Chapter 2

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter


"Ate nandito na si mama!"


Naibaba ko ang notebook na binabasa ko nang marinig ko ang sigaw ni Yeji sa labas ng kwarto ko. Dali dali kong inayos ang mga kalat ko. Binalik sa loob ng box ang mga laman nito maliban kay Sarah G.

Napahagikhik ako. 

Ang corny ko nga nung elementary!  Sarah G talaga?  Pinatong ko muna ito sa table malapit sa kama ko.


Mamaya ulit.


Nang maayos ko na lahat, tumungo na ako sa pintuan at binuksan ito. Nakakunot noong Yeji ang nabungaran ko.


"Ang tagal mo dyan pero di ka pa nakakapagpalit?"

 
"Nagpahinga ako" sagot ko na lang. Tuluyan na akong lumabas. Sabay kaming bumababa ng hagdanan papunta sa kusina na alam kong nandoon si mama.


"Yung  sapatos mo nga pala naligpit ko na" mahinang sabi nya sa likod ko. Tumigil ako sa pagbaba at hinarap ko sya. Tinaasan ko sya ng kilay. Alam ko na to.


"Di ba sabi ko ako na?"


"Gusto mo bang pagalitan ka ni mama?"  sus style neto pambobo.


"Eh ano naman"


"Nakakahiya yun ate. Tanda tanda mo na napapagalitan ka pa" pagrarason na naman nya.


"Kung makatanda ka dyan! If i know may kapalit na namang yang pagmamagandang loob mo" pumalakpak sya bigla.


" Ang talino mo talaga Engineer Kang!" proud kunwaring bulalas nya. Nagpatuloy na sya sa pagbaba. Nilampasan ako. Sumunod naman ako sa kanya.


"Pwede naman kasing sabihin na lang. Ano na namang kailangan mo?" sabi ko. Hindi na ako makikipagtalo. Walang laban ang ate sa bunso sa mga ganitong pagkakataon.


" Yung Gcash ko pakilagyan ng kaunting tulong hehe" nagpapacute na sabi nya.


Sinasabi ko na nga ba. Bakit ba nagtanong pa ako? 


Nakarating na kami sa kusina. Nakatalikod si mama habang nagsasandok ng kanin. 


"Mama kami na dyan. Hoy Yeji yung mga baso uupo ka na agad dyan" lumapit ako kay mama at humalik sa pisngi nya. Nakita ko ang pagngiwi ni Yeji sa gesture na ginawa ko.


Ang arte talaga netong batang 'to!


Hindi kasi sya mahilig sa mga ganun. Corny daw. Tingnan lang natin kapag magkajowa na sya. Korni pala huh! Pero syempre hindi pa ngayon. Baby pa ang bunso namin. 


"Pare pareho lang tayong mga pagod kaya okay lang anak. Sandukin mo nalang yung ulam" utos ni mama.


"Si bunso hindi pagod. Sya nalang kaya gumawa lahat?" sinimangutan ako ni Yeji. Naglalagay na sya ng mga baso sa mga pwesto namin.


"Mama mo pagod"


"Pagod naman talaga si mama" natatawang sagot ko habang nagsasandok ng ulam.


"Mama si ate!" pag iinarte nya. Akala mo kung sinong api. Samantalang kanina ang lakas mang asar sa akin!


"Naglalambing lang yang ate mo bunso" tumatawa din si mama. Nilalapag na nya yung kanin sa lamesa.


"Yak!

"Yak"! pareho naming sigaw ni Yeji.


"O sya tama na yan. Kumain na tayo. Kanina ko pa kayo naririnig na nagbabangayan. Ikaw Seulgi umupo ka na dito" saway ni mama. Umupo na din ako.


"Si papa hindi uuwi?" biglang tanong ko pagkatapos ng maikling katahimikan.


"Doon muna daw sya sa shop" sagot ni mama.


May printing shop kasi kami doon sa bayan na pinatatakbo nina papa. Actually, kay kuya talaga iyon. Pinatayo nya yun nung dito pa sya nagtatrabaho sa Pilipinas. Nung nag asawa na sya, tuluyan nya na itong binigay kina mama. Sinadya nyang iwan ng negosyo ang mga magulang namin bago sya magkapamilya at doon tumira sa ibang bansa.


Taray American Citizen na pala yung kuya kong umiiyak dati sa namatay nyang sisiw!


"Tutulong ako dun mama" suggestion ni Yeji. Sa wakas may maganda ding nasabi si bunso. Okay lang naman yun dahil magsasummer na. Wala na silang pasok. Mabuti yung may pinagkaka abalahan sya kesa naman tumambay lang sya dito sa bahay at guluhin ako.


"Sigurado ka? Baka di mo kayanin dun" nag aalalang sambit ni mama. Nung bata pa kase si Yeji palagi syang inaatake ng hika. Kaya as much as possible hindi sya namin pinagagawa ng mga mabibigat na bagay.Ilang taon na din syang hindi inaatake pero gayunpaman, nag iingat pa din si mama. 
Hindi lang naman kasi puro pagpiprint ang ginagawa sa shop. Naglagay na din si mama ng mga school supplies  at nagpundar na din sya ng xerox machines. Malapit kase sa school at iba pang establishments yung pwesto ng shop doon. Kaya malaki talaga ang kinikita ng negosyo namin. May limang computer na din doon na minsan kulang pa dahil sa dami ng nagpapaprin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi