Sinta

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

Sinta by Rob Deniel

 

THIRD PERSON's

 

Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Karina. Manhid ang katawan at ramdam ang bigat ng nakapatong sa kaniya. Balak niya sanang magtakip ng kumot sa mukha niya dahil sa liwanag pero hindi siya kaagad nakagalaw. 

 

Si Winter, tulog na tulog pa at nakahiga sa ibabaw niya. Balot na balot ng kumot ang mga katawan nilang magkayakap. Nakasiksik pa ang mukha ni Winter sa leeg niya. Ramdam na ramdam niya tuloy ang mainit na paghinga nito. 

 

Napakagat nalang sa labi si Karina at namula nang marealize ang lahat ng ginawa nila kagabi.

 

"Hmm.." Mabilis siyang pumikit nang maramdaman niyang gumalaw si Winter. Napalunok dahil may nadali si Winter sa bandang ibaba pero kailangan niyang magkunwaring tulog. 

 

Hindi niya pa kasi alam kung ano ang sasabihin at paano kakausapin si Winter pagkatapos ng.. nangyari. 

 

Nagising nga si Winter, nakangiti while getting up and leaning on her elbows para titigan si Karina. 

 

Alam niya naman, halatang halata na nagtutulog-tulugan si Katarina.

 

Winter straddled her and gave her a kiss on her jawline before finally getting up. Napangisi dahil naramdaman niyang gumalaw si Karina nang lumapat ang mga labi niya kanina. 

 

Inayos niya ang pagkakakumot kay Karina bago kinuha ang mga damit niyang nakakalat sa sahig at nagbihis. Tumingin ulit siya kay Karina na nakapikit pa din. 

 

"Hoy, Rina. Baba ka na. Maglilinis pa tayo." Natatawang sabi niya habang nakatitig kay Karina na pilit na pilit ang pagpikit.

 

Hindi na naghintay si Winter at umalis na para bumaba. 

 

Nang maiwan si Karina sa kwarto at nasiguro niyang wala na si Winter, agad siyang umupo-- at bumalik sa pagkakahiga dahil masakit ang likod niya. 

 

Nagtakip siya ng unan sa mukha-- hindi alam kung kikiligin o iiyak sa kahihiyan. Nagpapaligaw palang siya kay Winter, may ganitong ganap na. 

 

Mas matindi pa ang pakiramdam niya dito kumpara nung nalasing si Winter. 

 

Hindi naman kasi sila lasing kagabi. 

 

Three days silang magkakasama na silang dalawa lang. 

 

Dali-dali niyang ibinalot sa sarili ang kumot niya at ni-lock ang pinto ng kwarto. Napatingin siya sa upper bunk.

 

Naisip na tawagan si Giselle. Hindi niya kasi alam ang gagawin.

 

Missed call pa nung una pero sumagot naman nang tawagan ulit ni Karina ang kaibigan.

 

Voice call lang dapat, kaso biglang nagrequest ng video si Giselle. 

 

Mabilis siyang humiga ulit sa kama para kunwari ay kakagising lang niya. 

 

Nanlaki ang mga mata niya dahil may mapula sa leeg niya. Ay .. Dali-dali niya pang itinaas ang kumot hanggang mukha niya nalang ang kita. 

 

"Gigi." Mahina niyang sabi nang makita si Giselle na parang kakatapos lang maligo dahil may towel pa sa ulo. Tiningnan niya ang oras sa notification bar ng phone niya. 

 

Halos 10 A.M. na din pala. 

 

"Ano? Napatawag ka." Inilagay ni Giselle ang phone niya sa stand kaya medyo zoomed out ang nakikita ni Karina, nagpapatuyo kasi ng buhok si Giselle. 

 

Karina sighed at bumulong. "...I had my first." 

 

"Ha?" Napakuha si Giselle ng phone para pakinggan ang kaibigan niya. Ang hina nga naman kasi ng boses ni Karina.

 

"I-I had my first nga. First.. second, third hanggang seventh.." Inis niyang sabi, biting the tip of her index finger at tumingin sa kisame bago bumalik sa phone niya. 

 

"Hindi ko alam gagawin." Sabi niya pa kasi nakatingin lang sa kaniya si Giselle sa screen.

 

Kumunot ang noo ni Giselle. "Ha?! Wait nga, hindi ko gets Kat."

 

"Ulitin mo sa simula. Hindi ko narinig yung una." Sabi ni Giselle kaya napaclick nalang ng tongue si Karina. 

 

"W-wala! Bye na." Sagot niya at pinatay ang tawag. 

 

Mukhang siya na lang ang magfifigure out kung paano aakto sa harap ni Winter. 

 

---

 

Nang makababa si Karina, bagong ligo na si Winter at mukhang marami nang nagawa. Luto na din ang agahan nila. Nagluto lang ng silog si Winter na busy pang naghuhugas ng mga ginamit niya pangluto. 

 

Sumilip si Winter sa bestfriend niyang nakatungo at titig sa sahig, maayos na ang buhok at bihis na, may yakap na bedsheet at kumot. Nakasampay pa sa balikat ang towel habang dala-dala sa isang kamay ang mga gamit niya pangligo. 

 

Napangiti siya, parang baliw kasi si Karina. Dumaan lang sa likod niya at naglagay ng mga bedsheet sa may laundry area. 

 

"Good morning, Rina." Sabi ni Winter, parang nagulat naman si Karina sa bigla niyang pagsasalita kasi napaigtad pa nang lumiko papunta sa c.r.

 

"H-hi." Tipid na sagot ni Karina bago tumakbo papasok sa c.r.

 

Tumawa na lang si Winter at naghain na sa lamesa. 

 

---

 

Tahimik si Karina mula kanina. Yung 'hi' lang niya ang tanging salitang lumabas sa bibig nito simula nung magkita sila sa ground floor ng bahay. 

 

"May gagawin ka mamaya?" Biglang imik ni Winter nang makatapos siyang kumain. Uminom siya ng tubig at tumingin sa katapat niyang umiiwas at nakatitig lang sa pagkain niya. 

 

Umiling lang si Karina at patuloy na kumain. Hindi naman makita ni Winter ang mga mata niya dahil natatakpan ng bangs. 

 

"Nood tayo ng movie." For the first time that day, tumingin si Karina sa mga mata niya. 

 

"Talaga?" Naexcite yata dahil first time din ni Winter na magyayang manood.

 

"Syempre hindi." Ngumisi si Winter, napatingin tuloy si Karina sa labi niya. Winter noticed her blushing before avoiding her eyes again.

 

Big mistake, dapat pala sa mata nalang ni Winter siya tumingin dahil nakita niya lang din ang mapupulang marka sa leeg ni Winter, kagaya ng kaniya.. pero mas marami, apat yata?

 

Akala ni Winter, tatarayan siya pero mukhang mas nangingibabaw ang pag-iwas ni Karina sa kaniya. 

 

Naiintindihan niya naman. 

 

Kahit kasi siya, nahihiya din.

 

Pero kung pareho silang mahihiya, sinong magsasalita?

 

Chance na din ni Winter na bumawi kay Karina.

 

"Edi wag.." Nagpatalo si Karina, tumawa na talaga si Winter. 

 

Sa isip ni Karina, naiinis siya dahil pakiramdam niya ay pinagt-tripan siya ni Winter.

 

Totoo naman. 

 

---

 

Wala ngang ginawa si Karina maghapon. Naglunch sila, ganun pa din siya. May ilang beses na bigla siyang tatawagin ni Winter para lang makita ang reaksyon niyang napapatalon sa gulat, every single time.

 

"Katarina." Isa pa. Hindi na nagulat si Karina ngayon, glaring sa katabi niyang nagsawa na yata kakalaro ng valorant. "Fries tayo."

 

"Ayoko." Sagot niya at nagpakabusy sa phone niya. Inilapit ni Winter ang upuan niya kay Karina who stiffened agad. 

 

"Libre ko." Lumayo na si Winter, not wanting to make her feel more uncomfortable. 

 

Nahihiyang tumingin sa kaniya si Karina. "A-ayokong tumayo. Tinatamad ako."

 

Winter chuckled. Hahawakan niya sana ang kamay pero tinago ni Karina sa bulsa ng jacket niya. 

 

"Tara na nga!" Biglang sabi ni Katarina at nauna nang lumabas. Tumawa lang si Winter at sumunod na din.

 

---

 

"Kain ka, Rina."

 

"Kumakain kaya ako."

 

"Sinasabi ko lang."

 

"Need na natin magrevise ng powerpoint for title defense."

 

Nagulat si Karina kasi biglang acads ang topic nila. Umirap siya. "Oo nga."

 

"Ayaw mo pag-usapan..?"

 

"Ayaw ko ng acads."

 

"Anong gusto mong pag-usapan?"

 

Hindi niya mapigilang ngumiti, Winter understood what her smile meant. Siya naman ang nagb-blush ngayon.

 

"Defense na lang, Katarina." Pabiro niyang sabi at umiiwas na din ng tingin, napatawa na si Karina finally. 

 

---

 

 

Kinagabihan, wala din masyadong nangyari. Maghapon lang na nanood si Karina sa cellphone niya. Maghapon din na naglaro si Winter ng valorant. Hindi kagaya ng mga nakaraang araw, kumportable naman sila ngayon sa isa't isa. 

 

Patapos na din ang last game sana ni Winter nang tumayo na si Karina at hinugot na ang pagkakasaksak ng charger niya.

 

"Tutulog ka na?" Tanong ni Winter na hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop niya. Clutch moment na kasi para sa last round.

 

"Oo.." Naglakad na si Karina sa likod ni Winter at pinatay ang electric fan. Siya lang naman ang gumagamit nun.

 

Saglit na tumingin sa kaniya si Winter at nakitang inaayos ni Karina ng mga gamit sa lababo at lamesa. 

 

"Ang aga pa, Rina. Nagbabagong buhay ka na?" Karina glared at her kahit hindi naman siya nakatingin.

 

Buong araw lang siyang pinagdidiskitahan ni Winter pero pinagpapasensiyahan niya kasi aware siya na siya naman ng umiiwas. 

 

Hindi pa din talaga siya inaantok, gusto niya lang humiga. Ayaw din naman ni Winter na pag-usapan yung nangyari kagabi. At-- now that she thinks about it, tingin niya ay magiging awkward din siya kapag pinag-usapan nila yun. 

 

She might end up blushing way too hard. Baka maabutan siya nina Giselle at Ningning na nilalagnat.

 

"Pagod ako, Win." Mahinang sagot ni Karina habang nakasimangot at naglakad na paakyat sa hagdan. Narinig niya ang pagclick ni Winter sa keyboard at mouse. 

 

"Oh, sige. Rest well, Rina. Goodnight."

 

Titig na titig pa rin si Winter sa laptop niya, her way to distract herself. Napabuntong hininga nalang si Karina at umakyat na.

 

---

 

Pinatay na ni Winter ang mga ilaw sa living room at kitchen, made sure na nakalock ang mga pinto at bintana bago siya umakyat. 

 

May liwanag pa sa kwarto nina Giselle at Karina, sumilip siya. 

 

Nagcecellphone pa ang bestfriend niya sa kama. For a second, naisip ni Winter na pumasok sa loob at tabihan siya. 

 

But she didn't. 

 

If Karina wanted, sana kanina pa siyang hinila nito. 

 

Pouting, pumasok na siya sa sariling kwarto. Hindi na binuksan ang ilaw dahil saulo niya naman ang direksyon papunta sa kama niya.  

 

Wala pang ilang minuto nang makahiga siya sa kama, she heard footsteps sa may pintuan. 

 

Sumilip siya, bestfriend niya pala na dire-diretsong umakyat sa upper bunk para tumabi sa kaniya sa kama. 

 

Winter gave her space para makahiga sa tabi niya. Karina's arms instantly found their way to hug her and pull her closer. 

 

Napangiti na si Winter. 

 

"Hindi ka makatulog?" Tanong niya, hugging her back. Nakikita niya pa din naman ang mukha ni Karina, kahit nakapikit at natatakpan ng buhok, attractive pa din.  

 

Katarina only hummed at yumakap nang mas mahigpit sa kaniya. 

 

Winter stared at her face before leaning forward and gave Karina a kiss on the forehead. 

 

"Usap tayo bukas, Rina." Bulong niya, tumango si Karina.

 

"Okay.."

 

Day 2. 

 

"Hi Winter!!" 

 

Karina peeked sa screen ng phone ni Winter, tumawag pala si Ningning sa groupchat nila. Nakacharge ang phone niya kaya si Winter na ang sumagot. 

 

Seconds after, Giselle joined the call.

 

"Uyy! Musta kayo?" Tanong agad ni Giselle na nakadapa sa kama niya. Si Ningning, nakaupo sa couch ng bahay nila.

 

"Okay naman, all day Netflix ako dito sa bahay." Kwento ni Ningning, nakangiti lang na nakikinig si Winter at si Karina na nasa tabi niya. 

 

Inilapit ni Giselle ang phone niya, napansin ang katabi ni Winter na hindi kita sa screen. 

 

"Kat! Musta ka na? Ano yung sabi mo kahapon? Hindi ko talaga narinig, promise."

 

Winter looked at Karina, at dahan-dahang iniharap sa kanilang dalawa ang camera. 

 

Mukhang gulat si Karina sa topic na inopen ni Giselle. 

 

"Gagi! Wala yun--" Buti nalang! 

 

Buti nalang, biglang sumingit si Ningning kaya lumayo na ulit si Karina sa camera. "Huy guys, punta tayo sa event ng SSC sa Thursday." 

 

"Anong event?"

 

"Ewan." Napakamot ng ulo si Ning na mukhang nag-iisip. "Pero may color coding daw." 

 

"Kayo..." Winter glanced at Karina na nakatingin kina Giselle bago ibinalik ang tingin niya sa phone niya. "Sasama naman ako kung pupunta kayo." 

 

"Sige haa! Punta tayo."

 

Si Giselle, tahimik na pinapanood lang din ang mga kaibigan niya sa screen. Eyes squinted on Winter and Karina's video habang nakikinig kay Ningning na dumadaldal sa magkakaibigan.

 

---

 

Around afternoon, nanonood si Karina ng kdrama sa laptop niya nang tumawag si Giselle. Sinagot niya naman agad.

 

"OMG KAT!" Bungad ni Giselle. Kinabahan si Karina sa tono ni Giselle na parang nakasagap ng chismis. Kinuha niya agad ang earbuds niya.

 

"Ano?" Kunot-noo niyang tanong, mukhang excited na excited kasi ang kaibigan niya at nakatakip pa ang kamay sa bibig. 

 

Tumingin siya kay Winter sa tabi niya na nakatingin din pala sa kaniya sa halip na sa cellphone na hawak niya. 

 

"Boundary." She mouthed at tumalikod kay Winter.

 

Winter scoffed, hinayaan lang silang mag-usap ni Giselle.

 

"Gets ko na!"

 

"Alin?"

 

"Yung first to seventh mo!" Mabilis na namula ang mukha ni Karina kaya tumayo siya agad at hininaan ang volume ng phone niya kahit hindi naman rinig ni Winter.

 

"GIGI!" Kabado niyang tawag dito habang nagmamadaling umaakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya. 

 

"Kaya ba kayo nagiiwasan ni Win?" Tanong pa ni Giselle. Ni-lock ni Karina ang pinto ng kwarto niya at tumingin kay Giselle sa phone.

 

"Halata ba masyado..? Ako lang umiiwas." Nakasimangot niyang sabi bago umupo sa bed niya. 

 

Paano ba kasi, hindi niya kasi mapigilang mapapatitig sa mga labi at kamay ni Winter kapag nagkakaharap sila. Kaya nga tumatabi na lang din siya sa study table.

 

Ang lawak ng ngiti ni Giselle, ngiting nang-aasar. "Magaling ba si Winter?"

 

"Gigi!" Karina playfully gestured punching her phone. Tumawa si Giselle. 

 

"Ano? Tatanong lang eh." Umirap si Karina.

 

"Sabagay, naka-seven rounds nga so.." May ipupula pa pala ang mukha ni Karina na kanina pang flustered.

 

"W-wag mo na ngang ulitin." Napahawak siya sa batok niya at huminga nang malalim. 

 

Giselle leaned on he

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.
Poll

Special Chapter ng NingSelle?

Results

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣