Kailan?

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

THIRD PERSON's

 

Days passed by too quick. Parang dumaan lang sa harap nila ang kalendaryo.

 

Kasalukuyang nagluluto sina Winter at Karina sa kusina habang nakikinig sa jazz versions ng classic christmas songs. First anniversary nila mamayang gabiㅡkasabay ng celebration ng bagong taon.. at birthday ni Winter.

 

"Win, okay na ba 'to?" Karina steps closer to Winter, hawak ang isang spoon ng sabaw ng niluluto niyang tinola.

 

Gustuhin man nilang imbitahan ang dalawa nilang kaibigan, hindi pwede dahil nasa kani-kanilang mga pamilya at nagcecelebrate ng year-end.

 

"Pwede ka nang maging chef, Rina." Pangbobola na naman ni Winter pagkatikim ng sabaw. Inirapan siya ni Karina bago bumalik sa pagluluto.

 

Winter's currently cutting the roasted chicken that she prepared. Bibigyan niya ang parents ni Katarina. Nandun na din ang ate ni Karina na si Tiffany kaya nang magpaalam silang sa bahay ni Winter si Karina for the whole new year night, pumayag na.

 

"Bigay mo na yung half niyan. Gusto ni mommy yung wing part eh." Sabi ni Karina matapos silipin ang ginagawa ni Winter.

 

Winter nodded, naghugas na ng kamay sa sink. She kisses her girlfriend's cheek at nagpaalam, "I'll be quick."

 

Dala ang plato ng roasted chicken na niluto niya, Winter stepped out of her house. Sinalubong na naman ng malamig na hangin ng gabi. May paisa-isang ingay ng paputok sa malayo, pati sa langit. Nagtaka pa nga si Winter dahil wala namang mga bata sa street nila pero nakakarinig siya ng ingay ng torotot.

 

She heard the loud noise ng patugtog ng ate ni Karina. Puro kantang pangpasko ng ABS-CBN in the past years.

 

"Good evening po." Kumatok pa si Winter sa nakabukas na pinto at nakangiting pumasok sa maliwanag na living room ng kapitbahay niya.

 

"Oh, hipag ko!" Si Tiffany ang nagwelcome sa kaniya. Winter immediately blushed at the nickname.

 

Inaasar na agad siya ni Tiffany kahit hindi pa siya nagsisimula.

 

Nakapagsabi na si Winter nung pasko sa tatay ni Katarina.. na may ipagpapaalam siya. She specifically told him that she'll formally ask on the evening of December 31st. Sakto din naman na umuwi si Tiffany.

 

Ito na yun.

 

Ngayon na yun.

 

"Ano, papakasalan mo na si Kat?" Si Tiffany ang bumasag sa katahimikan.

 

Pagdating ni Winter, niyaya na agad ng tatay ang asawa niya sa living room para dun sila makapagusap. Pansamantala ding hininaan ang patugtog ng boses ni Sarah Geronimo at mga kasamang judges ng The Voice sa speaker para magkaintindihan sila.

 

"Haha.." Winter chuckles nervously, marahang kinakamot ang tuhod gamit ang mga daliring 'di mapakali sa titig ng tatlong kausap niya.  "Hindi naman po agad, gusto ko lang pong magpaalam.. One of these days, I'll ask for her hand."

 

Napahawak sa dibdib ang mommy ni Karina, naiiyak na. "Handa na ba ang anak ko..?"

 

Napalunok si Winter. Naisip niya na yun.. kung handa na ba si Karina? She hinted that she wants to marry Katarina bago siya umalis months ago.

 

Winter took that as an affirmation na payag si Karina na makasal sa kaniya in the future.

 

"No rush naman po.. I just want to give the ring to her and ask her to be my fiancee."

 

"Ahh. Gusto mo lang bakuran." Natatawang sabi ng tito niya habang nakatitig sa singsing na pinakita niya.

 

Namula na naman si Winter, pero lumunok nalang siya at minabuting lakasan ang loob. Yun din naman ang rason kung bakit siya nandito.

 

"Opo, gusto ko po yan." Mukhang nagulat pa ang naghahagikhikan na pamilya ni Karina sa sagot niya. Napangiti nalang ang tito niya.

 

Tapos na sa paghawak sa dibdib at pagbuntong hininga, lumapit nang kaunti ang mommy ni Karina kay Winter. "Nakakatuwa ka talaga, Winter."

 

"Po?" Sa isip pa ni Winter, nakakatuwa ba ang pagbabakod?

 

Tinawanan tuloy siya ng ate ni Karina. "Bagay na bagay kayo ni Katarina."

 

Yan, gusto niyang naririnig yan. Winter smiles.

 

"T-thank you po."

 

Narinig nilang tumikhim ang tatay nina Karina. Bumalik ang kaba ni Winter. "Ako.. payag ako, basta siguraduhin mong hindi ka maghahanap ng iba sa Japan."

 

Mabilis siyang umiling kaya tinanguan na siya ng tito niya.

 

"Winter, anak.. Dadalhin mo ba sa Japan si Katarina?" Parang nakikita na ni Winter kung kanino nagmana ang girlfriend niya... sa mommy pala na parang naiiyak na naman ngayon habang tinatanong siya.

 

Umiling ulit si Winter. "Gagawan ko po ng paraan na dito na po ako bumalik at tumira ulit." She said proudly, matapos ang boards, nagkaroon na talaga siya ng lakas ng loob.

 

"Sigurado ka?" Titig pa si Tiffany kay Winter.

 

"Opo." Tumango siya.

 

"Sigurado ka na si Katarina na talaga?" Tanong pa ulit. Winter nodded again.

 

"Opo naman." Sagot niya, walang pagaalinlangan.

 

Nakatanggap na ng ngiti si Winter mula sa kapitbahay niyang madalas niyang iwasan dahil malakas mang-asar at minsan ay nakakatakot tumingin. Alam niya namang gusto lang protektahan si Karina kaya siya tinatakot.

 

Winter understands, pareho naman sila eh.

 

Gusto niya ding protektahan ang girlfriend niya.

 

"Kasi kami.. nakikita namin na gusto ka talaga ni Kat." Sabi pa ni Tiffany kaya tumango na ulit si Winter. Ibinigay na sa kaniya pabalik ang singsing kaya itinago niya na ulit yun sa loob ng wallet niya.

 

"Mahal na mahal ko po si Katarina." Winter said, wala pa ring pagaalinlangan.

 

Kaso kahit nakapoker face siya o nakangiti, nakakahanap pa din talaga ng paraan ang ate ni Karina para maasar siya at mapatawa ang mga magulang.

 

"Recorded yan." Mahinang tinulak ng tita ni Winter ang anak sa pang-aasar.

 

"Sige na, salamat Winter." Mrs. Yu patted Winter's arm, nakahinga na siya nang maluwag. "Nasaan ba si Katarina?" Tanong pa nito.

 

Winter cleared , tumayo na din.

 

"Nagluluto pa po." She excused herself para makalabas sa couch set. Napapaligiran kasi siya.

 

"O sya, sabihin mo ay dumaan dito mamaya, papadalhan ko kayo ng dessert."

 

Winter gave them a smile, nodding. Nakatayo pa din siya dun, hinihintay ang sunod na mangyayari. Ano ba dapat? Aalis na siya talaga? First time niyang magpaalam nang ganito eh.

 

"Shoo na Winter. Baka hanapin ka na ng asawa mo." Ate na ni Karina ang nagtulak sa kaniya palabas.

 

---

 

"Ang tagal mo." Reklamo ni Karina na nakaupo na sa hapagkainan, nakita ni Winter na ready na lahat para sa dinner date nila. Siya na nga talaga ang kulang.

 

Magandang ngiti ang ibinalik ni Winter habang naglalakad palapit sa girlfriend niya. Before sitting, nilapitan niya muna si Karina. With a hand on Karina's back, Winter leaned down at hinalikan ang girlfriend niya.

 

"W-Win.. hmm." Katarina mumbles against the kiss. Napahawak siya sa braso ni Winter bago lumayo para tingnan ang nakangiting mukha ng girlfriend niyang biglang nanlalambing.

 

"Anong meron? Suspicious ka Winter." She squinted her eyes at Winter na tinawanan lang siya, umupo na din sa harap niya.

 

"Anniversary natin eh, bakit ba?" Natatawang sagot niya while taking her utensils. Nakita niyang pinapanood siya ng kaharap niya.

 

"Nambabae ka sa labas no?" Panghuhuliㅡat pang-aasar na din ni Karina sa kaniya. Ang sabi kasi ni Winter, sandali lang pero inabot ng halos kalahating oras.

 

Winter chuckled, ipinaglagay na ng kanin sa plato ang girlfriend niya.

 

"Sira. Wala namang tao sa labas."

 

"So kung meronㅡ"

 

"Ikaw lang ang mahal ko. OA mo na naman."

 

Ayan na naman ang signature grin ni Karina. Daig na naman ang nanalo sa 6/58.

 

"Anong sabi pala nina mommy?" Karina asks nang magsimula na silang kumain.

 

Gusto niya na talagang sumunod kanina dahil ang tagal nga pero baka kasi hindi sila paalisin kapag pumunta din siya dun. Sayang ang niluto niya para kay Winter.

 

"Pumunta ka daw mamaya. Kuhanin mo yung dessert." Sagot ni Winter, filling water in their glasses.

 

"Okay. Sasamahan mo ako?"

 

Napatigil si Winter at ibinaba ang baso sa lamesa. She gazed at her girlfriend, nag-iisip ng palusot para hindi na siya pabalikin sa kapitbahay.

 

Baka kasi maging awkward for her, mabuking pa ang plano niya.

 

"Maghuhugas pa ako ng pinagkainan natin eh." Sabi niya, tumaas tuloy ang kilay ni Karina na parang gulat na gulat.

 

"Wow, maghuhugas ka nang 'di kita inuutusan?" Asar na naman ni Katarina kaya napairap si Winter, lightly kicking her girlfriend's foot under the table.

 

"Aray! Guilty ka!" Inis si Karina, inapakan pabalik ang paa ni Winter na nakaiwas naman agad.

 

"Masipag naman ako. Nangunguna ka lang talagang mag-utos lagi." Winter said, defending herself.

 

Totoo naman. Mas madalas man na si Karina ang naghuhugas ng pinagkainan nila, Winter does it by herself kapag nauunahan niya ang girlfriend niya.

 

"Nyenye. Kumain ka na dyan." Pikon na sagot ni Katarina. Napangiti si Winter, hindi na nagsawa sa ganito nilang usapan.

 

"Ikaw kaya yung dumadaldal sakinㅡ"

 

"Kain sabi." Karina suddenly shoved a piece of pork meat mula sa sinigang sa bibig ni Winter.

 

Winter chewed on her food while glaring at her girlfriend na nakangisi na naman.

 

Kahit na palaging bardagulan, hindi pa rin siya magsasawa.

 

---

 

"Happy girlfriend day, babyy!"

 

Winter sat up mula sa pagkakahiga sa couch nang makita niyang pababa ng hagdan si Katarina.

 

"Ano na naman yan, Rina?" May hawak kasing kulay blue na card si Karina.

 

Nang makapaghugas ng plato si Winter, dumating na din si Karina dala ang buko salad na gawa ng mommy niya. Hindi naman nila kinain agad at mas gusto nilang medyo nagyeyelo pa so they stored it in the freezer.

 

"Love letter." May pa-giggle pa si Karina nang umupo sa pagitan ng legs ni Winter, back leaning on her habang winagayway ang hawak niya sa mukha ng girlfriend.

 

"Patingin nga." Hininaan ni Winter ang TV na nakabukas kanina pa at kinuha yung love letter daw mula kay Karina.

 

And as she expected, may handwriting nga ng girlfriend niyang nakikisiksik sa upuan. Ang haba haba ng couch, dun pa gusto kay Winter.

 

"Anniversary/Birthday/NewYear coupon. 3 wishes to be granted by your one and only girlfriend.

 

Date of Expiration: January 2."

 

Winter wrapped an arm around Karina's waist, hinila pang muli ang girlfriend niya as if may mas ipagdidikit pa ang mga katawan nila. Naramdaman niya naman ang paghawak ni Karina sa bandang tuhod niya.

 

"Akala ko, love letter?" Tanong ni Winter habang pareho silang nakatingin sa hawak niyang coupon pala.

 

Nag-giggle na naman si Katarina na tuwang tuwa sa inihanda niya. "Love kita, lettering ko yan."

 

Bahagyang tinulak ni Winter si Karina, rolling her eyes. "Rina, pacorny ka na nang pacorny." She said, mabilis namang nagretrieve si Karina sa pwesto niya kanina sa gitna ng mga hita ni Winter.

 

"Grabe ka sakin, Win! Pinageffortan ko nga yan eh." Nagkunwari na namang nagtatampo si Katarina, may pacrossarms pa.

 

"Oo na." Natatawa man, Winter pulls her by the wrist, tinanggal ang pagkakacross ng mga braso ni Karina.

 

"I love you." Bulong ni Winter habang nakangiti sa girlfriend niya.

 

Irap ang binalik ni Karina, both hands landing on Winter's thighs. "Sinong sinasabihan mo?"

 

"I love you, Katarina." Paguulit ni Winter, tumingin na sa TV na kanina pang one sided ang serbisyo dahil si Katarina naman ang effective source of entertainment ni Winter.

 

"Good."

 

Upon Karina's response, pinatay na ni Winter ang TV at nagfocus nalang sa kasama niyang makulit. 

 

"Alam mo, ikaw.. lagi mo akong ginu'good' zone." Pinarinig pa ni Winter ang pagiging disappointed niya na na-sense naman agad ni Karina.

 

"Aww.. tampo ang baby ko?"

 

Nang-aasar pa si Karina habang binabago ang pwesto niya. Dun pa din naman nakaupo sa pagitan ng legs ni Winter, humarap lang siya patagilid para masulyapan ang girlfriend niya at maipatong ang mahaba niyang legs sa kahabaan ng couch.

 

Winter only glared at her. Unfair naman kasi lagi ngang good ang reply sa kaniya kahit nung video calls nila.

 

Karina grinned at her, lalong sumimangot si Winter.

 

"Mahal.." Winter felt Katarina's fingertips on her chin.

 

Karina's lips landed on her ear. Halos mabingi si Winterㅡna tanging boses nalang ni Karina ang naririnig niya despite the loudness of the approaching year-end event outside.

 

"Na mahal.." Bulong ni Karina sa may tenga niya, humalik naman sa jawline ni Winter.

 

Nagsimula nang mamula ang mga tenga ni Winter, na para bang humahabol ang init sa direksyon na pinupuntahan ng mga labi ni Katarina.

 

"...Kita, Winter." Pagtutuloy ni Karina, hinila ang seryosong mukha ni Winter para angkinin ang labi niya.

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣