Chapter 8.5

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Kapit lang. Marami pang pwedeng mangyari:) Enjoy reading!


 

Hindi na nakayanan pa ng mga tuhod kong bumigay. Nakakapagod. Gusto ko nalang matulog at ipagpabukas ulit ang pag iisip. 

 

O kung pwede lang, alisin na ang kung anumang nararamdaman ko sa kanya. 

 

Nasa labas na ako ng ospital. Umupo ako sa may hagdan sa gilid. May mga taong dumadaan na napapatingin na din sa akin. Ayoko naman kasing maghintay sa loob. Gusto ko na ngang umalis dito.

 

Matatagalan pa kaya si Joy?

 

Yumuko ako at pinaglaruan na lamang ang mga daliri ko. Naluluha na naman kasi ako. Hindi mawala sa isip ko yung nakita ko kanina. At alam ko sa sarili kong patuloy ko itong maiisip hanggat hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit sya umiiyak.


 

Napatingin ako sa pamilyar na dress shoes na tumigil sa harapan ko.

 

"Seulgi" unti unti akong tumingala. Tumitig ako sa nag aalalang mukha ni Joy. Nakauniform pa sya at maging ang headgear sa ulo nya ay suot nya pa din. Nahiya ako bigla.

 

"Pasensya na hindi ko alam na m-may duty ka pala" mahina kong sambit. Tumaas ang kilay nya.

 

"Tumigil ka nga. Tumayo ka dyan" kinuha nya ang kamay ko at hinila ako patayo. Nagpahila nalang ako. Kumain naman ako kanina pero parang nawalan na ako ng lakas ngayon. "Kaya mo naman siguro maglakad?" tanong nya. Tipid akong ngumiti.

 

"Oo naman"

 

Naglakad na kami papunta sa sasakyan nya. 


 

I'm always one step away

From messing up

I've never felt this way

Just can't get enough of you

I'm scared to lose you

In highschool you were cute, it's still true

 

Bumungad sa amin ang tugtog sa loob ng sasakyan. Ang hilig nya talaga sa music.


 

Since then, I've been holding on, just waiting for that day to come

A thousand love songs later on, I'm still here

 

Umupo na ako at inayos ang seatbelt. Nararamdaman ko ang pagtingin nya sa bawat galaw  ko. Pinasok ko sa aking bag ang hawak kong cellphone. Mabuti nalang nakatawag pa ako sa kanya bago magshut down. Wala pa naman akong dalang power bank. Naiwan ko sa bahay. 


 

So I'll sing, I'll wait

Stuck in the friendzone

Hoping that one day

You'll come along

Join me, 'cause I've been slowly falling

So I'll sing, I'll wait

 

Nang masigurong ayos na ang lahat, nagsimula na syang magdrive. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi sya nagtanong na ipinagpasalamat ko. Hindi ko kasi alam kung paano ako magkwekwento nang hindi umiiyak. Baka kasi imbis na magsalita, puro luha lang ang lumabas. Niyakap ko nalang ang bag ko at tumingin sa labas.

 

I remember times when we would stay up 'til the morning

Watching the sun slowly rise above the sea

You turned around and then you said to me that

There's nowhere else I would rather be at

 

"Sa bahay ka muna. Baka makita ako ni papa" pagbasag nya sa katahimikan. Kailan kaya sila magiging okay? Ilang araw na syang hindi napapadpad sa lugar namin. Ayaw daw nyang makita sya doon ng papa nya.

 

"Sige. Salamat Joy ah" 

 

"Psh kapag hindi ka pa tumigil sa kagaganyan mo ibababa kita dito" nakanguso akong humarap sa kanya.

.

"Bakit ganyan ka? Kapag inaasar kita naiinis ka, kapag naman mabait ako sayo naiinis ka pa din." tanong ko. Kanina pa din kasi sya. Naiinis ba sya dahil ginulo ko ang trabaho nya?

 

Since then, I've been holding on, just waiting for that day to come

A thousand love songs later on, and I'm still here

 

"Lagi naman talaga akong inis sayo. Hindi ka pa ba sanay?" mataray na sagot nya. Sasagutin ko na sana ulit sya ng madaanan namin ang MCDO.

 

May naalala na naman ako. Sya na naman. Kailan ba hindi? Simula nung nagkita kami, nagkakatext kung minsan at nagsama, palagi na syang laman ng utak ko. Pinipigilan ko lang ang sarili kong puntahan sya. Kahit ang imessage sya ay hindi ko magawa. Natatakot kasi ako. Baka kapag ginawa ko yun, hindi nya naman ako pansinin. Masyado syang busy para sa mga ganung bagay. Kaya nakadepende nalang lagi ako sa tadhana. Sa kanya. Ayokong dumating ako sa puntong kukulitin ko sya para mapansin nya ako. Hindi na ako bata. Atsaka..

 

Paano kung for friendship lang talaga ang kaya nyang ibigay sa akin? 


 

So I'll sing, I'll wait

Stuck in the friendzone

Hoping that one day

You'll come along

Join me, 'cause I've been slowly falling

So I'll sing, I'll wait

Stuck in the friendzone

Oh, ooh, ooh, ooh

Ooh-ooh, ooh-ooh-ooh-ooh

Ooh-ooh, ooh, ooh, ooh, ooh


 

Kung hindi lang ako takot sa hampas ni Joy, kanina ko pa pinatay 'tong tugtog. Nananadya ata eh.



 

"Seulgi!" nagulat ako sa lakas ng pagtawag nya. Bakit naninigaw? "Kanina pa kita tinatawag. Tinatanong kita kung kumusta na si Yeji."

 

Ah

 

What if all, all you said to me

Was only just a dream?

Just another dream

I'm scared to fall, it's always been a fear

To be stuck in here, but I don't wanna leave


 

Nakarating na kami sa bahay nya. Binuksan nya ang pinto ngunit nanatili pa din akong nakatayo sa labas. Hindi pa din kasi kami okay ng aso nya. Nilingon ako ni Joy.

 

"Nasa kwarto ko si baby. Kinulong ko muna dahil nakakahiya naman sayo" sarkastikong sabi nya.

 

Pinasunod nya ako sa kanya papuntang kusina. Nagtungo sya sa ref at kumuha ng tubig. Nagsalin sya nito sa baso. Akala ko para sa kanya, nagtaka ako ng iabot nya ito sa akin.

 

"Kailangan mo yan. Kanina ka pa ata umiiyak" dahil sa sinabi nya, naramdaman ko  na naman ang panunubig ng mga mata ko. May kung anong bumubukol na naman sa lalamunan ko. Dali dali kong kinuha ang baso sa kanya at tuloy tuloy itong tinungga hanggang sa maubos. Hindi na ako iiyak. Napaupo ako. Naglakad si Joy papunta sa harapan ko. Tumitig.

 

Oo na ako na ang iyakin.

 

"What did I tell you?"

 

Alam ko ang ibig nyang sabihin.

 

Don't rush. Dont like her too much yet.

 

"H-hindi ko kaya…" tuluyan na akong umiyak. Tinakpan ko ang mukha ko.

 

"I knew it. Ganyan ka dahil sa kanya. Simula nung dumating sya, palagi nalang okupado ang utak mo. Hindi ako nagkamali nung naisip kong posible kayong magkita nung sinabi sa akin ni Wendy na nasa ospital ka. At hindi ko alam kung anong nangyari sa pagkikita nyo bakit ka nagkakaganyan" patuloy pa din ako sa pag iyak. Naramdaman ko ang paglapit nya sa akin. Nilagay nya ang ulo ko sa dibdib nya. Doon ako nag iiyak. "Wala namang masama magkagusto. Pero Seulgi, Dont fall harder. Wag mo naman masyado ibigay ang puso mo sa kanya agad agad"


 

Masyado ba talagang mabilis? Nahulog ba ako agad? Minahal ko ba agad sya?

 

Hindi ko na alam.


 

"Look at me" sapilitan nya akong pinaharap sa kanya. Nasa magkabilang p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi