Chapter 9

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Halos takbuhin ko ang hagdanan paakyat sa kwarto ko. Hindi alintana ang tingin ng dalawang taong nanonood pa sa  sala. Si Mama at Yeji. Hindi na ako nag abalang magpalit pa ng suot kong puting tshirt at itim na sweatpants, humugot nalang ako basta ng nakita kong jacket sa closet pati na din ang itim kong cap. Chineck ko sa bulsa ang wallet pati na din ang hawak kong cellphone. Nakapagcharge naman ako kanina kaya walang magiging problema dito kung sakaling tumawag si Wan.

 

Sana mahanap  nya agad si Joy. Please. 

 

I'm sorry Joy. 

 

Bumaba na agad ako.

 

"San punta mo gabi na" natigil ako sa pagsusuot ko ng aking puting sneakers dahil sa tanong na iyon ni mama.

 

Anong sasabihin ko?

 

"Hahanapin nyo ba si Ate Joy? I heard from Jin-jin. Magkatext kami" napatingin ako kay Yeji na nakaupo pa din sa sala habang hawak ang kanyang phone. Tumango ako.

 

"O-opo ma" tuluyan ko nang isinuot ang sapatos ko.

 

"Wag ka masyado magpagabi. Sana mahanap nyo sya agad" bilin ni mama bago tumalikod. "Matulog ka na Yeji bawal ka magpuyat" dinig kong sabi nya bago ako nagpaalam at patakbong lumabas ng bahay.


 

Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo, mag aalas nuebe palang naman. May masasakyan pa ako. Pinara ko agad ang dumaan na tricycle at nagpahatid sa labasan. Doon ako naghintay ng jeep.

Mabuti na lamang at hindi siksikan sa loob. Tinatry kong tawagan si Wan ngunit hindi na nya ito sinasagot. Tumingin tingin nalang ako sa labas. Hindi mapakali ang isipan ko. 

 

Nasa police station si Doc. Wala syang kasama. Nasaan si Jin? At bakit sya nandoon?

 

Kinagat ko ang labi at pinatunog ang mga buko sa daliri. Pampatanggal nerbyos. 

 

Manong pakibilisan, may gusto na po akong makita!

 

Napansin ko ang dalawang babaeng nakaupo sa harapan ko. Kanina ko pa sila napapansin na sumusulyap sa direksyon ko. Nakauniform pa ang mga ito. College student. Mabilis silang nag iwas ng tingin. Nagsikuhan at mahinang humagikhik.

 

May mali ba sa mukha ko?

 

Tinanggal ko ang suot na cap at sinuklay ng mga daliri ang buhok ko. Nakalimutan kong ayusin ang sarili dahil sa pagmamadali. Binalik ko ulit ang cap pagkatapos.

 

"New found crush"

 

"Girl crush"

 

"Kailan ka pa bumaliko?"

 

"Ngayon lang"


 

Hindi ko masyado marinig yung bulungan nung dalawa pero parang mga kinikilig ang mga ito. Namumula yung isa. Napangiti ako nung maghampasan sila. May naalala ako. Ganyan din kaming tatlo nung mga nag aaral pa kami.

 

Lalo na kami ni Joy.

 

Dati.

 

Nung hindi ko pa alam na may nararamdaman sya sa akin. Nung kinikilig pa sya kapag nakakakita ng gwapo. Ako lang naman ang paborito nyang panggigilan.


 

"Manong para po" sigaw ko. Nagbayad na naman ako kanina kayat agad na akong bumaba.

 

"Ateeeee ko"

 

"Pa arbor ng cap mo hihihi"




 

Sinaluduhan ko ang pulis na nakasalubong ko pagpasok. Yung iba dito medyo kilala ko na dahil kay Joy. Hinanap ng mga mata ko si Doc.


 

"I need a police report for my car insurance! She should held responsible for hitting my car. Shes drunk!"

 

"Im not drunk!"

 

Napalingon ako sa kung saan narinig ko ang boses niya.Dali dali ko silang nilapitan. Tiningnan ko ang mga taong nandoon. Isang babae, halatang mataray, nakatayo ito at magkaharap sila ni Doc na nakaupo lamang sa isang monoblock chair. Wala syang kasama. Dalawang pulis. Yung isa nakatayo sa gilid ni Doc habang yung isa ay nakaupo at nakapatong ang mga kamay sa table.

 

"Officer" pagtawag ko ng pansin sa isang pulis na katabi ni Doc. Nakaramdam ako ng inis. Nakita ko syang panay ang sulyap sa exposed na balikat nito. Nakalace offshoulder cape jumpsuit kasi sya na kulay dark green. Sumama ang mukha ko.

 

"Engineer Kang"? sabay na sabi nung dalawang pulis. Kilala ko sila sa mukha lang. Nagtama ang mga mata namin ni Doc. Gulat na gulat sya. Parang may gusto syang sabihin pero walang lumalabas sa bibig nya. Ngumiti ako sa kanya.

 

"Im with her" nilapitan ko sya. "Excuse me" pagpapatabi ko sa pulis na hindi umaalis sa tabi nya. Lumayo naman ito agad. Dapat lang! "Okay ka lang?" bulong ko kay Doc. Masama pa din ang loob ko. Tinanggal ko ang jacket na suot at inilagay ito sa balikat nya. Nangunot ang aking noo nung mapansin kong basa ang damit nya sa bandang tiyan. 

 

"I-im….what are you doing here?" bulong nya pabalik.

 

"Bakit basa ka?" sagot ko sa tanong nya.

 

"Ehem…" pagtawag ng pansin sa amin nung pulis.

 

Napaayos ako ng tayo. Hindi ako aalis sa tabi nya. Mahirap na.

 

"Tsk whats taking you so long? I said-

 

"Eh Ma'am hindi po natin agad agad magagawan ng report yan. Lalo na at hindi naman masyado nadehado yung kotse mo. Kaya naman pong madaan sa usapan yan." paliwanag nung isang pulis.

 

"What? Isnt it obvious? She smell of alcohol. She hit my car from the back. Obviously, the rear car driver is at fault!" matigas na sabi nung babae. Napatingin ulit ako kay Doc. Amoy alak daw sya? Nakatungo ito at parang anytime ay bibigay na. Ano ba kasing nangyari?

 

"We heard you yes. But we need to hear her side too" tumingin yung pulis kay Doc. Marahan ko syang tinapik. Napaigtad sya.

 

"H-huh?"

 

Wala ang utak nya sa nangyayari. May iniisip sya.

 

"Kailangan po namin ng paliwanag nyo nang sa ganun eh maaksyunan po namin agad ito" 

 

"What should I do as a compensation for what I did?" nagulat ako sa sinabi nya. Ano aakuin nya nalang ng ganun? Malakas ang kutob kong may kasalanan din itong isa. Sumabat na ako.

 

"Can we check a video recording from the intersection camera first? Not all accident like this is at the trailing driver negligent, there are some cases na may kasalanan din yung leading driver" naramdaman ko ang kamay ni Doc na humawak sa siko ko. I'll save you from this mess Doc, dont worry.

 

Atsaka hindi naman ganun kalaki yung damage! Kayang kaya naman 'tong madaan sa mabuting usapan katulad nung sinabi nung pulis.


 

_________________

 

Mag aalas onse na kami nakalabas bago mapatunayan na pareho silang may kasalanan. Tatawag na sana kami ng lawyer ng biglang umamin yung babae na may kasalanan din sya. Natakot ata. May katext daw sya nang bigla nyang maapakan ang brake pag angat nya ng tingin dahil sa may tumawid. Hindi naman na agad nakaiwas si Doc kayat nabangga nya ito.

 

May penalty naman si Doc dahil sa pagdadrive ng nakainom. May kung ano kasing test na ginawa sa kanya para hindi sya makasuhan  ng Anti-Drunk and Drugged Driving at magbayad ng malaki. 


 

"Isuot mo 'to" hinubad ko ang suot na cap at inayos ito sa ulo nya. Umaambon kasi. Pero hindi naman kami yung tipo na mababasa gaya nung nakaraan. Inayos ko din ang pagkakasuot ng jacket sa balikat nya. Ngayon ko lang napansin na ito pala yung jacket na pinahiram nya sa akin. Sa kanya pala talaga 'to. Nakatitig lamang sya sa ginagawa ko. Napalunok ako. "T-tara na" hinawakan ko ang pulso nya at marahan syang hinila dahil kung hindi ko ito gagawin, baka manatili lang syang nakatayo dyan. 

 

Ano kayang iniisip nya?

 

Amoy agad ng alak ang bumungad sa ilong ko pagbukas ko ng kotse nya. May apat na canned beer na nakaplastic habang bukas naman yung isa na nakalagay sa cup holder. Wala na itong laman nung kinuha ko. Napansin ko din na basa sa may bandang baba. Humarap ako sa kanya at sinulyapan ang basa nya ding suot. 

 

"Anong nangyari?" tanong ko.

 

"It dropped nung bigla akong nagpreno" mahinang sagot nya.

 

"Wait lang" pumasok ako sa loob at pinunasan ang mga nabasang parte ng sasakyan gamit ang nakita kong maliit na basahan sa glove compartment ng kotse nya. Nilagay ko din sa backseat yung nakaplastic na mga alak.

 

Bakit sya umiinom?

 

Nilabas ko ang ulo upang masilip sya.

 

"May pabango ka ba dyan?" tanong ko. Nagtataka man, kinuha nya pa din ang hinihingi ko sa bag nya. 

 

"Here" agad ko itong kinuha. Inispray ko ito sa loob para mawala yung amoy nung alak. Lumabas na ako at ibinalik na ito sa kanya.

 

"Okay na" nakangiti kong anunsyo sa kanya pero sya, nakatitig pa din sa akin. 

 

"Why are you doing this?" bigla nyang tanong.

 

Kasi gusto kita at nag aalala ako sayo

 

"You take care of me too" napakurap sya sa sinabi ko.

 

"R-right. Thanks Engineer" halatang pilit ang kanyang pagngiti. 

 

"Give me the keys" sabi ko. Nanlaki ang mata nya. Bakit sya namumula?

 

"Www-what?"

 

"Keys?" patanong na sagot ko. 

 

"Why are you….asking for my kiss?" hindi na sya makatingin sa akin ngayon. Bumaba ang tingin ko sa labi nya na kanyang binasa. Mas lalo kong nakita ang pamumula nya. Ngayon lang ba umepekto sa kanya yung beer na ininom nya? Nakakapagtaka naman.

 

"Kasi ako ang magdadrive?" nalilito kong sagot. Parang natauhan naman sya. Bigla syang natawa. This time, hindi na pilit.

 

"Keys. Hahaha you're asking for my car keys not my kiss. The hell are you thinking Irene?" kahit hindi ko maintindihan ang dilemma nya, napapangiti nalang ako. Ang cute nya talaga kapag kinakausap nya yung sarili nya. "I'll drive, kaya ko naman" pagprisinta nya. Umiling ako.

 

"No.." 

 

"Seriously, I can drive"

 

Tumingin ako sa paligid. Umaambon pa din. Ang tigas naman ng ulo nya! Baka lumakas pa tong ulan kapag nakipagmatigasan pa sya.

 

"I know you can pero pwedeng makinig ka na muna sa akin ngayon? Please hayaan mo naman akong intindihin kita. Ako

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi