Saan?

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

THIRD PERSON’s

 

“Baby..”

 

Winter immediately opened her eyes when she heard Karina’s voice. Nagising siya agad, napa-thank God na talaga sa isip at katabi niya pa rin ang girlfriend niya.

 

Mahirap na, baka panaginip lang pala lahat.

 

Hindi naman na bago yun sa kaniya—ang magising sa kaunting ingay.. she hasn’t slept well in the past months at lalong naging light sleeper na.

 

Dahan-dahang bumangon si Winter para icheck ang girlfriend niyang mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya. When she moved away, Karina’s hug tightened.

 

Tulog pa din si Karina. Bumulong lang talaga kanina, nananaginip siguro..

 

Winter leaned down to kiss her girlfriend’s cheek. Dun na din nanlambot ang hawak ni Katarina sa kaniya and that’s when Winter found a way to get off the bed.

 

Pagkakita niya ng kalat nila mula kagabi, nilinis niya agad. Even Karina’s dress and bag, naiwan lang pala sa sahig.

 

Picking up Karina’s bag, the phone that wasn’t placed properly inside it slipped out at nahulog sa sahig.

 

Winter glanced at Karina to check kung nagising niya ba.

 

“Win..” Nagising nga.

 

Winter hummed, taking the phone na nagbukas—and saw the lockscreen wallpaper.

 

Hindi niya kilala kung sino.. pero hindi si Karina, o kung sino pang ibang kaibigan nila. The girl on the wallpaper is wearing a company shirt, yung pinagt-trabahuhan ni Karina.

 

Katarina’s workmate.. maybe?

 

Workmate lang ba?

 

“Nagugutom ako, baby..” Karina murmured. Winter couldn’t see her face dahil nakadapa na si Karina at nakatalikod sa kaniya.

 

Bumigat ang loob niya sa nakita niyang picture. Winter placed her girlfriend’s phone on the table at the side of the bed.

 

Magpapakain ba sya sa selos..?

 

Hindi.

 

She’s just going to ask her later. After last night, Winter trusts na mahal pa din siya ni Karina.

 

Kung may dapat man siyang isipin ngayon.. yun ay kailangan niyang bilhan ng pagkain ang girlfriend niyang gutom na daw, according sa sleeptalk niya.

 

Plano na din ni Winter na dumaan sa branch ng office nila sa Alabang dahil inutusan siya ng tito niya.

 

---

 

Katarina woke up an hour later, mataas na ang sikat ng araw, naririnig na din niya ang malakas na hangin sa labas—hangin ng pasko na yata ang tawag dun.

 

Panaginip ba yun? Is the first thought in her head.. naalala niya kasi si Winter bigla.

 

Mukha ni Winter na malapit sa kaniya kaninang madaling araw..

 

..teka.

 

Nanlaki ang mga mata ni Karina at pwersahang bumangon. Napahawak siya sa ulo niya, absentmindedly combing her hair with her fingers habang pinagmamasdan ang kwarto.. na hindi sa kaniya.

 

Ang kwartong tinatambayan niya lang noon.

 

Kwarto ni Winter.

 

“Ay.. ..” She bit her lip, kinapa ang damit na suot niya.

 

Kay Winter din.

 

Naalala niya ang panonood niya sa mga kamay ni Winter kahapon na ibinubutones ang shirt na suot niya. She remembers staring at Winter’s face habang inaalagaan siya nito.

 

Napasapo nalang siya sa ulo. "Jusko.."

 

She looked at the middle of the room, nasa sahig ang maleta ni Winter na nakabukas pa at halatang hinalikwat lang kagabi.

 

Totoo nga.. all the things she thought was just a dream.. actually happened last night.

 

Winter.. last night..

 

Hindi pa niya masyadong maalala ang ibang nangyari but she remembers cuddling with her too.

 

Karina had floating months waiting for Winter so.. of course, naisip na niya ang gagawin niya kapag bumalik bigla si Winter.

 

Ilang buwan din yun.. kaya marami siyang oras para mag-isip. She’s ready for this.

 

Ang hindi lang siya ready ay.. ang makita siya ni Winter na wasted.

 

Nakakahiya.

 

Plano niya pa naman sanang magsuplada. Dun kasi siya magaling—pero,

 

Tama nga si Yeji, ang galing din niyang magpakatanga.

 

Sigurado din naman siya sa mararamdaman—at nararamdaman niya. Syempre, she'd be happy..

 

And right now, she’s happy that Winter’s back.

 

But then, what now?

 

Karina jolted from her position at the edge of the bed nang biglang mag-ring ang phone na nasa lamesa, katabi ng dress niyang nakatiklop na at ang bag niya kagabi.

 

That’s new. Palaging nakavibrate mode ang phone niya.

 

Exceptㅡthat wasn't her phone. Baka kay Wonyoung..?

 

Caller ID: Yujinnie ♥️

 

Si Yujin pa ang tumatawag. Kay Wonyoung nga.

 

Karina took the phone and answered the call.

 

"Hello..?"

 

"Ate Karina! Nasayo pala phone ni Wonyoung.."

 

Habang may kausap, kinuha na ni Katarina ang mga gamit niya at dali-daling lumabas ng kwarto ni Winter kahit wala siyang kahit anong sapin sa paa.

 

Dala din kasi niya sa kamay ang heels na suot niya kahapon.

 

"Oo.. bakit nasakin?"

 

Karina glanced at the pair of crocs shoes na nasa may hagdan ni Winter. Pinagisipan kung kukunin ba niya para naman hindi siya nakapaa mamaya sa labas.

 

"Napagpalit ata kagabi. Sorry."

 

Nagpatuloy nalang siyang maglakad, napagdesisyunan na magyapak nalang. Nakakahiya naman kung ang unang usapan nila ni Winter mamaya ay pagbabalik niya ng sapatos na hindi naman pinahiram sa kaniya.

 

Walang tao sa living room ng bahay nang makababa si Karina. Wala din naman siyang naririnig na ingay kanina kaya inexpect niya na mag-isa lang siya.

 

She'd like to think na iniwan na naman siya ni Winter but for now, gusto niya munang umuwi sa bahay niya, maligo, at makuha ang phone niya.

 

Mamaya na siya mamomroblema kay Winter kapag nandyan na.

 

She paused, babalik naman siguro si Winter..? Nandun pa ang mga gamit niya sa bahay..

 

Nandito din si Karina at naghihintayㅡpa rin, sa kaniya.

 

Kaya dapat bumalik si Winter.

 

"Okay lang.." Sagot ni Karina sa kausap sa telepono bago niya isara ang main door ng bahay ni Winter.

 

"Ako na pipick up kasi masakit pa ulo niya. Okay lang?"

 

"Sige.."

 

Pinatay na ni Karina ang tawag at nagsimula nang makipagsapalaran sa unang hamon ng araw niya.

 

Karina walked out of the house, mouthing 'aw' in each step dahil mabato pa naman ang garden nina Winter at barefoot siyang naglalakad. She bit her lip at tiniis nalang ang discomfort ng paglalakad pati sa mainit na sementadong daan bago niya marating ang front door ng sariling bahay.

 

---

 

Karina kept herself busy. One, worried siya na hindi niya nakita si Winter paggising kanina. Two, this is the day she’s been waiting for so long. Kaya sa pag-sasagawa niya ng morning routine niya, she starts collecting her thoughts.

 

Dahil failed ang initial plan niyang maging suplada at pa-hard to get, kailangan niya ng plan B.

 

Habang naliligo, at nabubuhusan na ng tubig ang ulo at katawan ni Katarina, dun na nagsimulang bumalik sa kaniya pa-isa-isa lahat ng mga nangyari matapos siyang maiwanan sa lamesa sa party nila kagabi.

 

"Win.. I missed you so much.. ang hirap na wala ka dito.."

 

Okay pa yan eh..

 

"Shet talaga.. Kat.” She scolded herself habang naga-apply ng conditioner. “Ano ka ba.."

 

"Tatanggapin kita ulit Win.. 'wag mo lang akong iwan na.."

 

So much for her plan na magsuplada.

 

Napapikit nalang si Karina nang mag-echo pa sa utak niya ang mga naalala niyang sinabi niya kagabi. She sighed loudly at mahinang sinampal ang sarili niya para magising.

 

"Dito ka nalang sakin, 'wag ka nang magtrabaho.. May.. may work na ako, ako nalang ang bubuhay sayo."

 

"Ang rupok rupok mo, kainis." Bulong niya sa sarili, clenching her fists on her locks.

 

She’s slowly getting herself to accept the things she said last night nang may maalala pa siya. Karina remembered the fact that she initiated their kiss sa kama ni Winter..

 

Katarina groaned in annoyance at her behavior last night. She basically threw herself at Winter—yung taong dapat ay nagpapakipot siya.

 

After taking a bath, and with fresh mind—she declared to herself, ay nagbihis na din siya at nag-ayos dahil tumawag na ulit si Yujin para sabihing malapit na siya sa bahay.

 

"Ate Karina! Grabe, sorry talaga sa abala. Hindi ko agad napansin kagabi kasi diretso tulog din ako eh." Mukhang nagmamadali pa si Yujin nang labasin siya ni Karina sa may gate.

 

"Uy okay lang. Paalis na ba kayo ngayon?"

 

Hawak ang phone ni Wonyoung, lumapit na nga si Katarina para kitain ang katrabaho niya.

 

"Yes ate. Sabi ko hintayin nalang ako." Nakangiting sagot ni Yujin.

 

Nagmamadali nga si Yujin. Pabalik na din kasi siguro ang bus ng company sa Manila dahil one night lang naman ang event na yun.

 

"Sige na, ingat kayo ah. Hindi na kita papapasukin.. paalis din kasi ako later." Karina said after they exchanged phones.

 

"Ayos lang yun! Haha sige po, una na ako." Patakbong umalis si Yujin while waving at her. Napilitan tuloy si Karina na ibalik ang energy ng bagong kaibigan niya at nagwave back.

 

While walking back to her front door, holding her—originally Winter’s phone in hand, pasimpleng sumilip si Karina sa katabing bahay na sarado pa rin. Napatingin siya sa bike ni Winter na hindi niya napansin kanina.

 

Kung umalis man si Winter, baka gamit ang sasakyan ng kuya niya. The same one from last night.  

 

Nakaramdam siya ng kaunting inis.. at pag-aalala, 'di pa rin kasi alam kung nasaan ba ang girlfriend niya at missing in action na naman.

 

Opening her phone, she proceeded to her contacts and gave Ningning a call.

 

"Ning?” Pagtawag niya, she heard Giselle’s voice from the background kaagad.

 

"Uy Kat, hehe punta kami dyan later!"

 

Karina looked at the calendar na nakapatong sa may TV. Alam niya na agad kung bakit pupunta ang mga kaibigan niya.

 

But anyway, may itatanong nga pala siya sa kaibigan. "Have you talked to Winter?"

 

"Kanina lang, why?"

 

Aba. Nagulat naman si Karina na nakausap na pala ni Winter sina Ningning.. pero she also considered na baka tumawag pala sina Ningning at Giselle kay Winter to invite her on today’s celebration.

 

"'Di pa kayo nagkakausap? Akala ko siya ang naguwi sayo kahapon?" Tanong ni Ningning nang hindi sumagot si Karina sa kaniya kanina.

 

"Oo.. Alam mong umuwi na sya?"

 

"Kahapon lang din namin nalaman kasi nagsend bigla ng message nung evening. Hinahanap ka."

 

Napa-sigh nalang si Karina at humiga sa couch with the phone next to her ear.

 

"Why didn't you tell me?"

 

"She wants it to be a surprise yata eh. Tsaka ‘di ka din naman nagchecheck ng GC kaya hindi na namin kinwento muna, busy ka sa event kahapon ha."

 

"Okay, oo nga pala." Sagot ni Karina, tama naman ang sinabi ni Ningning.

 

After the call ended, Karina sits down on the couch to collect her thoughts, again.

 

First of all, she's mad.

 

Finally, bumalik na nga si Winter. Nagagalit siya kasi alam niyang marupok sya and she's upset na hindi niya pa alam kung ano ba talagang nangyari kay Winter.

 

Second, she's thrilled.

 

Bumalik na si Winter and if she remembers it correctly, they kissed last night.

 

And that kiss? It’s something more dear than their kisses before. She can still feel the butterflies in her stomach whenever she thinks about it.. Yung pati ang paggalaw ng mga labi ni Winter kahapon, nasaulo niya pa.

 

Ganun yata kapag matagal siyang kiss-deprived.

 

Third, she's annoyed.

 

Kung may nangyari sa kanilang gabi, she'd think na one night stand lang yun dahil wala si Winter nung nagising siya. But then, wala namang nangyari.. not that she's disappointed.

 

Medyo lang.

 

Tatayo na sana siya para sa kwarto nalang sana humiga dahil wala pa naman siyang balak lumabas ngayong araw—rest day niya eh. Hindi natuloy ang pag-alis niya sa couch nang biglang magnotify ang messenger niya.

 

Gigi added Winter Kim to the group chat.

 

Gigi: monthsary namin ni ning today, libre namin kayo

Ningie: sakto dating mo wiiin.

Winter Kim: Hi guys

        Anong oras? Dumaan lang ako sa office pero uuwi din naman ako agad.

Ningie: after lunch siguro?

Gigi: basta ba siputin mo kami,, di kasi ako manlilibre pag ghinost ako

Winter Kim: Sorry ulit :(

Gigi: kaya magready kayo, daanan nalang namin kayo sa house niyo. Galing din kami sa bahay ni Ning eh.

Kat: :/

Winter Kim: Good morning Rina

Ningie: yun naman may pagoodmorning

Gigi: syempre babawi yan, ghoster yan eh

Kat: Mga baliw??

 

Karina chuckled while reading Giselle’s frank replies. A sigh in relief din naman dahil nagbalik na si Winter sa messenger, sa groupchat nila, at nagpaparamdam na talaga.

 

Okay lang naman sigurong aminin na sobrang namiss niya ‘to.

 

Sa harap lang naman ni Winter niya balak magpakipot.

 

Nang marinig niyang nagbukas ang gate sa kabilang bahay, tumayo na talaga si Karina para icheck kung si Winter na ba yun.

 

Nakikita niya nga si Winter—she looks different. Nakangiti kasi si Winter, wearing a hoodie and black pants. Sa pagdadamit, hindi nagbago si Winter.

 

Lumabas ng bahay si Karina para silipin but as soon as she saw Winter walking towards her gate—at hindi sa gate ng kabilang bahay, napaatras si Karina.

 

Nang makita niyang pumasok na si Winter sa gate ng bahay niya, Karina panicked. Gusto na sanang pumasok sa loob at ilock muna yun dahil nauubusan yata siya ng salitang naiisip na sasabihin kapag kinausap siya ni Winter.

 

Bakit ba ang ganda pa ng ngiti ni Winter? Ganun ba siyang kasaya..?

 

Why does Karina’s heart thump as if it’s her first time talking to her crush? Eh si Winter naman ‘to, mula nung sobrang bansot pa ng kapitbahay niya, kilala na siya ni Karina.

 

“Good morning, Rina. Sorry, umalis ako kaninaㅡ” Karina crossed her arms at hindi pinatapos si Winter.

 

Naalala niya kasi ang plan B niya—ang maisagawa ang plan A with confidence.

 

“'Di ko tinanong.” Sabi niya na nakapagpasimangot kay Winter.

 

“Katarina, I bought food..” Winter tried again, pinakita pa sa kaharap ang hawak niyang Jollibee.

 

“And?” Pataray na tanong ni Katarina, iniiwasang tumingin directly sa mga mata ni Winter dahil nanghihina siya, baka mautal siya or worse—mayakap niya si Winter out of nowhere.

 

Winter must’ve sensed the mood that Karina’s pushing in between them.

 

“Rina, magusap tayo, please.” Pakiusap nito.

 

Umiling si Karina, eyeing Winter’s lips na pinipilit ngumiti. Nakakainis, ang cute.

 

“Kung.. iiwan mo lang ulit ako, 'wag na tayong magusap.” She said, turning around para sana pumasok na sa bahay.

 

She stopped in her tracks nang hawakan siya ni Winter sa wrist. Karina immediately faced Winter again, glaring at the other while throwing her hand away.

 

“Winter!” Inis niyang sabi, hindi na pilit ang pagmamaldita ngayon. Naramdaman niya na. Naramdaman niya ang kirot sa dibdib nang maalala ang isang araw na pag-iyak niya noon dahil lang sa idea ni Winter sa isip niya.

 

“Rina naman..” Winter frowned now. Umiwas ulit ng tingin si Karina, saulo niya pa din naman ang tono at mga expressions ni Winter.

 

She knows that Winter’s trying. Pero kasi.. pinipigilan niya nga na maging marupok eh.

 

“Sira na tayo, Win.” Karina mumbles, humugot ng lakas para tingnan ang mga mata ni Winter. She wanted to see how her girlfriend will react.

 

Yun na yata ang strongest phrase na kaya niyang sabihin. Gusto niyang malaman kung anong gagawin ni Winter. Her girlfriend spent months figuring out how to fix her issues.. so baka naman makakita si Karina ng improvement pati sa relasyon nilang nadungisan at napabayaan.

 

“Kaya nga nandito ako diba? Babawi na ako sayo.”

 

Napalunok si Karina. She thought Winter wouldn’t talk. Akala niya, like back then, tatahimik lang si Winter at iiwasan ang usapan.

 

“Iiwanan mo lang ako ulit.” Pagpapatuloy ni Karina, she wants to hear more.

 

“Hindi na.”

 

She remembered Winter constantly telling her that last night. Pinigilan niyang ngumiti.

 

“Natatakot akong iwan mo ulit, Winter.” Matigas niyang sabi, gumigilid na kasi ang kasiyahan sa puso niya dahil sa pangungumbinsi ng kausap niya.

 

“Hindi na, Rina.” Winter’s consistent with her fast responses. Nagugulat nalang talaga si Katarina.

 

Ito na ba..? Yung hinihintay niya?

 

Balak na sana munang magwalkout(in sa bahay) sa pag-uusap nila ni Winter because she feels overwhelmed by how persistent Winter is. Kaso lang, kumalam bigla ang sikmura ni Karina.

 

Palagi nalang. When she tries to be cool, whenever she wants to do something that’s supposedly jaw-dropping, bigla nalang siyang mapapahiya.

 

Palagi din na sa harap ni Winter nangyayari yun—like when she made Winter her girlfriend.

 

Rolling her eyes at the situation she’s stuck in, tumingin siya sa supot na dala ni Winter. Alam niyang nakangisi ang kaharap niya kaya hindi niya tinitingnan ang nakakainis na mukha nito.

 

“What's that?” She asks, eyes squinting sa supot ng Jollibee.

 

“Dalawang super meal.” Nakangiting sabi ni Winter. Inirapan siya ni Karina.

 

‘Di naman galit si Karina sa kaniya, umirap lang kasi ang cute ni Winter.

 

“Take one. Akin yung nakasupot.” Malamig niyang sabi.

 

“Okay..” Nakapout na sumunod si Winter, holding one of the meals on her hand bago iabot ang supot kay Karina.

 

After taking hers, Katarina poked Winter’s lips. Hindi napigilan.

 

“Kumain ka na at magready, Gigi and Ning will be here soon.” She told her, tumalikod na ulit pero hindi na naman natuloy ang pagpasok niya sa bahay dahil nagsalita si Winter.

 

“You don't want to eat together?” Confused na tanong ni Winter. Karina looked back at her, raising an eyebrow.

 

“Sabi ko nga, kakain ako mag-isa.” Sagot ni Winter sa tingin na ibinigay sa kaniya at naglakad na palayo.

 

Sighing, Karina stares at the container of the meal given to her.

 

“Winter.” Malambot niyang tawag sa girlfriend niyang palabas na ng gate.

 

Mabilis na tumingin si Winter sa kaniya. “Yes?”

 

“Thanks.” Karina said, smiling at her bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay niya.

 

Katarina ate alone.

 

Winter ate alone.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣