Hanggang Sa Buwan

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

NINGNING's

 

Nagsusulat ako ng panibagong formula sets nang may marealize ako.

 

Kanina pang puro mali ang nasusulat kong salita.

 

"Hindi na yata ako marunong sa spelling.." Bulong ko kay Ryujin sa tabi ko. She chuckled. 

 

"Akala ko ako lang." Pabulong din niyang sabi. 

 

Nagbubulungan kami kasi nasa study room kami ngayon. Bawal ang maingay. Gabi naman na kaya kakaunti na ang tao, pero yun nga, nasanay na kami na tahimik dito. 

 

"Kakasolve niyo yan eh." Nakisali na din si Giselle sa usapan. "Engineering pa more." Dagdag niya habang tumatawa. 

 

"Ayoko na." Ako na ang unang sumuko, mukhang walang magpapatalo sa dalawang kasama ko eh. Huhu gusto ko nang humiga nalang. 

 

"Let's go?" Si Gigi, kahit hindi pa tapos sa ginagawa niya ay nag-ayos na din agad ng gamit para sabayan ako. 

 

Sweet. 

 

I looked at Ryujin, parang nagdalawang isip pa kung sasama na din sa amin pabalik sa kwarto. 

 

"Tara na, Ryu. Baka ikaw pa ang matyempuhan nung multo dito, sige ka." Pananakot pa ni Gigi. Gagang 'to, nandadamay pa sa pagiging matatakutin niya. 

 

"Sige na nga." 

 

Napangiti naman ako nung sumama na din nga si Ryujin. Hehe, at least may mga kasabay akong pipili sa pahinga tonight. 

 

Nagdiretso na kami sa elevator. May naiwan pang mga tatlong tao sa study room kanina kaya hindi na namin pinatay ang ilaw muna. There are times na kami ang last people dun, at ang rule: kung sinong huli, siya ang taga-sara ng ilaw. 

 

"Nakauwi na si Kat?" Gigi asked habang naghihintay kami sa elevator, hawak niya ang phone niya at dun nakafocus. 

 

Ryujin nodded. 

 

"Oo, sabay kami kanina. Nag-aral pa kami sa may Obscure."

 

Hindi na ako nagulat, palagi din talaga silang may extra study session ni Kat sa hapon.. wala naman akong magawa dun kasi nasa class pa ako kapag dismissed na sila. 

 

"Ohh. Nagtatanong kasi si Win."

 

"Tulog na kamo ang jowa niya." Sabi ko while nudging my girlfriend's arm, tumango naman si Gigi. 

 

Nagsalita ulit si Ryujin. "Sakit daw ulo niya kanina. Sobrang init kasi tapos umulan." 

 

Actually.. Ang pangit nga ng panahon. Parang nananadya at nangtatarget ng mga tao para magpakalat ng sakit.

 

Nakakaloko din yung ulap na makulimlim dito sa Manila. Hindi ko alam kung uulan ba o polusyon. 

 

"Musta naman aral mo, Ryujin?" Tanong ko, since palagi nga silang nag-aaral ni Kat. 

 

"Okay naman. Akala ko nga madidistract ako sa pagiging broken, buti andyan si ate Kat." 

 

Humarap ako kay Gigi at sa kaniya umirap. Hindi naman siya nakatingin sa akin kaya hindi niya napansin. Haay, sorry Ryu. 'Di ko talaga ma-take seriously ang closeness nila ni Karina eh. 

 

"Ay, edi thank you pala Kat." Sabi ko nalang, tumawa siya nang mahina at parang nag-eenjoy sa topic namin. 

 

Ako hindi!

 

Tumigil na ako sa pagsasalita nang biglang nakisali ulit si Gigi sa usapan. Tapos na yata sa pakikipagusap kay Winter. 

 

"Baka mamaya crush mo na si Karina ha." Nanlaki din naman yung mata ko kay Gigi pero agad akong pumikit at nagkunwaring nagyayawn. 

 

Tumingin ako kay Ryujin na mukhang nagulat din sa sinabi ni Giselle. 

 

Oh ano, Ryu!

 

"H-ha?"

 

Biglang tumawa si Gigi. 

 

"Luh joke lang yun huy. May Winter na yan, Ryujin." Pagbawi niya. Hehe nakitawa din ako for support pero si Ryu, tumango naman.. seryoso yata. 

 

"Alam ko.."

 

Hindi na kami nagsalita pa nang makapasok sa elevator, may kasabay din kasing ibang tenants. In a few minutes, nakarating na din naman kami sa kwarto. 

 

Tulog na nga si Kat, hindi man lang nakapagpalit ng damit at nakahiga na sa kama niya. 

 

"Tulog na din tayo." Pagyayaya ni Ryu after niya ibaba ang bag sa desk niya. 

 

"Aga naman, Ryu." Si Gigi naman, parang ayaw pang matulog. Huhu ako, miss ko na ang kama ko.

 

"Antok na din ako eh. Eight hours ako sa RC kanina.." Habang kinakamot ang batok, nagsimula na siyang kumuha ng mga damit niya sa closet niya. 

 

Magshoshower pa yan siguro. 

 

"Sige, magbabasa pa kami ni Ning." 

 

Aba!

 

I glared at Gigi. 

 

"Anong magbabasa? Ayoko nga." Pinatay ko na ang ilaw sa desk ko at paakyat na sana sa kama ko dahil pumasok na din naman sa C.R. si Ryu. 

 

Giselle held my hand. 

 

Kahit madilim, I saw the look on her face.

 

Ah.

 

"Ahh.. magbabasa hehe."

 

MagcucuddleㅡMagbabasa nga pala kami mamaya kapag tulog na din si Ryujin.

 

THIRD PERSON's

 

Tahimik na nagaaral si Karina, maagang umuwi ngayong araw dahil grabe ang pagod kahapon. Nasa review center pa din sina Giselle at Ningning, nakaupo sa katabing desk naman si Ryujin. Hindi umaattend ng evening class si Ryujin kapag hindi din si Karina. 

 

Gusto lang ni Katarina na makatapos sa dalawang subject na ni-lecture sa kanila kanina. Ayaw niya namang kulitin si Ryujin dahil ilang araw na din siyang nakakatanggap ng silent treatment sa kaibigan. 

 

Rina ♡ : winterwonderland 

         call ka, nanghihina na ako

 

Tumawag nga si Winter. 

 

"Aaral ka?" Kahit yan ang bungad ni Winter, napalitan ang frown sa mukha ni Karina nang makita ang girlfriend niyang nakasuot ng white blouse sa trabaho. 

 

Winter always tells her na kahit naman nasa work siya, kung kailangan at gusto ni Karina ng call, tatawag siya. 

 

Just like now. 

 

"Yes." 

 

"Okay.. nagwowork lang din ako."

 

They don't really need to talk during productive hours. Sapat na sa kanilang dalawa ang 'virtual' presence ng isa't isa. Mas okay din naman talaga ang video call kesa chat lang sa messenger. That way, parang usap lang talaga at hindi na kailangang icheck ang phone from time to time. 

 

After an hour, Winter heard her girlfriend sighing. Nagtatali na ng buhok out of exhaustion.

 

"Done?" Winter asks softly. Karina nods while checking her solutions, iniikot ang wrists para maunat dahil isang oras siyang sulat nang sulat. 

 

"One set lang.. grabe ang tagal ko pa ding magsagot." Reklamo niya sa sarili niya.

 

Winter smiled at her. "Progress pa din yun, Rina. Nasagutan mo nga lahat eh."

 

Napalagay naman ang loob niya. Pabirong inirapan si Winter kahit alam niyang sa laptop nakatingin ang girlfriend niyang busy. 

 

"Sinasabi mo lang yan kasi girlfriend mo ako." 

 

Napatawa nalang si Winter. 

 

Now that she's resting, pinanood nalang muna niya ang girlfriend niya na nagt-trabaho. She can hear other people talking on the background of Winter's video, pero mas rinig niya ang pagclick ni Winter sa mouse. 

 

"Busy ka pa ba?" Karina asks the obvious. Napaisip lang siya.. does Winter ever take a break? Lately, laging busy si Winter tuwing magkakausap sila. Hindi na din naman sila nakakapagmovie date. 

 

"Medyo.. ang hirap kasi nung structure na pinapaanalyze ni ate Irene sakin, daming components."

 

Tinanggal na ni Winter ang salamin niya, tumingin kay Karina sa phone. Ipinapahinga muna siguro ang mga mata. 

 

"Kaya pa, baby?" Worried na tanong niya kay Winter. Nakatanggap naman siya ng ngiti mula sa cute na lips ni Winter. 

 

"Trying. Nakakapagod tumitig sa screen."

 

Kinikilig si Karina. Wala namang ginagawa si Winter pero kinikilig siya when she thinks about how hardworking her girlfriend is. What can she do to help relieve Winter's stress?

 

"Winter.." Tawag niya. Tumingin ulit si Winter sa kaniya. 

 

"Hm?"

 

"'Wag kang babalik dito na walang pera ha."

 

Winter laughs, napangiti na si Karina dahil gumana ang plano niya. Gusto niyang mapatawa si Winter. 

 

"Oo nga. Magpapayaman ako."

 

"Good, bumalik ka agad talaga sakin pag mayaman ka na."

 

"Opo, opo."

 

"Magiging trophy wife mo nalang ako." Pahabol ni Karina, lalong tumawa si Winter. 

 

Nakita niya pang sumilip si Irene sa ginagawa ni Winterㅡmukhang curious kung bakit tumatawa ang katrabaho. Umalis din naman agad nang makita si Karina. 

 

"B-Baliw." Nahiya tuloy si Winter, pinigilan na ang pagtawa niya. 

 

Nakagrin lang si Karina at nagtuloy pa. "Mababaliw na ako kakareview dito, baka sumuko na ko."

 

"Rina.."

 

"Joke lang hehe.."

 

Ngumiti lang si Winter at bumalik na ulit sa laptop niya. Karina cupped her cheeks while resting her elbows on her desk. Naalala niyang magpapaalam nga pala siya kay Winter. 

 

"Baby, may lakad kami bukas."

 

Nakuha niya ulit ang tingin ni Winter. 

 

"Saan?"

 

"Gagala. May batang nagtatampo kasi dito." Bulong niya. 

 

"Sino?"

 

Sasagot na sana si Karina pero baka marinig niya ni Ryujin kaya naman,

 

"Chat ko sayo." She said, picking up her phone from the stand. Ganun din naman ang ginawa ni Winter. 

 

Rina ♡: si ryujin kasi, nagtatampo kasi close na kami ni yeji.

W ko: Ikaw at si Yeji??

 

Tumawa nang malakas si Winter sa call, hindi na napigilan. 

 

"Win kasi!"

 

GISELLE's

 

Mula highschool kami, sa batangas lang kami nakakagala. Mas madalas kasi ang sleepover namin kesa actual gala eh. Kaya ngayon, excited kami na ikutin ang mga pasyalan dito sa Manila.

 

Makasabi naman ako ng 'mga', HAHAHAHAHA eh museum lang naman ang pupuntahan namin. 

 

Biglaan lang din kasi 'to. Nagkayayaan lang kahapon, si Kat ang nanguna kaya g na kami agad. 

 

Tinanghali na kaming nakapunta dun kasi naglunch pa muna. 

 

First stop: museum nga. Nag-away pa sina Ningning at Karina kung aling museum ang pupuntahan. Gusto kasi ng jowa ko, sa History sana. Pero dahil si Kat nga ang nagyaya, siya ang nanalo. Heto kami ngayon, naglalakad sa ground floor ng Fine Arts. 

 

Taking pictures. Dahil first gala namin ni Ning as girlfriends at with friends, panay ang picture namin. 

 

"Wait lang kasi Ning, sakit na kaya ng paa ko!" Tumigil na muna ako sa paglalakad at umupo muna. 

 

Jusko kasi, nakaisang daan na pictures na yata kaming dalawa kasi nagmamadali siya. 

 

"Ang bilis naman mapagod, umakyat lang tayo ng hagdan sa entrance." May pairap pa si Ning. Bahala siya dyan, basta ako, magpapahinga!

 

"Tch." I looked at the photos we took together habang pinagpapahinga ang mga paa ko. Hindi umalis si Ning sa pagkakatayo sa harap ko. 

 

"Dali na kasi! Picture!" I glared at Ningning na nagtatantrums sa harap ko. 

 

Parang baliw huhu 

 

"Bakit ka ba nagmamadali?" Hinila ko na siya sa tabi ko, she sighed, clinging on my arm. 

 

"Lumalayo na sina Kat at Ryu eh.." Sabi niya while glancing at our two other friends na nakakalayo na nga while taking photos of each other. 

 

"Eh, ano naman? Ayaw mo ba 'kong masolo?" I asked her, she looked down at her own feet, pouting. 

 

"Ayokong masolo ni Ryu si Kat."

 

Huh?

 

Tumingin ulit ako kina Ryujin at Karina. 

 

Wait.. 

 

HA?

 

"Ha? Totoo baㅡ" Hindi na ako nakatapos nang mahila na ako ulit ni Ning patayo, papunta sa dalawang nangunguna dun sa malayo. 

 

Next stop: Intramuros.

 

Ang effort ng stops namin no? Balak sana namin, sa MOA. Kaso ang init ng sikat ng araw at ayaw na ni Kat na magcommute pa sa malayo kasi baka mahilo na daw siya. 

 

Nagtagal kami sa museum kasi ang daming pahinga slash rest time demands ko. Hays, ang hirap kayang maglakad nang maglakad! Lalo na't wala naman kaming ibang ginawa sa dorm kundi umupo all day sa pag-aaral at humiga all night.

 

"Ningning Yizhuo! Ang clingy mo na." 

 

Walking beside Ryujin, I'm watching as my girlfriend continued to cling on Kat's arm. Kanina pa si Ning, when she successfully got to excuse Karina from Ryujin's company, hindi niya na pinakawalan. 

 

Hmp. Konti nalang, magtatampo na ako. Wala pa kaming pictures dito sa Intramuros. 

 

"Minsan na nga lang tayo magkasama, Katarina! 'Di mo ba ako namimiss?" Pangungulit pa ni Ningning. Hindi na siya tinulak ni Karina this time. 

 

"Lagi kang nasa may desk ko?" 

 

I chuckled sa narinig ko. Oo nga naman, palagi kaming tumatambay ni Ning sa may desk ni Karina eh. Especially kapag kausap niya si Winㅡat hindi sila magkaaway, of course.

 

"Ang init, Ning! Dun ka nga kay Gigi!" Bumalik na ulit siya sa pagrereklamo. Ayaw talagang tigilan ni Ningning. Kahit si Ryujin dito, tumatawa na din sa dalawa.

 

"Ayoko."

 

"Kapag si Winter, nagselos sayo." Sabi ni Karina at biglang binagalan ang lakad, sasabay yata sa amin?

 

"As if!" Hinila na naman siya ni Ning kaya nanatili yung distance between them and us. 

 

"Libre mo nalang ako ng lemon juice, sasaya pa ako." Nagsimula na ngang magturo ng mga kainan at cafes si Karina. I looked around na din. Kanina pa kaming naglalakad dito at finallyyy, may mga kainan na. 

 

Feeling ko, makakamore than twenty thousand steps ako today. Hayy.

 

"Sige." Nagulat ako nung pumayag si Ning. 

 

"Legit?" Nagulat din si Karina. 

 

"Oo nga."

 

Napagastos pa nga si Ningning. HAHAHAHAHA grabe Win! Mukhang dadami ang utang mo dito kay Ning.

 

---

 

After bumili ng drinks, we continued strolling. Ganun pa din, naiwanan pa din kami ni Ryujin dito behind Kat and Ning's steps. 

 

Naalala ko, si Ryujin nga pala ang reason ng gala namin today. 

 

"Okay ka lang, Ryu?" I asked her, tahimik na naman kasi siya at nakatitig lang sa dalawang nasa harap namin. 

 

"Okay naman.."

 

I smiled. "Alam mo bang pinlano ni Kat 'tong gala kasi tahimik ka daw since the other day?"

 

Napangiti din naman siya. "Ahh.. talaga?"

 

"Oo. Nagseselos ka ba sa kanila ni Yeji? Baliw, as if naman na magpapatulan yung dalawang yun." Sabi ko na. Ewan, hindi din naman talaga namin alam ni Ning kung ano bang nasa isip nito ni Ryujin. 

 

Napansin ko nga yung mga sweet gestures niya with Kat pero I thought she's just being sweet nga dahil si Kat naman ng madalas niyang kasama.

 

After all, the last thing I heard is that she's 'moving on' from Yeji. 

 

"Hindi ah."

 

Oh, okay. Hindi siya nagseselos sa dalawa. Deliks.

 

"Eh ano?" Tanong ko, mukhang go lang siya sa pag-oopen up sa akin.

 

"I guess naiinis ako na close sila."

 

Ay naku.

 

"Hmm, wala naman tayong magagawa if they're friends. Labas si Karina sa issue niyo ni Yeji." I told her my thoughts. Parang kapatid ko na si Kat kaya I don't want her in any trouble.

 

"Yeah.." 

 

We continued walking. Ang sabi ni Ning, may nakita daw siyang ad about bicycle renting. For sure naman, hindi sasakay dun si Karina pero okay lang! Gusto ko na ding magbike nalang huhu

 

"Ano palang favorite flower ni ate Kat?" I faced Ryujin for a second dahil sa tanong niya. Random question lang ba 'to?

 

"Hm.. simple lang naman siya. Winter used to give her roses nung nanliligaw siya kay Karina." Sagot ko while trying to recall yung mga nakita kong flowers noon. Puro roses lang nga. 

 

"Ahh." Nakatingin pa din siya kina Ning na nagkukulitan sa harap namin. 

 

"Bibigyan mo?" Panghuhuli ko. Police ako eh, bakit ba?

 

"Oo sana."

 

AY DELIKS KA TALAGA.

 

"Bakit naman?" Tanong ko ulit, grabe kasi ang sudden task na napunta sa akin! Interrogation with Ryujin pala 'to.

 

"Uhm.." Hindi siya nakasagot agad. 

 

Naalala ko yung paghint ni Ning kanina sa akin that when I looked at how Ryujin keeps her attention fixed on Karina, I realized kung bakit parang bakod ang role ni Ningning the past few days. 

 

Sorry na kung medyo slow ako minsan.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣