Tila Tala

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning
Please Subscribe to read the full chapter

GISELLE's

 

Final defense day! Hehe kakatapos ko lang magbihis. Ako na naman yung last na nakapag-ayos huhu.. joke, hindi naman ako malungkot. Kasalanan ko din naman kasi late na akong nakatulog.

 

(1) Paano makakatulog, ang ingay nina Winter at Katarina sa living room kagabi? Dun natulog yung dalawa eh.

 

(2) Paano makakatulog, ‘di pa din ako makamove on sa sinabi ni Ning kagabi? Nagpractice kami ng presentation na puro yun ang laman ng utak ko huhu sana okay lang ako mamaya.

 

“Anong ginagawa niyo?” Ako yan, tinatanong yung magjowa na parehong nakaformal attire na at nakaupo sa couch pa din, nagtatanungan kasi sila nung bumaba ako.

 

Si Ning, nakaupo sa study table at nagrere-read ng notes namin kagabi. She looked at me once kaya nginitian ko siya.

 

Phew.

 

“Tinetrain ko si Win.” Nakangiti ding sabi ni Karina na nakablack na slacks, matching her white blouse.

 

Ay actually, matchy nga sila ni Winter eh. Black slacks and black blouse nga lang yung kay Win. Sinadya yata nila.

 

Sige, sila na ang wholesome.

 

“Training ng ano?” Tanong ko pa ulit at umupo sa upuan ni Winter dito sa may study table. Chineck ko na din yung mga gamit namin kung kumpleto na ba lahat. Iniintay nalang kasi namin ang runner at secretary bago kami magpunta sa school.

 

“Testing, Winter.” Napatingin naman ako sa kanila, mukhang seryoso ah. Baka nagp-practice for defense later?

 

“Tch.” Rinig ko si Win. Charot lang pala, mukhang hindi about defense HAHAHAHA

 

Mahina siyang hinampas ni Karina sa tuhod, busy si Winter sa pagbabasa ng notes din namin.

 

“Baby, anong tugon?” Kat looked at her girlfriend, hinihintay yung ‘tugon’.

 

But Winter didn’t say a thing.

 

“Winter!” Saway ni Karina at hinampas na naman sa tuhod si Win. Inis tuloy na tumingin sa kaniya.

 

“Fine!”

 

Tumingin pa sa akin si Kat na nakangisi, “Take two.” Sabi niya with confidence, ibinalik ang tingin kay Winter.

 

“Anong tugon, Winter Kim?”

 

“I love you, Katarina.”

 

Pftt. Pinigilan ko nalang ang sarili ko na tumawa, gusto ko pang malaman yung kasunod eh.

 

“May jowa ka ba, Winter?”

 

“Si Katarina.”

 

“Cute ba yung si ate girl-chan, Winter?”

 

Winter sighed.

 

“Hindi.. Si Katarina-chan lang ang cutie.”

 

HAHAHAHAHAHAHAHAHA

 

Pumalakpak na ako habang si Kat naman, pina-pat na ang ulo ng jowa niyang namumula sa hiya.

 

“Wow naman! Good girl, Win!” Sabi ko pa para mas maasar si Winter. Tuwang tuwa naman si Katarina sa padali niya.

 

Biglang nagsalita si Ningning na kanina pang tahimik, “Galing ng owner mo, hindi naman nagtatagalog ang mga Japanese.”

 

HAHAHAHAHAAHAHAHA kainis.

 

Hindi kagaya last semester, mas chill kami ngayon. Ate Joy took good care of us until the last minute. Nandito nga siya sa room ngayon eh, tinutulungan kaming mag-set up.

 

She helped us preparing for QnA, even helped us narrow down the possible holes of our study at tinuruan pa kami ng pwedeng isagot.

 

“Eunchae, pakibigay naman nito mamaya sa panel chairman.” Iniabot ni Kat yung mga fifill-up-an ng panel members later during our defense.

 

Sina Eunchae at Sullyoon ang kinuha namin na runner and secretary. Mababait na bata naman, mga fans ni Katarina.

 

“Okay po!” Sumunod naman sa utos niya si Eunchae.

 

Abala pa sina Ning, Win, at Sullyoon sa pag-aayos nung projector. Ako? Ito, nakaupo hehe kausap ko si ate Joy kanina about sa mga gagawin after defense eh.

 

“Basta pumunta lang kayo sa office ko kapag kailangan niyo ng tulong.” Napasmile naman ako sa sinabi ni ate Joy.

 

Hayy, baka ma-attach naman ako sa kaniya masyado.

 

“Kailan ang uwi niyo sa mga bahay niyo ba?” Tanong niya pa ulit. Napaisip ako, napag-usapan na nga namin ‘to nina Kat.

 

“Magstay pa po kami dito for three weeks.” Sagot ko.

 

Three weeks pa kami dito sa city para mag-asikaso ng thesis.. magiging busy na din kasi si Winter soon.

 

Paalis siya. Oo nga pala, paalis siya.

 

I looked at Winter na nakikipagtawanan kina Sullyoon at Eunchae, fangirls ang peg nung dalawang lower years sa kanila ni Kat eh.

 

Mamimiss ko talaga si Win.

 

---

 

“Anong sabi ko sa inyo kanina?” Nakacross arms si ate Joy, nakatayo sa may pinto ng faculty habang tinitingnan kami isa-isa.

 

“Chin up po.” Mahinang sagot ni Ningning, nakapout pa.

 

Haha.. Huhu..

 

“Oh, bakit wala namang nakachin up sa inyo kanina?” Umirap pa si ate Joy sa amin. Huhuhuhu alam ko naman na nang-aasar lang siya pero kasi.. bakit nga ba natanggal ang angas naming apat kanina?

 

“Ihh, ate Joy syempre pahumble kami!” Sagot ni Karina na napaupo na. Nagtawanan nalang kami.

 

Kakatapos lang ng defense namin! Long story short: ang daming tanong sa amin! Grabe, ibang iba yung nangyari nung first defense namin dito sa final one. I mean, okay naman since nakasagot naman kami at nadefend ng maayos. Yun nga lang, sa daming tanong, drained na kami.

 

Nakasimangot na nga si Winter nung dinismiss na kami eh.

 

“Anyway, congrats pa din! Patapos na ang thesis niyo, papapirma nalang after final revisions.” Ate Joy pulled us in a group hug.

 

Nakiyakap naman kaming apat, narinig ko pa nga ang pagt-thank you ni Kat nang paulit-ulit sa adviser namin.

 

Tapos, tinulak nalang ulit kami ni ate Joy.

 

“Ang clingy niyo na.”

 

Kahit mga ubos ang energy, nagtawanan nalang ulit kami.

 

“Hanggang kelan daw po ang deadline?” Winter asked, mukhang worried na siya sa mga deadlines namin.

 

Ate Joy checked her phone, pinakita sa amin ang academic year calendar. “Until before meeting ng departments about sa graduation ng batch niyo.”

 

Yung graduation namin, 6 to 7 weeks from now. Lapit na din pala.

 

“Matagal pa pala.” Sabi ni Ning. I scratched my head, magkaiba kami ng nasa isip.

 

“But, ang deadline niyo sakin ay two weeks from now. Magiging free naman na kayo after ng projects niyo this week.” Aww, aga pala ng deadline namin dito ah.

 

“Aww, bawal magpahinga, ate Joy?” Karina pouted, kuhang kuha agad ang attention ng girlfriend niya na mahina siyang kinurot sa pisngi.

 

Tumawa si ate Joy sa dalawa, “Bawal for now.”

 

Aww talaga huhu.. Klaseng magpupush pa din kami sa mga gawain after finals.

 

“’Wag na kayong magreklamo, at least maaga ang bakasyon niyo, ‘diba?”

 

---

 

Tama nga naman si ate Joy, makakapagbakasyon kami nang maaga. Meaning, try hard for two weeks dapat kami.

 

Yung final defense namin, parang dumaan lang. Hindi kagaya nung ibang groups na nakikita ko pang sunod-sunod ang posts sa FB at pagstory sa IG nung pictures nila, may mga dinner pa.

 

Nagmiryenda naman kami sa school kanina, nilibre namin sina Eunchae at Sullyoon. Wala eh, kailangang magmove-on agad. May final exams pa kasi kami.

 

“Meron na?”

 

I looked at Karina talking to Winter sa may study table. Nang makauwi kasi kami, umupo na ako sa couch para magpahinga, sobrang puyat din kasi kami kagabi. Si Ningning.. nasa taas, baka tulog? Ewan ko, wala siya sa mood today eh.

 

 

Alam ko naman, kahit dapat, hindi kami nagiiwasan ngayon.. siguro need din namin both ng time para mag-isip? Ako kasi, naguguluhan na din.

 

Hayaan ko nalang na magpahinga siya.

 

“Oo..” Sagot ni Winter. Parehas silang nakatitig sa laptop ni Win, alam ko kung tungkol saan yung pinaguusapan nila kaya hindi ko maiwasan na makinig.

 

Sinabi na ng kuya ni Winter kung anong date ng flight nila. Hindi pa kasi makabili ng ticket noon dahil wala pang date ang grad namin.

 

“Marami pa tayong time, Win.” Karina held Winter’s hand, kanina pa kasing nakafrown si Win.

 

“Almost 6 weeks nalang.. Makakaattend ba ako ng grad?” Malungkot na tanong ni Winter, tumingin na din sa akin.

 

Hays.

 

“May bali-balita naman na a month after end of classes ang grad natin eh. Baka two days before nung flight mo?” Pagsali ko sa usapan, baka makakatulong yung chismis na nakalap ko eh.

 

Winter nodded, tumingin ulit sa laptop niya.

 

I saw how she smiled when Kat wrapped an arm around her shoulder, kissing her temple. “Come here, magplano tayo ng dates natin?”

 

I find it comforting na ganito yung ginagawa nila instead of crying about it. Naalala ko last semester nung halos every week na umiiyak sa akin si Kat sa gabi. Natigil lang yun nung nagholidays.. masaya na din sila after maging official girlfriends eh.

 

“Aral muna tayo, Rina.” Natatawang sabi ni Winter, lumayo na sa girlfriend niyang nakayakap. Kahit umiling si Karina, hindi naman mapigilan si Winter.

 

Kinuha na ni Win yung bag niya na nasa sahig kanina, mags-start na nga talaga silang mag-aral. 

 

Sige na nga! Ako din!

 

“Sure ka, gusto mo talagang mag-aral ngayon?” Pangungulit ni Karina na hindi umaalis sa pagkakaupo niya habang si Winter, galaw nang galaw at nag-aayos ng mga reviewer niya sa table.

 

Bumalik tuloy ako sa comfy sitting position ko sa couch dahil mukhang pipigilan niyang mag-aral si Win.

 

“Wala akong ibang gagawin.” Hindi pa din naman tumitigil si Winter sa pagbubuklat ng mga libro niya.

 

Nagulat nalang ako nung nakita kong hindi na nakapagpigil si Kat at kinuha na ang mga kamay ni Winter. Pinaharap sa kaniya ang girlfriend niyang iwas tingin kanina pa.

 

“Win, nagpapanic ka eh.” Sabi ni Kat, staring at Winter ngayong magkaharap na sila. 

 

Wow, akala ko gusto lang talaga ni Win na mag-aral.. Bestfriends nga pala sila. Alam na ni Katarina lahat ng kilos ni Winter.

 

“Sorry..” Winter looked down at their hands, sighing.

 

Napahinga din naman ako nang malalim.. ramdam ko kasi yung lungkot niya.

 

Okay lang sa akin kahit may sariling mundo na naman sila ngayon. I feel like they should talk more about this.

 

“Ice cream tayo?” Umiling si Winter.

 

“Ayokong lumabas.”

 

Hmm..

 

“Pahinga muna kayo sa taas, Kat.” Sabi ko na, mukhang yun kasi ang need nila.

 

Kahit solohin na nila yung kwarto namin, okay lang! Baka ngingiti si Winter eh.

 

Three days later.

 

Sabay naming pinagkaabalahan yung final exams at final projects. Paiba-iba ang sched ng mga exams namin eh. Kaya ngayon, naglilinis kami ni Kat ng living room kasi grabe ang kalat dun sa dumaang pagaasikaso ng manuscript, mga practice reports at yung ibang reviewers namin na nakakalat na din.

 

Maaga kaming gumising today dahil kahit kakatapos lang ng mga exams, may projects pa din kaming aasikasuhin. Nakaplano na sabay na kami nina Kat sa paggawa ng project sa techno eh.

 

Dito daw magoovernight yung groupmates niya.

 

Ako naman, agree lang kasi dahil dalawa lang kami ni Win sa group, naisip ko na baka makakatulong namin sila sa amin hehehe

 

Grabe nga. After finals, kailangang magmove on agad dahil may projects pa. Konti nalang, gagraduate na kami. Konti nalang talaga..

 

"Anong oras pupunta dito sina Yunjin?" Tanong ko sa kasama kong nag-aayos ng bookshelf ni Winter sa gilid ng study table.

 

Karina hummed. "Mga after lunch siguro?"

 

Tulog pa sina Ning at Winter, hinayaan lang namin. Sa ilang araw na pagpupuyat kasi namin, baka atakihin ng allergies si Winter kaya pinagpahinga muna.

 

Si Ning naman.. ewan, laging nakatambay sa kwarto nila.

 

Bumababa naman siya sa tanghali, nakikipagusap kina Winter at Karina. Tapos na din si Ning sa project nila nina Yeji eh, kaya baka siya pa ang mauna sa revisions namin sa thesis.

 

"Oy Kat, yung coupons nyo oh, pakalat-kalat." Napatigil ako sa pagwawalis sa may laundry area nung nakita ko nga yung papel.

 

Aba, 'tong dalawang 'to. Ito pa yung sa bagong coupons na bigay ni Kat eh.

 

"Ay, nagamit na niya yan, i-sama mo na sa wawalisin."

 

Talaga naman!! Hindi alam ko alam kung anong mafifeel ko sa information na nagamit na nila yung 7 minutes in heaven? Mga gaga huhuhu

 

"Kailan niyo naman ginamit yan?" Nanghuhuli kong tanong, nakahawak pa ako sa bewang ko.

 

Karina laughed. "Secret."

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
hello! big thanks to those who supported, people who inspired me, helped and motivated me, esp. to my friends @.artemis and @.host. Finally got the winter/⭐️ hh I hope this story, its characters and the lessons remain a good memory to everyone na babalik-balikan as a happy pill.

Comments

You must be logged in to comment
franzii
13 streak #1
felt like i aged while i was reading this. just like gi and ning, i was a witness to kat and win's love story. all the love and stress. i felt it to the bone. you sure didn't hold back, but i guess that's just how love really is. it can be intense, messy, confusing, painful, sweet, but it will definitely be worth it by the end.

i had my hesitations before reading this at first because you know why :p despite my initial annoyance, i'm glad i gave this a chance because to simply state it, this is a good story. probably my favorite thing about this is how every character is real and flawed, but they didn't let their insecurities get the best of them and strived to be better versions of themselves, even though there were questionable decisions made in the process, it all turned out well. sacrifices have to be made and it’s just the way of life where we’ll face certain situations that challenges us and eventually changes us for good or worst. it’s really just up to ourselves how we’ll face it and i hope these two never forget what they went through and always remember their love for each other in the second book.

i'm also a er for romantic gestures and the proposal just got me. the build up from winter reminiscing her favorite moments with kat from childhood and up until the most recent and eventually proposing and responding to the note kat left her and the promises they’ve made before… it was a beautiful full circle moment. you ended this chapter of their life beautifully, so i say thank you because i enjoyed reading it :]
franzii
13 streak #2
Chapter 48: .... ok.
franzii
13 streak #3
Chapter 47: okay confirmed si ning na favorite ko <3
franzii
13 streak #4
Chapter 39: ah ryujin. parang gusto ko na to idrop?! iinisin mo pa ko sa bias ko. nakakatampo ka na hay
franzii
13 streak #5
Chapter 32: halfway through this and i just gotta say, ang sipag mo magsulat lol
einjie_GF
#6
Chapter 62: 💙💙💙
einjie_GF
#7
Chapter 61: waaaaaaaaa, doneee na huhuhuhu. thank you po sa magandang story na 'to. dagdag sa list ng comfort fic ko. hayyyyy loveloveee sa story ng magbestfriend. mamimiss ko kayooo 😩😩😩 thank you po ulit sa story na 'to.. grabe, ito yung story na ganda balik-balikan.... heartheartttt mwaa mwaa
einjie_GF
#8
Chapter 34: Hala yung notes... Ang cute pero naiiyak ako hayyyy

YUNG NINGSELLEEEEEE AYAN NA AYAN NA!!!!
einjie_GF
#9
Chapter 31: congrats ning nakapag confess ka na. wait na lang sa response ni ate mo girl Gigi huhuhuhu...
sa kabilang side, ang ganda lang nung naging talk. kakiligg yung sinabi ni winter, yung assurance hayyy the "Mahal kasi kita e"😩 wala lang kinikilig lang ako lakas e hahaahah... palagi talaga 💙
einjie_GF
#10
Chapter 29: Gusto ko pa basahin😩 pero sheeet kasi sunod-sunod ang mga exam and quizzes😩😩 ituloy kita after NAT and periodic exam😣😣😣