Hayaan

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

GISELLE's

 

Hello, everyone! Ito na si reporter Giselle, nagbabalik!

 

Nakaupo ako ngayon sa couch habang nakatingin sa sobrang tahimik namin na living room at kusina. 

 

Napapadalas na yata ang no morning fights. Akala ko maeenjoy ko pero nakakamiss din pala yung ingay. Nasanay na kasi kami ni Ningning na ganun sila.

 

Ano na nga ba ang latest? Mga marites, pasok!

 

"'Di pa rin nagpapansinan?" Si Ning, pumasok nga sa bahay at kakauwi lang. Sadly, kaming dalawa lang ang marites dito.

 

"Nagpapansinan naman. Parang baliw lang si Kat, siya umiiwas." Kinuha ko ang bag niya at pinatong sa lap ko nang umupo siya sa tabi ko para magpahinga.

 

"Ikaw kasi!" Pinalo niya ako nang mahina sa braso. Anong ako? "Nilasing mo si Win."

 

"Huy, nalasing din naman ako ah!" Dinefend ko agad ang sarili ko. Aba totoo naman, sakit kaya ng ulo ko pero inalagaan ko pa siya pauwi.

 

"Psh, oo lasing na lasing ka din. Akala ko ba malakas ka?" Kunot-noong sabi ni Ning sa akin, huhu.. yung pride ko.

 

"Ano bang nangyari nung isang gabi? 'Di mo naman kinwento." Sabi ko na medyo pabulong. Nandito din kasi sina Kat at Win sa boarding house. Dapat lowkey lang ang kwentuhan. 

 

"Ewan. Tinawag lang ako ni Kat para asikasuhin ka tapos nilock niya na yung pinto sa kwarto niyo."

 

Speaking of Katarina, kanina pang nandun sa kusina. Nagpaalam kanina na magtitimpla ng kape pero parang kape yata para sa buong barangay yung tinitimpla niya sa sobrang tagal.

 

"Kaya pala nasa couch ako." Mabagal kong pinat yung couch, try ko kaya dito matulog lagi?

 

"Ikaw yung may gusto dito sa salas." Sabi pa ni Ningning habang inaalala yung nangyari.

 

Hm, masarap nga tulog ko nung isang gabi dito. Kaso sayang naman..

 

"Ay, weh? Ano ba yan.. sayang, napanood ko sana sila." Natatawa kong sabi, Ningning grinned din. Sayang kaya opportunity sa live show!

 

"Tapos yesterday morning, naabutan kong nagsh-shower si Kat habang tulog pa si Win sa kama niya."

 

Nakita kong pabalik na si Kat na may hawak na dalawang cup of coffee. Alam na agad kung para kanino yung isa. 

 

Nagkatinginan kami ni Ning ulit nung idinaan muna ni Karina oh-so-subtly yung isang coffee sa tapat ni Winter na mabilis na nagthank you sa kaniya pero hindi niya pinansin. 

 

Kanina pang ganiyan si KatㅡActually, kahapon pa. Hindi tumitingin or nakikipagusap kay Winter pero binibigyan niya naman ng kape. 

 

"Wala kang narinig nung gabi? Hindi sila nag-away?" Tanong ko, umiling at nag-sigh lang si Ningning na parang problema talaga namin yung pinaguusapan namin.

 

Kat at Win, hindi nag-away? Imposible!

 

"Wala nga, baka natulog lang din sila."

 

"Ano na naman pinagch-chismisan niyo dyan?" Tumabi si Kat sa amin. Si Winter nasa study table pa rin, naka-earphones. 

 

Busy si Win dahil alam niyo na, nag-aaral. Dapat talaga nahihiya na ako kasi magkaklase kami pero hindi ako nag-aaral. Kaso 'wag na lang! 'Di na ko magp-pretend na masipag.

 

"Ikaw. Iniiwasan mo kasi si Winter." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. 

 

Umiwas ng tingin si Kat at binuksan ang phone niya. Kita ko naman na sumulyap muna siya kay Winter saglit. 

 

"'Di kaya." Tanggi pa si gaga.

 

Sus! Sinwerte nga siya kasi laging naka-earphones si Win kaya naging convenient pa for her pag-iwas extravaganza.

 

"Weh? Kausapin mo nga." Challenge ko sa kaniya, I heard Ning giggling sa tabi ko na nag-aanticipate din. 

 

"'Yoko, nag-aaral yung classmate mo, Gigi. Bakit ikaw hindi?" Saway niya sa akin, tinawanan naman ako ni Ning!

 

"Lah, mama may pulis!" Natawa din si Karina at nagsip sa coffee niya bago ito ibaba sa center table. 

 

"'Di nga, Kat. Okay ba kayo ni Winter?" Pag-babalik ni Ning sa usapan, iba din talaga pagiging chismosa nito eh. Focus sa goal. 

 

"Ang ingay niyo. Baka akalain ni Win pinaguusapan natin siya." Inis na sabi ni Kat sabay kuha ng phone niya, hinablot ko naman agad. She glared at me pero hindi niya naman pinilit kunin pabalik.

 

Nag-uusap kasi kami nang matino tapos magc-cellphone siya!

 

"Bakit, hindi ba?" Pang-aasar ko, umirap na siya sa akin. 

 

"Ewan ko sa iniyo." Pikon niyang sabi. 

 

"Share mo naman kung bakit ka umiiwas sa kaniya." Kinulit pa ulit siya ni Ningning. 

 

Kung si Ning, focus sa goal na malaman yung nangyari. Si Karina naman, focus sa goal na tumanggi. 

 

"Hindi nga kasi."

 

Ayaw mong magkwento ha? 

 

"Winter!" Tawag ko sa naka'do-not-disturb' mode na si Winter. Mabilis naman na tinakpan ni Kat yung bibig ko.

 

"Gigi! Shut up!" Pabulong niyang saway bago niya ako bitawan. 

 

HAHAHAHAHAHAHAHA!

 

"Damot mo naman, Kat. Worried lang naman kami." Pagpapaawa ni Ningning. Mukhang effective naman.

 

"Hinahayaan ko lang muna siyang mag-aral. Walang iwasan na nangyayari, okay?"

 

We gave up. Insisted niya talagang walang nangyayaring iwasan. Edi fine! 

 

Tumayo si Karina, papunta yata sa kusina nang tumayo din si Winter para kumuha ng tubig. 

 

Bumalik siya sa pagkakaupo.

 

Hindi pala umiiwas ha?

 

"Shut up." Sabi niya nang makita niya ang malawak na ngiti namin ni Ningning. 

 

Ano kayang nangyari? Curious na ako huhuhu..

 

---

 

Lunch time. 

 

Magkatabi yung dalawa pero si Ningning lang at ako ang iniimikan ni Karina kaya naman kami na ang kumausap kay Winter.

 

"Uy Win, may plano ka na ba for thesis?" 

 

Si Ning naman! Sa dami ng pwedeng ma-topic, thesis pa talaga? Mas prefer ko kasi na hindi acads ang pag-usapan kapag nakain. Stress reliever na kasi namin yung pagkain. 

 

"Plano as i-in?" Si Win, nagulat din yata sa tanong ni Ningning. 

 

"Like topic..?"

 

"Ah.. w-wala p-pa." Nagtaka ako, parang kanina pa siyang nags-stutter. Nahihirapan ba siyang magsalita?

 

"Eh sa ano, kagroup ganon."

 

Uminom muna ng tubig si Winter at nilunok ang pagkain sa bibig niya na may konting pasulyap sa katabi niyang tahimik na kumakain.

 

"Oo. Niyaya ako ni Rina nung isang araw." 

 

Ano yun? May sugat pala ata si Win sa labi. Baka kaya siya nauutal?

 

"Winter, an'yare sa labi mo? Tagal mo nang 'di nagkakasingaw ah."

 

May time kasi nung highschool pa kami na palaging nagkakaroon ng singaw si Winter pero hindi naman sa gitna ng labi niya?

 

Namula siya, napakunot tuloy noo ko. Okay lang ba siya? Nagwoworry na akoㅡ

 

Bigla akong bahagyang sinagi ni Ningning sa braso, at nung tiningnan ko siya, pasimple siyang nakaturo sa katapat niya.

 

Si Katarina, nagb-blush din.

 

Aba?

 

"May kumagat, Win?" Painosenteng tanong ni Ningning, nagpigil na lang ako ng tawa nang nagmadali si Karina na tapusin yung meal niya at iniwan kaming tatlo sa hapag-kainan.

 

Naalala ko nung first year, Karina stole Winter's first kissㅡand earned hers as well. Kaso ang alam ko kasi nun, inaasar lang talaga niya si Winter.

 

Naalala ko din yung time na they accidentally kissed, in front of me pa ha. Pero may sakit kasi si Winter nun! Buti nga hindi nagkasakit si Kat kasi 'di ba, baka napunta sa kaniya yung germs galing kay Winter?

 

One of the main reasons kung bakit ship ko sila: kasi nag-kiss na sila. 

 

Ang hindi ko lang sure, nakailang beses na kaya?

 

Joke! Ikukwento naman siguro ni Kat yun sa amin if ever?

 

"Ako na." Sambit ni Karina at inunahan si Winter sa lababo. 

 

Si Winter ang nakaassign na maghugas ng pinagkainan ngayon. Bakit naman biglang nagvovolunteer 'tong si Kat? Akala ko ba umiiwas siya?

 

"Ako kaya nakaassign, Rina." Marahan na itinulak ni Winter si Karina sa gilid ng sink. Napailing na lang ako sa pagkakaupo ko sa dining area habang pinapanood sila. 

 

May ganitong moments pa din naman pala.

 

"Mag-aral ka na dun." Hinila ni Karina si Winter palayo sa sink.

 

Umiiwas pero still doing favors for Winter. Itong si Karina, sa halip na mag-aral na lang din at hayaan si Winter! Hays.

 

Who am I to talk nga naman eh ito ako, nanonood lang din sa kanila sa halip na mag-aral?

 

"Okay lang nga, kaya ko pa namang maghugas." Hindi talaga nagpapatalo si Win, kinuha niya yung drying towel sa may gilid ng counter at pinatay ang tubig ng sink. 

 

Wala nang nagawa si Kat nung kinuha ni Winter yung kamay niya at tinuyo gamit yung towel. Napatitig pa saglit si Karina kay Winter bago niya biglang hinablot yung towel at lumayo sa bestfriend niyang kaninang nakatingin sa mga kamay niya.

 

"Edi wag! Ikaw na nga yung tinutulungan." Ang bilis naman magmaldita talaga nitong si Kat.

 

Naiwan tuloy si Winter na nakasimangot sa may sink.

 

---

 

As usual, mainit na naman sa labas. Binabarbecue na naman kami tapos si Win, nakajacket pa para daw 'di siya mangitim. Amp, magkakasakit naman siya sa lagay na yan.

 

30 minutes early kaming pumasok ngayon sa school. Itong si Winter kasi, gusto na din yatang iwasan si Karina.

 

Hinila ba naman ako palabas ng bahay kanina kahit 'di pa ko tapos magsuklay kasi pababa na si Kat!

 

"Oh." Binalik ko sa kaniya yung suklay niya. 

 

"Wala man lang thank you?" Tanong niya sa'kin. Aba, ang kapal naman talagang mang-asar pa.

 

"Wala, ikaw may gawa kung bakit wala akong hair clip ngayon!"

 

Tinawanan niya ako.

 

Maganda ang mood ni Winter nang makaalis kami sa bahay, baka excited sa quiz mamaya? Ganiyan yan eh.

 

Naglalakad kami papunta sa building ng ACES nang may nakita akong babae na patakbo din dun.

 

Oh?

 

"Uy, si Yeji ba yun?" Tinuro ko si Yeji na makakasabay namin pag-akyat.

 

"Yeji!" Bati ko sa kaniya. Si Winter naman, nagdiretso lang sa paglalakad. 

 

Grabe, 'di ba niya napansin si Yeji?

 

Yeji waved back at me, nakangiti ang chinita. Naglakad siya sa tabi ko while glancing at Winter. 

 

"WinterㅡHi?" Binati pa din niya si Winter nang sabayan namin siya sa paglalakad. 

 

Pinanood ko si Winter na tumitig sa sahig. Ano na, Winter girl? Iniiwasan mo na din ba si Yeji?

 

Tumingin ako kay Yeji at bumulong ng 'Sorry, wala yata sa mood.' Nagfrown pa si Yeji at tumango din naman.

 

Bilib talaga ako dito.

 

"Hi din." Mahinang sabi ni Winter, napangiti naman agad si Yeji.

 

"Uhm.. May exam daw kayo today?" Tanong ni Yeji sa'kin dahil hindi naman siya pinapansin ni Winter.

 

Nakwento siguro ni Ningning kay Yeji 'to. Daldal talaga ni Ning.

 

Kapag hindi tuloy kami pumasa, baka alam na din ng buong department.

 

"Oo.. sana 'di mahirap."

 

"Kaya niyo yan!" Nakangiting pagcheer niya sa amin. Napathank you na lang ako. Sana nga kayanin huhu..

 

Yeji looked at Winter one more time pero wala talagang response o energy man lang si Win para ientertain ang friend namin.

 

Pinat ni Yeji ang balikat ko. "Sige, una na ako ha?" Ayan, sumuko na yata.

 

"Sige Yeji, ingat!"

 

Bumalik ang tingin ko kay Winter na busy kakatitig sa sahig.

 

"Huy Win, ano yun? Bakit 'di mo pinapansin si Yeji?"

 

"Pinansin ko kaya siya." Dejavu, parang si Karina lang ang kausap ko. Sinungaling! Halata naman na umiiwas din 'to kay Yeji. 

 

"Hello? Kitang-kita ko kaya."

 

"Wala lang. Ayoko lang, baka makita ni Katarina."

 

What is happening to this world? Grabeng pag-acknowledge naman yan sa pagseselos ng bestfriend mo, Winter. Two weeks late.

 

"Ha? Oh ano naman, kakausapin lang eh. Atsaka.. nasa bahay si Kat ha."

 

"I don't want to give her false hopes din." Winter murmured. Napataas ang kilay ko.

 

"Si Karina?"

 

"Si Yeji."

 

At least, hindi paasa. Mali yata yung assumption ko na um-oo si Winter nung tinanong siya ni Yeji last time.

 

"Cute mo Winter." Sabi ko sabay pisil sa cheek niyang super cute. Akala ko, babawian niya ako pero hinayaan niya lang ako. 

 

"Baliw. Magrecall na nga tayo ng terms."

 

"Ayaw! Suko na 'ko!"

 

THIRD PERSON's

 

"Ning, labas lang ako saglit." Paalam ni Karina kay Ningning na nasa may kusina. 

 

Nagtext kasi si Seulgi sa kaniya at nagyayayang mag-ice cream. Pumayag naman siya, kailangan niya din kasi ng fresh air.

 

Palabas na si Karina nang dali-daling tumakbo si Ningning mula sa kusina papunta sa front door. Basa pa ang mukha sa paghihilamos. 

 

"Waiiit! Saan tayo pupunta?" Tanong niya sa kaibigan, tumawa nang mahina si Karina at umiling sa ka-cute-an ni Ningning. Gusto kasi nito na palagi siyang kasama.

 

"Ako lang! Si Seulgi kasama ko." Sabi niya at nagsuot ng cap sa ulo. 

 

"Ay, ang damot." Napa-pout si Ningning, disappointed na si Seulgi na naman ang kasama ni Karina. "Sige na! Ingat ha."

 

"Opo, mabilis lang kami."

 

Sa all-in-one shop sila nagkita. May 1 hour break lang si Seulgi at natripan nitong mag-ice cream dahil sa init ng panahon. Nang makarating si Karina, naalala niya agad ang huling punta niya dito, nung bumibili si Yeji ng bulaklak. 

 

Hanggang ngayon, naiinis pa rin siya.

 

"Kamusta ba?" Si Seulgi, hawak ang chocolate ice cream cup niya. 

 

"Okay lang, naiiyak na." Pabirong sagot ni Karina, half-meant. 

 

Agad namang nag-worry si Seulgi. "Hala ka, stress

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣