Pasilip

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

NINGNING's

 

"Ning, nakita mo si Winter?" 

 

Ay, shet. Nagulat naman ako dito kay Kat! Bigla bigla nalang sumusulpot. 

 

"Nasa kwarto yata namin?" Sagot ko habang tina-type sa laptop ko yung password ko. Kanina pa kasi 'to nagloloko kaya ni-restart ko muna. 

 

"Ah.. Okay." Buntong hininga siyang umupo sa tabi ko at nag-lean sa table katabi ng laptop ko. Nginitian ko na lang siya.

 

"'Di parin kayo okay?" Kita ko sa mata ni Kat yung familiar na lungkot niya tuwing ganito sila ni Win. Hays.. 

 

"Hindi niya na ako tinext after ko siyang maiwan sa canteen." Nakapout pa si Karina sa'kin. Sus! Kay Winter lang eeffect yan, sis.

 

"Hay nako, alam mo namang may tampo pa. Bakit mo iniwan basta-basta kanina?" Diretsong tanong ko, eh kasi naman! 'Di ko din alam bakit ba pinapahirapan ni Karina yung sarili niya, na kung tutuusin dapat alam niya na kung pa'no suyuin si Win.

 

Dumating lang din bigla si Winter kanina dito sa bahay, nakasimangot as usual. Hinayaan ko nalang na dumiretso sa taas.

 

"Nahila na kasi ako nina Seul." 

 

"Wow, wala na ngang ate, nickname basis pa." I . Namula naman siya agad.

 

Oo talaga, umamin na yang si Karina sa'kin! Crush niya daw si ate Seulgi.

 

Wala akong pasok today. Si Karina naman, kakauwi lang. Si Giselle, nasa kagroup niya daw sabi ni Winter kanina. Kaya siguro extra sad yun kasi wala lalo siyang kasabay umuwi.

 

Psh, ako nga hindi nagtatampo kapag walang nasabay sa'kin pauwi! 

 

Joke. 

 

"So, nung nahila ka.. never mong naisip na pwede ka namang bumalik muna kay Winter at magpaalam? Anlapit-lapit lang niya!" Tinulak ko siya ng kaunti, may patawa din ng kaunti, hehe.. para 'di halata na medyo inis din ako sa ginawa niya.

 

"Uy! Ano na?" Si Gigi, kakarating lang.

 

"Hi Gi! May miryenda diyan sa kitchen, bumili ako, hihi." Nginitian ko siya nang sobra at may pa-giggle pa, sabay simangot nung hinarap ko ulit si Karina. Napa-eyeroll naman siya sa'kin.

 

'Di ko na napigilang tumawa. Nakakaawa naman 'to.

 

"Kain ka na diyan, Gigi." Sabi ni Kat at tumayo, sinundan ko naman siya agad. Aba, syempre. Sure akong pupuntahan nito si Winter sa taas. Dapat alam ko ang chika!

 

"Pst." Sitsit ni Giselle habang nakatayo sa may table, napatigil ako sa paglalakad. Si Karina, nauna na sa taas. 

 

Huhuhuhu ano ba, chichika ako eh.

 

"Ano?" Bulong ko nang makalapit sa kaniya.

 

"'Di parin sila okay?"

 

"Hindi, baliw kasi si Kat, 'di marunong makaramdam." Pang-aasar ko, hehehe--Aray!

 

"Bakit ka ba namamalo!" Sinampal ko din yung braso ni Gigi.

 

"Ako na makikinig sa taas." Sabi niya habang natatawa pa. "Magbibihis din kasi ako."

 

THIRD PERSON's

 

Nakahiga si Winter sa upper bunk ng double deck nila ni Ningning nung pumasok si Karina sa kwarto. Agad naman siyang umakyat para umupo sa tabi ni Winter. Nakalapat lang ang mga paa niya sa hagdan ng kama. 

 

"Win.. Are you awake?" Mahina niyang tanong.

 

Hindi sumagot si Winter na nakapikit at kaharap ang dingding. Karina sighed, tumitig muna siya sa sahig at pinag-isipan ang sasabihin. Ilang beses na niya 'tong ginawa, sobrang daming beses na niyang sinuyo si Winter.

 

Ganun din naman si Winter sa kaniya. Sanay na sila sa isa't-isa. 

 

Inilipat niya ang tingin kay Winter at dahan-dahang tumabi sa bestfriend niya. Kagaya ng laging ginagawa, she wrapped her arms around Winter and shared her warmth.

 

"Sorry.. 'Wag ka nang magalit, please?" Bulong niya sa batok ni Winter. Naramdaman agad ni Karina ang hawak ni Winter sa braso niyang nakayakap.

 

She felt Winter heaving a sigh. Gising siya. 

 

Naghintay si Karina, pero hindi nagsalita si Winter.

 

Pakiramdam niya, sumikip ang dibdib niya. Kahit yung yakap, wala na din yatang epekto kay Winter. Hindi na napigilan ni Karina na humikbi. 

 

"Hindi ko kayang gan'to tayo.." Humigpit pa ang yakap ni Karina kahit alam niyang hindi siya sasagutin ni Winter, patuloy lang siyang umiyak sa likod ng bestfriend niya. 

 

GISELLE's

 

Gagi! Umiiyak ba si Kat? Rinig ko siya.. Bubuksan ko ba 'tong pinto? 

 

Mahilig sina Kat at Win na tumambay sa kwarto nina Ning. Maraming beses na din naman akong pumasok sa kwarto habang nagmomoment sila so.. okay lang naman siguro, 'no?

 

Ah, bahala na! Pawis na pawis na din ako, ang init kaya. Kailangan ko na ding magpalit ng damit. 

 

Compared sa kwarto namin ni Karina, mas malaki yung kina Winter kaya nandun yung mga closet para sa aming apat. Ayun nga lang, need ko pasukin yung kwarto ngayon.

 

Pagpasok ko, bumungad agad sa'kin yung dalawang magkayakap habang nakaupo sa kama. Mukhang pinapatahan ni Winter si Karina.

 

Hay.. marupok! Marupok sa bestfriend niya, oo. 

 

Nakayakap si Kat sa kaniya habang pinupunasan niya yung mga luha ni drama queen. Hay nako ka, Winter Kim. 

 

"'Wag ka na ngang umiyak, para kang tanga." Sabi ni Winter na natatawa sa mukha ni Karina. 

 

"Oh, tanga ka pala Katarina eh." Singit ko, napatingin naman silang dalawa sakin na parang ngayon lang yata nila napansin na nandito ako. Hello? Lagi na lang nila akong ginaganito!

 

"Hehe, joke lang." Bawi ko sabay ngiti kay Winter na naka-glare sa'kin. Si Karina naman, todo hagulhol sa shoulder ni Winter na pinapat ang likod niya.

 

Ang arte naman nito, batukan ko kaya 'to.

 

"Bihis lang me, 'wag n'yo ko pansinin." Kumuha na ako ng bagong t-shirt at nagpunta sa d.i.y. dressing room namin sa gilid ng kwarto nina Winter. 

 

Hindi ko man kita, rinig ko pa din sila.

 

"Tuloy kayo mamaya?" Tanong ni Winter. Yung sleepover siguro kasama si ate Seulgi.

 

"No. Ayaw mo kasi." Sagot ni Karina with matching soft sobs pa. Napatawa ako, itong dalawang 'to talaga.. nanggigigil ako. 

 

"Ayoko talaga."

 

"Pupunta nalang ako sa school bukas ulit para maki-join sa practice." 

 

Tapos na 'kong magbihis, pero naupo muna 'ko sa may desk dito sa tapat ng kama nina Winter para makichismis. 

 

"Wala kang pasok bukas ah?" Tumingin sa'kin si Winter kaya nagkunwari akong gumagamit ng phone.

 

"Oo, kaso 'di naman ako makakasama sa overnight practice." Kita ko 'yon Kat! Grabe, may pa-pout effect. Mukhang nagbago naman agad ng desisyon si Winter. 

 

"Sige na. Practice na kayo dito." Ayan na, bumigay na nga. 

 

"Payag ka na?" Tanong ni Karina. Paano bang hindi papayag yan, hawak mo na nga yung kamay, nagpapacute ka pa?

 

"Oo, para makapagpahinga ka bukas." 

 

"Talaga?" Mukhang nang-aasar na si Karina. Then again, effective naman kasi ang bilis maasar ni Winter. 

 

"Oo nga! Sasabunutan na kita, Rina. Ang kulit mo."

 

"Yay! Thank you, Win! Itext ko si Seulgi, wait." Karina took her phone from the pillow. Tumingin ulit sa'kin si Winter, nginitian ko lang siya na parang nang-aasar din.

 

Aba, tinaasan ako ng middle finger!

 

Dahil diyan, nanood na ako sa kanila at hindi na nagkunyari. Bakit pa, eh may sarili naman silang mundo? 

 

"Si ate Seulgi lang ba ang magooverni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣