Sinderela

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

A/N: Italicized paragraphs on the later part of this chapter are glimpses from Winter and Karina's memories. P.S. Listen to Sinderela too once you reach that part :)

 

GISELLE'S

 

Cute ang kwarto ni Kat, simple lang pero halatang sa kaniya. Tipong Katarina-vibes ba. Tahimik kaming nagpapaikot ni Ning ng bote ng royal sa wooden na sahig ng kwarto ni Karina. Bumaba kasi si Karina para kumuha ng juice at snacks pa namin. Ubos na kasi agad yung dala ni Ning galing boarding house. 

 

"Gigi.." Mahinang tawag ni Ning, tiningnan ko siya. Parang takot na takot habang nakatingin sa bintana ng kwarto, closed naman yung kurtina..

 

"Huy, bakit?" Medyo natakot din naman ako nung may kumalampag sa bintana. 

 

ASWANG??

 

Tumayo ako at kinuha ko agad yung payong ko, ready na if bigla kaming pasukin dito. Takot na takot naman si Ning sa likod ko-- na may hawak na pen. As if may maitutulong yun amp.

 

Nakaangat na yung arm ko para ihampas sa kung ano mang magtatangkang pumasok sa bintana nang biglang dumating si Kat.

 

"Wait! 'Wag!" Sa may sahig niya pa naibaba yung tray na dala niya sa pagmamadaling palayuin kami sa may bintana. 

 

Karina opened the curtains at binuksan yung bintana niya, revealing a familiar face na malaki ang ngiti. 

 

WINTER?

 

"Win?!"

 

Si Winter na tawang tawa sa itsura namin ni Ning ay pumasok mula sa bintana sa tulong ni Kat. 

 

Sumilip agad ako sa window. Gagi, katapat lang pala kasi yung kwarto ni Winter. 

 

Sheesh. Ilang beses na kaya nilang ginawa to?

 

"Shh. Kakatulog lang nina mama." Sabi ni Winter na natatawa pa din. 

 

Napaupo na din ulit sa cushion sa Ning, bumalik si Karina sa pagaasikaso nung mga chips at juice namin.

 

"Hala, bakit ka pa nandito?" Takang tanong ni Ningning, umupo na si Winter sa tabi namin sa sahig, may mat naman.

 

"Ayaw mo?" Nakagrin na tanong pabalik ni Win. Mukhang nasa mood siya ah.

 

"Bakit 'di ka nalang kasi sumama kanina?" Ako na ang nagtanong with matching taas ng kilay para hindi siya sumagot nang pabalang. 

 

Umupo na din si Kat sa tabi ni Winter after dalhin yung maliit na table na pinagpatungan niya ng snacks sa tabi ni Ning. 

 

"Magtatampo nanay ko kasi kakarating ko lang sa bahay tapos overnight agad sa kapitbahay ang gagawin ko."

 

Ahhh.. Sabagay.

 

"Ano, kamusta?" Tanong niya habang nakatingin sa katabi niyang mukhang tuwang tuwa na naman at nandito siya. 

 

"Naglalaro lang kami ng truth or dare. Tara?" Yaya ni Karina, umiling naman agad si Win

 

"Inaantok na ako eh." Aba't!

 

"Edi bumalik ka na dun sa kwarto mo!" Sabi ko sabay turo sa bintana. Pupunta dito tapos tutulugan lang kami??

 

"Shut up ka nga Gigi, yaan nyo sya. Magnap ka nalang Winter." Saway ni Karina, ang caring naman nito bigla! 

 

Hinayaan na nga namin. Kinuha ni Kat yung kumot niya sa kama tapos nilatag sa sahig katabi niya dahil dun gusto humiga ni Win, gagawing unan ang lap ni Karina who's sitting with legs crossed.

 

Hindi pa din naman natulog si Winter agad. Nakikinig pa nga siya nung una.

 

Kay Ning tumapat yung bote ng royal ngayong second round. Napapalakpak naman siya, excited kasi kanina pang kami ni Kat yung natatapatan. 

 

Mabuti naman! Pagod na ako kakadare. Charot.

 

"Okay, Ning. Truth or dare?" Tanong ko while slightly facing her. Nagningning naman yung mga mata niya na parang naghihintay ng regalo sa pasko. 

 

Ang cute. 

 

Ha?

 

Ano ba!

 

"Truth!" Mabilis niyang sagot, mabilis din namang nagtanong si Karina.

 

"Sinong crush mo ngayon?"

 

"Hala, bakit naman crush?" Nagpout pa siya. 

 

Si Ningning kasi, madaming crush yan. Kaya hindi na kami nagtatanong dahil alam namin na isheshare niya agad kapag may bago siyang crush.  Kaya lang these days, hindi siya nagkukwento.

 

Tumingin siya sakin. "Dare nalang pala hehehe"

 

"Wowww ayaw sagutin. Grabe ganiyan ka na Ning." Pangaasar ni Karina, kahit ako napatawa din na may konting kirot ng tampo. Bakit ayaw magsabi nitong si Ning?

 

"Basta kabatch natin!" Ningning crossed her arms. Ginaya namin siya ni Kat.

 

"Ayaw magname drop?" Follow up ko, narinig kong tumawa si Win.

 

"Baka ikaw yan Gigi." Biglang singit niya. Nagkatinginan tuloy kami ni Ning bago tumawa nang malakas. 

 

"Okay next." Si Ning na ang nagspin ng bottle, siya din naman yung huling taya. 

 

Ikot, ikot.

 

Karina ulit. 

 

Napairap siya habang sinusuklay yung buhok ni Winter na nakapikit na. Hindi pa kami nakakapagtanong, nakapagsalita na agad ang impatient na si Katarina.

 

"Truth."

 

"Ang hina mo naman, Rina." Nagyawn pa si Winter. Karina glared down at her kahit nakapikit naman si Win at hindi siya nakikita. 

 

"Ingay mo Winter. Kasali ka ba ha?" Sabi ni Kat sabay takip sa bibig ni Winter gamit yung kamay niya.

 

Pfft. Tawang tawa tuloy kami! Nakakatuwa din talaga na hindi naman nagbago yung dynamics nila ever since.. you know, nagstart yung real landian. 

 

Bumalik din yung tingin samin ni Kat nung magsawa siya sa bestfriend niya. 

 

"Truth ngaa."

 

"Wait lang kasi, nagiisip pa eh!"

 

---

 

"Kung hindi nalasing si Winter, kayo na ba ni ate Seulgi ngayon?"

 

"Ang pangit naman ng tanong mo." Reklamo ni Karina at tumingin kay Winter na nakapikit lang. 

 

Parang nakatulog na ata agad. Sabagay, ang tagal kasi naming mag-isip ng tanong. Nakatapos yata kami ng isang vlog sa youtube bago maisip ni Ning yang tanong. 

 

"Ano ngaa?" Ako naman ang nangulit ngayon. Siya 'tong g na g sa truth kanina!

 

"Hindi." Tipid niyang sagot. 

 

BWISET. 

 

Hindi naman nagpaawat si Ning at nagtanong pa nga. "Weh? Hinaharot mo kaya yun." True po, witness siya.

 

Balita ko pa nga, nagkikita din sila sa canteen. Nandun kasi sa gilid ng main entrance ng canteen yung executive lounge kung saan tumatambay ang mga members ng student council at officers sa kada department. 

 

"Hindi nga." Tanggi niya pa. Suss, tama ka na Kat!

 

"Bakit?" Ako na ang nagtanong, bakit ba tinatanggi niya?

 

Her eyebrows knitted na parang ayaw niya talagang sabihin. Sorry Karina, kami ang kaibigan mo hehehehe, 

 

"Bakit may follow up question?" Nakafrown niyang tanong bago kunin yung bottle at inikot na kaya wala na din kaming choice kundi magmove on. 

 

Hmp.

 

Napangiti naman kaming dalawa ni Ning nang kay Karina ulit tumapat. Kakampi talaga namin ang tadhana!!

 

Nanlaki naman yung mata ni Kat, "Dare!" Sabi niya agad. 

 

"Okay, I dare you na sagutin ang tanong ko!" HAHAHAHAHA ang bilis naman mag-isip ni Ningning basta kakalap ng chismis!

 

"Luh, ano ba yan!" Umirap si Karina at bumalik sa pagsuklay ng buhok ng manliligaw niyang ang himbig ng tulog kahit sobrang ingay namin. 

 

"So bakit nga hindi?" Tanong ko ulit. She sighed at tumitig kay Winter. Napatingin din tuloy ako sa maamong mukha ng kaibigan namin. 

 

Sure naman ako na si Winter ang dahilan, pero hindi ko gets kung bakit hindi pala talaga sila 'thing' ni ate Seulgi noon? May date date pa nga sila eh. 

 

"Magkaibigan lang kami." Mahina niyang simula. "It was never going to happen kasi siya yung nakawitness sa first time kong binalak umamin kay Winter. She understood nga agad na hindi ako makamove on dito eh." 

 

Now that I think about it.. Hindi ko nga alam kung kelan ba nagstart man lang yung dalawang 'to nina Win at Kat. Parang they've always been like that naman since I've known them. 

 

"Aww.." Si Ning.. Nagniningning na naman ang mga mata, natouch yata. 

 

I leaned forward and gently patted Kat's shoulder. 

 

"Next time Kat, sabi ka din sa amin. Okay? Hindi naman kami judger. Naghihintay lang din kami na magopen up kayo. Halatang halata naman kasi kayo ni Win eh." 

 

Napatawa naman siya sa sinabi ko, but she held my hand din at kinuha yung kay Ningning. Hindi na kasi kami makapaggrouphug dahil tulog pa si Win sa lap niya. 

 

Sana okay lang yung legs niya mamaya. 

 

THIRD PERSON's

 

Tumingin si Karina sa wall clock sa tapat ng kama niya, 3:34 A.M. at ibinalik ang tingin sa bestfriend niya na tulog na tulog pa din. Silang dalawa lang ang nasa kwarto dahil bumaba muna sina Ningning at Giselle para magtoothbrush at maghilamos. 

 

Dapat niya nang gisingin si Winter. Nag-aalala din siya na baka hanapin ito ng pamilya niya mamaya. Isa pa.. Tingin niya, kailangan niya nang tumayo at mag-inat. Tatlong oras na din siyang nasa ganitong pwesto. 

 

"Winter.." She lightly poked her cheek. Walang sagot.

 

"Wake up. Magaalas kwatro na." Panakot niya, naalimpungatan din naman si Winter. 

 

Siguro, sanay na si Winter sa ingay ng mga kaibigan niya kaya mahimbing ang tulog niya. Pero ang totoo, mabilis naman talaga siyang magising kung gigisingin. 

 

"Hmm.." Napangiti si Karina at pinisil ang right cheek ng bestfriend niya. Bigla namang kinuha ni Winter ang kamay niya at ipinantakip sa mga mata. 

 

"Win." Karina couldn't help giggling, parang bata si Winter. "Dali na. Balik ka na sa room mo."

 

Mga ilang segundo pa bago binuksan ni Winter ang mga mata niya at umupo sa tabi ni Karina.

 

"Matagal ba akong tulog?"

 

"3 hours.." Nakangiting sagot niya kay Winter na nagkukusot pa ng mata, kinuha niya naman agad ang mga wrists nito para patigilin.

 

"Wag mong masyadong kamutin." May pag-aalala niyang sabi, napangiti tuloy si Winter sa tono niya.

 

"Ang tagal niyo namang naglaro." Nakapout pa si Winter at naglean sa balikat ni Karina. 

 

"Nanood kami ng movies sa Disney." 

 

"Ah.." Habang inoobserbahan kung ano bang nagbago sa kwarto ni Karina mula kanina bago siya makatulog, napatingin si Winter sa namumulang hita ng bestfriend niya.

 

Nagulat si Karina nung biglang hinawakan ni Winter ang left thigh niya-- hindi niya masyadong ramdam pero malamig kasi ang kamay ni Winter. Alam naman niya kung bakit nagkaganun, dahil sa pagkakahiga ng ulo ni Win kanina. Nakashorts lang kasi siya, kitang kita tuloy sa maputi niyang hita.

 

"Okay ka lang? Sorry.. Dapat pinalipat mo ko sa kama." Si Winter, nakatitig sa mga mata niya habang mahinang pinapat ang manhid na hita niya. 

 

"Okay.. lang.." Napalunok si Karina, nawala yata sa focus.

 

Hindi sigurado kung dahil sa mga mata ni Winter o sa kamay nito.

 

Winter stood up at inalalayan si Karina. "Upo ka nga dito." Malumanay niyang sabi at pinaupo si Katarina sa dulo ng kama.

 

Hindi din nagtagal ay naramdaman ulit ni Karina yung kamay ni Winter. Hindi nga lang isa, dalawa na ngayon na paunti-unting pinipisil ang magkabilang legs niyang namamanhid na nga talaga.

 

Namula agad si Karina nang makita niyang lumuhod si Winter sa gitna ng legs niya. Kinabahan-- baka pumasok bigla sina Gigi at Ning?

 

"Oh my god-" 

 

Massage..

 

Ah, massage lang pala.

 

Napahigpit ang grip ni Karina sa bedsheet niya dahil.. masarap palang magmasahe si Winter. Teeth sunk down her bottom lip, pinigilan niya nang magsalita, baka kung anong tunog pa ang magawa niya. 

 

"Better?"

 

"Opo."

 

"Okay. Good."

 

Akala niya, tapos na. Kasi nakahinga na siya nang maluwag pero bigla namang inispread ni Winter yung legs niya at hinalikan yung parte ng thigh ni Karina na inupuan niya kanina. 

 

Her heart skipped a beat habang pinapanood ang ginawa ng bestfriend niya. Mukhang maayos na nga ang pakiramdam niya dahil parang dumaloy ang kuryente sa buo niyang katawan mula sa nilapatan ng mga labi ni Winter. 

 

Bumalik na naman yung higpit ng hawak ni Karina sa bedsheet. Mababaliw na siya kay Winter. 

 

Ngumiti sa kaniya ang bestfriend niya at tumayo na. Leaving her breathless sa kama niya. 

 

"Thanks ulit, Rina. Sorry, nagnap lang ako.." Sabi ni Winter at kumuha pa ng isang piraso ng chips delight sa bowl. 

 

"O-okay lang." Agad na kinuha ni Karina yung phone niya para matakpan ang mukha nyang sobrang nagbblush. Hindi na din muna siya tumayo. 

 

For the first time, gusto niya nang bumalik dito sina Gigi at Ning para lang hindi siya alone with Winter. Kung ano-ano kasing pumapasok sa isip niy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣