Baliw

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

GISELLE's

 

Naalimpungatan ako nang biglang may pumasok sa kwarto. Hindi ko na sinilip kung sino, hindi din naman ako makamulat pa.

 

Si Winter siguro yun. Siya lang naman ang ganun maglakad sa amin, mabigat ang paa na para bang tamad na tamad lagi.

 

Naramdaman ko na may humiga sa kama ni Karina sa lower bunk. Sa likot at tunog palang ng kama, mukhang nagcuddle na naman sila.

 

Monday na Monday, ito agad ang bungad sa umaga ko! Hays.. Lumingon ako sa kanan ko, may salamin kasi sa desk namin ni Kat dito. Nakita ko agad sa reflection dun yung pwesto nung dalawa sa kama. Kaya pala ang likot nila kanina, nagpaikot-ikot siguro sila kasi si Karina pa ang nakapatong kay Winter. 

 

Good morning naman sa akin? 

 

Tumalikod na ako at pumikit. Niyakap ko na lang ang unan ko.

 

"Rina, may pasok ka ngayon." Rinig kong bulong ni Winter, umungot lang si Karina. Parang wala yata akong choice kundi makinig? Huhuhu.. antok pa ako.

 

"Sabay na din ako 'pag papasok ka na mamaya." Dagdag niya, naghum lang si Kat, tulog pa yata talaga. 

 

Nung nagising ako ulit, mag-isa na lang ako sa kwarto. Maingay na din sa baba. Pero good news! Today, tawanan lang ang naririnig ko. Buti naman! Rest day ng sigawan nila. Naawa siguro sa boses nilang dalawa.

 

"Good morning, Gigi!" Masayang bati ni Ningning na hawak ang phone niya habang nakatayo sa may sink. Kakatapos lang sigurong magtoothbrush. Bihis na bihis na din sila ni Kat. 

 

"Ganda naman ng gising ko." Sabi ko nung nakita ko yung silog sa lamesa. Favorite ko kasi, hehe..

 

"Oo, kain ka na d'yan. Lasang kamay ni Winter yan." Biro ni Karina, maybe si Winter ulit ang nagluto. Tinawanan ko na lang.

 

"Yuck, Win. Ito na ba yung first taste ko sa'yo?" Asar ko. Nasa pwesto niya sa study table si Winter. Bagong ligo at ready na din.

 

Oo nga pala, pupunta din siya sa school ngayon.

 

"Asa ka. Matagal ko nang pinaglalaruan mga pagkain natin. Matagal mo na 'kong natikman." Gago talaga 'to. Nagtawanan lalo kaming apat.

 

"Kadiri kayo, kumain ka na nga Gi!" Saway ni Ningning. Kumain na din ako kasi gutom na.

 

Sarap din talaga magluto nitong si Winter.

 

"Anong oras kita pupuntahan sa room niyo?" Si Winter, tinatanong si Karina na nakaupo sa tabi niya.

 

Ay, ayos. May sunduan na magaganap mamaya.

 

"Mga 5? Okay lang ba?" Kinuha ni Kat yung suklay ni Winter at tumayo sa likod nito, iipitan siguro si Win.

 

"6 P.M. uwi ko, Win. Baka curious ka." Singit ni Ningning. Nakita ko naman agad yung kunot ng noo ni Karina na parang ayaw niyang magthirdwheel si Ningning sa kanila. HAHAHAHAHA pasaway ka talaga Ning!

 

"May online meet pa kami sa PTE mamayang 6 Ning, sorry.." Cute ni Winter, nagsorry pa. Hindi niya napansin yung nasa likod niyang nagmemake face kay Ningning. 

 

Karina tied Winter's hair in a pretty braid. Ang cute. Minsan lang mag-ipit si Winter, minsan which means kapag trip siyang ipitan ni Karina. 

 

Si Kat lang din naman ang nakakagawa niyan sa kaniya. 

 

"Joke lang, Win. Si Gigi daw susundo sa'kin." Muntik na akong mabulunan! Anong ako?

 

"Hoy Ning! Rest day ko ngayon ha." Sabi ko pagkatapos uminom ng tubig, narinig kong natawa yung dalawang nasa salas.

 

"Ihh.. dali na." Tumabi pa siya sa'kin at pinulupot yung kamay niya sa braso ko. Itong babaeng 'to. 

 

"Oo na, sasamahan ako ni Kat." Sabi ko, saktong kakatapos lang naman ni Karina sa buhok ni Winter na nakangiti sa akin. Halatang tinatamad din si Karina sa itsura niya ngayon pero hindi naman makatanggi kasi baka magtampo si Ning.

 

"Sige. After ako ihatid ni Win sa bahay, lalabas ulit ako." Sabi niya sarcastically. Nagtawanan na lang kami.

 

THIRD PERSON's

 

Dalawa ang subject nina Ningning at Karina ngayon pero magkaibang floors ang classrooms nila. May free time sila, kaso lang hindi magtutugma para makapagsabay pa silang maglunch.

 

Ang plano ni Winter, magaasikaso siya ng requirements sa scholarship niya sa umaga. Mahaba din kasi ang pila sa registrar's office. Sa lunch, si Ningning ang sasabayan niya. Sakto naman na libre ang kaibigan niya at baka makasama pa sa kanila ni Yeji bago ang 5 P.M. class nila sa classroom na gagamitin nina Karina mamaya. 

 

"Iwan na kita dito?" Tanong ni Karina kay Winter ngunit nakahawak pa din sa kamay nito na parang siya ang may ayaw bumitaw. 

 

"Oo nga, 5 minutes na lang, start na class mo." 

 

Humiwalay na si Ningning sa kanila kanina pa at sumama sa mga kaklase nila. Busy din si Ningning sa school dahil kabilang siya sa isa pang sub-org ng department nila.

 

"Chat mo ako later? Check ko if makakasabay ako ng lunch sa'yo." Binitawan na din ni Karina si Winter, sumilip sa direksyon ng building nila. Nasa isip niya ay tatakbo na lang siya. 

 

"Oo, alis na. Pipila pa ako eh." Tinulak na siya ni Winter na parang kinakabahan na sa dami ng taong pumapasok sa main office building ng registrar. 

 

Napa-giggle si Karina sa tono ni Winter. Gustong-gusto niya talaga pag nakukulitan ito sa kaniya. 

 

Ready na siyang umalis pero bago pa man siya tumakbo, ibinalik niya ang tingin niya kay Winter at pinisil ang pisngi nito. 

 

"Rina!" Sigaw ni Winter nang tumakbo si Karina pagkatapos siyang pisilin nang may gigil. Ramdam niya pa ang pagkamanhid sa pisngi niya sa pagkakapisil dito. 

 

Pinanood niya muna si Karina na tumatakbo palayo. Hawak-hawak ang pisngi niyang masakit, pumasok si Winter sa office na may ngiti sa labi. 

 

Hindi naman ganun katagal ang processing ng mga requested documents ni Winter. Nagtagal lang dahil sa pila at sa mabagal na printer sa registrar's office. Dapat siguro papaltan na yun, luma na yata. Sa isip ni Winter, may pera naman siguro ang university nila dahil kakadeclare lang dito bilang National Engineering University sa buong Pilipinas. Kaya naman sobra din ang pangbabash nina Gigi sa school nila, parang ang kuripot kasi pagdating sa ganitong bagay.

 

Nang makuha niya na ang certified true copy ng grades niya, kinuha niya agad ang cellphone niya at hinanap si Karina sa messenger. Sakbit ang bag sa kanang balikat, naglakad si Winter papunta sa main building. Nandun na din ang canteen at library kaya tingin niya, dun mas maayos tumambay. Malapit din naman sa building ng ACES.

 

Rina ♡

 

W ko: tapos na po ako sa registrar boss

Rina ♡: naol

W ko: Musta class?

Rina ♡: 3 seatworks namin :(((

W ko: Ay, hahaha focus ka jan! 

Rina ♡: best in focusing nga ako!

W ko: Gutom na ako, gusto ko KFC.

Rina ♡: hanlayo ng kfc win :3

W ko: Di ko naman sinabing pupunta ako don.

 

2 New Messages Received!

 

Mama: Musta ka anak

 

Ningning: WIN!!! KITA US SA CANTEEN, OKI??

 

Natawa si Winter sa message ng kaibigan niya at hindi pinansin ang mula sa nanay niya. Hindi na nagreply si Karina, baka busy na.

 

Tinago na ni Winter ang phone niya at nagtungo sa loob ng canteen, sasamahan niya na lang si Ningning kumain. Pero.. baka mamaya na siya maglulunch kapag dismissed na din si Karina.

 

NINGNING's

 

"Winter, kain ka na please?" Pakiusap na ni Yeji. Kanina niya pa kinukulit si Winter. 

 

Hays! Sabi ko na eh! Nung biglang lumapit si Yeji after kami idismiss ng prof namin, ramdam ko na agad na sasama yan para kasabay si Winter maglunch.

 

"Uhm.. Hindi, okay lang talaga Yeji. Kain na kayo ni Ning, iintayin ko na lang si Katarina." 

 

Sus. Nakasimangot naman si Yeji dahil hindi nakuha ang gusto. Bilib din ako sa kanya, paulit ulit na siyang nireject ni Winter pero hindi sumusuko. 

 

Nakabukas lang yung book ni Winter sa structural theory. Sa pagkakaalam ko, yan din yung aaralin nila ni Yeji mamaya. Nagaadvance study na siguro siya.

 

Habang nakain, nakita kong online si Karina. May naisip ako.

 

Binuksan ko ang chat box namin na may purple theme. Aasarin ko lang si Kat.

 

I was lowkey when I took a picture of Winter studying pero feel ko, napansin ni Yeji yung ginagawa ko kasi lumapit pa siya kay Win at nakisilip sa book sabay tingin sa camera. 

 

Hinayaan ko nang nakatingin siya sa cam dun sa sinend kong picture kay Karina. Hehehe testing lang kung anong magiging reaction niya.

 

ningning cutie: di pa kumakain bff mo, san k nb??

 

Aba, seen lang? Bago yan ah. 

 

"Win, saan na daw si Kat?" Tanong ko, malay ko ba kung may usapan pala talaga sila.

 

Sumilip siya sa phone niya na katabi ng libro niya. "Ewan ko, hindi naman nagrereply sa'kin." 

 

"Eh pa'no ka kakain niyan?" Worried na din ako, baka malipasan siya ng gutom.

 

"Okay lang. 'Di pa ko gutom." Tipid niyang sagot, nagshrug na lang ako sa tingin na binigay sa akin ni Yeji. Worried din siya, obviously.

 

Pagkatapos naming kumain, nagyaya na si Winter na pumunta sa library para mabilis silang matapos. Although may 4 hours pa naman kami before class. 5 P.M. pa yung next class namin eh, after nung kina Karina.

 

Sumama na din ako. Ewan ko, parang feel ko kasi, gusto ni Winter na nandun ako. Baka awkward pa din talaga siya if alone with someone na hindi si Karina, ako or Giselle.

 

Ang bilis ng oras, 3 P.M. na agad. Hindi din naman tumitigil si Winter sa pagtuturo sa'min nung mga solutions. Oo na, huhu.. wala akong choice kundi makinig.

 

Boring sa library! Sobrang tahimik!

 

Need ko din naman ng review kasi ito yung subject namin later. Balita ko nga, may pareporting pa daw.

 

"Um.. Gusto mo magsnacks muna tayo, Winter?" Napatingin ako kay Yeji, and then kay Winter. 

 

Nakailang beses na ding uminom ng juice si Winter, bumili siya ng C2 sa baba kanina. Actually, nakadalawa na siya. Baka masobrahan naman ang diet niya?

 

"Hindi, ayos lang. 'Di naman ako gutom." Tanggi na naman for the nth time. 

 

"Wait nga, tawagan ko si Karina." Singit ko na, kasi mukhang si Karina lang naman ang makakapagpakain sa kaniya. 

 

Niring ko na ang phone ni Kat, pero wala pang three seconds, nag'call ended' na. At pagbalik ko ng tingin kay Winter, may nakatayo na sa likod niya.

 

Sino pa nga ba? Edi si main lead Karina girl na may hawak na dalawang supot ng KFC!

 

Wow naman, galing pala sa KFC. Samantalang si Winter, hindi pa kumakain.

 

Kapag talaga si ate Seulgi pala kasama nito kanina, manggigigil ako!

 

"Uy, Kat, nagKFC ka?" Tanong ko na both nang-aasar at nanghuhuli. Nginitian niya ako pero nawala din yun agad nung lumipat ang tingin niya kay Yeji na katabi ni Winter.

 

"Bakit 'di ka nagrereply?" Tanong ni Win sa kanya, atsaka tumingin sa pagkain na dala-dala ni Kat. 

 

Gutom na si Winter, kawawa naman abunjing namin.

 

"Tara, kain tayo." Sabi ni Karina at inayos ang pagkakabuhat sa backpack niya sa shoulders niya. Ngayon ko lang napansin, tumakbo yata siya papunta dito? Medyo pawis pa siya. Baka mainit lang sa labas.

 

"Rinaㅡbawal kumain dito sa lib." Nilikom ni Winter yung notebook niya at nag-excuse kay Yeji, akmang tatapusin muna saglit ang lecture na inaaral namin.

 

O

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣