Dumaloy

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

NINGNING's

 

Nakaupo ako sa may bintana kaya napapanood ko sina Karina at ate Seulgi sa labas. Naalala ko yung sinabi ni Kat na crush niya daw si ate Seulgi. Maraming nagkakacrush kay ate Seulgi na classmates ko kaya hindi na ako nagtaka. Bilang active officer kasi si ate Seulgi, siya din yung madalas na emcee sa events ng department namin kaya para tuloy siyang face of the department.

 

"Karina, 'wag ka nga mangiliti 'pag iikot tayo!" Natatawang saway ni ate Seulgi sa kaibigan kong nakangisi sa kaniya. Kakatapos lang ulit nila ng isang routine, pinause muna ni Karina yung tugtog at naupo sila sa bench sa labas.

 

"Mabilis ka palang makiliti eh." Nag-aasaran na naman sila. Kanina pa silang ganiyan. 

 

"Hindi ah!" Tanggi ni ate Seulgi.

 

"Hindi ka nakikiliti?"

 

"Hindi sabi."

 

"Walang kiliti sa tyan mo kapag nakikita mo ako?"

 

I noticed that Kat occasionally flirts with ate Seulgi na kuhang kuha niya naman sa obvious na pamumula ng mukha. Sobrang pareho si ate Seulgi at Winter umakto sa harap ni Karina. 

 

Hindi kaya..? Baka kaya crush niya si ate Seulgi kasi..

 

"Ning, baka matunaw sila sa titig mo." Biglang sumulpot si Giselle sa tabi ko, I snorted.

 

"Pinapakinggan ko kasi yung pinaguusapan nila para may maikwento ako sa'yo mamaya." Sabi ko habang natatawa. Ito na yata ang bonding time namin ni Gigi, pagkwentuhan ang buhay nina Karina at Winter.

 

"Ano? May nakalap ka ba dun?" Bulong ko sabay turo kina Winter at Yeji. Umiling naman siya.

 

"Wala, hindi pinapansin ni Winter si Yeji." Malungkot niyang sabi.

 

Oo na! Kami na ang chismosang disappointed kapag walang masiyadong ganap!

 

"Luto na lang tayo? Puro kalandian lang ni Karina naririnig ko sa labas eh."

 

"Wow, dumadamoves si Karina?"

 

"Oo, g na g si Kat." We giggled as we went to the kitchen, magluluto na lang kami for dinner.

 

---

 

Around 8 P.M., nakaramdam na kami ni Gigi ng gutom. Nakapagluto na kami kanina pa pero busy pa si Winter sa table niyaㅡkasama si Yeji, at busy pa sina Karina at ate Seulgi sa labas. 

 

"Kain na tayo, Win, Yeji." Yaya ni Giselle habang tinutulungan akong maghain. Tumayo naman kaagad si Winter at sumunod sa kaniya si Yeji.

 

Itong si Yeji, mas busy pang makipag-interact kay Winter kesa sa'kin na kaklase niya. Naku naman talaga!

 

"Dito ka na Yej." Tinuro ko yung upuan sa tabi ko.

 

For four people lang ang dining table namin pero okay lang kasi si Winter, mukhang sa harap ng laptop niya kakain. Doon na din siguro si Karina.

 

Habol ang tingin ni Yeji kay Win, napakamot na lang ako sa ulo. Tiningnan ako ni Gigi na para bang inuutusan akong sunduin yung dalawang nasa labas pa kasi maayos na ang pagkakaupo niya sa tabi ni Yeji.

 

Hmp, nautusan pa.

 

"Ate Seulgi, tara kain na tayo." Sabi ko nung nasa may pintuan ako. Hindi na ako tumapak sa labas kasi madudumihan pa slippers ko.

 

"Bakit ako lang? Ikaw Karina?" Tanong niya habang pasunod na din sa'kin. I smiled knowingly, kakain yan kasi nakain na si Winter. 

 

"Sige lang, Seulgi. Kakain din ako." Kinuha niya muna yung speaker niya bago siya pumasok. Hinila ko na si ate Seulgi sa dining table.

 

Kasunod din namin si Karina at kumuha ng plato niya. Puno na ang table for four. Though kahit siguro hindi pa occupied yung mga upuan dito, babalik pa din siya sa living room at tatabi kay Winter sa harap ng laptop.

 

"Gutom na gutom ka ah." Karina teased kasi tapos na yata si Winter kumain agad. Tinawanan siya ni Win at nag-lean sa balikat ni Karina habang nanonood. Mangangawit niyan si Karina sa pwesto nila.

 

"May gusto akong ipa-try sa'yo na lemon juice." 

 

Hindi na ako nakinig at nakipagkwentuhan na lang kay Gigi. Nakakahiya naman sa bisita ni Kat kung tahimik lang kaming magdidinner. Bawal kumain sa harap ng laptopㅡoo, pero gusto nila yan. Nanonood sila ng mga cartoon episodes habang nakain.

 

Pansin naman agad namin ni Gigi na yung dalawa naming kasama sa lamesa ay parehong parang gusto na din pumunta sa living room.

 

---

 

Practice. Paulit-ulit yung tugtog nina Karina. Nasaulo ko na nga yata? Pagkatapos namin kumain kanina, naghiwa-hiwalay na ulit kami pero si Winter, nagyayang mag-aral. At dahil sobrang bait kong estudyante.. humindi ako! Hehehe tinatamad ako. Oo naman agad si Yeji kanina, pati si Gigi. Productive overnight daw kumbaga. 

 

Wala tuloy akong kasama sa pagliliwaliw sa phone ko. 

 

Ah! Dalhan ko pala ng juice yung dalawa sa labas. 

 

Tumayo ako, nagngitian lang kami ni Gigi. Na-gets niya din yata yung gagawin ko. Inabot niya sa'kin yung malaking Vcut. "Tanong mo if gusto pero ibalik mo din agad dito."

 

Tumango na lang ako at nagpaka-waitress.

 

Nung makalabas ako, sakto naman na nagpapahinga silang dalawa. Nakaupo lang sa bench si ate Seulgi tapos nakatayo sa may pintuan si Karina, sumisilip sa study session nina Winter.

 

"Rinig ba masiyado yung tugtog sa loob?" Tanong niya sa'kin, umiling ako.

 

"'Di pa din naman nagrereklamo si Winter so.." Inabot ko sa kaniya yung Vcut chips na kinainan niya din agad. Gutom na ata.

 

"Inom ka muna, Seulgi?" Tinuro niya ako kay ate Seulgi na nakangiti sa akin. Hehe, ang cutie ng cheeks.

 

"Thank you." Tumabi ako sa kaniya since mag-isa lang siya sa bench. Lumapit din sa amin si Karina para mai-share yung Vcut.

 

"Nakakapagod ba routine niyo?" Tanong ko. Hindi ko pa napapanood nang buo kasi dinadaldal ako ni Gigi kanina.

 

"Oo pero magaling naman friend mo." Sabi niya sabay tingin kay Karina na nakatayo sa harap namin.

 

Ih, kilig yan for sure.

 

"Seulgi!" Tumawa si Karina at may palo pa braso ni ate Seulgi.  "Mas magaling ka kaya."

 

Ang arteee. Yung tawa niya, medyo high-pitch pa na parang anghel. Nako, ate Seulgi.. kung alam mo lang.

 

"Sabi mo lang yan."

 

"Feel ko tuloy, 'pag sumayaw na tayo next week.. tuwang tuwa na naman fangirls mo." Nagpout si Karina.. nag-cringe ako bigla. Bakit parang pilit na pilit ka naman, ate girl?

 

Kapag kay Winter, okay pa eh. Natural na lang yung ganun. Nasanay siguro ako.

 

"Wala naman akong fangirls." 

 

"Ako, ako yung fangirl mo." Namula naman si ate Seulgi kaagad. 

 

"Cute."

 

"Ewan ko sa'yo, Karina." 

 

"Cute ka naman talaga."

 

Parang iiyak na si ate Seulgi sa kaka-grin ni Karina sa kaniya. Nagpanggap na lang akong nainom habang nakikinig sa kanila.

 

"Kung cute ako, bakit hindi ka sa'kin sumabay mag-dinner?"

 

Oops. 

 

Ayun oh, nagtatampo pala. Hindi naman nakasagot si Karina.

 

"Joke lang. I meant mas cute ka, nanonood ng cartoons while eating." Bawi ni ate Seulgi at hindi ko na napigilang mapatawa. Kainis lang si Karina, hindi siya nakitawa!

 

"Pwede naman." Mahinang sabi ni Kat. Napatingin kami pareho sa kaniya.

 

"Pwedeng ano?"

 

"Pwede tayong lumabas for dinner next time."

 

HA?

 

"H-ha?"

 

"Friendly dinner! Kung gusto mo akong kasabay kumain." 

 

Tiningnan ko si ate Seulgi na pulang-pula na kahit madilim na dito sa labas, halatang flustered sa pagyaya ni Karina sa kaniya. "A-ahh.. Sige."

 

"Sige?"

 

"Friendly dinner date." Pag-uulit ni Karina. Pft, friendly nga ba talaga? 

 

Binaba ni ate Seulgi yung baso niya sa tray at bumalik ang tingin kay Karina. 

 

"Okay, a date." Ay wow, tinanggal yung friendly.

 

"Congrats, guys. Imbitahan niyo na lang ako sa kasal niyo." Asar ko sa kanila nung tumayo na ako, hawak-hawak ang tray ng mga baso at naglakad na papasok sa bahay.

 

"Ning!"

 

Hindi ko na pinansin si Kat. Pagkababa ko nung mga pinag-inuman namin sa lababo, bumalik din naman ako sa labas at pinanood silang magsayaw. Napaisip na lang ako, wondering kung anong magiging reaction ni Winter sa friendly dinner date ng bestfriend niya.

 

GISELLE's

 

"Ituro ko na lang muna yung portal method. Madali lang yun." Tumango ako at binuklat yung lecture notes ko. 

 

Si Winter yung madalas magtutor sa amin dito sa boarding house. Brainy kasi siya kahit tahimik. Thankful na lang din ako't friend niya ko, madaling magtanong at magpaturo if need ko hehe.

 

"Makikinig ako sa'yo." Si Yeji na sobrang lapit na naman kay Winter.

 

Makikinig din naman ako pero hindi ko in-announce.

 

Char, joke lang. Syempre, sa isip ko lang yan.

 

"U-Uhm.. Okay." Nahiya yata si Winter sa lapit ni Yeji sa kaniya. 

 

Pa-ilang problem na 'tong sinasagutan namin, medyo pagod na ako huhu.. gusto ko na sanang matulog kaso may mga tao pa dito sa baba. 

 

Gusto ko din sana na gising pa ako kapag nag-usap sina Winter at Karina about sa tutulugan nina ate Seulgi at Yeji. Although may idea na ako kung paano nila paguusapan, gusto ko lang panoodin. Hehehe..

 

After ng portal method, sinara ko na yung notebook ko.

 

"Thanks, Win. Mabait ka pala." Pag-thank you ko na may halong asar, impit lang siyang ngumiti.

 

Kung wala siguro si Yeji, baka tinaasan niya na naman ako ng middle finger niya. Buti na lang, hihi. #Safe

 

Unlike me na sumuko na at sinarado na ang notebook ko, patuloy si Yeji na attentively listening to Winter's lecture. Kahit magkakaiba kami ng major courses, elective lang naman ang naging unique sa mga subjects na tine-take namin. Kaya helpful na din nga naman yung aral naming tatlo tonight para kay Yeji.. if ever nakikinig nga talaga siya at hindi nagch-chancing.

 

"Gets mo ba?"

 

"Mhm! Thank you! Galing mo talaga, Win." Nilapat ni Yeji yung braso niya sa balikat ni Winter. 

 

Kanina pa yan super touchy sa kaibigan ko. Lumala nung after dinner at hindi niya nakasabay kumain si Winter. Not that I'm complaining, hindi naman ako ang nahihirapan. Sarap nga sa eyes ng pinapanood kong 'to.

 

"Finally!" Bungad ko kina Ningning nung nakita ko silang pumasok sa loob. Tahimik na din sa labas kanina pa dahil nagpahinga na siguro sila saglit bago pumasok. 

 

"Tutulog na tayo?" Tanong ko, yumakap kay Ningning nung makalapit siya sa'kin. Wala naman siyang ibang choice na yayakapin kasi nakadikit pa din si Yeji kay Winter.

 

"Antok ka na pala, Gigi? Sana kanina ka pa natulog." Sabi ni Winter sa'kin na parang may tonong pinapaalis na ako. Psh.

 

"Hinintay ko kaya roommates ko!"

 

"Si Karina?" Tanong ni Yeji. Umiling ako habang nakangiti, kinindatan ko pa siya. 

 

"Ikaw at si ate Seulgi." 

 

"K-kami?" Easily flustered naman si ate Seulgi. Nakakatakot ba akong maging roommate, ha?

 

"Oo Seul, sa kama ko na lang kayo matulog ni Yeji." Sabi ni Karina pagkatapos i-lock yung pinto at palakad na sa amin sa may table.

 

"Sure ka? Ikaw? Saan ka tutulog?" Umupo si ate Seulgi sa couch. Si Karina, nakatayo lang sa may pwesto niya sa table at tinatago yung speaker niya sa desk niya.

 

"Sa kama ko." Sabat ni Winter matapos saraduhan ang laptop niya at tumayo na para pumunta sa lababo. Mag-tooth brush na siguro yan.

 

Ngiting aso namang tumingin sa amin si Karina na akala mo nakakuha ng isang milyon kasi makakatabi niya si Winter. For sure, kukulitin lang niyan si Win sa pagtulog.

 

"Yes, bestfriend ko naman si Win kaya okay lang." Bestfriend my .

 

"Thank you, Karina." Sambit ni ate Seulgi while lightly scratching her nape.

 

"I don't want you to be sleeping on the floor naman so tabi na lang kayo ni Yeji, ah?" Sabi ni Karina habang nililikom yung mga notebook ni Winter na nakapatong sa pwesto niya. Napa-usod naman sa tabi si Yeji dahil nakaupo siya sa gitna ng pwesto nina Karina at Winter sa study table kanina.

 

"Yes. Sanay naman akong tumabi diyan kahit malikot siya."

 

Mabilis na tumingin si Yeji sa ate niya. 

 

"Ate!" Napatawa na lang kami sa magkapatid. Ang cute nila.

 

"Malikot ka pala matulog, Yeji?" Asar ni Winter na kakabalik lang. Mukhang nagwarm na siya towards Yeji dahil sa review session namin. 

 

At dahil tapos na si Winter magtoothbrush, kami naman ni Ningning. 

 

"Don't tease me!" Playful na hinampas ni Yeji si Winter sa balikat. Nagtawanan yung dalawa sa harap ni Karina at ate Seulgi. 

 

Parang..

 

Mabilis na nawala yung ngiti ni Karina sa nakita niya. 

 

"Don't hit her like that." She coldly said while stepping closer to Winter, napaatras si Yeji at tumabi sa ate niya. 

 

Nag-english din. Umandar na naman ang pagiging OA ni Katarina. 

 

"Baliw, Rina. Okay lang yun, close kami." Natatawang sabi ni Winter habang nag-aayos ng bag niya para bukas. Si Karina naman, nakahawak sa braso at balikat ng katabi niya.

 

"May bali ka pa kaya!" Nakapout na sagot ni Karina, hindi nagpahuli sa banat ang mga bisita namin.

 

"Ayan kasi, 'pag natanggal yung braso ni Winter, ipagbebenta na talaga kita." Ate Seulgi joked at her sister na nakasimangot na. Mabilis nilang nakuha ang attention ni Karina.

 

"Ate naman! Ikaw ibenta ko diyan eh."

 

"Okay na nga sabi, dun ka nga Rina. Ang sikip dito." Bahagyang tinulak ni Winter ang kaibigan niya papunta sa direksyon nina Yeji. Wala nang nagawa si Karina.

 

"Kamusta today, Yeji? Hindi mo naman kami pinanood." Walang ganang sabi ni Karina nang makaupo sa tabi ni ate Seulgi sa couch. 

 

Kita ko yun, umirap si Yeji! "Okay naman. Naging busy kasi ako kay Winter. Check ko na lang yung routine niyo bukas."

 

Nagmumog muna ako sa may lababo pero mabilis lang syempre, nanonood ako ng live show sa living room eh. 

 

My friend crossed her arms at hinanap si Winter na paakyat na sana sa taas. "Nag-aral kayo, Win?" 

 

Dahil tinawag siya, napatigil nga si Winter sa pagakyat at sumilip kay Kat.

 

"Oo. Naituro ko na naman sa'yo yun. Wag kang mag-alala." Ngiting tagumpay naman itong si Karina. Kahit ako napangiti sa ngitian nilang dalawa.

 

"Uh.. Magready lang kami ni Yeji for bed." Paalam ni ate Seulgi at tumayo na. Bago siya makalayo, tinapik niya muna yung balikat ni Karina at ginulo yung bangs niya. Nagwhine naman agad si Kat.

 

"Samahan ko kayo sa taas." Sabi ko, nagpaalam na din ako kay Ningning na naghihilamos pa. 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣