Sirang Plaka

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

Karina woke up, nahihilo, nanlalabo pa ang mga mata kaya pumikit siya ulit. Umaga na yata.. dahil ang liwanag ng kaliwang bahagi ng kwartoㅡkita niya sa pagmulat ng kaunti kanina. 

 

She felt the bed moving, nakiramdam si Katarina.. May katabi siya?

 

Dahan-dahan niyang iminulat ulit ang mata niya. 

 

Framed picture ng nightview sa aurora borealis ang una niyang nakita. Nakadikit ito sa tapat ng kinahihigaan niya, sa kulay puting dingding ng kwarto. 

 

Kailan pa nagkaroon ng ganun sa kwarto ni Karina?

 

Hindi din plain white ang kulay ng walls niyaㅡ

 

. Nasaan nga ako kagabi?

 

Party ni Yuqi.

 

Pero hindi naman 'to kwarto ni Yuqi. She was there last night and it didn't look like this. 

 

Napabangon agad si Karina. Naramdaman niya na naman ang paggalaw ng katabi niya. 

 

Napasigh nalang siya nang makita ang magkayakap na sina Ningning at Giselle. 

 

At talagang sa tabi niya pa nagcuddle..

 

Mabagal na umalis ng kama si Karina para hindi sila magising. She now knows kung kaninong kwarto 'to when she saw the family picture on the side table ng kama na hinigaan niya magdamag. 

 

"Good morning." Nakangiting bati ni Yeji agad nang makalabas si Karina sa kwarto. 

 

Nasa may kitchen aisle ng condo si Yeji, nagkakape na. 

 

Scanning YejiㅡSeulgi's condo, naalala nga ni Karina, pumunta sila dito kagabi but she could only remember glimpse of knocking on Yeji's door and Yeji letting them in. 

 

After that, wala na. 

 

Yeji's unit is just on the same floor as Yuqi's.. kaya hindi na nagtaka si Karina kung bakit dito siya dinala ng dalawa niyang kaibigan. 

 

"Gusto ko din ng coffee." Pagdedemand ni Karina as she sat in front of Yeji. 

 

The other raised an eyebrow at her kaya nakipaglaban siya sa titigan. Feel na feel naman ni Karina ang pagiging bisita at pang-aasar kay Yeji kahit umagang umaga palang. 

 

"Kamusta?" Tanong ni Yeji while making another coffee for Karina. 

 

"Nahihilo lang." Sagot niya, nakangiti pa kahit masakit na nga ang ulo. 

 

She likes that Yeji is comfortable enough with her and her friends that they reached this point na sa kama pa niya sila nakatulog. 

 

"Lasinggera." Yeji . 

 

Hindi umirap si Karina kasi si Yeji ang gumagawa ng kape niya. Baka mamaya lasunin siya kapag nakipagbardagulan pa siya. 

 

"Hindi talaga kami palainom, okay?" Pagdedefend niya. Tumawa si Yeji bago iabot sa kaniya ang isang mug of coffee. 

 

Yeji moved her gaze towards the living room behind Karina. 

 

"I can see that." Sabi ni Yeji kaya curious na tumingin si Karina sa likod niyaㅡ ang napakagulo at mukhang dinaanan ng bagyo na salas. Hindi niya napansin nung naglakad siya kanina. 

 

"Kami ba ang may gawa nun?" Katarina asks before sipping coffee from the mug. Sobrang kalat talaga, pati ang tissues, nakakalat ang buong roll. 

 

Tumango si Yeji. "Stop saying ‘kami’. Ikaw lang naman ang lasing sa inyong tatlo, Karina." 

 

Huh..?

 

Wala ngang naaalala si Karina. Ang alam lang niya, gutom na gutom sila pagdating sa unit ni Yuqi kahapon so she went to the kitchen para kumain pero puro fried chicken wings lang naman yung naabutan niya dun. 

 

Then she drank some, tapos inantok na siya. 

 

"You guys came here without notice, buti gising pa ako." Pahabol na sabi ni Yeji kaya tumango nalang din si Karina, at least she can remember that part. 

 

"Kat? Katarinaaaaa!" 

 

Mabilis na tumakbo pabalik sa loob ng kwarto ni Karina nang marinig niyang pasigaw siyang tinatawag ni Giselle. 

 

"Gigi? Anong nangyayari?" Napatanong na talaga si Karina dahil okay naman ang kaibigan niya at katabi pa din si Ningning na mukhang nagising sa sigaw niya. "Baliw ka."

 

Karina rolled her eyes at nag-cross arms pa. Bumangon na si Giselle hawak ang sentido.

 

"Huhu sorry, nagpanic lang." 

 

"Ang ingay mo, Gi.." Ungot ni Ningning na nakaupo na din sa kama dahil nagising nga. 

 

"Bakit ba? Nasa labas lang kami ni Yeji." Inis na sabi ni Karina, nahihilo pa rin kasi siya tapos napatigil pa ang pagkakape. 

 

Giselle glared at her, pero binawi din naman at bumalik sa pagkakahiga. 

 

"Nagpanic nga lang! Akala namin kung asan ka na eh."

 

Tinitigan ni Karina ang dalawa niyang kaibigang kakaibang umakto. Kahit kasi si Ningning na dapat nagrereklamo pa sa naudlot na tulog, worried lang din na nakatingin sa kaniya. 

 

"Ang OA mo Gigi ha." Yan nalang ang sabi niya, dismissing the stares she received when she walked back to the kitchen aisle para ituloy ang pagkakape niya. 

 

GISELLE’s

 

Mukha lang akong kalmado ngayon pero nagpapanic na talaga akoㅡkami ni Ning. Nakasakay kami sa booked grab namin, papunta palang kina Yuqi. 

 

Late na kami, oo! Pero nagsabi naman kasi kami kay Kat kanina eh. Yun nga lang, isang oras kaming naghintay ng masasakyan pero ang dalang! May strike ba ngayon? Sobrang malas namin.

 

We saw Ryujin's post kani-kanina lang. Lechugas talaga yon! Huhu hindi din naman sumasagot si Karina sa tawag namin, baka tulog... or worseㅡat sana hindi worse ang madatnan namin dun. 

 

"Ang kulit mo kasi, sabi ko na kanina pang maggrab na tayo eh." Si Ning naninisi pa! 

 

"Malay ko bang walang jeep." 

 

Mabilis kaming naglakad papasok sa elevator. I checked Yuqi's message again para sure kami sa unit na pupuntahan. Ang alam ko nga, dito din yata si Yeji at same floor sila. 

 

"Uy Yuqi!" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa nung pinagbuksan kami ni Yuqi ng pinto, "Happy birthday! Nasan si Katarina?"

 

Medyo pasigaw pa ang tanong ko kasi ang lakas ba naman ng patugtog niya. 

 

"Gift muna!" Tipsy pa yata si Yuqi huhu.. Ning held her arm para patigilin sa pagsasayaw. 

 

"Anong gift muna? Nasaan si Kaaaat?" Impatient na pagtatanong ni Ningning sa kausap namin.

 

Natauhan naman si Yuqi at sumagot na nang ayos. Tuminging-tingin pa sa paligid na parang hinahanap nga din si Karina. 

 

"Inaantok kanina, sabi ko edi humiga siya." Kamot-ulong sagot ni Yuqi. I sighed, hindi naman sobrang marami ang mga tao pero ang hirap ngang haligapin ni Karina. 

 

"Nasaan sina Minju?"

 

"Nasa may kitchen."

 

---

 

"Minju!" Tawag ko agad sa batchmate namin. Wala si Chaewon dito but still, tama naman ang sabi ni Yuqi na nasa kitchen nga. 

 

"Uy Ning, Gigi! Kanina pa kayo hinihintay ni Karina." Unlike Minju's usual mahiyain pero loko-loko ang behavior, nakaupo pa si Minju sa counter katabi ng sink at dun mag-isang umiinom. Pero mukhang inviting naman siya kung titingnan. 

 

"Nasaan si Karina?" Mga lampas sampung beses na yatang naitanong ni Ningning yan sa mga tao dito. 

 

"Natutulog." Tipid na sagot ni Minju before drinking again. Kinuha ko muna ang cup niya para makausap siya nang ayos. 

 

"Saan?" I asked her. She tried to extend her gaze sa may living room. 

 

"Wala sa couch?"

 

Sabay kaming umiling ni Ning. "Wala eh.. puro nagm-momol ang nandun."

 

"Hala hindi ko alam guys.. ang sabi lang niya sakin kanina, matutulog na siya eh."

 

"Ningning! Giselle!" Biglang dumating si Chaewon na may dalang bag ng crackers. 

 

Ay jusko. Ang gulo. 

 

Inexcuse ko na kami ni Ning sa kanila. Kailangan pang hanapin si Karina.

 

"Sa room kaya? Shet Gigi.. kasama kasi si Ryu ngayon eh." 

 

Hayy. Bakit kasi nandito si Ryujin? Akala ko ba sadgirl siya!

 

Nakahawak si Ning sa braso ko. I looked at her, then sinundan ang tingin niya dun sa direksyon ng kwarto ni Yuqi. 

 

Walang masyadong tao dun. Yun ang offlimits na part ng unit ni Yuqi. 

 

"Kalma Ning. It’s organic." I told her habang naglalakad papunta dun. 

 

"Anong organic?"

 

"Don’t panic." Nakangiti kong sabi, hinampas niya ako sa braso. Huhu nagjojoke lang eh. 

 

Nagpapanic din naman kasi ako pero lumalala gawa niya!

 

"Parang baliw naman, Gigi." 

 

Humiwalay na siya sakin. I quickly stepped closer to the door at inikot ang doorknob.

 

Tae.

 

Napabuntong hininga nalang talaga ako nung hindi nagbukas. 

 

"Bakit? Nakalock?"I nodded at Ningning, siya naman ang nagtry buksan. 

 

Lumayo nang kaunti si Ning at tumingin ulit sa mga taong nagpaparty sa living room. 

 

Maya-maya, nagulat nalang ako nung sumigaw siya. 

 

"YUQI!" Nagtinginan yung iba pero most of them, walang pakielam. Maingay naman na kasi talaga, kinuha lang ni Ning ang atensyon ng birthday girl.

 

"Yes!!!!" Energetic pang lumapit sa amin si Yuqi na may dalang lollipop. 

 

May lollipop? Makahingi nga mamaya. 

 

"Pahinging susi!" Sigaw ulit ni Ning kahit katabi na niya yung kausap niya, nandidilat na din yung tingin niya huhu scary. 

 

Hindi naging madamot si Yuqi sa amin. Kinuha niya ang susi mula sa bulsa niya at siya na din mismo ang nagbukas ng pinto para sa amin. 

 

Yung kaba ko, sobrang lala na. Kasi kung wala pa din dito si Kat, hindi na namin alam kung saan pa siya hahanapin. 

 

Thankfully..

 

Pagbukas ng pinto, nandun nga si Karina, tulog na tulog sa kama ni Yuqi. Nakita ko din agad si Ryujin na nakaupo sa kabilang side ng bed at busy sa phone niya. 

 

Itong pakshet na 'to. 

 

Iniwan na kami ni Yuqi. Mukhang wala namang suspicious sighting sa loob ng kwarto kaya kumalma na akoㅡslight. Pero ang girlfriend ko, nagmamadaling pasugod na kay Ryujin na nakatingin sa amin. 

 

"Bakit nandito ka, Ryu—" Mananampal na nga yata si Ning kaya pinigilan ko. 

 

"Bitawan mo nga ako, Gigi!" Galit niyang itinaboy ang pagkakahawak ko sa kaniya. 

 

"Ning! Isa." Saway ko. Tumigil naman siya, kay Kat nalang dumiretso. 

 

Meanwhile, Ryujin continued to watch her and then tumingin sa akin. 

 

Nakakainis. Gusto ko na din sampalin 'to pero natatakot kasi ako sa kaniya. Ewan, sa kacreepy-han niya siguro?

 

I mean, ilang beses na. Ilang beses na namin siyang nakausap pero nakakahanap pa din talaga siya ng paraan para painitin ang ulo namin ha. Isn't this a sick attitude?

 

"Tara sa labas, Ryu." Kinuha ko ang braso niya at hinila siya palabas ng kwarto. Hindi siya nagreklamo o ano man, pero bumitaw din siya agad sa hawak ko nung makalabas kami. 

 

"Wala naman akong ginawa kay ate Kat." 

 

Nakakainis talagaaa. Yan na naman siya sa pagpapakainosente niya. 

 

"Delete your post." Mariin kong sabi. Kumunot pa ang noo niya na parang ako pa ang mali sa aming dalawa. 

 

"Bakit?" Anong bakit huhu

 

"Because it’s weird?" Hindi siya sumagot, umiwas lang ng tingin. Grabe..

 

"Delete it! Napakagago mo, nilalayuan ka na nga ni Katarina eh."

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣