Nobela

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

NINGNING's

 

Andito na naman kami, nagpapabilad sa araw. Huhuhu gets ko na kung bakit balot na balot at nakashades pa si Engineer Taeyeon. 

 

"Libre ko na nga yan, Yeji." Pag-insist ni Winter. Bumili kasi kami ng ice cream dahil sa sobrang init. 

 

"Talaga? Sige ah, thank you Winter!" 

 

Ako sanay na ko sa libre ni Win hehe pero nagthank you na din naman ako kanina.

 

"Uy Taeil, Renjun. Libre na ni Winter, kumuha na din kayo." Sabi ko sa dalawang lalaki sa likod namin. Tumawa si Winter.

 

"Wow, parang ikaw ang gagastos Ning." Sabi niya, I giggled at inabutan ng ice cream yung dalawa.

 

"Thank you, Winter!"

 

"Salamat boss!"

 

Mababait naman ang groupmates namin. Madalas nga lang magvape si Taeil pero okay lang, lumalayo naman siya sa amin.

 

"Ano next nating gagawin?" Winter asked Yeji. Nakitingin ako sa small notebook ni Yej. 

 

Binigyan kasi kami ng tasks ni Engineer for today. Hindi written report.

 

"Magstationing daw tayo." Pagannounce ni Yeji habang inuubos yung ice cream niya. 

 

"Guys, may chat si Engineer." Sabi ni Renjun, kukunin ko palang yung phone ko pero bigla siyang nagbasa.

 

"Punta daw tayo sa may barracks. Andun daw materials pangsukat." 

 

Ohh.

 

Naglakad na kami pabalik. Ang sabi kanina, 500 meters daw 'tong nilalakad namin. Hays, pagod na naman mamaya. 

 

Naalala ko yung sabi nina ate Joy, wag daw magpagod sa OJT. Huhuhu paano bang hindi?

 

"Sina Rina ba yun?" Napatingin ako sa tinitingnan ni Winter. Hala!!

 

Andun din yung team nina Kat sa may barracks. 

 

Tumakbo na ako nung nakita ko si Gigi--

 

Pareho kaming napatigil ni Winter sa pagtakbo nung nakita namin nang mas malapit ang kabilang team.

 

Si Yunjin at Gigi, magkatabi sa duyan. Nakatayo lang si Ryujin at nakikipagusap sa kanila.

 

Si Karina at Jeno, naghahabulan. 

 

I looked at Winter. Pakiramdam ko, pareho kami ng nararamdaman. 

 

THIRD PERSON's

 

"Nirarayuma na yata ako." Humiga si Giselle sa couch matapos iwan ang laptop niyang nakabukas pa din sa study table. Tumawa ang mga kaibigan niya. 

 

"Aha! Boomer." Pang-aasar ni Ningning sa kaniya.

 

"Excuse me! Mas boomer si Kat." 

 

Magkakatabi silang gumagawa ng thesis kanina. Maganda nga flow nila at kakatapos lang sa title proposal. Kaniya-kaniyang task kaya lahat sila ay busy. 

 

"Hoy, gusto niyong mapalayas?" Pagtataray ni Karina nang mabanggit ang pangalan niya. 

 

"Hehe joke lang."

 

Dahil busy nga sila, kahit ang magbestfriend na sina Karina at Winter, hindi nagbabangayan. 

 

"Badminton tayo?" Biglang pagyayaya ni Ningning. 

 

May mga raketa kasi sila ng badminton at madalas maglaro nun kapag hapon sa mga panahong hindi umuulan at wala silang masyadong ginagawa. 

 

"Oo nga, tara Winter." Si Winter talaga ang niyaya ni Giselle dahil alam niyang ito lang ang posibleng hindi sumali sa kanila.

 

In the zone kasi si Winter. 

 

"Kat." Tinuro nina Ningning at Giselle si Winter na nagbibingi-bingihan sa tabi ni Karina.

 

Ngumisi si Karina at inilapit ang upuan niya kay Winter. Mahinang tumapik sa forearm ng manliligaw niya. 

 

"Win, break muna tayo." Sabi niya. Tumawa ang dalawa nilang kaibigan kasi mukhang nagulat si Winter sa narinig.

 

"H-ha?" 

 

Narealize din ni Karina kung bakit tumawa sina Giselle at Ningning. Pwedeng double meaning nga naman ang nasabi niya. Mabilis siyang bumawi.

 

"I mean--" Cut off by Giselle.

 

"Aww. Break na daw oh." Take the opportunity talaga sila na maasar yung dalawa. Mas lalo tuloy lumakas ang tawa ni Ningning. 

 

"Gigi!" Karina scolded her at nagglare din kay Ning. Tumawa lang nang mahina si Winter at tinanggal na yung kamay niya mula sa keyboard. 

 

"Badminton tayo para magising?" Tanong ulit ni Karina na nakalean na sa table at nakatitig kay Winter. 

 

"Oh, okay." Nakangiti na si Winter nung tumayo. Naunang naglakad palabas sina Ningning at Karina na dala-dala na ang mga rocket at shuttle nila. 

 

Ini-sleep muna ni Winter ang laptop niya, hinintay siya ni Giselle. 

 

"Kinabahan ka ba, Win?" Pangaasar ni Giselle na napansin ang pagkabother ng kaibigan niya kanina. 

 

"Saan? Hindi." Mabilis na pagtanggi ni Winter. Inakbayan siya ni Giselle.

 

"Sabagay, nanliligaw ka pa lang naman so walang ibebreak." Pagbibiro pa lalo, kumunot tuloy ang noo ni Winter. Hindi alam kung maiinis o maaapektuhan ba sa sinabi ni Giselle. Alam niya naman na madalas lang talagang mang-asar ang mga kaibigan niya. 

 

"H-hindi ko naman iniisip yun."

 

"Joke lang Win! Baka mag-overthink ka dyan."

 

Huli na ang lahat, nagooverthink na din talaga si Winter paminsan-minsan. 

 

Lagi din kasi siyang inaasar ni Ningning kapag nasa work sila. Hindi niya tuloy mapigilang mapaisip. 

 

Hindi niya naman kaya yung ginawa ni Karina na ipinagkalat na nanliligaw siya. 

 

"Hindi naman ako nagooverthink." Firm niyang sabi, tumawa lang si Giselle.

 

Bakit noong wala siyang karapatan ay mabilis niyang nasasabi kay Karina ang nararamdaman niya pero ngayong dapat siyang magsalita ay parang hindi niya magawa?

 

Hindi ako magseselos. Bulong ni Winter sa isip niya. May tiwala siyang hindi siya masasaktan kay Karina. 

 

---

 

"Madaya ka Kat! Lumalapit amporkchop!" Lumalapit kasi si Kat sa gitna at laging nags-smash kaya natatalo sina Giselle at Winter. 

 

"Wala tayong net eh! Hindi ko na kasalanan yun."

 

Nagtuloy tuloy sila sa paglalaro. After about ten minutes, umupo na si Giselle at Ningning sa gitna kasi si Karina at Winter na lang ang nagrarally. Si Karina yung nagsimula, laging kay Winter pinapatama yung shuttle . 

 

"Kelan kaya nila marerealize na dalawa nalang silang naglalaro?" Tanong ni Ningning nang umupo sa tabi mismo ni Giselle. 

 

Giselle cackled, napailing na lang din. "Ewan ko sa kanila. Masyadong focus sa isa't isa."

 

"Kaya nga." 

 

Kahit naman ganun ang sitwasyon nila, wala namang hard feelings dahil masaya sila para sa mga kaibigan nila. 

 

Giselle shifted her gaze kay Ningning, smiling. 

 

"Anong recent favorite song mo, Ning?" 

 

"Ha?"

 

"Recent favorite song. Bingi ka ba?" Natatawa niyang tanong ulit. Parang the past week kasi, hindi na sila masyadong nakakapagusap. 

 

"Grabe ka naman! Nagulat lang ako. Random ng tanong mo eh." Mahinang hinampas ni Ningning ang braso ng katabi niya. 

 

"So ano nga?"

 

Nag-isip si Ningning, hindi kung anong favorite song niya.. kundi bakit parang lately, kakaiba ang usap nila ng kaibigan niya. Ang daming random na tanong ni Giselle nitong mga nakaraang araw. 

 

"Yun pa din."

 

"214?" Ng Rivermaya, yan ang alala ni Giselle. 

 

"Oo, all time favorite ko." Nakangiting sagot sa kaniya. Naramdaman ni Giselle na sumabit ang braso ni Ningning sa arm niya. 

 

"Ang loyal mo naman. Bakit 'di ka ganyan sa mga crush mo?" Pang-aasar niya pa. Napalo tuloy siya ulit sa may balikat. 

 

"Gigi!" 

 

"Hahaha joke lang!"

 

"Loyal kaya ako sa isa." Napatingin na naman si Giselle sa kaibigan niya. Parang suspicious talaga yung crush ni Ningning na yun dahil hindi shine-share sa kanila.

 

"Ay wow. Yan ba yung kabatch natin?"

 

Ningning hummed, "Secret." Napa-eye roll tuloy si Giselle.

 

"Ang daya ha. Kahit sakin, ayaw sabihin?"

 

"Eh kasi--" 

 

Napatigil ang usapan nila nang biglang sumigaw si Karina.

 

Pagtingin nila, hawak hawak ni Karina yung ilong niya dahil dun siguro tumama yung shuttle . Tawang tawa naman yung may gawa. 

 

"Winter! Ang sakit ha!"

 

Lumapit si Winter kay Karina and cupped her bestfriend's face. Tiningnan yung bruise sa ilong niya. Hindi naman ganun kalaki yung sugat, parang scratch lang. 

 

"Sorry! Bakit ka kasi tumalon?" Natatawang sabi ni Winter at hinila si Karina papasok sa bahay. 

 

---

 

"May barya ka Win?" Si Karina, nagtatanong kay Winter habang naglalakad sila. Nauunang maglakad sina Giselle at Ningning habang nasa likod ang magbestfriend. 

 

Papunta sila ngayon sa PM's tuhugan. 

 

"Oo. Papalibre ka na naman sakin?" Diretsong tanong ni Winter kaya napapout si Karina. 

 

Hindi na niya napigilang matawa sa itsura ni Karina na nakapout habang may nakatapal na band-aid sa ilong. Nilagyan kasi nila ng band-aid yung sugat kanina. 

 

"Makatawa ka ah!" Pagtatampo ni Karina at nagcross-arms pa, naglalakad nang malayo kay Winter. 

 

"Isusumbong kita sa magulang mo, nambuburaot ka lagi dito sa city." Patuloy pa si Winter sa pang-aasar at nilapitan pa si Karina na lumalayo sa kaniya. 

 

"Nagbabayad naman ako ng utang!" Pagdedefend niya pa sa sarili niya. Lalong tumawa si Winter.

 

"Sakin mo binabayaran kasi ako na yung nagbayad kina Ning." Siya na ang umakbay kay Karina na binagalan naman ang paglalakad para makapagsabay na sila.

 

"Paano na kapag may asawa ka na? Ako pa din ba magbabayad ng utang mo?" Asar niya pa ulit. Karina grinned.

 

"Oo, ikaw naman yung asawa ko."

 

Hindi na nakasagot si Winter, napahigpit ang hawak sa balikat ni Karina na ngiting ngiti na naman.

 

---

 

"Ning, may dynamite oh." Turo ni Karina sa pagkain sa tapat nila. Nagtutuhog na sila ng mga gusto nila at nilalagay sa plastic cup na hawak nila. 

 

Paborito ni Ningning yung dynamite. 

 

"Ay gusto ko yan!" Lumipat ng pwesto si Ningning at lumapit kay Winter dahil nandun sa tapat niya yung dynamite.

 

"Sayo lahat yan, Win?" Napatanong siya. Kasi naman, punong puno ng kwek-kwek at fishball yung kay Winter. Halagang 50 pesos pa yata. 

 

"Hindi, amin na ni Rina 'to." Ngumiti si Winter at nagbayad na nung kaniya. 

 

Napatango nalang si Ningning, kaya pala walang hawak na cup si Karina. 

 

"Hi workmates!" Tumingin silang apat sa bumati sa likod nila. 

 

Si Yunjin. 

 

Ngumiti si Karina, sumimangot si Ningning, at excited na yumakap si Giselle sa kaibigan niya. 

 

"Uy! Dito ka din pala nagdodorm?" Tanong niya at hinila si Yunjin sa may tuhugan.

 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣