Dahan-dahan

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

When Karina was just starting to grow on Winter, sinusubukang buksan ang puso ni Winter para masanay sa presensya niya kahit lagi silang magkaaway.. she’d be barging into Winter’s room, gising man, tulog, o kahit wala dun ang kaklase niya, papasok siya.

 

“Nandito ka na naman?” Winter asked with a hint of exhaustion—which she doesn’t mean, on her voice. Ngumiti lang si Karina sa kaniya, hawak ang notebook niya sa physics 1 at nakadapa sa kama ni Winter.

 

“Magtaka ka kung wala ako dito.” 17-yr old Karina responded, giggling pa.

 

Dumiretso lang sa paglalakad si Winter papunta sa study desk niya, nasasanay na nga talaga siya na may taong nakikigulo sa kwarto niya.

 

Hindi naman ganun kaingay si Karina, minsan lang. Madalas, tumatambay lang talaga sa kama niya para gawin ang kahit anong gusto niyang gawin. Winter would let her, as long as hindi siya magkakalat—or as long as lilinisin niya ang kalat niya. 

 

Karina continued on studying.. kaya wala nang narinig si Winter na ingay sa kwarto niya. Before she started looking at her notes too, she glanced behind her para silipin ang magandang tambay sa room niya. Lagi lang na nakadapa o nakaupo si Karina on her bed, she might end up hurting her back if she continued to study that way.

 

“Bili tayo nung mini-table, Katarina.” Winter said. Tumingin naman sa kaniya ang kausap niya, with a big smile, tumango sa suggestion niya.

 

GISELLE’s

 

Nakakulong lang sa kwarto si Karina since yesterday.. nung umalis si Win. Her mom was worried dahil nakalock ang kwarto niya kahapon kaya tinawagan kami ni Ning to talk to her.

 

Pagdating naman namin, bukas na ang room ni Kat at mukhang dun na din siya kumain ng breakfast. May plato and utensils pa na nakapatong sa mini-table na usually pinaglalagyan namin ng snacks kapag sleepover.

 

“Kat, nood tayo?” I carefully asked, nakaupo lang kami ni Ning sa tabi niya habang nakahiga siya sa kama at nakatago sa ilalim ng kumot niya.

 

We actually haven’t seen her face since we got here. Mga isang oras na din.

 

“Wala ako sa mood..” Sagot niya. Thankfully, sumasagot naman si Karina sa amin.. though her voice is raspy. Umiyak.. for sure.

 

Ningning suddenly shifted her position at tinabihan na si Kat, niyakap ang friend namin na under the blanket pa din.

 

“Katarinaa.. papagalitan ka ni Winter kapag hindi ka lumabas dyan.” Kinulit na siya ni Ning while trying to hug her figure. I smiled.

 

“Edi mabuti, para tumawag na siya sa akin.”

 

Ah.. Hindi pa pala siya tinatawagan ni Win?

 

“First day niya dun, Kat. Baka nagpapahinga at nagaasikaso ng mga bagay-bagay.” I explained, giving Winter the benefit of the doubt kahit alam kong naisip na din naman ni Karina ‘to.

 

“Ang bagal niya.” Karina murmured again.

 

Nagkatinginan kami ni Ning, both laughing at her response.

 

“Tinawagan mo na ba siya?” Tanong pa ni Ning, we felt Karina shaking her head. Hay nako!

 

Sa halip na pagalitan si Kat, kinuha ko na ang phone na nasa may bedside niya. We have access on each other’s phones. Ewan ko, ganun kaming kacomfortable sa isa’t isa. Wala din namang itatagong sikreto.

 

“Tatawagan ko.” Sabi ko na, pumunta sa messenger ni Karina and like I thought, si Winter ang tanging private message dun, puro gc na yung iba.

 

Biglang lumabas ang ulo ni Karina, peeking at us. Yun oh! Kitang kita namin ang mapula niyang cheeks at puyat at umiyak na mga mata.

 

“S-sumagot?” She bit her lip, nakatingin lang sa akin.

 

I looked down at her phone and saw that Winter answered the call. Narinig namin agad yung boses ng kuya niya, then her mom appeared on the carema.

 

“Winter anak! May tumatawag sa’yo.”

 

Bumangon na si Kat, finally! She leaned on the headrest of her bed, tinabihan namin siya. I gave her the phone at sabay-sabay naming pinanood ang pagdadala ng mama ni Winter ng phone sa kung saan mang nandun si Winter.

 

And there she is, Winter’s fixing something on her room yata? May hawak pang screwdriver.

 

“Ano po yun, mama?”

 

“Tumatawag ang girlfriend mo.”

 

We waited na ibigay kay Winter yung phone niya. Si Katarina, halos ilapit na sa mukha niya yung phone kakatitig.

 

Agad naman siyang ngumiti nung nagpakita na si Winter sa video, and she started tearing up again.

 

Huhuhu gusto kong tumawa dahil ang cute ni Kat at parang bata pero baka magalit siya.

 

“Rina!” Tawag ni Winter. Nakaipit ang buhok niya, ponytail. She’s wearing a hoodie like she usually does.

 

Grabe, namiss ko din pala agad si Win.

 

“Uy, Rina.. bakit ka naiyak? Sorry, busy pa kami dito eh.. lowbatt ‘tong phone ko kahapon kaya nagcharge pa ako tapos hindi ko pa agad mahanap ang charger ko. Sorry talaga.. hindi ako nakatawag agad. Pinapaayos na kasi agad sa’kin nina mama yung CPU ng computer ko dito.”

 

Ang daming sinabi ni Winter—nag-alala siguro sa pag-iyak ng girlfriend niya dito sa tabi namin. Karina leaned on my shoulder at pinunasan ang mga luha niya.

 

We heard Winter chuckling. “Gigi, ikuha niyo nga ng tissue yan.. ang pula na oh.”

 

“Ning, tissue daw.” Natatawa kong utos kay Ning na ginawa din naman niya agad.

 

Pagkatapos mag-ayos ni Kat ng mukha niya, kinuha niya ulit yung phone at hinarap si Winter.

 

“Sige na.. Mag-asikaso ka na muna dyan.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Aba, character development ah. Akala ko, kukulitin niya si Win until matapos yung ginagawa ng girlfriend niya.

 

“Sure ka? Baka umiyak ka na naman.” Tinawanan na naman siya ni Winter kaya umirap si Kat.

 

“Tawagan mo ako after dinner, I’ll wait.”

 

“Okay, Rina.”

 

“Winter.”

 

“Hm?”

 

“Maghihintay ako.”

 

“Opo, I’ll call na talaga, promise.”

 

“Kat, nakaready na ba ang gamit mo for move-in natin?” I asked, kanina pa kasi akong tumitingin sa kwarto niya and I noticed na walang kahit anong sign na paalis din siya.

 

Sa susunod na araw na ang move-in day namin sa new dorm dun.

 

Later after lunch, pupunta kami ni Ning sa Manila to check kaya hindi namin masasamahan si Kat dito until night. Buti nalang talaga, tatawagan naman daw siya ni Winter.

 

“Hindi pa.. Bukas na siguro, tinatamad pa ako.” Ipinasa niya kay Ning yung phone niya. Mukhang happy naman na yata siya dahil nakausap na ang jowa.

 

I saw Ningning clinging on Kat’s arm. “Sige. Basta mamaya, maglulunch tayo ha?” Lumapit na din ako para makicuddle sa kanila.

 

Haayy..

 

“Oo naman, gutom na din ako.” Karina leaned on Ning’s shoulder this time, one hand patting my arm. “Ingat kayong dalawa later.”

 

I hummed, nakatitig lang ako sa closet ni Karina sa gilid ng room niya. Kaming dalawa lang ni Ning later, I wonder what will happen.

 

Ningning spoke, “Chat mo din si Ryujin about downpayment, hindi pa siya nagsesend sa akin.”

 

Ah right. I wonder what will happen to us during our review.

 

“Oo nga pala..” Karina sighed, biglang humiwalay sa amin ni Ning and she began pulling on her blanket again.

 

Hinila ko din yung kumot niya, palayo sa kaniya. “Oh, bakit magtatago ka na naman?” Baka mag-iyak na naman ‘to eh!

 

Kat glared at me, “Iidlip lang ako, Gigi!”

 

Ningning and I laughed at her. Nagtago na ulit si Kat sa ilalilm ng kumot niya.

 

---

 

After namin kay Kat, ang next stop namin ay Buendia na. Since we're not planning to push Karina to join us sa pagbisita sa titirahan namin in the next six months, Ning and I would have to figure out how to get there on our own. 

 

Sa aming apat kasi, si Kat yung marunong sa mga ganitong lakad eh. Siya ang gmaps namin, kumbaga. 

 

When we arrived sa may Chowking, bumaba na din kami. Ang sabi ng mama ko, magUV nalang daw kami papunta sa Espanya eh. 

 

"Okay ka lang?" Ningning asked me nang makasakay kami sa may backseat ng UV. 

 

Okay lang ba ako?

 

Hindi. Last night, I stared at my ceiling until I fell asleep kakaisip sa new chapter ng buhay namin. 

 

Hindi na kami college students, hindi rin kami nasa working phase. 

 

Hindi na din kami kumpleto. 

 

For the next six months, makakasama ko si Karina na ka-LDR ang jowa niyang naging school buddy ko for two years during my third and fourth year in college. For the next six months, makakasama ko si Ningning na hindi ko pa rin sigurado kung ano bang status namin.. Kung dapat bang mag-act normal lang ako, or should I distance myself?

 

"Gigi, may lakad ka ba sa Saturday?" Tanong niya ulit. Hindi ko pala siya nasagot. 

 

Umiling ako. Saturday.. Third day namin yan sa Manila ah, wala akong lakad. Bakit siya nagtatanong?

 

"Why?" 

 

She smiled at me, "Lalabas kasi kami ni Youngji." 

 

Ay ganun. Tinanong pala ako para iflex yung lakad niya. 

 

Hahahahaha edi wow! Here I am, being sentimental habang siya, puro date ang inaatupag. 

 

Sige. Okay lang. Ever since I saw her hanging out with Renjun nung isang linggo, tinanggap ko na din naman na baka she's back to being as carefree as she was before. Yung Ningning na madaming crush. 

 

Maybe I'm just one of those crushes now. 

 

"Ah sige, ingat kayo." Sabi ko nalang. 

 

I heard about Youngji before, isa sa mga kaklase nila ni Yeji. 

 

Anyway, I don't want to dig deeper sa date niya. Wala din akong balak na makipag-usap about sa ganap niya dyan dito sa loob ng UV. 

 

Tumingin na ako sa may bintana. Bahala ka dyan, Ning. 

 

“Gigi.”

 

Sabing bahala ka dyan eh! 

 

I looked at her, ngumiti lang naman siya. 

 

Parang baliw. 

 

---

 

"Gigi." Isa pa. 

 

Pangatlong tawag niya na yan after namin makababa sa may P. Campa. Naghihintay kami ng tricycle dito sa may tapat ng Uncle John's. Meron daw dito, meron din talagang nakaparada na trike pero wala naman ang driver. 

 

Halos sampung minuto na yata kaming naghihintay. 

 

“Bakit nga?" Naiinis na ako. Puro ngiti siya eh, akala mo naman naririnig ko yung sinasabi ng smile niyang yan. 

 

Ngumiti na naman siya. 

 

Nanggigigil na ko. Magsasalita na sana ako ulit para patigilin siya nang bigla siyang may iniabot na card sa kamay ko.

 

“Oh.” 

 

Hindi pala card.. I know well kung anong itsura ng note na iniwan ko sa flowers. 

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
14 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
14 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
14 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
14 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
14 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣