kita kasi namin yung alikabok from mountains of sand and gravel sa may dulo ng perimeter. 

 

Tumawa naman kami ni Gigi at inakbayan niya si Winter. Nauunang maglakad si Kat.

 

"Bili ka nung sleeves na gamit ng mga motor rider." Suggest ni Gigi habang nage-enact pa nung pagsusuot ng sleeves. Oo nga naman, mukhang mabibilad kasi talaga kami sa araw. 

 

"Okay na po?" Tanong ni Karina sa HR. Nakatayo kaming apat sa counter after iabot ni Kat yung mga resume namin. Since class rep siya, may pagkaleader talaga si Karina sa ga gantong occasion.

 

Tumango si Miss Jisoo. 

 

"Yes. Naendorse na din naman kayo ng department nyo sa amin. Actually meron kaming mga engineers na alumni sa school niyo."

 

Oooh. Nagendorse na pala ang ACES? Wow naman, may connections pala.

 

"Ah talaga po?" Magalang na nakikipagusap si Kat habang kami, nakikinig lang. Minsan, nakikisali si Gigi.

 

"Yes. Sina Engineer Sooyoung at Taeyeon. Baka sila ang maghandle sa inyo."

 

"Oh, thank you po!"

 

Pinanood namin na ilagay niya yung mga resume namin sa loob ng envelope na kinuha niya sa desk niya.

 

"Sa 22 na ang start niyo ha? May nakausap na akong isa na galing sa school niyo, sampu kasi kayo. Sabi ko ay gumawa ng GC." 

 

Wow talaga! Mukhang may makakasama kaming schoolmate ah. 

 

"Ano pong name niya?" Tanong ni Karina ulit, sumilip sa mga papeles na binuklat ni Miss Jisoo.

 

"Ito teka." Kumuha siya ng isa sa mga resume na nandun at inilagay sa harap namin.

 

Tumingin sakin si Giselle, napalunok naman ako.

 

Resume ni Yeji..

 

Nakita kaagad na nagbago yung mood ni Kat like the usual. Huhu promise, hindi ko alam na dito din si Yej!

 

"Ning, sabihan mo nga si Yeji na i-add tayo sa gc kung meron na." Oblivious na sabi ni Winter. Hindi yata napansin na ayaw ni Kat sa idea na kasama na naman namin si Yej. 

 

Okay lang naman sa akin, since kaclose ko si Yeji. Ayoko lang din talaga na hindi comfortable ang kaibigan ko. 

 

"Okayy.. Tuloy ba tayo mamaya?" Pag-iiba ko ng topic kasi ang tahimik na ni Kat sa tabi ni Gigi. 

 

"Oo dapat! Gusto kong magchill before sumabak." G na g na naman si Gi! 

 

"Gusto mo lang uminom, Gigi." Nakangiting sabi ni Winter at pumara na ng jeep.

 

"Hindi ko naman tinatanggi?"

 

May plano kasi kaming magparty later. Parang pajama party na din! Since magsisimula na naman ang new acad year, naisip namin na magwalwal muna before everything starts to stress us. 

 

"Bili tayo ng pagkain at inumin bago umuwi." Sambit ni Kat. Mukhang nadistract na yung pagkainis niya. Buti naman hehehehe

 

"Okay!"

 

"Iinom ka ulit Win?" Tanong ko, umiling siya agad. 

 

"No. Makikikain lang." 

 

"Weak namaaan!"

 

"Huwag niyo nga pilitin!" Biglang singit ni Kat, kahit hindi sila magkatabi, all-ears pa din siya kapag about kay Winter ang topic.

 

"Bakit, Kat? 'Di ka ba nagenjoy nung last time na nalasing sya?" Asar ni Gigi sabay halakhak.

 

Nagtawanan kaming tatlo, napairap lang si Karina.

 

---

 

"Ba't ganiyan mukha mo? Kay Yeji ba?" Tanong ko agad kay Kat pagpasok ko sa kwarto namin ni Win. 

 

Nagcecellphone lang naman siya sa sahig. Nakaset-up na yung table na puro snacks at may mga cards at uno cards na din na nakaready. 

 

"Wag mo nga paalala yun, mas nai-stress ako." Himutok niya at humiga sa sahig. May latag naman kami! So okay lang. 

 

"Bakit nga? Magpaparty tayo tapos nakasimangot ka." Ibinaba ko na yung dala kong mga baso sa maliit na center table namin bago ko siya tinabihan.

 

"Eh kasi, pinipilit ako ni Seulgi na magpresident sa Hataw." Sabi niya habang pinapakita yung conversation nila ni ate Seulgi sa messenger. 

 

Mukhang siya nga ang napiling prodigy ni ate Seulgi.

 

"Ano yan?" Tanong agad ni Gigi nang makapasok sila sa kwarto ni Win. Dala ni Winter yung niluto niyang popcorn na nakabowl pa. Dala ni Giselle yung tinimpla niyang juice.. na may halo hihi.

 

"You're looking at the new president ng Hataw org!" Excited kong sabi at nagruffle effect kay Karina gamit ang mga kamay ko.

 

"Ning! Kinakabahan nga ako eh." Karina pouted at tumabi na din sa amin sina Gigi at Win. 

 

"Kayang kaya mo yan. Tingnan mo si Ning.. Leader ng Walwal. Eh never ko pang narinig magdasal yan sa kwarto." Napatingin ako kay Winter na cinocomfort si Kat, sinusuklay pa yung buhok ni Karina na nakahiga pa din sa sahig.

 

Nananahimik ako dito!

 

"Hoy, Win! Nagdadasal kaya ako sa isip!" I rolled my eyes, tumawa lang sila.

 

"Kaya mo yun Kat! Ikaw pa ba?" Bawi ko pa din. Kapag kasi naging org leader din siya, may makakasama na ako sa meeting ng leaders hihi

 

"Uy Gigi, nilock mo ba pinto sa baba?" Tanong ni Karina nang bumangon sa pagkakahiga niya. Tumingin kaming tatlo kay Giselle na naglalagay na ng juice sa mga baso. 

 

"Ay! Shet wait."

 

---

 

"Nga pala Kat, member niyo pala si Jeno?" Pagbubukas ni Gigi ng topic. Kakatapos lang namin maglucky 9, talo ako! 

 

Surprisingly, magaling sina Gigi at Kat sa baraha. Pero kapag UNO, si Winter lagi ang nauunang manalo.

 

"Jeno?" Mukhang inaalala pa niya kung sino, nakisali na ako.

 

"Yung classmate ko." Sabi ko sabay sip sa glass ko. Parang nagkalightbulb moment naman siya.

 

“Ahh, yung maputi?" Yes! Ewan ko ba kung bakit hindi makatanda si Karina kapag lalaki. Gay things siguro.

 

“Oo, yung may crush sayo.” Nagulat ako sa sinabi ni Win, talaga ba? May crush pala si Jeno kay Kat?

 

Tinapik ako ni Gigi at tingin niya palang, alam ko na. Huhuhuhu chika!

 

“Anong crush! Walang crush sakin yun.” Tanggi pa ni Karina, mukhang offended pa siya.

 

Iniisip ko if yun ba yung reason kung bakit nakanametag pa siya nung pumunta sina Mark sa bahay last sem.

 

“Tinanong ako kung single ka eh.” Tuloy pa ni Winter na nakangiti lang pero nakatitig sa cards na nilalaro niya.

 

Napahawak pa sa dibdib si drama queen Karina at binigyan ng judging look si Winter na hindi naman nakatingin sa kaniya. “Gusto mo bang maging crush niya ko?”

 

“Ayoko.”

 

“Okay good.”

 

Nakakatuwa lang kasi parang noon, everytime na maririnig ko yung word na “ayoko” mula sa kanilang dalawa, laging pasigaw.

 

Grabe talaga! Nakasurvive ako sa walang sawa nilang tampuhan after many years!

 

“Ikaw Gi? Tutuloy mo ba yung balak mo?” Tanong ni Winter, nagbukas ulit ng isang coke sakto. Kanina pa yan, puro yung mga softdrinks ang tinitira.

 

Takot na sigurong malasing!

 

“Anong balak?”

 

“Magc-class rep daw siya.” Lawak ng ngiti ni Giselle na proud sa plano niya.

 

Woww!! 3/4 student leaders oh!

 

Lumipat yung tingin namin kay Winter, siya nalang walang ganap eh.

 

“Ikaw Win? Sali ka sa Knightjar.”

 

Knightjar, org ng mga matatalino, mahilig gumawa ng reviewers. May mga pa-gmeet pa nga sila para magturo ng statics or other CE courses. One time lang ako umattend, nung sa quantity surveying last sem. Dapat daw kasi, makisupport kaming mga taga-ibang org.

 

Sa pagkakaalam ko nga, halos every semester nakakatanggap si Winter ng invitation na sumali sa Knightjar. Palagi lang niyang dinedecline.

 

“Ayoko. Ako na nga leader sa thesis natin eh.” Ay! Oo nga pala.

 

“Ohhh! Cheers naman dyan!” Sabi ko sabay raise ng baso ko. Syempre! G na talaga sa thesis ‘to.

 

“Sure na ba daw? Pwedeng tayong apat na?” Pagconfirm pa ni Gigi. Tango naman kaming tatlo nina Win at Kat. Wala nga pala si Giselle kanina nung napagusapan namin.

 

“Yes. Apat per group daw.” Sagot ni Kat after ibottoms up yung glass niya. Nakakailan na ‘to ah.

 

“Yayy! Bubuhatin kami ni Winter!” Hehehe yay talaga! Kumuha pa ako ng refill at nilagyan yung mga baso namin ni Karina, si Gigi kasi, ayaw na.

 

“Baliw, ikaw nga struct sa atin, gg ka sa compu.” Napafrown naman ako sa sinabi ni Win. Balita ko nga, since chapters 1 to 3 lang muna for this semester, more on structural analysis daw.. huhu

 

“Huy tulong tulong dapat!” I pouted, niyakap naman ako ni Karina at Giselle. Tinawanan lang kami ni Winter.

 

“Hahahahaha syempre naman!” Pagbawi ni Winter at nakisali sa yakap samin. Bigla namang humiwalay si Kat para siya yung sumalo sa hug ni Winter.

 

Talaga naman!

 

Napailing nalang ako at si Gigi nalang ang hinug. Mula nung senior high, ilang beses na din kaming naging magkakagrupo kaya alam na namin kung paano gumalaw as a group. Parang.. may system na kami. Sana lang talaga, hindi h

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣