Chapter 11.5

Kahit Bata Pa Ako
Please Subscribe to read the full chapter

Tubig. Kailangan ko ng tubig. Kanina pa nanunuyo ang lalamunan ko at mauubusan na ata ako ng laway sa kakalunok. Mas lalo pang dumagdag sa kaba ang matalim na tingin sa akin ng babaeng kaharap ko. Kanina pa sya nakatitig at hindi ko alam kung anong iniisip nya tungkol sa akin. Mukha syang pusa. Mataray na pusa. Ilang minuto nya na akong pinag-aaralan magmula nung lumabas si Doc para mag-ayos.

Matagal pa ba sya?

"Totoo nga" maya-maya ay bulong nya na narinig ko dahil sa sobrang lapit nya. Nakatayo kasi sya sa harapan ko habang nakaupo naman ako sa examination table.

"Y-yung?" alanganin kong iniwas ang mga mata ko sa kanya. Sumulyap ako sa pintuan kung saan lumabas si Doc. Ang tagal naman nya bumalik!

"Na para kang bata" aligaga kong ibinalik ang tingin sa kanya. Nagkibit balikat ito. "As claimed  by her" pinaloob ko ang mga labi upang pigilan ang pagngiti. Madalas ba nya akong ikwento dito sa katrabaho nya? Char!

"Sinabi nya yun?" mahina kong tanong. Ngumisi sya at pinagkrus ang mga braso.

"You guess" 

Inaasar nya lang ba ako?

"Hmm I cant blame her though" tumaas baba ang tingin nya sa kabuuan ko. Taena bakit ba sya ganyan? Ngumiti sya ng magtagpo ang mga mata namin. "Attractive" juskopo! Ganito ba talaga basta mga doktor? Sweet talker. 

"Jennifer" muntik na akong mapatalon sa gulat pagkarinig ko sa boses ni Doc. Di ko manlang namalayan na nakabalik na pala sya. Tumirik naman ang mata ng babaeng kaharap ko.

"God Rene! Stop calling me Jennifer. Jenny kasi!" reklamo nito. Pinagmasdan ko ang unti-unting paglapit ni Doc sa amin. Maaliwalas na ang mukha nya kaysa kanina. Wala na syang suot na blazer. Naka tshirt nalang sya at mas lalo pa syang gumanda sa paningin ko ng mapansin kong wala na ang kanyang make-up. Kainis!

"Im not sorry" bumigat ang paghinga ko ng dahan dahan nyang hawakan ang braso ko na may bandage. "Still hurt?" umiling ako. Actually, mahapdi sya pero tolerable naman. Isa pa-

"Jusko naman Doc Irene! Ang layo layo sa bituka nyan kung makapagtanong" natawa ako sa sinàbi ni Doc Jen. Tama naman sya. Kahit ilang beses ko nang sinabi sa kanya na okay lang ako talagang desidido na sya na dalhin ako dito.

"Even so mas mabuti na yung sigurado" napausog ako ng bigla syang tumabi sa akin. Kaya naman siguro nitong table nila ang dalawang tao di ba?

"You really brought her here just to be sure yeah?" nilibot ni Doc Jen ang paningin sa apat na sulok ng examination room. "Akala ko kung ano nang emergency"

"Paano kung nagkapilay?" hindi nagpapatalong sambit ni Doc. Kanina pa hindi normal ang paghinga ko dahil nasa braso ko pa din ang mga kamay nya.

"Aminin mo nalang na masyado kang nag-aalala sa Engineer mo" namula ako. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit nya.

"Jennifer, remember your rounds?" parang natauhan naman ang kausap. Nanlaki ang mga mata nito at napatakip pa ng bibig.

"Oo nga pala. ." mabilis itong tumakbo palabas. Naiwan kami ni Doc.

"What did she tell you?" napalingon ako sa kanya. Kailan ko kaya malalabanan mga titig nya?

"Wala naman" maikli kong sagot. Nahihiya pa din ako dahil sa nangyari kanina.

"God! Hey are you okay? Look at me" hinawakan nya ang magkabila kong pisngi gamit ang malalamig nyang palad. "Please talk to me" nakita ko ang pangingilid ng luha nya. Pinunasan ko ito gamit ang nanginginig kong kamay.

"Thank you. Thank you for saving me" at hindi ko na napigilan pa na yakapin ang taong nagligtas sa akin. Dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso nya sa kabila ng maiingay na busina ng mga sasakyan. Nakakatakot pala ang malagay sa ganitong sitwasyon. Nakakatakot na muntik na akong mamatay. Nakakapanginig. Nakakapanghina. Ang hirap huminga. Mas lalo kong ibinigay sa kanya ang bigat ko. Mas lalo ko syang niyakap. Mahigpit. Nakakakalma ang tibok ng puso nya.

"Im here Seulgi-yah" napapikit ako. Ilang minuto yata kaming nakaupo habang magyakap bago ako nakabalik sa tamang pag-iisip! Tahimik na din at tanging mahinang tugtog na lamang sa loob ng bar ang naririnig ko. Wala na din yung mga busina. Iginala ko ang mga mata sa paligid habang nasa bisig pa din ni Doc ang ulo ko. Wala akong nakikitang dumadaan. Madilim. Iilang nakaparadang kotse lang ang naaaninag ko. Saan ba ako nagsusu-suot? Teka bakit nga pala..nandito sya? Paano nya ako nakita?

"Pwede na ba kitang makita?" lumuwag ang yakap ko sa kanya. Hinawakan nya ako sa magkabila kong balikat. "Let me see you" dahan-dahan kong inangat ang tingin ko na sinalubong ng nag-aalala nyang mata. Nagulat ako ng bigla nyang ibaba ang suot kong jacket. Tila may inaasahan syang makita sa katawan ko! Juskopo! "" bulong nya nang makita nya ang gasgas sa bandang siko ko. Nagasgasan ang suot kong jacket kayat naapektuhan din nito ang balat ko. Nagkasugat. Nabalatan ata pero hindi naman grabe.Tsaka ko lang tuloy naramdaman ang hapdi. "Masakit?" tumango na lamang ako. Jusko naman sana walang dugo! Chineck din nya ang binti at mga paa ko hanggang sa bumalik na naman sa mga mata ko. " How about your head?" tanong nya habang nakahawak sa ulo ko. 

"W-wala namang masakit" parang nakahinga naman sya ng maluwag. "Ikaw?  M-may masakit ba sayo?" kinuha ko ang kamay nya at ginaya sya sa ginawa. Natigil ako ng pagsiklupin nya ang mga daliri namin. Ang lamig ng kamay nya!

"Im fine"

"Ang lamig ng kamay mo" mas lalo nyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Yours warm anyway" tinulungan nya akong tumayo. Si Jin nga pala! Hinanap ko sya sa paligid."Lets go I'll take you to the hospital" 

Hospital? 

"Bakit Doc okay naman" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko ang pagiging seryoso ng itsura nya.

"Just in case…"

Tinanong ko sya kung nasaan si Jin habang nasa byahe kami papunta dito. Umuwi na daw. May nakaaway daw ang lalaki sa bar. May sinabi daw kasi ang nakaaway na hindi nagustuhan ni Architect kaya nagkaroon ng munting sapakan sa dalawa. 

"Hes always like that.  Hindi nagpapatalo".

"Engineer" nabalik ako sa reyalidad ng tawagin nya ako. Tutok na tutok na naman sya sa akin. Ang puso ko!

"Huh?" nakita ko na naman ang mabilis nyang pagsulyap sa nanunuyo kong labi. Nakalimutan kong nauuhaw nga pala ako.

"Wait for me here. I'll get water" bumaba na sya at nagsimula nang lumakad paalis. Iiwanan nya talaga ako dito?

"Babalik ka naman agad diba?" hindi ko na naitago pa ang nararamdaman kong takot. Syempre hospital kaya to! Hatinggabi na at alam kong tahimik na sa labas. Nilapitan nya ulit ako at sa pangalawang pagkakataon ngayong gabi, naramdaman ko na naman ang mga palad nya sa pisngi ko.

"Mabilis lang ako. Dito ka lang okay?" pinanggigilan pa nya ang kawawa kong pisngi bago nya bitawan. Pasalamat na lang talaga at malambot kamay nya! Sinundan ko na lamang sya ng tingin hanggang sa paglabas. Hinawakan ko ang pisngi ko at dinamdam ang bakas ng mga palad nya. Baliw na nga talaga ako! Nahagip ng paningin ko ang cellphone ko sa gilid na umiilaw. Oo nga pala nailapag ko ito bigla kanina kung saan pagkatapos nung tawag ko kay mama. Nagulat kasi ako kanina kay Doc Jen.

 

From Yerima:

            Akala ko ba tatawag? Walang Engineer Kang dito😑

Me:

       May nangyari kwento ko bukas

From Yerima:

            👀👀👀👀👀

Abat gising pa sya? Sabagay magbabantay nga pala sila pero pwede namang palitan sila doon.

Me:

      Wala bang iidlip manlang dyan sa inyo?

From Yerima:

            Okay lang basta may alak!

Me:

        HOY!

From Yerima:

            Corny mo dad! Nandito sina PM sabi nila nageenjoy ka daw with the Supervisor psh akala ko ba si Doc?

Me:

     Hindi totoo yan. Hintayin mo kwento ko!

From Yerima:

            Ang daya sila enjoy kami di manlang hinatiran kahit isang basong mojito!

Siraulo talaga 'tong batang ito! Nagtatype na ako ng irereply ng biglang dumating si Doc.

"Drink your water na" sinend ko muna kay Yeri yung reply ko bago ko kunin ang basong may lamang tubig mula sa kanya. Nakita ko ang pasimpleng pagsulyap nya sa cellphone ko.

"Si Yeri" nagulat din ako sa sarili ko kung bakit kailangan ko pang sabihin yun. Uminom na lang ako. Sunod sunod ang nagawa kong paglagok. Guminhawa ang pakiramdam ko pagkatapos. Grabe masama talaga sa pakiramdam kapag kulang ka sa tubig!

"Natuloy pala sya sa company nyo?" tanong nya habang pinupunasan ang gilid ng labi ko. Sabihin nyo paano ako sasagot? Kinuha nya ang baso sa kamay ko at ipinatong ito sa maliit na table katabi nitong inuupuan ko. Kanina pa sya walang pakialam sa distansya naming dalawa. Aware kaya sya?

"Oo. 2 weeks na"

"I remember.." hinihintay ko pa yung kasunod ngunit binigyan nya lamang ako ng mapaglarong ngiti.

"You remember?"

"You didn't pull some strings right?" nanlaki ang mata ko sinabi nya.

"Hala hindi!" napasigaw pa tuloy ako. Pero naaalala pa pala nya yun?

"Ssshh" natatawang saway nya. Tinakpan nya din ang bibig ko. "May pasyente sa kabilang room Engineer" bulong nya. Tinanggal ko ang kamay nya sa bibig ko.

"I swear Doc wala akong ginawa. Talagang natanggap sya sa company namin" pagsusumbong ko. Hininaan ko na din ang boses ko. Para tuloy kaming may ginagawa na kung ano dito. Napatingin ako sa kamay naming magkapatong.

"I was only joking. I know you won't do that" binalik ko ang tingin sa kanya at tsaka ko lang narealize na ang lapit ng mga mukha namin sa isat isa. Hindi ko na ramdam ang pamamanhid ng mga paa ko dahil sa paraan ko ng pag upo. Nakatiklop ang isa kong binti habang nakab

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Hi_Bae23 #1
author baka naman may p update ka po hehe
Moksy23
#2
Chapter 46: miss kuna to!! bake nmn otor 😭
gizayle #3
when po ulit update, otorrrr? miss ko na sila 😭
cht1bdiputsz69 #4
Chapter 24: txnginx authornim!! ang sakit kay Joy!😭😭😭
KangRenJun #5
Chapter 38: Hi authornim baka naman alam nyo po kung saan merong eng sub nung kanta hehe wala kasi akong mahanap sa YouTube at gogol e. TIA
Goeynceilove
35 streak #6
Chapter 46: Ahhhh akala ko angst na
Mabuti nman Author-nim KILIG pa rin sya 🐻🐰😘😘😘
BlcknWhtKeys
#7
Chapter 46: Akala ko matuluyan na yung drama. Hahaha. Pero hinihintay ko talaga yung kasunod nung nawala si doc. Wait… parang flashback ba to, sorry, medj naguguluhan lang ako😵‍💫😵
KangRenJun #8
Chapter 33: Putangama!!!!!!!! Bakit may pagkandong ante!!???
KangRenJun #9
Chapter 30: Parang mahihimatay na ako sa kilig 😭😭
KangRenJun #10
Chapter 29: Doc ano ba talaga tayo?? Ganyan dapat Seulgi