June 03, 2007
Kahit Bata Pa AkoJUNE 03, 2007
Hello po
Goodevening everyone!
Kumain k-
Hi sayo?
Hi sa sarili ko
Ang hirap naman pala simulan ang diary! Bakit sabe ni Ate Sophia madali lang? Paano ba kase to? Sabe nya isulat ko lang daw kung ano gusto ko! Eh gusto kong batiin yung diary ko eh paano ba? Napapangitan kase ako sa first entry ko! Ang pangit na nga eh ang daming bura! Hindi kase ako binilhan ni mama ng pambura sa ballpen ano nga bang tawag dun? Yung kulay puti na liquid na may brush. Tapos isasawsaw mo yung brush sa liquid tas ilalagay mo sya sa gusto mong burahin. Hihintayin mong matuyo bago mo ulit sulatan ng panibago. May ganun si Ate Sophia eh tinutulungan ko pa syang hipan yung liquid dun sa notebook nya para mabilis matuyo. Gusto ko yun eh! Kaya lang ayaw ni mama makakapasok naman daw ako ng classroom kahit wala nun! Ayan tuloy ang pangit na ng diary ko!
Hayysss ano nga bang isusulat ko? Ah oo excited na ako bukas! First day of school! May bago akong bag yeheyyyy excited na akong gamitin sya. Kasama ako ni mama sa savemore nung bumili sya ng mga gamit namin ni kuya sa school. Gusto nga ni mama yung kulay pink daw eh ayoko nga nun! Gusto ko tong blue! Tapos sabe nya yung may gulong daw para di ako mahirapan magbuhat hihilahin ko nalang daw. Ayoko din! Lalo na kulay pink pa! Nagpumilit pa nun sya pero buti nalang nanalo ako hehehe. Mas gusto ko tong jansport. Astig!
Excited na talaga ako gamitin lahat ng gamit ko. Bagong no
Comments