June 05,2007
Kahit Bata Pa AkoJUNE 05,2007
Ahhhhhhhhhhhhh
Alam mo ba Sarah G alam ko na pangalan ni ate Dancer?
Sabe saken ni Wendy kapag daw nagtagpo kayo ng taong hinahangaan mo sa malayo eh meant to be daw kayo. Ibig sabihin ba nun meant to be kami ni Ate...
ni Ate Irene??
Wahhhh ang ganda nya na nga maganda pa pangalan nya at higit sa lahat MAGANDA SYA!
Kagome koooooooo!!!
Ganito kase yun Sarah G. Kanina cleaners ako. Sabe kase ni Mam by row daw ang cleaners kada araw. Eh Martes ngayon tapos Group 2 ako kaya ayun cleaners ako! Inutusan kami ni Mam na magbunot ng sahig. Bagong floorwax daw kase pakintabin daw namin. Nagprisinta ako dahil gusto ko maimpress sa akin si Mam! Para maganda yung feedback na isusulat nya sa likod ng card ko diba? Ako nga lang yung tanging babae na naglalampaso yung tatlo mga boys na. Dalawa lang naman kase kaming babae eh parang ayaw naman ni Joy kase nagwalis na daw sya edi wag! Natatakot lang atang mapawisan hmp!
Focus na focus ako sa pagkiskis ng sahig gamit ang bunot. Pawis na pawis na din ako. Panigurado papagalitan ako ni mama kapag nalaman nyang natuyuan ako ng pawis. Pero hayaan mo na!
Para din naman to sa kanila eh! Ayaw ba nilang makabasa ng magandang feedback tungkol sa maganda nilang anak? yieeeee
So ayun na nga. Naramdaman kong may pumasok ng room. Hindi ko nalang tiningnan kase busy nga ako. Baka bumalik na si Mam lumabas kase sya kanina ewan kung saan nagpunta.Kasalukuyan kong nilalampaso yung sahig malapit sa teachers table.
Pero mga ilang segundo lang nanuot sa ilong ko ang pamilyar na amoy.
Amoy Grade six!
Dali dali kong inangat ang ulo ko sa pagkakayuko at muntik na akong matumba nang makaharap ko sya
Si Ate Dancer
Mabilis nya akong inalalayan
Comments